Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 384 - Ang Pagnanasang Pumatay ni Zhao Feng

Chapter 384 - Ang Pagnanasang Pumatay ni Zhao Feng

Ang oras ng paglitaw ng Seven Sword Inheritances ay labis na maiksi at nawala mula sa sinaunang arena matapos na kumuha ng dalawang henyo lang.

Maraming mga True Dragon Genius lalo na ang mga nagkucultivate sa Dao of the Sword ang nagsisisi, galit, at tumingin kay Xia Xianshang nang may poot.

Si Xia Xianshang ay napinsala para hayaan si Cang Yuyue na makapasok sa Seven Sword Inheritance kahit na ang kaniyang mukha ay maputla, tumingin siya nang masaya sa mas matandang henerasyon ng Ten Thousand Sword Clan.

"Ang mga puwang ng Seven Sword Inheritance ay palaging kaunti, karaniwan lanng para dito na dalawa lang ang payagang makapasok."

"Inisip ni Xianshang ang pangkalahatang sitwasyon at nagbigay ng daan para kay Yuyue. Karangalan ng ating Ten Thousand Clan ang makakuha ng puwang."

"Ang mahalagang puwang na ito ang maaaring makapagbago ng kapalaran ng Ten Thousand Clan.

Ang mga elder ng Ten Thousand Clan ay nasiyahan.

Noon ay nakapasok si Sword Saint Ye Wuxi sa Seven Sword Inheritance at naging pinakamalakas na cultivator ng Sword. Kahit ang Scarlet Moon Religion Patriarch ay hindi mapakali sa kaniya.

Gayunman, ito ang ikalawang beses na lumitaw ang Seven Sword Inheritance sa mga nakaraang libo libong taon. Makikita rito ang pagiging hindi pangkaraniwan nito.

"Kahit sino sa Four Great Inheritances ang kayang makagawa ng alamat at mabago ang sitwasyon ng kontinente."

Ang Mystic Ice Queen ay tumingin sa inheritance shadowing ng Mystic Ice Inheritance.

Pagkaalis ng Seven Sword Inheritance ay ang Mystic Ice Inheritance na ang pinakamalakas ngayon.

"Bing Wei, kailangan mong sulitin ang pagkakataong ito."

Ang Mystic Ice Queen na nasa Origini Core Realm ay hindi maiwasang mag-alala at labis na umaasa.

Mayroong mahigit sa isang napakahusay na prodigy rito.

Halimbawa, si Zhao Feng at Xin Wuheng ay parehong naglalaban para sa Mystic Ice Inheritance at sa paglipat ng kanilang kapangyarihan sa lugar, sila ay mas malakas kaysa kay Goddess Bing Wei.

Ang Mystic Ice Queen ay labis na nag-aalalang si Zhao Feng ay mangingialam kapag bumaba na ang Mystic Ice Inheritance.

Ang dalawa ay magkalaban na ngayon.

Sa panahong ito...

Si Zhao Feng ay nakatayo sa lumulutang na arena na may 900 yardang anyo sa kaniyang likuran. Bukod pa kina Tu Tianhao at Xin Wuheng ay wala nang ibang maikukumpara sa kaniya.

"Kung walang Dao of the Soul Inheritance o Lightning Inheritance ay pipiliin ko itong Mystic Ice Inheritance."

Ang kaniyang mga mata ay nagningning nang tignan ang Mystic Ice Inheritance.

Kahit na labis na makapangyarihan ang Seven Sword Inheritance, wala sa limang napakahusay na prodigy ang naglaban para rito.

Syempre, kung mabigo si Taiyun Shuangzi, siguradong makakalahok siya sa kompetisyon at si Cang Yuyue ay hindi magkakaroon ng pagkakataong makalahok dito.

Ang kasalukuyang limang napakahusay na prodigy at halos walang alam sa mga espada at ang ibig sabihin nito at kahit na sila ay makapasok, magiging mahirap sa kanila ang lahat.

Wala talagang pinakamalakas na Inheritance, tanging ang mga pinakaangkop lang na inheritance.

Ang limang napakausay na prodigy at alam ito at hindi na nakipagkompetensya.

Gayunman, ang Mystic Ice Inheritance ay iba.

Hangga't nacultivate ng isang tao ang Dao of Water, Ice o malamig na elemental skills, lahat ay may pagkakataon basta't hindi nagcultivate ng Dao of Fire.

Bukod sa Shi Chengtan, lahat ay maaaring sumubok na lumahok sa Mystic Ice Inheritance.

Ang bloodline at God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay parehong kasalukuyang base sa yelo kaya ang Mystic Ice Inheritance ay angkop sa kaniya.

Ang Seven Sword Inheritance at Mystic Ice Inheritance ay parehong nangangailangan ng isang elemento, ngunit ang ilang Inheritance ay hindi na. Halimbawa, ang Heaven's Legacy Inheritance ay angkop sa bawat henyo at ang Scarlet Moon Inheritance at wala ring partikular na kailangan."

Nagptuloy si Zhao Feng sa pag-iisip.

