Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 399 - Pagtataksil!!

Chapter 399 - Pagtataksil!!

"...Ang prutas na ito ay maaaring maglinis ng katawan at epektibo para sa mga nasa True Lord Rank. Sa iyong kasalukuyang estado, isang prutas lamang ay magbibigay sa iyo ng 50% na tsansa na umangat ng lebel.

Nanigas si Zhao Feng, at malamig na pawis ang nagsimulang mamuo sa kanyang likod.

Kahit na mabait ang boses ng babae at sinagot ang kanyang katanungan sa isip, hindi niya naramdaman ang babae at ito ay ilang dosenang yarda lamang ang layo sa kanya.

Siyempre, ito ay marahil wala itong kagustuhan na patayin siya o kaya niyang kontrolin maigi ang kanyang sarili.

Kasabay nito, ang sobrang pamilyar na aura ang lumitaw.

Lumingon si Zhao Feng at tinignan ang babae naka kulay berde na para bang walang mali.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay naupo sa balikat ng babaeng nakakulay berde na damit at malugod siyang tinignan.

Ang munting magnanakaw na kuting!

Tumalon ang puso ni Zhao Feng kasabay nang pagpasok ng iba't-ibang ideya.

Ang loob ng misteryosong kanyon ay hindi maliit, at ang kalupaan ay komplikado. Halatang siya ang target ng babae noong nanggaling ito sa gilid.

Ang solusyon ay alam ng lahat.

Kung wala ang tulong ng munting magnanakaw na kuting, paano iyon magiging madali para sa kanya?

Ang diyosa na nakaberdeng damit ay sinuri si Zhao Feng: "Ikaw ang amo ng munting magnanakaw na kuting? Hindi ka kabilang sa tatlong malalakas na pwersa ngunit nagawa mong pumasok sa Purple Saint Ruins. Kawili-wili.

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng. Ang cultivation ng babae ay umabot na sa huling yugto ng True Lord Rank at mas malakas pa kay Chi Gui. Mukhang lagpas siya sa limitasyon ni Zhao Feng.

Nahulaan ni Zhao Feng ang kanyang pagkatao. Noong pumasok siya sa kanyon, ang pangalang 'Ye Yanyu' ay binabanggit ng mayroong respeto at pagmamahal.

"Aking munting magnanakaw na kuting, bakit mo ako pinagtaksilan? Kailan kita hindi trinato ng tama?"

Hindi na pinansin ni Zhao Feng si Ye Yanyu at malamig itong sinabi sa munting magnanakaw na kuting.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay kinaway ang kanyang paa patungo kay Zhao Feng sa hindi pagsang-ayon bago iyo tamad na humiga sa balikat ng babae.

Ngumiti si Ye Yanyu: "Ang kuting na ito ay matalino at mayroong antigong bloodline. Pinilit mo itong pumirma ng blood pact sa iyo noong bagong panganak pa lamang ito at mahina. Paano siya magiging tapat sa'yo?"

Natigilan si Zhao Feng at inisip kung paano siya tinulungan ni Li Fuluan mula sa Floating Crest Palace na papirmahin ang munting magnanakaw na kuting sa blood pact.

Sa sandaling ito, ang munting magnanakaw na kuting ay nagdala ng makapangyarihang kalaban sa kanyang amo. Kahit na paano niya ito tignan, makikita sa puso niya ang pagtataksil.

"Ano naman? Ang munting magnanakaw na kuting ay aking spiritual pet. Dahil alam mo pumirma ito ng blood pact sa akin, gusto mo bang pwersahan itong kuhanin sa akin?"

Malamig na ngumisi si Zhao Feng.

Ang blood pact ay isang napakalakas at maaaring kontrolin ang buhay at kamatayan.

At sa puntong ito, kung mamamatay si Zhao Feng, mapipinsala rin ang munting magnanakaw na kuting.

Malaiban na lamang kung alisin mismo ni Zhao Feng ang blood pact.

Alam ito ni Ye Yanyu, ngunit nagpunta pa rin siya kasama ang munting magnanakaw na kuting, mukhang may plano siya.

"Basta sabihin mo sa akin kung paano ka nakapasok sa Purple Saint Ruins at tanggalin mo ang blood pact sa munting magnanakaw na kuting, hindi kita pahihirapan at sa halip ay irerekomenda kita sa Pure Moon Spiritual Sect. Sa iyong talento at cultivation, magiging inner disciple ka at may tsansa ka na maging core disciple."

