Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 358 - Laban sa Prodigy (2)

Chapter 358 - Laban sa Prodigy (2)

Sa mga oras na ito.

Ang mga tila-milagro at kahanga-hangang mga pagtingin ay nakatuon sa batang mayroong asul na buhok na nasa Northern Stage.

Sa isang kurap ng mata ang kaniyang cultivation ay nagbago mula sa pagiging nasa unang yugto ng True Human Rank hanggang sa isang bagay na maikukumpara sa unang mga yugto ng True Mystic Rank.

Sa Northern stage.

Peng---

Nagharapan sina Zhao Feng at si Goddess Bing Wei at ang kanilang mga auras ay nagdulot upang hindi makahinga ang mga henyo sa ibaba.

Ang mental energy level ng isang True Mystic Rank.

Ang root of law ng isang True Mystic Rank.

Ang Source of True Spirit ng isang True Mystic Rank.

Sa panlabas mukhang hindi nagkaiba si Zhao Feng mula sa isang taong nasa unang yugto ng True Mystic Rank.

"Nagtagumpay ang aking plano. Ang pag-abot sa top ten ng Sacred True Dragon Gathering ay hindi na isang pangarap."

Si Zhao Feng ay puno ng pananabik. Ang kaniyang bawat pagkilos ay kayang magkaroon ng interaksiyon kasama ang Heavens at ang Qi ng True Spirit niya ay ilang beses na mas malakas kaysa noon.

Napagtanto ni Zhao Feng na dahil sapat na ang kaniyang mental energy level kaya niya nang bumuo ng root of law at ang ideya na ito ang nagbigay sa kaniya ng isang plano.

Sa oras na iyon ang iniisip ni Zhao Feng ay buuhin ang root of law at bukod sa kaniyang True Spirit cultivation, wala na siyang iba pang pinagkaiba mula sa isang True Mystic Rank.

Subalit, mayroon pa rin siyang Source of True Spirit mula sa Water Moon Pirate.

Matapos buuhin ang root of law at kontrolin ang Water Moon Pirate's Source of True Spirit, gaano kalaki ang magiging diperensya niya mula sa isang True Mystic Rank?

Nakakatakot ang plano na ito at kaya nitong baguhin ang lahat.

Sa oras na magtagumpay ito mangangahulugan na kaya na ring hamunin ni Zhao Feng ang mga nakakapanlulang mga prodigies.

Siyempre.

Bukod sa suwerte mayroon ding dalawang pangunahing punto na kinakailangan.

Una, buuhin ang root of law na kinakailangan sa pagsanib ng Mystic Flower Treasured Bible.

Ikalawa, ang Water Moon Pirate's Source of True Spirit.

Walang dapat makaligtaan sa dalawang kinakailangan.

Ang mga normal na eksperto ng True Spirit Realm ay hindi kayang tipirin ang kanilang Source of True Spirits o kaya'y ibigay ito sa iba.

Subalit, ang Water Moon Pirate ay mayroong isang pinagbabawal na skill mula sa Heavens Legacy Inheritance at gumamit siya ng espesyal na estado upang selyuhan ang kaniyang Source of True Spirit.

Ito ay maingat niyang plinano at isang regalo mula sa tagapagmana ng Mystic Flower Treasured Bible.

Kahit na hindi cinultivate ni Zhao Feng ang Mystic Flower Treasured Bible, 'minana' niya pa rin ang Source of True Spirit sa ibang paraan.

"Nakakapanabik! Magaling!"

Si Tiemo na siyang nanonood ay pumalakpak sa kaniyang kagalakan at siya ay kumalma.

Halatang nahulaan niya kung ano ang nangyari kay Zhao Feng.

Hindi lang pinapalakas ni Tiemo ang kaniyang loob, alam din ng iba na si Zhao Feng ay sumisigaw din.

"Sobrang lakas brother Zhao…. Muli mo na namang binaligtad ang pagtingin ng mundo."