Kung ang apat na Four Great Inheritances ay lumitaw, siguradong pipiliin niya muna ang Heavens Legacy Inheritance at pagkatapos ay ang Mystic Ice Inheritance at sunod ang Scarlet Moon Inheritance. Ang Seven Sword Inheritance ay hindi na kailangan ikonsidera.

Sa kasamaang palad, ang Heaven's Legacy Inheritance ay hindi dumating, at ang Scarlet Moon Inheritance ay nakuha na.

Ang ibig sabihin nito ay mas kaunti ang pagpipilian ni Zhao Feng.

Ang totoo, gusto niya ang isang Inheritance na may kaugnayan sa Dao of the Soul na pinakaangkop at pinakamalakas.

Gayunman, may iilan lang nga cultivator ng Dao of the Soul at mas hindi pa pangkaraniwan kaysa sa body strengthening.

Sa Azure Flower Continent, ang Dao of the Soul ay halos makalimutan na.

Mabagal na lumipas ang oras.

Pagkatapos iwan ng Seven Sword Inheritance ang dalawang inheritance na magkakonekta, nagdahilan ng pagdanak ng dugo at tanging sampung mga henyo lang ang nagtagumpay na makapasok.

Ang limang napakahusay na prodigy at hindi pa rin gumalaw at tanging maliit na bilang ng first tier na mga hanyo ang nakapasok.

Sa mga napakahusay na prodigy ay si Tantai Lanyue at Zhao Feng ay parehong tumingin sa Mystic Ice Inheritance habang si Yun Tianhao at Xin Wuheng ay minsan lang tumitingin.

Ang mga pinsala ni Goddess Bing Wei ay kakahilom lang nang makita niya ito, at biglang nanikip ang kaniyang dibdib.

Mukhang si Zhao Feng at Tantai Lanyue ay nagpaplanong mag-unahan sa pagpasok sa Mystic Ice Inheritance at si Yu Tianhao at Xin Wuheng ay may pagkakataon din.

Si Goddess Bing Wei ay lihim na nasaktan.

Si Tantai Lanyue at Zhao Feng ay pareho niyang kaaway.

"Zhao Feng, mukhang nagpaplano kang pasukin ang Mystic Ice Inhertitance? Bakit hindi tayo magsama para mawalan ng pagkakataon si Goddess Bing Wei."

Ipinakita ni Tantai Lanyue ang kalahati ng kaniyang binti at tinanong si Zhao Feng.

Sa ikalawang hakbang ng Sacred True Dragon Gathering, si Goddess Bing Wei at Tantai Lanyue at may sariling away at ang kaaway ng kaaway ay isang kaibigan.

Si Tantai Lanyue ay naghitnay sa sagot ni Zhao Feng nang umaasa at inosenteng mata.

Si Zhao Feng ay kasalukuyang isang elite ng mga napakahusay na prodigy at kasunod lang ni Yu Tianhao. Gamit ang anyo mula sa batong rebulto ay mayroon siyang kakayahang harapin si Yu Tianhao.

Kung magiging kasama niya si Zhao Feng, walang makakatapat sa kanila.

Kasabay nito ay siguradong makakapasok na si Tantai Lanyue sa Mystic Ice Inheritance habang isinasantabi si Goddess Bing Wei.

"Hindi."

Umalingawngaw ang boses ni Zhao Feng sa isip ni Tantai Lanyue.

Tinanggihan?

Si Tantai Lanyue ay labis na nagulat at ang kaniyang muka ay napuno ng pagtataka.

Kailangang malamang simula sa unang hakbang ng Sacred True Dragon Gathering, sinubukang tapusin ni Goddess Bing Wei si Zhao Feng at sa ikalawang hakbang ay sumama siya sa isang napakahusay na prodigy para patayin si Zhao Feng.

Sa hakang na ito ay sinubukan muli ni Goddess Bing Wei na patayin siya ngunit nabigo.

Sa pagsantabi na si Zhao Feng na hindi gumaganti, iniiwasan pa niya ang pagkakataong mapigilan siya?

"Si Zhao Feng ay malamig at walang emosyon. Bakit siya papayag? Hindi kaya... Mahal niya si Goddess Bing Wei?"

Ang bibig ni Tantai Lanyue ay nakabukas nang maisip ang posibilidad.

"Kahit mag-isa lang ako ay sapat na ito para mapigilan siya."

Dagdag ng isang mahinang boses.

Gustong sumagot ni Tantai Lanyue ngunit walang masabi.

Habang nakatingin sa youth na may malamig, kalmado at asul na buhok sa hindi kalayuan pati na sa kaniyang dominanteng boses, tila tumalon ang puso ni Tantai Lanyue.

"Ha-ha, kahit na ang Zhao Feng na ito ay mukhang malamig, siya ay may aura ng isang lalaki at ang kaniyang edad ay katulad sa akin sa mga apakahusay na prodigy."

Namula ang mukha ni Tantai Lanyue.

Si Tantai Lanyue ay iba kay Yu Tianhao. Siya ay labingpito hanggang labingwalong taong gulang at ito ang unang beses niyang makalahok sa Sacred True Dragon Gathering.