Ngumiti si Ye Yantu at sinabi ito.

Ang kanyang boses ay banayad at ang kanyang mata at ang 'paggamit ng pwersa' ay napunta sa pagtulong kay Zhao Feng.

Siyempre.

Sa karamihan ng mga henyo kabilang si Zhao Feng, ang pagpasok sa Pure Moon Spiritual Sect ay malaking bagay.

Ang isang two and half star ay higit sa sampung beses na mas malakas sa Ten Great Clans ng Azure Flower Continent.

Ilan sa mga tauhan ng clans o ng Pure Moon Spiritual Clan ay mayroong kalakasan ng Scarlet Moon Demonic Religion.

"Una, ang pagpasok sa Purple Saint Ruins ay isang aksidente na maging ako ay hindi alam ang dahilan, kaya hindi ko masasabi sa'yo."

"Ikalawa, ang munting magnanakaw na kuting ay aking spiritual pet. Hindi ko ito ibibigay sa kahit na sino."

May katiyakan na saad ni Zhao Feng.

Ito ay lalo na sa ikalawa dahil sa sandaling mawala ang pact sa kanila ng munting magnanakaw na kuting, kakalabanin na siya ni Ye Yanyue ng walang pag-aalala.

Sa kasalukuyan.

Gustong-gusto ni Ye Yanyu ang munting magnanakaw na kuting at maingat niyang nilalabanan si Zhao Feng.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay gumawa ng ilang aksyon kay Ye Yanyu.

"Oh? Gusto mong mawala ang blood pact kahit na mamatay ka pa? Kalma, ipapagawa ko yan sa kanya."

Hinaplos ni Ye Yanyu ang ulo ng munting magnanakaw na kuting.

Hindi niya mapigilang maawa. Gaano kalupit si Zhao Feng sa munting magnanakaw na kuting para ilagay ang peligro ang kanyang buhay maalis lang ang blood pact?

Xiu---

Naging kidlat si Zhao Feng sa bilis at ng-iwan ng afterimage.

Sa sumunod na sandali, pumunta siya sa kagubatan at naglaho.

Takbo!

Alam ni Zhao Feng na umabot na sa huling yugto ng True Lord Rank ang cultivation ni Ye Yanyu at higit na mas malakas sa Flooding Lake City Lord, mulhang kalebel ito ang Deputy Patriarch ng Iron Blood Religion. Wala siyang pag-asa sa labanan.

Shua!

Nagsimulang maglaho si Zhao Feng sa mga puno at bumuo ng Yin Shadow Doppelganger na pumunta sa kabilang direksyon upang guluhin ang kalaban.

Gayunpaman.

Noong tumakbo si Zhao Feng isa o dalawang milya, ang diyosa ay lumitaw sa harap niya at ngumuti.

"So, ito ang lakas ng isang late stage True Lord Rnk."

Nalaglag ang puso ni Zhao Feng.

Pinag-igting niya ang kanyang mga ngipin at nagpadala ng flower of ice at kidlat patungo kay Ye Yanyue.

Huang!

Ang mga kalapit na gubat ay nasira.

Nanigas ang ekspresyon ni Zhao Feng bago pa man bumagsak ang alikabok sa sahig.

Nanatiling nakatayo si Ye Yanyu sa puno at ang liquid bartier ay binalot siya.

Hindi lamang siya ang hindi napinsala, maging ang mg puno at dahon na malapit sa kanya.

"Ang atakeng iyan ay maikukumpara sa pinakamahusay na henyo…."

Nagulat si Zhao Feng.

Mukhang sobrang natuwa su Ye Yanyue sa reaksyon ni Zhao Feng.

Shu!

Nag-iwan ng afterimage si Ye Yanyu sa puno.

Hindi ito maganda!

Gagalaw pa lamang si Zhao Feng ngunit ang isang malambot na kamay ang pumigil sa kanyang balikat.

Isang alon ng Qi of True Spirit na kasing laki ng dagat ang agad na sumelya sa Qi of True Spirit sa kanyang katawan.

Miao miao!

Ang munting magnanakaw na kuting ay naghagis ng Mystic Snake Blood Whip at nahuli si Zhai Feng.

"Anong masasabi mo sa mungkahi ko kanina?"

Bahagyang ngumiti si Ye Yanyu.

"Hindi ako makapapayag."