Sa estante ng mga manonood ang boses ni Yang Gan ay nanginginig at nagsimulang umagos ang mga luha sa kaniyang mukha.

Simula nagpunta siya sa Sacred True Dragon Gathering palagi niyang pinagmamasdan ang bawat laban ni Zhao Feng at bahagyang naintindihan ni Yang Gan kung ano ang ibig sabihin ng First Elder nang ipinadala siya rito.

"Magaling! Brother Zhao, nagtagumpaya ka!"

Labis na nagagalak si Zhao Yufei.

Sila Liu Qinxin, Die Ye, Jiang Sanfeng at ang iba pa ay lahat natulala.

Ang mga kumakatawan mula sa Canopy Great Country gaya nila Prince Jin, Tian Yunzhi at ang iba pa ay nagulat din at kahit papaano sila ay natutuwa.

"Diyos ko! Isa itong milagro. Hindi na siya mailalarawan bilang isang itim na kabayo."

Sinabi ng batang mayroong hugis kuwadradong mukha ng mayroong kagalakan at pagmamalaki.

Maganda ang pagtingin niya kay Zhao Feng at ang opinyon niya ay iba kay Qin Kunwu.

Gulat ang nasa mukha sa Qin Kunwu at siya ay natulala.

Ang pagbabago sa Northern stage ay nagdulot upang mag-init ang mga dugo ng hindi mabilang-bilang na mga henyo.

"Zhao Feng! Zhao Feng!"

"Sinusuportahan ka namin sa paghamon sa mga nakakapanlulang mga prodigies!"

Naghiyawan ang mga manonood.

Ang mga nakakapanlulang mga prodiges ay mga alamat na bumalot sa mga henyo ng henerasyong ito.

Si Zhao Feng ay isang milagro na sumunggab patungo sa mga Napakahusay na Prodigies.

Ang bilog na entablado sa ere.

"Kahanga-hanga, ang Source of True Spirit na nasa loob niya ay mukhang nagmula sa Heavens Legacy Inheritance."

"Ang pahakbang-hakbang na pagsisikap kahit nasa ilalim ng halos tiyak na pagkatalo. Ang paniniwalang ito ang pinakamahalagang kinakailangan niya upang makamit ang milagrong ito."

Nagusap-usap ang mga Sovereigns.

Kung aaminin ni Zhao Feng ang pagkatalo, paano niya magagawa ang milagrong ito?

Subalit wala ang mga salitang 'tanggapin ang pagkatalo' sa diksiyonaryo ni Zhao Feng. Maaaring matalo ang isang tao, subalit hindi sila susuko.

Hindi mapigilang maalala ni Tiemo ang kaniyang sarili sa nakaraan. Ang pagsuko at ang pagtanggap ng pagkatalo. Kung wala siyang ganoon at nagtuon lamang sa pag-angat maaaring ngayon ay isa na siyang Sovereign ng Origin Core Realm.

Ang taong may ganito ring pakiramdam ay si Mo Tianyi.

Nakatikom ang kaniyang dalawang kamao at nanginginig ang kaniyang katawan.

Biglang napagtanto ni Mo Tianyi na parang may kulang sa kaniya.

Katapat ang isang Napakahusay na Prodigy, tinanggap niya ang pagkatalo matapos ang isang galaw. Sa oras na iyon, nakikita niya ang pagkadismaya ni Yu Tianhao.

Kumpara sa diperensiya sa pagitan ni Zhao Feng at ni Goddess Bing Wei, ang pagitan nilang dalawa ni Yu Tianhao ay hindi naman ganoon kalaki.

"Ang mga kalabang lamang na ganito ang karapat-dapat."

Isang liwanag ang kumislap sa mga mata ni Yu Tianhao.

Mayroon siyang palaban na dugo at ang kaniyang mata ay naglalagablab sa paglalayong makipaglaban.

Si Yu Tianhao ay nakatayo sa tuktok ng kontinente at siya ang Head ng Napakahusay na Prodigy. Nalagpasan niya ang Scarlet Moon Religion Patriarch at ang Sword Saint Ye Wuxie noong kaedad pa lamang nila siya.

