Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 340 - Pagtitipon ng mga Sikat, Henyo at Magagaling (3)

Chapter 340 - Pagtitipon ng mga Sikat, Henyo at Magagaling (3)

Ang babaeng kasingputi ng nyebe sa Ten Thousand Sword Clan ay ang nakaraang top one genius ng thirteen clans – si Cang Yuyue.

Bilang nangungunang Sword Clan sa Northern Clan, ang Ten Thousand Sword Clan ay isang pwersa na nasa ibaba lamang ng Ten Great Clans.

Sa pwersang mayroon sila habang bumababa, ang ibang mga strong countries at clans ay napaatras.

"Ang Head Disciple ng Ten Thousan Sword Clan na si Xia Xianshang ay nasa ikatlumpong puwesto sa nakaraang Sacred True Dragon Gathering at bukod ka Mo Tianyi, walang kahit sino ang kayang tumalo sa kanya."

Ang mga henyo ay tumingin sa kabataang kulay puti ang buhok nang may takot at kataimtiman.

Si Xia Xianshang ay nakaabot na ng True Mystic Rank at ang tinaguriang numero uno henyo ng nangungunang sword clan sa Northern Continent. Sikat talaga siya kabuuang kontinente.

"Sino naman ang babaeng iyan na payak ang pananamit? Nasa True Human Rank lang naman siya pero naabot niya ang isa sa dalawang pwesto ng Ten Thousand Sword Clan."

"Hindi mo ba alam na siya ang sword prodigy na si Cang Yuyue na kakalabas lamang ilang taon ang nakalipas at ang kanyang talento ay katulad ng kay Xia Xianshang. Sa totoo nga lang, nauna pa niyang naunawaan ang sword intent bago si Xia Xianshang."

Ang mga henyo sa buong kontinente ay natipon ang mga tingin sa dalawang henyo na ito ng Ten Thousand Sword Clan.

Kahit ang mga pinuno ng tatlong Great Countries gaya nila Prinsipe Jin at Prinsesa Linyue ay ngumiti at binati si Xia Xianshang.

Bahagyang ngumiti si Xia Xianshang kay Prinsesa Linyue pero malamig naman ang pakikitungo niya kay nila Prinsipe Jin at mga kasama nito.

Hindi natuwa si Prinsipe Jin sa pangyayaring iyon pero hindi niya ipinakita.

Lahat ng tatlong Great Countries ay gusto ang Ten Thousand Sword Clan sa kanilang panig. Walang mangangahas na galitin sila.

"Ang Cang Yuyue na ito ay nakakuha ng isa sa dalawang puwesto ng Ten Thousand Sword Clan?"

Nagulat si Prinsesa Linyue.

Sa kanyang alaala, mayroong dalawa o tatlong Peak True Human Rank na mga henyo ang naroroon na ang lakas ay kasingtulad ng kay Prinsipe Jin.

Mahirap isipin kung gaano kalakas ang kanyang battle power para umangat mula sa ganoong klase ng kompetisyon.

Sa kasamaang palad, nakapikit pa rin ang mga mata ni Zhao Feng at hindi niya napagtantong naroroon si Cang Yuyue.

Ang kanyang kulay asul ba buhok at malamig na aura ay ibang-iba kumpara sa dati kung kaya hindi siya gaanong pinagtuunan ng pansin ni Cang Yuyue.

Subalit, si Bei Moi na nasa sulok ay agad na nakilala si Cang Yuyue at bahagyang naligalig.

Silang dalawa ay parehong nagmula sa isang malayong lugar at ngayon ay magiging magkalaban na sila sa isang mas malaking entablado sa parehong panahon.

Walang kahit sino ang nangahas na kalabanin ang Ten Thousand Sword Clan. Lalo na kay Xia Xianshang na naabot na ang tuktok ng mga henyos a Northern Continent. Walang kahit sino ang naroroon na kaya siyang labanan.

