Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 321 - Paggulat sa Thousand Water (1)

Chapter 321 - Paggulat sa Thousand Water (1)

Sa lugar ng Thousand Water, panig ng pamilyang Yun.

Ang panig ng pamilyang Yun at Iron Blood Religion Chapter ay pinaghihiwalay ng ilog na may laking isang daang yarda.

Ang dalawang puwersa mula sa magkabilang panig at ang Iron Blood Religion Chapter ay mayroong mas maraming bilang at mas mataas na moral. Halatang sila ay may kalamangan.

Si Zhao Feng ay nasa kuta sa likod kasama si Die Ye sa kaniyang tabi.

Si Yun Sha ay ang nangungunang taga-atake at nagsama ng ilang mga ekspertong nasa True Human Rank para mapawala ang unang bilang ng atake.

Ang panig ng pamilyang Yun ay nagpadala ng ilang mga ekspertong nasa True Human Rank para gumanti.

"Bakit hindi pa dumarating ang puwersa mula sa pamilyang Bi?"

Ang ekspresyon ng Head ng panig ng pamilyang Yun ay bahagyang nagbago.

"Nag-uulat sa Head ng Pamilya, ang Iron Blood Religion Chapter ay umaatake rin sa panig ng pamilyang Bi ngayon..."

"Ang Iron Blood Religion ay nangahas na atakihin nang sabay ang pamilyang Bi at Yun?"

Ang upper echelon ng panig ng pamilyang Yun ay nagulat at nagalit.

Kung titignan ito, tila mayabang ang Iron Blood Religion Chapter ngunit nasa kanila ang kalamangan.

Imbis na dumepensa laban sa puwersa ng panig ng pamilyang Bi, mas mabuting umatake muna at gumamit ng mas maliit na puwersa para pigilan ang panig ng pamilyang Bi.

Hangga't ang tagumpay ng kasalukuyang laban ay napagdesisyunan na, ang panig ng pamilyang Bi ay walang laban.

"Zhao Feng, ang ungas ng Iron Blood Religion. Sinira mo ang aking apo at ngayon gusto mong pamunuan ang Thousand Water River."

Ang pinuno ng pamilyang Yun ay sumigaw at ang kaniyang True Mystic Rank aura ay kumonekta sa Heaven Earth Yuan Qi, na pinigilan ang kahit sinong cultivator na nasa True Human Rank na naroon.

Ang makapangyarihan aura na iyon ay nakapagpakaba kay Zhao Feng.

Wala siyang lakas ng loob sa pagtalo sa Head ng panig ng pamilyang Yun.

Noon, walang taong mula sa Iron Blood Religion Chapter ang kayang talunin ang Head ng panig ng pamilyang Yun nang isa laban sa isa.

Tanging si Yun Sha at Chen Mengzhen ang makakapigil sa Head ng panig ng pamilyang Yun nang magkasama.

Kung hindi lang dahil sa katotohanang ang Head ay tumatanda na at ang kaniyang galing sa labanan ay wala sa sukdulan, ang Iron Blood Chapter ay hindi makakapamuno sa lugar ng Thousand Water.

"Tumulong ka Yun Sha."

Alam ni Zhao Feng na hindi sila nagkakalayo ng lakas ni Yun Sha, ngunit hindi pa rin ito sapat laban sa Head ng panig ng pamilyang Yun.

Gamit ang mga paraan ni Die Ye, siya at si Yun Sha ay kayang palayasin ang Head ng panig ng pamilyang Yun nang saglit.

Sa ibabaw ng ilog, ang mga ekspertong nasa True Spirit Realm mula sa dalawang panig ay mahigpit na naglaban.

Unti-unting tumayo si Zhao Feng at ang kaniyang God's Spiritual Eye ay sinuri ang lugar.

Sa isang saglit, ang kaniyang kaliwang mata ay nagsimulang magbigay ng matalim na asul na kalamigan.

Boom!