May diin na sinabi ni Zhao Feng: "Kung gagamit ka ng rahas ay dadalhin ko ang munting magnanakaw na kuting sa aking hukay."

Kahit ano ang mangyari mayroong blood pact si Zhao Feng at munting magnanakaw na kuting at sa oras na pinirmahan ito, ang buhay at kamatayan ng spiritual pet ay nasa kamay ng kanyang amo.

"Maaari kang humiling ng kahit anong gusto mo hanggang hindi ito sobra-sobra. Siyempre, hindi kita pakakawalan hanggang hindi mo sinisira ang blood pact."

Naramdaman ni Ye Yanyu ang pagsakit ng kanyang ulo.

Ipinakita niya na ang lakas nuya at hindi makapalag ang kanyang kalaban.

Gayunpaman, mayroong alas si Zhao Feng na blood pact at ang malala pa ay kapag nagpakamatya siya.

"Anong gusto ko?"

Naramdaman ni Zhao Feng na natuwa ang kanyang puso, ang kanilang usapan at gumaganda at noong nakita niyang natuwa si Zhao Feng ay napa buntong-hininga si Ye Yanyu.

Lahat sa mundong ito ay may kabayaran, maging ang mga spiritual pets. Hanggang magbibigay si Zhao Feng ng kapalit ay maniniwala ni Ye Yanyu.

"Una, kailangan mo akong bigyan ng kaligtasan at hindi pigilan ang aking kalayaan gaya ng pagselya ng aking Qi of True Spirit o pagwasak sa mga buto ko."

"Ikalawa, kung ano ang makuha ko dito ay akin. Kapag kailangan ko ng tulong mo ay tutulungan mo ako.

Ikatlo, matapos nating umalis dito ay kailangan mo akong gawing disipulo sa Pure Moon Spiritual Sect."

Sinabi ni Zhao Feng ng mga kagustuhan niya.

Agad na pumayag si Ye Yanyu sa una. Sa kanyang mata ay hindi makakatakas si Zhao Feng sa kanyang mga kamay.

"Hindi ko pipigilan ang iyong kalayaan, ngunit hindi ka maaring lumayo ng tatlong milya sa akin."

Saad ni Ye Yanyu.

Pumayag din siya sa ikalawa ngunit sinabi niya na tatlong beses niya lamang tutulungan si Zhao Feng.

Tungkol naman sa gantimpala, kapag nakuha ito ni Zhao Feng sa sarili niya lamang ay hindi siya makikialam. Halimbawa, ang Sky Dark Pearl Fruit King ay kay Zhao Feng.

Ang ikatlo ay gusto niya rin.

Si Zhao Feng ay pumasok sa Purple Saint Ruins at ang mga elders sa sekta ay kailangan itong imbestigahan.

Isa pa, kapag nasa kamay na si Zhao Feng ng nga Elders, marahil ang blood pact ay madali na ring mawawala. Sa sandaling iyon ay na kay Ye Yanyu ang pabor.

"Panghuli, sisirain ko lamang ang blood pact kung gagawin mo lahat ng aking sinabi at gusto rin ng munting magnanakaw na kuting."

Sinabi ni Zhao Feng ang kanyang mga kondisyon at pumayag si Ye Yanyu ngunit may ilang binago.

"Munting magnanakaw na kuting, pakawalan mo na ang dati mong amo."

Ngumiti si Ye Yanyue at sinadyang bigyn ng diin ang salitang 'dati'.

Walang ekspresyon si Zhao Feng at si Ye Yanyu ay inalis na ang selyo ng kanyang Qi of True Spirit at si Zhao Feng ay agad n umalis matapos makuha muli ang kanyang kalayaan.

"Kahit hindi masama ang iyong bilis, wala ka pa ring tsansa sa akin."

Pagbabanta ni Ye Yanyu.

Hindi na nag-abala pa si Zhao Feng na sumagot at siya ay bumalik sa bundok at naupo.

Kinuha niya ang Sky Dark Pearl Fruit King.

"Anong ginagawa mo?"

Natigilan si Ye Yanyu.

"Ako ay mag seseklusyon."

Kinain ni Zhao Feng ang Sky Dark Pearl Fruit King at sinara ang kanyang mata upang mag cultivate.

"Seklusyon?"

"Gaya ng iyong sinabi, mayroong akong 50% na tsansa na umabot sa huling yugto ng True Mystic Rank sa pagkain ko ng Sky Dark Pearl Fruit King at ikaw… po-protektahan mo ako."