Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 382 - Koneksyon ng Inheritance

Chapter 382 - Koneksyon ng Inheritance

Peng!

Ang bilis ni Zhao Feng ay biglang tumulin at iilan sa mga True Lord Ranks ay hindi na makita ang kanyang kilos.

Natulala si Goddess Bing Wei.

Ang mental energy intent mula sa Sky Stone Statue aya napakalakas at kahit matagal nang namatay ang may-ari nito, ang natitira nitong intent ay nagbigay pa rin kay Zhao Feng ng isang misteryosong kapangyarihan.

Bawat isa sa mga estatwang bato ay kumakatawan ng isang mito, ng isang kuwento, ng isang alamat.

Mula sa kanila ay napakaraming tier na nagmumula sa ilang dosenang yarda hanggang sa isang daang yarda at may mga nasa tatlong daan rin.

Ang pinakamalaking Sky Stone Statue ay umabot ng 1,000 yarda at noong buhay pa ang kanilang mga may-ari, ang kanilang kapangyarihan ay hindi masusukat. Kahit na nasawi na sila, kaya pa ring manaog ng kanilang kalooban sa loob ng napakatagal na panahon.

Ang anyo na nasa likod ni Zhao Feng ay walang duda na isa sa pinakamalakas.

Ang malademonyong malaking anino na may itim na kaliskis sa kanyang likod ang siyang nakapagpanginig sa ibang nalalapit na anyo.

Halimbawa, ang anyo ng ice goddess ni Goddess Bing Wei ay patuloy na nanginginig at ang kapangyarihang nagagamit niya ay bumaba nang higit.

"Nakakatawa, talagang tarantado…."

Ang mukha ni Goddess Bing Wei ay punong-puno ng hiya. Nang tumingin siya pataas ay nakita niya ang nasa pagitan ng mga binti ng kabataang kulay asul ang buhok at wala man lang paki si Zhao Feng sa kanya. Subalit, nakita niya ang pang-unawa sa mga mata ng lalaking ito habang nakatayo nang pirmi.

Ang kapangyarihan ng transferring of space ay naglalaman ng impormasyon at enerhiya na isang daan o libong beses pang mas malalim kaysa sa kanyang Lightning Inheritance.

Ang kakaiba nga lang ay sapagkat ang impormasyon at enerhiya na ito ay nakapokus lamang sa henyo na binababaan nila kaya kahit gaano pa kalalim ito, mauunawaan pa ito ng henyo kahit kaunti lamang.

"Anong lakas ng kalooban na ito, ang battle skill at paraan ng paggamit ng lakas..."

Kakalaman lang naman ni Zhao Feng tungkol rito at kahit siya ay nagulantang.

Subalit, ang elemento ng Sky Stone Statue na ito ay hindi gaanong tugma kay Zhao Feng pero ang kapangyarihan nito at aura ay kayang tulungan si Zhao Feng sa kanyang mental energy state.

Sa loob lamang ng maiksing oras, ang mental energy level ni Zhao Feng ay tumaas nang higit higit at malapit na niyang maabot ang Peak True Mystic Rank.

Sa loob ng dimensyon ng kanyang kaliwang mata, ang naninigas na danaw at nagsimulang matunaw at ang mga alon ng tubig ay nagsimulang humaba hanggang 2.9 na yarda.

Ang laki o sukat ng naninigas na danaw ay may kaugnayan sa mental energy level ni Zhao Feng.

Ang True Human Rank level ay nasa loob ng isang yarda, ang True Mystic Rank ay nasa tatlo at pagkatapos ng tatlong yarda, yung ay mental energy level na ng isang nasa True Lord Rank.

Naramdaman ni Zhao Feng na ang kanyang God's Spiritual Eye ay may malapit na aura sa Sky Stone Statue na nasa likod niya, na para bang parehas sila ng aura.

"Zhao Feng, isa kang walang hiyang tarantado..."

Kinagat ni Goddess Bing Wei ang kanyang labi sa hiya at sinusunog na niya ang Qi ng kanyang True Spirit habang sumusugod kay Zhao Feng nang may nagliliyab na yelo.

Sinusunog ang kanyang Qi ng True Spirit!

Tumalon si Zhao Feng sa takot. Ang kanyang nagliliyab na yelo ay nagbibigay ng pakiramdam na tila sisirain nito ang buhay sa pagitan ng kanyang dalawang binti.

Bam!

Muling tinapakan ni Zhao Feng ang mukha ni Goddess Bing Wei at ang kanyang perpektong anyo ay muling napalipad ng ilang dosenang yarda habang dumudura siya ng dugo sa may ere.

Nang lumapag na si Goddess Bing Wei sa lupa, ang kanyang napakakinis na mukha ay nagkaroon ng namumulang marka ng isang paa at nasunog ito.

Gulat na gulat ang lahat ng mga True Dragon Geniuses na nasa floating arena.

