Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 325 - Ang Pagbabalik Tanaw sa mga Ancestor

Chapter 325 - Ang Pagbabalik Tanaw sa mga Ancestor

"Ang Ten Thousand Ancient Races ay nabibilang sa Ancient Era, na lubos na malayo sa panahon natin. Umaasa akong makita kung gaano kalakas ang maabot ng bloodline na ito kapag ito'y nabuhay at bumalik ito sa kaniyang ninuno."

Ngumiti ang malabong anyo ng taong naka lilang kapa.

Sa pagtaas ng cultivation ng may-ari nito, ang inheritance ng bloodline ay maaaring magbigay buhay at maaaring magkaroon kakaibang pagkakataon.

Ang pagbabalik tanaw sa mga ninuno ay nangangahulugang ay pagbabalik tanaw din ng mga tao sa kapangyarihan ng bloodline.

Halimbawa, kung ang ninuno ay isang hari sa Void God Realm, na may pagbabalik tanaw din sa kaniyang mga ninuno, ang mga nakababatang henerasiyon ay maaari rin magkaroon ng parehas o kung hindi naman ay magkatulad na mga kapangyarihan ng bloodline.

Ang tanging bagay lamang ay matapos ang 'di mabilang na henerasiyon, ang mga bloodlines ay liliit ng bahagya.

Ang lahat kasama sina Zhao Yufei, Liu Qinxin, Ao Yuetian, at kahint na ang Flooding Lake City Lord ay may maliit na mga bloodlines na hindi pa aabot sa isa sa isang daan o isa sa isang libong kanilang mga ninuno. Kung ang mga ninuno ay natuklasan sa matagal na panahon, aabot sana ito sa isa sa sampung libo.

Mula dito, makikita kung ang isang bloodline ay nagbalik tanaw sa kahit na isa't kalahati o isa sa lima, gaano na lamang kaya ang kapangyarihan nito.

"Sa ngayon, ang inheritance ng bloodline ni Yufei ay kailangan munang suriin. Ang espesiyalidad nito ay maaaring makumpara sa Heavean Earth Yuan Qi na may pinakamataas at ang Yuan Qi ay napupunta sa kaniyang katawan. Maliban doon, mula sa purong true force at fast activation, ay ang kaniyang pinakamalakibg kalamangan ay ang cultivation speed."

Ngumiti ng bahagya ang daoist na naka puting kapa.

"Kahit na ito'y mabilis, si Yu Tianhao ng Middle Continent ay walang duda na pinakamabilis. Sa edad na dalawampu, ay naabot na niya ang pinakamataas na puwesto ng True Mystic Rank at tinawag na pinakamatalino sa buong kontinente, kahit ang Scarlet Moon Patriarch at ang Sword Saint Ye Wuxie ay kaniyang nalampasan na kasing edad pa lamang niya ang mga ito. Alam ng isa na ang mga sumusunod na yugto ng cultivation ay bumabagal ang progreso para

makalampas."

Hindi nahanap ng lalaking naka lilang kapa ang espesiyal na puntos. Kung gaano kataas ang isang cultivation, mas maraming bottlenecks at mas mahaba ang oras ang kakaikanganin para makalampas.

Hindi ito pangkaraniwan na gumugol ng maraming taon o kahit pa ng ilang dekada para sa isang henyo na makalampas matapos ang True Human Rank.

Dahil dito, ang bilis ng cultivation ni Yu Tianhao ay nasa dalawa hanggang tatlo ng kay Zhao Yufei.

"Ang lahat ng mga ninuno ni Yu Tianhao ay nanggaling sa Origin Core Realm Sovereigns at sa kanilang pamilya, kahit na ang mga Void God Realm ranks ay lilitaw."

Umiling ang ulo ng Daoist na naka puting kapa: "Siya ay ipinanganak bilang anak ng Heaven at nasa kaniya ang pinakamagandang kagamitan at pagtuturo. Kung ikukumpara sa kaniya, si Zhao Yufei ay nasa Heavenly Yuan Clan pa lamang sa loob ng maikling panahon at kapag ang kapangyarihan ng kaniyang bloodline ay nagbalik tanaw sa kanilang mga ninuno, ang kaniyang pagkakatugma sa Heaven Earth Yuan Qi ay tumataas din."