May ilang mga elder mula sa pamilyang Tantai at kasama rito ang isang magandang babae at isang matandang babae.

"Mukhang naantig ang puso ni Lanyue."

Isang ngiti ang lumitaw sa mukha ng magandang babae. Ang kaniyang cultivation ay nakaabot na sa half step True Spirit Realm. Ang matandang babae sa kaniyang tabi ay tumango at ang kaniyang aura ay nasa Origin Core Realm: "Ang Zhao Feng na ito ay hindi na masama. Mayroon siyang maharlikang eye bloodline at sa larangan ng talento, edad at cultivation, ay angkop para kay Lanyue."

Si Zhao Feng ay nasa lumulutang na arena at siguradong hindi alam na siya ay kaakit-akit para sa mga pangunahing pamilya.

Hindi lang pala ang pamilyang Tantai.

Kahit ang tatlong pangunahing pamilya ay tumingin kay Zhao Feng nang may nag-iinit na tingin.

"Ang mga may eye bloodline ay ang pinakaangkop para sa kasal. Third Elder, naalala ko mayroon kang apong babae."

"Ah, ang aking apo ay walumpung taon na at ang isa ay tatlong taong gulang lamang."

"Sa tingin ko ay masyado pang bata ang tatlong taong gulang. Ang aking apong babae ay kakasampung taon lang at may cultivation ng Sixth Sky of the Ascended Realm. Maaari niyang subukan."

Sa Sacred True Dragon Gathering na ito ay labis na maliwanag ang ipinamalas ni Zhao Feng at ang kaniyang eye bloodline ay may mga bakas na nakahigit sa tatlong pangunahing pamilya.

Ang mga makapangyarihang bloodline ay isang bagay na nais ng bawat pamilya.

Weng~

Sa lumulutang na arena ay isang makapangyarihang malamig na aura ang nagpalayo sa mga inheritance shadowings.

"Ang Mystic Ice Inheritance ay gumagalaw."

Bumilis ang tibok ng puso ng mga True Dragon Genius at pinigilan ang kanilang hininga.

Nang makitang mas naipon ang Mystic Ice Inheritance, si Zhao Feng, Tantai Lanyue, at Goddess Bing Wei at tila naghanda at ganoon rin ang apat o limang ibang mga henyong nasa first tier.

"Diyos ko, mayroong tatlong napakahusay na prodigy na nag-aagawan sa Mystic Ice Inheritance nang sabay."

Nakita ito ang ilang True Dragon Genius at biglang tumakas.

Hindi nagtagal.

Isang kumikinang na pinto mula sa Mystic Ice Imheritance ang dumugtong sa mga hagdan.

"Ang Mystic Ice Inheritance ay pinakaangkop sa akin."

Huminga nang malalim si Goddess Bing Wei at bilang ipinalaganap ang kaniyang Qi of True Spirit at bloodline power habang lumilipad papunta sa hagdan.

Kasabay nito ay sumugod papunta sa hagdan si Zhao Feng at Tantai Lanyue.

"Siguradong pipigilan ni Zhao Feng si Goddes Bing Wei at sa pamamagitan nito ay makakapasok na ako sa Mystic Ice Inheritance."

Malabo ang puso ni Tantai Lanyue.

Siya ay halatang masaya na makapasok sa Mystic Ice Inheritance kasama ang taong gusto niya.

Yet.

Hindi niya alam na may may ibang plano si Zhao Feng.

"Hahayaan kong makapasok si Goddess Bing Wei sa Mystic Ice Inheritance at pagkapasok ko ay papatayin ko na siya."

Napuno ng pagnanasang pumatay ang mga mata ni Zhao Feng.

Ilang beses na siyang pinagtangkaang patayin ni Goddess Bing Wei at hindi niya lang hahayaan ito.

Sa halip na pigilan niya ito ay bakit hindi na lang niya ito patayin?

Ito ang dahilan kung bakit hindi siya sumama kay Tantai Lanyue.

"Sa kabilang bansa ay kailangan ko pang pigilan si Tantai Lanyue na makapasok sa Mystic Ice Inheritance dahil limitado lang ang mga puwang. Walang kahit anong ebidensya sa aking pagpatay kay Goddess Bing Wei sa Inheritance at ayon sa bilang ng mga namamatay na henyong nakapasok sa mga inheritance, mas mataas sa 50 porsyento ang pagkakataong mamatay."

Narinig ni Zhao Feng mula kay Deputy Patriarch na mapanganib na pumasok sa mga inheritance.

Ice Lightning Mystic Flower.

Si Zhao Feng ang pinakamabilis at ang unang nakarating sa hagdan at umatake.

Boom!

Ang lakas ng napakahusay na prodigy kasama ng intent ng pababang anyo ay napuwersa ang mga nakapaligid na True Dragon Genius na umatras.

"Bam... arggggg!"

Ang mga nakapaligid na henyo ay umatras at marami sa kanila ang dumura ng dugo.

Related Books

Popular novel hashtag