Nakita nila kung paanong ang isang napakahusay na prodigy gaya ni Goddess Bing Wei ay tinatapak-tapakan lamang ni Zhao Feng sa mukha.

"Kung hindi lamang sa lakas ng Mystic Ice Palace, matagal na siyang namatay."

Nadidismaya na si Zhao Feng at naguhitan ang kanyang mga mata ng pagnanasang makapatay.

Ang pagsunog ni Bing Wei sa kanyang Qi ng True Spirit at paggawa ng nagliliyab na yelo ay nagbigay ng panganib sa kanya.

"Bing Wei, huwag kang padalos-dalos!"

Ang Mystic Ice Queen sa labas ng ancient arena ay napabulalas.

Nakita niya na ang pagnanasang makapatay sa mga mata ni Zhao Feng at kung hindi lamang dahil sa kalmado si Zhao Feng at nasa tamang pag-iisip, si Goddess Bing Wei ay hindi lamang ganito ang matatamo.

Sa pagkakataong iyon.

Ang paningin ng karamihan ay napunta sa kanya at ang anyo ng Sky Stone Statue na nasa likod ni Zhao Feng ay nangingibabaw sa lahat.

Ang ibang mga anyo na nasa likod ng True Dragong Geniuses ay ilang dosenang yarda lang ang haba o kaya nasa isang daan lamang.

Kahit si Yu Tianhao at Zhao Yufei ay may mga anyong nasa dalawa hanggang tatlong daan ang taas.

Nangangahulugan ito na ang dami ng benepisyong nakuha ni Zhao Feng ay mas marami kaysa sa iba.

"Maabot kaya ng Zhao Feng na ito ang unang puwesto?"

Hindi mapigilan ng ibang mga manonood na sabihin ito.

Sa loob ng floating arena, ang aura ni Zhao Feng, dragon blessing at anyo ng estatwang bato ay nangingibabaw sa lahat at pinamumunuan ang henerasyong ito at kahit ang iilang mga Sovereigns ay interesado kung mapapaalis ba ni Zhao Feng si Yu Tianhao sa kanyang posisyon.

"Siguro, Ang Sacred True Dragon Gathering ngayon ay sobrang kakaiba at ang huling bahagi ay hindi para sa rankings."

Wika ng Deputy Palace Lord na may tanong balat at nagsimula na siyang mag-isip.

"Zhao Feng? Hindi mo nga talaga ako nabigo."

Tumawa si Yu Tianhao sa halip na maging malungkot.

Ang dugo sa loob niya ay mukhang kumukulo na talaga at isang napakamakapangyarihang pagnanasang lumaban ang mararamdaman sa kanya na siyang kaanib ng anyong nasa 300 yarda na nasa likod niya.

Kahit ang nasa likod lamang na anyo ni Yu Tianhao ay hindi kasinglakas ng kay Zhao Feng, ang kanyang mental energy level at paniniwala ang siyang nagpahintulot sa kanya na maging katugma ang kapangyarihan ng transferring across space at kaya mas malawig ang kanyang pagkontrol.

Alone in the Heavens!

Lumipad si Yu Tianhao kaya napilitan ang mga nalalapit na henyo para umatras.

Kung kalooban lang naman at intent ang pag-uusapan, matagal niya nang nalagpasan ang pinakamalakas na sword intent sa Sacred True Dragon Gathering nang sampung beses pa.

Sa intent niya pa lamang ay kaya niya nang manakit ng mga henyo sa first tier.

Sa pagkakataong iyon, sina Tantai Lanyue, Shi Chengtian, Goddess Bing Wei at mga kasama nito ay sobrang nagulantang.

Walang kahit sinong mag-iisip na ang tunay na lakas ni Yu Tianhao ay ganito at may kakayahan pala itong walisin ang lahat ng nasa daan nito.

Walang kahit anong paraan para dumepensa laban rito at gumagamit pa siya ng hindi mapantayang opensa para durugin ang lahat ng nasa daan niya.

Nang kaharapin ang ganito kakampanteng paniniwala, nayanig ang puso ni Zhao Feng at halos magipit ng kanyang kalaban.

"Ang kasalukuyang bagong napakahusay na prodigy – lumapit ka at lumaban!!"

Naramdaman ni Zhao Feng na ang Sky Stone Statue sa kanyang likod ay binigyan siya ng dominanteng kapangyarihan.

Weng~

Sa parehong pagkakataon, isang trono ng yelo at anyo ang nagpakita sa likod ni Zhao Feng.

Sa pagkakataong iyon, may korono sa anyo at may hawak itong itim na ispada.

Sa kapangyarihang dala ng tranferring across space, ang bloodline ni Zhao Feng ay talagang lumakas.

Ice Lightning Raging Dragon!

Bulalas ni Zhao Feng habang nililipad ng hangin ang kulay asul niyang buhok, ang mundong nakapalibot sa kanya ay nabalot ng kidlat at yelo, sapat na upang mapatay ang mga normal na True Mystic Ranks.