Ang pinakahenyo sa loob ng isang libong taon.

Ang lahat ng tao ay lumingon patungo sa nag-iisang henyo na ito na sa wakas ay may pinuring isang tao sa unang beses.

Nang hindi nalalaman, ang pagtingin nila kay Zhao Feng ay tumaas sa isang panibagong level.

"Yu Xingchen, ang bloodline ng pamilya ng Yu ay isa sa mga pinakakaibang bloodlines. Mukhang totoo lamang ito subalit hindi ito mahahawakan."

Sambit ng bronze skinned Deputy Palace Lord ng mayroong interes.

"Sa mga alamat ang pamilya ng Yu ay mayroong ninunong nagngangalang Yun Wushuang, ibig sabihin siya ay hindi mapapantayan. Ang layunin ay talunin ang lahat na nasa ilalim ng kalangitan."

Si Sovereign Yu Xingchen ay puno ng paghanga.

"Kung ganoon, nakamit ba ito ni Yu Wushuan?"

Interesadong sinabi ng isa na namang Sovereign na malapit.

Palaging mayroong isang mas malakas na tao. Walang kahit anong bagay na tunay na hindi mapapantayan.

"Nagawa niya subalit ang kinalabasan ay hindi na siya umusad pa matapos iyon at namatay siyang nag-iisa – iyon ang leksiyon ng pamilya ng Yu."

Taimtim na sinabi ni Yu Xingchen.

Ang mga kasalukuyang Sovereigns ay hindi mapigilang mag-isip matapos nila itong marinig.

Si Yu Wushuang ay isang alamat lamang subalit kung siya ay hindi mapantayan o oo ay ang pinakapangunahing punto. Ito ang pinakaleksiyon.

Northern stage.

Ang bawat pagkilos ni Zhao Feng ay nagdulot upang magamit na niya ang root of law at upang magkaroon siya ng interaksyon sa Heaven at Earth.

Ta!

Sumigaw siya at ang lahat ng kaniyang atake ay mayroong basehan na cutivation ng unang mga yugto ng True Mystic Rank.

Cultivation ang pinakabasehan sa pagitan ng mga eksperto.

Skills, sandata, bloodline at mga kaalaman ay nakakaapekto rin sa kalalabasan.

Sa pamamagitan ng kasalukuyang cultivation ni Zhao Feng na maikukumpara sa mga unang yugto ng True Mystic Rank at ang kaniyang root of law dagdag na ang kaniyang bloodline power, ang isang simpleng tira mula sa kaniya ay kaya nang makapatay ng normal na nasa True Spirit Realm.

"Paano…. Paano naging posible ito!!?"

Sumigaw si Goddess Bing Wei sa loob-loob niya. Hindi niya matanggap ang katotohanang ito.

Sa umpisa kinailangan niyang pigilan ang kaniyang kapangyarihan dahil baka aksidente niyang mapatay ang kalaban o kaya naman ay sadyain ito at ito ay makakaapekto sa pinal niyang resulta.

Ang kaniyang plano ay paguhuin ang katawan ni Zhao Feng gamit ang ice poison at gawin siyang isang 'yelong bangkay' na walang kahit anong kapalaran sa Sacred True Dragon Gathering at mamamatay siya sa loob ng kalahating taon.

Subalit.

Hindi nagtagumpay ang plano at sa halip ang kaniyang kalaban ay paulit-ulit na mas umangat.

Ang huling palitan ay isang mabigat na tira.

Ang lahat ng kaniyang pagsisikap ay nakatulong sa kalaban.

Sa pagkakataong ito halos nagamit na ni Goddess Bing Wei ang lahat ng kaniyang lakas upang kalabanin si Zhao Feng.

Ang bloodline at skills ni Goddess Bing Wei ay nailuklok pa sa mataas na puwesto sa lahat ng limang nakakapanlulang mga prodigies subalit ang bloodline ni Zhao Feng ay kayang makahigop at kayang gawing enerhiya ang kalamigan at kaya nitong tapatan ang kaniyang bloodline.