Si Cang Yuyue ang gustong kalabanin nila Prinsesa Linyue at ng iba pa.

Sa mismong pagkakataong iyon, ang tunog ng mga lumilipad na pababa ay maririnig muli.

Iilang mga dibisyon na naman ang pababa.

"Tignan mo, ang mga tao mula sa Heavenly Yuan Clan ay naririto na."

"Nandito na si Mo Tianyi."

Ang Northern Star Stand ay biglang nagkagulo.

Itinaas ng lahat ang kanilang mga ulo at nakakita sila ng napakaraming malalaking ibon na may pakpak na nasa 30 yarda o higit pa.

Mayroong tatlo hanggang apat na nasa True Lord Rank at may dalawa namang nasa Half Step Origin Core Realm.

Nang bumaba ang mga anyo na ito, ang kanilang napakalakas na aura ay ginapi ang lahat ng naroon.

Bilang isa sa Ten Great Clans, ang kahit sinong elder ng Heavenly Yuan Clan ay nasa True Lord Rank.

Mayroong sampung tao ang nagmula sa Heavenly Yuan Clan. Ang pinuno nila ay isang gwapong lalaki na tila may divine lights sa kanyang mga mata. Ang bawat kilos niya ay nagdadala ng kaba sa lahat. Tila ba siya ang namumumo sa lahat ng mga henyo sa henerasyong ito.

"Siya si Mo Tianyi? Ang alamat ng Northern Continent?"

Ang paghinga ng mga henyo ay bumilis at ang kanilang mga ekpresyon ay napuno ng ligalig at paghanga.

Iilan sa mga babaeng henyo ay naramdamang bumilis ang tibok ng kanilang puso at ang kanilang pisngi ay namula habang nakatitig sa gwapong mukha ni Mo Tianyi.

Pagkatapos dumating ni Mo Tianyi, ang sitwasyon ng Northern Star Stand ay nagbago nang bahagya.

Tila ba naging siya ang lider ng lahat ng mga henyo sa Northern Continent.

Walang kahit sino ang may gusto at nangahas na kalabanin siya.

Tanging si Xia Xianshang lang mula sa Ten Thousand Sword Clan ang tumingin kay Mo Tianyi nang mata sa mata sa loob ng isa o dalawang hininga at ang sagupaan ng kanilang invisible mental energy ang siyang nagdulot ng hindi kapalagayan ng mga nakalibot sa kanila.

Hindi nagtagal, kumalma na rin ang buong paligid pero ang mga tinginan ng lahat ay nasa sampu pa rin ng Heavenly Yuan Clan.

Ang Heavenly Yuan Clan ay napakalakas. Mayroon silang lima hanggang anim na Peak True Human Ranks na mas malakas lang naman kay Prinsipe Jin.

Bukod kay Mo Tianyi, mayroon pang isang eleganteng babae ang nakakuha ng atensyon ng lahat.

Ngumiti ang babae at ang kanyang ganda ay sapat na para sirain ang mga bansa. Ang kanyang mapusyaw na lilang damit ay umalon. Tila ba isa siyang binibini na gawa sa jade.

"Siya iyon… si Zhao Yufei!"

Ang mga mata ni Bei Moi at Cang Yuyue ay napunta sa babaeng nakalila.

Mula noon, maraming nagbago sa Thirteen Countries.

Maraming mga henyo ang nagtungo sa iba-ibang bansa.

Pumanig si Bei Moi kay Hai Yun Master at pinagtaksilan sila.

Si Cang Yuyue naman ay napagtagumpayang makapasok sa numero unong sword clan ng Northern Continent.

Si Zhao Feng ay naging isang Chapter Leader ng Iron Blood Religion.

Sa kanilang tatlo, si Cang Yuyue ang naging pinakamaswerte.

Subalit, walang makakaisip na si Zhao Yufei ay mas maswerte pa pala.