Isang karumal-dumal na dragon ang nabuo mula sa yelo at kidlat na ito na mukhang kapareho halos ng itim na malademonyong dragon sa ilalim ng anyo ng estatwang bato pero mas nakasisindak lamang ang yelo at kidlat sa bagong dragon na nabuo.

Alone in the Heavens! Ice Lightning Raging Dragon!

Ang dalawang nakakatakot na kapangyarihan ay nagtama at halos mapantayan na nito ang kapangyarihan ng isang Peak True Lord Rank nang magkasagupaan ito at nagdala ng mga airwaves sa loob ng apat hanggang limang yarda.

"Ahhhh!"

Maraming mga hiyaw ang maririnig mula sa floating arena sapagkat may mga henyong minalas at sila ay napatay o kaya napinsalaan mula sa pagsasagupaan ng dalawa.

Ang palitan ng mga atake sa pagitan ng dalawang supremong mga prodigies ang siyang nagpaiwan at nagpatulala sa mga True Dragon Geniuses.

Ang mga manonood mula sa stand ng ancient arena ay nagkaroon ng diskusyon.

Matapos makatanggap ng atake kay Yu Tianhao, ang anyo ni Zhao Feng ay napaatras ng ilang dosenang yarda at pinilit niyang huwag dumura ng dugo.

Ang kanyang cultivation at pundasyon, pagkatapos ng lahat, ay talagang mas mababa a rin kumpara kay Yu Tianhao at kung hindi lamang sa transferring across space, marami pa siyang pinsalang matatanggap.

Teng!

Umatras rin naman ang anyo ni Yu Tianhao sapagkat namamanhid sa lamig ang kanyang katawan na siyang dahilan para hindi siya makaatake sa pangalawang pagkakataon.

Sa pagkakataong iyon, umabot na sa punto ang dalawa kung saan alam nilang malakas ang kanilang kalaban kung kaya wala muna sa kanila ang umatake.

"Si Zhao Feng ay umabot na sa punto kung saan kaya na niyang makipagsabayan kay Yu Tianhao."

Naninikip ang puso ni Mo Tianyi.

Hindi mabilang na mga True Dragon Geniuses sa floating arena ang siyang lumayo mula kay nila Zhao Feng at Yu Tinahao, takot sila na masaktan ng dalawang ito.

Weng~

Isang kakaibang pagnginig at makapangyarihang transferring across space ang biglang nagpatigil kay nila Zhao Feng at Yu Tianhao.

Ang ikapitong estatawa sa sampung Sky Stone Statues ay bumaba rin, isang anyo na may 700 yarda ang sukat at patungo kay Xin Wuheng.

"Hehe, kahit ang lalaking iyan ay lumabas na rin. Mukhang magbabanat na talaga ako ng buto."

Isang tawa ang umalingawngaw sa isip ni Xin Wuheng.

Sa likod ni Xin Wuheng, isang daoist na nakadamit ng robang lila ang may lilang ulap rin sa kanyang ulo at nakapatong sa isang hindi matukoy na nagliliyab na toro.

Tagumpay.

Nagpakita na rin sa wakas si Xin Wuheng ng bibihirang masayang ekspresyon. Sa loob ng mga normal na sitwasyon, wala naman siyang talento at bloodline kaya mahirap para sa kanya na makipag-usap sa sampung Sky Stone Statues.

Subalit, dahil pinangunahan ito ni Zhao Feng, nakahanap na rin siya ng paraan para makausap ang isa.

Nang matanggap na ni Xin Wuheng ang kapangyarihan ng transferring across space, ang sitwasyon sa floating arena ay muling nagbago.

Ang aura ni Xin Wuheng ay muling tumaas at naging kapantay halos ng kay nila Zhao Feng at Yu Tianhao pero higit pa ring mas malakas sa ibang normal na napakahusay na prodigies.

"Tatluhan?"

Ang mga Sovereigns na nasa entablado ay tumingin nang may interes,

Bumulong ang Deputy Palace Lord na may tansong balat: "Ang ikatlong bahagi ay mukhang hindi para malaman ang rankings kundi para makakuha ng blessing. Ano na kaya ang mangyayari sa susunod?"

Habang nag-iisip siya, ang floating arena ay biglang nagbago.

Wu~

Isang anino ng inheritance ang nagkaroon ng senyas ng pamumuo at nag-abot pa ito ng isang pinto sa ancient arena.

"Ano ang nangyayari? Paanong ang inheritance ay agad na umuugnay?"

"Hindi pa naman tapos ang Sacred True Dragon Gathering pero agad ng nagkaroon ng koneksyon sa isang inheritance."

Nagkagulo ang buong ancient arena.

"Ah, ganito pala iyon. Ang rankings ay napagdesisyunan na base sa dami ng dragon blessing sa ikalawang bahagi at ito ay isang kompetisyon para makapasok sa mga inheritances."

Napagtanto ng Deputy Palace Lord.

Related Books

Popular novel hashtag