Sa ilalim ng katotohanan na ang kanilang pagkakaiba ay hindi naman masiyadong malaki ang kalamangan ng bloodline ni Zhao Feng ay mas matindi.

Dagdag pa rito, si Zhao Feng ay mayroon paring depensa ng Three Flowered Treasured Lotus at kaya nitong salagin ang pagtutugis ng isang True Lord Rank sa loob ng maikling oras.

Ang nakakalungkot na bagay ay.

Ang lahat ng pang-opensang kapabilidad ni Goddess bing Wei ay mayroong ice element at sa tuwing lalapit ang mga ito kay Zhao Feng halos limampung porsyento nito ang nahihigop ni Zhao Feng at nakakapagpataas ng kanyiang bloodline power.

Sa pagtuon ng pansin sa iisang landas ang tiyak na pinakamagandang daan patungo sa tuktok subalit kapag may katapat kang isang taong nasa iisang level na ang forte ay ang lahat ng bagay, nakakaawa ito.

Ang mga atake ni Zhao Feng ay kayang pinsalain ang parehas na physical at mental energy world.

Lightning Fire God's Eye.

Kumislap ang kaliwang mata ni Zhao Feng ng mayroong matamlay na asul na kidlat.

Fuuush!

Isang mas matinding lightning flame ang lumapag kay Goddess Bing Wei at nagsimula itong masunog.

Kahit na mayroong siyang Mystic Ice Jade Charming Body hindi siya naglakas-loob na maliitin ito.

"Ang kaniyang eye skills ay mas lumalakas."

Hindi matiis ni Goddess Bing Wei ang sakit mula sa kaniyang katawan at lalo na ang mental energy.

Hindi nagpatuloy si Zhao Feng sa pag-atake at sa halip ay ginamit ang pagkakataong ito upang pagsanibin ang Water Moon Pirate's Source of True Spirit.

"Sa pamamagitan lamang ng tuluyang pagsasanib ng Water Moon Pirate's Source of True Spirit atsaka lamang ako magiging isang True Mystic Rank."

Ang mga mata ni Zhao Feng ay hindi nababalutan ng kasalukuyang kapangyarihan na mayroon siya.

Kahit na mukhang ang kaniyang mental energy at Qi ng True Spirit ay nakaabot na sa True Mystic Rank, ang lahat ng ito ay nasa panlabas lamang.

Kapag tuluyan nang nahigop ang lahat ng Water Moon Pirate's Source of True Spirit at sa pagsanib ng kaniyang laman, mental energy at root of law ay atsaka lamang ito magiging matagumpay.

"Ang totoo kong cultivation ay nasa pinakahangganan ng peak True Human Rank."

Malinaw ang isipan ni Zhao Feng at nakatuon siya sa depensa, sinusubukan niyang tipirin ang lahat ng Source of True Spirit na makakayanan niya dahil ang sa Water Moon Pirate ay hindi na nababago.

Ibig sabihin nito na isa itong 'patay' na Source of True Spirit at wala itong abilidad upang magbigay pa ng mas marami maliban na lamang kung ito ay tuluyang maisalin kay Zhao Feng at mabawi sa pamamagitan ng katawan ni Zhao Feng.

Sa oras na iyon atsaka lamang tuluyang makakaabot si Zhao Feng sa True Mystic Rank.

Kaya naman, kadalasan si Zhao Feng ay dumedepensa at paminsan-minsan lamang siyang tumitira ng lightning Fire God's Eye upang mag-alala si Goddess Bing Wei.

Palihim niyang ginagamit ang kaniyang root of law upang palitan at pagsanibin ang Water Moon Pirate's Source of True Spirit.

Ang bawat katiting na maisasalin ay makapagpapataas ng 'tunay' na cultivation ni Zhao Feng.

Related Books

Popular novel hashtag