Ang Ten Great Clans ay mga ancient factions na nakatayo sa tuktok ng kontinente.

"Ang Heavenly Yuan Clan, Ten Thousand Sword Clan ay naririto. Halos lahat ng pwersa ng Northern Continent ay dumating na."

Ang mga henyong naroroon ay sinuri ang paligid.

"May iisa pa."

Ang mga mata ni Prinsesa Linyue ay napatalon bigla ng tingin.

"Ang alin?"

"Andyan pa ang Ten Thousand Origin Clan, isang Clan na mas matanda pa kaysa sa Heavenly Yuan Clan."

Pagsasabi ni Prinsesa Linyue habang may pagaspas ng paglipad ang maririnig.

Mula sa kalangitan, isang mapulang ulap ang lumipad. Ang laki nito ay nasa ilang dosena o yarda at iilang mga anyo ang makikita rito.

Kung titignan nang mabuti, mapagtatanto nila na ang ulap na ito ay binubuo ng hindi mabilang na scarlet gold metal wires.

"Ang Ten Thousand Origin Clan ay dumating na."

Ang mga henyo mula sa Heavenly Yuan Clan at Ten Thousand Sword Clan ay napatingin.

Sa Northern Continent, ang Ten Thousand Origin Clan ang pinakamatandang clan at kapantay nito sa lakas ang Ten Thousand Sword Clan, na nasa ibaba lamang ng Heavenly Yuan Clan.

Kakaunti lang naman ang mga tao mula sa Ten Thousand Origin Clan, tatlo lamang sila sa kabuuan.

Isang elder at dalawang lalaki.

Ang isa ay kabataang kulot ang buhok at ang kanyang mga kamay ay nasa kanyang likod na may cultivation na nasa True Mystic Rank.

Ang isa namang kabataan ay normal lamang at nakapikit ang mata at sobrang katamtaman.

Ang mga tingin ng mga henyo ay napunta sa henyong nasa True Mystic Rank pero ang mga peak geniuses gaya nila Mo Tianyi, Xia Xianshang, Prinsesa Linyue at mga kasama nito ay napunta sa ikalawa.

Ang suot ng kabataang ito pati ang kanyang itsura ay napakanormal. Sobrang normal na hindi mo talaga ito mapapansin.

"Xin Wuheng!"

Ang pagnanasang makipaglaban ay agad na nagpakita sa mga mata ni Tian Yunzhi at ang patalim sa kanyang likod ay bahagyang nanginig.

"Xin Wuheng? Siya ang alam na pinapagulantang ang Northern Continent?"

"Ang Xin Wuheng na ito ay wala pa nga bente pero naging isang Head Disciple na siya ng Ten Thousand Origin Clan. Sa henerasyong ito, natalo lamang siya kay Mo Tianyi nang isang beses."

"Ganoon rin, sina Prinsipe Jin, Prinsesa Linyue at iba pa ay natalo sa taong ito."

Ang mga mata ng mga henyo ay nagsilakihan nang titigan nila si Xin Wuheng.

Pero.

Ang pananamit ni Xin Wuheng ay napakanormal at ang kanyang mga mata ay nakasarado pa rin.

"Sino ba itong si Xin Wuheng? Bakit nararamdaman ko na para siyang si Zhao Feng?"

Hindi kilala nila Bei Moi at Cang Yuyue si Xin Wuheng.

Kung babalikan sa Sun Feather City, si Xin Wuheng ay isang henyo na puno ng misteryo.

Sa summit, nagpantay sila sa unang puwesto ni Zhao Feng at may titulo siyang 'ten moves with Xin Wuheng' o sampung atake kay Xin Wuheng.

Subalit, sa Summit, itinago ni Xin Wuheng ang kanyang totoong cultivation ng isang rank habang kalaban si Zhao Feng.

Tanging si Zhao Feng lamang na may God's Spiritual Eye ang nakapansin nito.