"Lalong pang tumataas?"

Ang malabong lilang anyo ay nagulat din sa wakas.

Ang mga normal na henyo ay nalinang na simula pa sa maagang yugto ng buhay nila kaya mabilis nilang naabot ang True Spirit Realm ng sila'y tumuntong sa kanilang kabataan. Ngunit dahil masiyadong mabilis ang kanilang progreso, maaari silang mahinto sa isang bottleneck sa loob ng maraming taon, dekada o maging kalahati ng buhay nila.

"Ang mga kagamitan ni Yufei noong siya'y bata pa lamang ay hindi ganoon karami at ang progreso niya ay mabagal ngunit ang lahat ay may kalamangan. Nangangahulugan na ang pundasiyon ay lubhang matibay at ang mga henyo mula sa malalayong lupain ay madalas na

may malakas na mentalidad."

Ang mga mata ng Daoist na naka puting kapa ay tila naglalaman ng walang hanggang kaalaman.

Sa parehas na sandaling iyon, ang lahat ng puwersa ng hilaga, silangan, timog, kanluran , at ang gitnang mga kontinente ay naghahanda para sa Sacred True Dragon Gathering.

Walang masiyadong puwesto para sa Sacred True Dragon Gathering.

Kahit ang Heavenly Yuan Clan ay mayroon lamang na sampung puwesto. Ang buong Canopy Great Country ay mayroon ding sampung puwesto.

Para naman sa mga normal na malalakas na bansa, ay madalas na dalawa lamang.

Para naman sa mga malalayong Cloud area, matapos ang pagsuko ng labintatlong bansa, sila ay pumailalim sa 'Iron Dragon Strong Country'.

\---------------------------------------------------------

_Broken Moon Clan, Sky Moon Mountain._ _Clan Leader's hall._

"Mo'er, ito ay isang Propelling Spiritual Pill at kahit na ang epekto na ay mas masama kaysa sa normal Spiritual Pills at mayroong mas malakas na epekto sa iyo, may pagkakataon kang maabot ang True Spirit Realm sa pamamagitan nito.

Ang guwapong mukha ni Haiyun Master ay naging isang ngiti.

Tumayo sa harap niya si Bei Mo, nahihirapan at nagdadalawang-isip.

Sa ngayon, siya ay nasa half step True Spirit Realm, ngunit ang tiyansa na maabot ang True Spirit Realm ay mababa maliban kung hihingi siya ng tulong sa labas.

Gayon pa man, ang labintatlong mga bansa ay isang mahirap na lugar at mahirap na makakita muli ng isang Shedding Spiritual Realm.

Kahit na makakatulong ang Propelling Spiritual Pill para makalampas siya sa True Spirit Realm, ang epekto nito ay malaki.

Matapos kainin ang ang gamot na ito, may tiyansa na masira nito ang iyong dantian, at maaari ring ito sumabog. Ito'y lubhang delikado.

"Mo'er, hindi mo ba naisip na umalis sa lugar na ito? Ngayon na ang Cloud area ay sumailalim na sa teritoryo ng Iron Dragon Strong Country, sa oras na marating mo ang True Spirit Realm, magkakaroon ka ng tiyansa na makapasok sa Sacred True Dragon Gathering."

Tumitig si Haiyun Master kay Bei Mo, ang pinaka-talentadong henyo ng Broken Moon Clan.

Nalampasan niya si Yang Gan noong nakaraang taon at naging head disciple.

"Sacred True Dragon Gathering…"

Kumuyom ang mga kamao ni Bei Moi at ang kaniyang katawan ay nanginig ng kaunti. Ang Sacred True Dragon Gathering ay tinaguriang world stage at ang Cloud area ay kinukonsidera lamang na barren village.

"Tanging malalakas na mga bansa lamang ang may abilidad na magrekomenda ng mga tao. Kung hindi nasakop ng Iron Dragon Strong Country itong bansa, hindi mo rin makakaya kahit na ang makipaglaban."