"Xin Wuheng, muli tayong nagkita."

Pagbulong ni Zhao Yufei.

Medyo matagal na rin nang makapasok si Zhao Yufei sa Northern Continent at nasaksihan niya na ang labanan ni Xin Wuheng at Mo Tianyi.

Sa puso ni Zhao Yufei ay may iisang kabataan na hindi natatalo at palaging kalmado. Palagi niyag nalalagpasan ang mga alamat at nakagagawa siya ng milagro kahit pa ang taong ito ay naging kapantay ni Xin Wuheng.

"Kapatid na Zhao Feng… Magpapakita ka kaya ngayon sa Sacred True Dragon Gathering?"

Umikot ang paningin ni Zhao Yufei habang sinusuri ang paligid.

Hindi siya naniniwala na sa talentong mayroonsi Zhao Feng ay hindi ito makakasali sa Sacred True Dragon Gathering maliban na lamang kung ayaw niya.

Kung kaya.

Nagsimula nang maghanap si Zhao Yufei.

Napakaraming mga henyo ang nasa palibot ng Northern Star Stand at napakahirap hanapin ng isang tao.

Kinagat ni Zhao Yufei ang kanyang mga labi at umalis ng Heavenly Yuan Clan habang naghahanap.

"Kapatid na Yufei, sino ang hinahanap mo? Sasamahan na kita."

Ngumiti nang bahagya si Mo Tianyi at naglakad na rin.

Sa kanilang Clan, sila ang mga disipulo ng Supremes at mas malapit sila sa isa't isa.

Sa mismong pagkakataon na iyon.

Napatigil ang mga yapak ni Zhao Yufei nang makarating siya sa grupo ng Canopy Great Country.

"Nandito si Mo Tianyi."

"Sino yung magandang babae na kasama ni Mo Tianyi? Bagay na bagay sila."

Sina Prinsipe Jin at iba pang mga henyo ay bahagyang natulala na tila ba binasbasan sila ng isang diyosa.

"Ano? Nahanap mo na ba ang taong iyon?"

Biglang naging kakaiba na ang pakiramdam ni Mo Tianyi.

Kapiranggot lamang ang nalalaman niya kay Prinsipe Jin at ang iba ay wala na siyang pakialam.

ng mga mata ni Zhao Yufei ang ten stars at tumigil ito sa isang kabataan na may kulay asul na buhok pero sa napakasaglit lamang na sandali.

Tumingin rin siya kay Liu Qinxin nang may gulat dahil sa kakaiba nitong aura.

"Maghanap tayo sa ibang lugar."

Ngumiti si Zhao Yufei at tila ba sumibol ang mga bulaklak at lahat ng mga lalaking naroroon ay nawawalan na ng kaluluwa.

Sa pagkakataong iyon, tila ba nakatanggap siya ng isang magandang balita na nakapagpasaya sa kanya.

"Sige lang."

Bahagyang tumango si Mo Tianyi at nang lumingon siya, napunta ang kanyang mga mata sa isang kabataang kulay asul ang buhok.

Ang mga maliit na kilos ni Zhao Yufei ay hindi nakatakas mula kanyang malakas na panramdam.

"Sino naman ang kabataang ito na kulay asul ang buhok at ayaw siyang istorbohin ni Zhao Yufei?"

Kahit gustong malaman ni Mo Tianyi ang bagay na ito, hindi na siya nagtanong pa dahil sikreto ito ni Zhao Yufei.

Sina Prinsipe Jin at ang iba ay inihatid na lamang ang dalawa gamit ang kanilang mga mata at ang pakiramdam na sila ay nakilala. Pagkatapos ng lahat, natanggap nila ang atensyon ng isang alamat sa Northern Continent, si Mo Tianyi.

"Kilala niya si Zhao Feng?"

Mula sa ten stars, tanging si Liu Qinxin lamang ang nakapansin ng maliit na kilos ni Zhao Yufei.