Iniabot ni Haiyun Master ang Propelling Spiritual Pill kay Bei Mo. Nakikita niya dito na ang disciple na ito ay nagulat at hindi makayang pigilan ang tukso.

Si Bei Mo ay isang henyo simula pagkapanganak pa lamang at hindi makapapayag na maging normal at mapag-iwanan.

Matapos ang alyansa ng labintatlong mga bansa, siya ay tumutok sa cultivationg at ngayon ay isa na sa mga pinaka-henyo sa Thirteen Clans.

Ito'y dahil sa bahagyang niyang pagtaas habang ang ibang prodigies, kagaya nina Cang Yuyue, Lin Tong, Zhao Feng, Ao Yuetian, Zhao Yufei, at ang iba pa, ay umalis sa Thirteen Countries.

Kung makakaangat pa si Bei Mo, siya na nag magiging pinakamataas na prodigy sa Iron Dragon Steong Country.

"Ang kapangyarihang makapagpagamot ng Propelling Spiritual Pill ay lubhang napakadelikado at kung kinuha ito ng sampung tao, ang lima ay paniguradong mamatay at ang iba naman ay manghihina. Bei Mo, ang kapalaran mo ay malalaman kung ikaw magiging ahas o dragon…"

Pinaalis ni Haiyun Master si Bei Mo gamit ang kaniyang walang emosiyong mga mata.

\-----------------------------------------

_Broken Moon Clan. Sa ibang bundok , ang lugar ng unang Elder._

"Gan'er, ang cultivation mo ay huminto sa pinakataas ng 7th Sky. Ang bottleneck na ito ay maaaring nandoon ng ilang taon o baka dekada bago ka makalampas sa True Spirt Realm. Bakit 'di ka umalis para maglakbay at libutin ang mundo?" Ang sabi ng unang Elder.

"Ang disciple na ito ay makikinig sa bawat sasabihin ng Master.

"Sagot naman ni Yang Gan. Alam niya rin na ang bottleneck ay mapipigilan siya sa loob ng sampung taon."

"Ang Sacred True Dragon Gathering ay mag-uumpisa sa loob ng kalahating taon at sa iyong lakas, paniguradong hindi ka makakadalo ngunit baka maaari kang makakuha ng mga pananaw kung ano ang iyong pag-aaralan." Ang mungkahi ng unang Elder.

Kahit na ang Dragon Strong Country ay mayroon lamang dalawang puwesto sa Sacred True Dragon Gathering. Wala talagang pag-asa si Yang Gan.

"Ang disciple na ito ay paniguradong gustong manood ng pagtitipon, kahit na ang daan ay puno ng kapahamakan."

Alam ni Yang Gan na ang paglalakbay ay paniniguradong napakadelikado.

Madalas tanging ang mga nasa True Spirit Realm o mga mayayaman gaya ni Zhao Feng, Cang Yuyue, at Lin Tong ang may malaking tiyansa na magtagumpay.

"Hehe, kahit na malapit ang Cloud Country sa gilid ng Northern Continent at medyo malapit sa Middle Continent, aabutin ka ng taon o dalawang taon para marating iyon gamit ang iyong bilis. Mayroon ding tiyansa na ikaw ay mamatay sa daan," Tumawa ng bahagya ang unang Elder."

"Ito…"

Nalungkot ng sobra si Yang Gan. Paniguradong ang kaya niya lang marating ay ang Middle Continent sa loob pa ng kalahating taon kung siya ay nasa True Spirit Realm, o kahit na may flying steed.

"Nakagawa na ako ng mga paghahanda. Ang isang kaibigan ko na nasa True Spirit Realm sa Iron Dragon Strong Country ay naghahanda rin na magdala ng mga disciples para pag-aralan ang Sacred True Dragon Gathering, at paniguradong isasama ka rin niya."

Naglabas ng sulat ang unang Elder at isang interspatial bracelet, na iniabot niya sa kaniyang unang disciple.

Natuwa si Yang Gan at lubhang nagpapasalamat nang kinuha niya ang sulat at napagtanto niya na ang interspatial bracelet ay napupuno ng Primal Cyrstal Stones at mga kagamitan ng cultivation.

Sa pagpapaalis niya kay Yang Gan gamit ang kaniyang mga mata, ang mga mata ng unang Elder ay maluha-luha ng kaunti: "Gan'er, huwag mo akong sisihin sa pagiging ganid…"

Ang rason ng unang Elder para paalisin si Yang Gan para pag-aralan ang Sacred True Dragon Gathering ay dahil mayroon pa rin siyang maliit na pag-asa.

\--------------------------------------------------

_Northern Continent. Isa sa mga tatlong pinakamalakas na mga bansa, ang Canopy Great Country._

_Thousand Water River area sa Iron Blood Religion Chapter._

Binuksan ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at ang kaniyang kaliwang mata ay mas naging malamig. Sa loob ng kaniyang isip, ang nagyeyelong lawa ay lumaki ng isa sa tatlong yarda.

Ang lamig sa kaniyang mukha ay mas naging malamig pa.

Ang pangalawang pagbabago sa kaniyang Godvs Spiritual Eye ay nagdulot kay Zhao Feng para mas lumamig ang kaniyang aura.

Sa isang tingin lamang ng kaniyang kaliwang mata, kahit na ang mga nasa True Human Rank ay makakaramdam ng puwersa at lamig. Sa kaniyang paglampas sa True Spirit Realm, ang Gid's Spiritual ni Zhao Feng ay mas lalong tumaas.

Naniniwala siya na karamihan ng mga nasa True Human Rank ay hindi magagawang harangan ang kaniyang eye bloodline kahit na ito'y maging mental energy illusion o mental energy attack.

Maliban doon, ang Source ng True Spirit Realm sa loob ng kaniyang katawan ay may lalong tumibay at mas lalong naging siksik at puro kaysa sa mga ekspertong mga cultivators na nasa maagang yugto ng True Human Rank.

Walang nakakaalam na nasa loob pa rin ni Zhao Feng ang Source ng True Spirit ng mga Water Moon Pirates.

Ang sealing teknik ay nagmuka sa Heaven's Legacy Inheritance at nabuo sa pambihirang paraan.

"Kapag naubos na ang aking Qi ng True Spirit, ay gagamitin ko ang Water Moon Pirates para mas tumaas ang aking lakas."

Naramdaman ni Zhao Feng ang Source ng True Spirit, na nalampasan ang kaniya. Nangangahulugan ito na may dalawa ng Sources ng True Spirit si Zhao Feng – ito ay magiging kalamangan niya sa iba.

Sa ilalim ng mga normal na sitwasiyon, ang Source ng True Spirit ng mga Water Moon Pirates ay magagamit lamang para madagdagang muli ang ang kakayahan ni Zhao Feng. Ang elemento ng Source ng True Spirit ay binago ng Water Moon Pirate para magamit ito ng kahit

sino, ngunit ang kapangyarihan ng kaniyang Mystic Flower Treasured Bible at ang kaniyang God's Spiritual Eye ay naunawaan ni Zhao Feng ng mabuti, kaya nakayanan niyang kontrolin

ang Source ng True Spirit.

Matapos ang lahat, ang Source ng True Spirit ng mga Water Moon Pirates ay nabuo rin mula sa Mystic Flower Treasured Bible.

"Mas magandang gamitin ng paunti-unti ang Source ng True Spirit kung ito'y posible at tanging sa mga delikadong sitawasiyon lamang."

Ginamit ni Zhao Feng ang pandama ng kaniyang God's Spiritual Eye.

Shua!

Isang eleganteng anyo ang kumislap papasok. "Chapter Leader, ito ay isang sulat mula sa Deputy Patriarch." Iniabot ni Die Ye ang sulat.

Kumislap ang mga mata ni Zhao Feng nang makita niya ang nasa loob.

"Pumunta ka sa Capital sa loob ng isang buwan para makipaglaban sa Sacred True Dragon Gathering. Sa boung Canopy Great Country, ay mayroon lamang sampu puwesto?"

Kung titignan ito.