Isang patalim ang lumitaw sa ilog at ang kapangyarihan nito ay halos maikukumpara na sa True Mystic Rank ng Head ng panig ng pamilyang Yun.

"Tian Yunzhi!"

Ang parehong puwersa ay tumingin sa youth na nakapanlabang damit.

Tian Yunzhi, ang pinakahenyo ng pangunahing pamilyang Tian at may antas na ikatlo sa top ten stares ng bansa.

Huala!

Isang babaeng nakapulang damit ang nanggaling sa ilog. Siya ay pagod na at mababakas ang takot sa kaniyang mga mata.

"Pinsan, ayos ka lang ba?" nagulat na sinabi ni Tian Yunzhi nang tulungan itong bumangon na tila walang hanggang pinahirapan.

Sa kabilang banda, si Zhao Feng ay lumutang sa hangin kasama ang mga bilog ng kidlat sa kaniyang mga mata. Isang mapaglarong ngiti ang mababakas sa kaniyang mga labi.

"Paano ito naging posible? Nagtatago tayo sa ilalim ng tubig... Isang tingin lang mula sa kaniya..." sabi ng namumutlang bababeng nakapulang damit.

Si Tiam Yunzhi at kaniyang pinsan ay nagtago sa ilalim ng ilog, na naghahanda para sa palihim na pag-atake sa Iron Blood Religion.

Ang babaeng nakapulang damit ay mayroong isang kayamanang natatangi para sa invisibility, lalo na sa ilalim ng tubig. Karamihan ng mga ekspertong nasa True Spirit Realm ay hindi ito nararamdman.

Gayunman, isang malabong asul na mata ang tila tumagos sa ilog at napunsa sa kanilang mga puso.

Ang babaeng nakapulang damit ay nasa half step True Spirit Realm lang at siya ay halatang natamaan.

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay nakagawan ng mental energy prison na ginagamit sa pagpapirap ng kalaban. Ang mga may mas mababang cultivation sa kaniya ang madaling natatalo.

Si Tian Yunzhi ay nagpadala ng isang blade intent sa mahalagang oras at nakatakas sa tamang oras.

Hindi ito pinansin ni Zhao Feng. Ang mga nakaintindi na ng sword o blade intent ay hindi na masusukat gamit ang mga normal na batayan.

Ang kaniyan kaliwang mata ay tumingin sa isang elder na nasa True Human Rank ng panig ng pamilyang Yun.

Ang elder na nasa True Human Rank ay nagulat at natuwa sa malayelong asul na mata.

Sa kaniyang paningin, ang malayelong asul na lawa ay naging mas malalim hanggang sa napalibutan na nito ang kaniyang kamalayan.

Shua!

Siya ay napunta sa isang kakaibang malayelong asul na dimensyon.

Ito ang paligid ng mental energy na ginawa ni Zhao Feng. Ang mga bilog ng azure na kidlat ay ginapos ang True Human Rank, ngunit ang totoo ay nababago ang kamalayan ng kaniyang mental energy.

Plop!

Sa totoo, tanging isang hininga lang ang nakalipas ngunit ang cultivator na nasa True Human Rank ay puno ng malamig na pawis at bahagya nang nakaluhod sa lupa dahil sa pagod.

Sa isang tingin lang, si Zhao Feng ay napawala ang kapangyarihang lumaban ng True Human Rank.

"Ito pala ang kaniyang eye bloodline power..."

Ang ekspresyon ni Tian Yunzhi ay nagdilim.

Ang kaliwang mata ng youth na ito ay walang ekpresyon.

Nakakita na siya ng katulad nitong ekspresyon mula sa isang makapangyarihan kalaban.

"Ang pinsala ng Iron Blood Religion Chapter Leader sa normal na mga eksperto ng True Human Rank ay napakalakas."

Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay nawalan ng pag-asa nang masaksihan ito.

Kahit na wala siyang kakayahang matalo ang isang True Human Rank sa isang tingin kapag siya ay nasa sukdulan.

Tanging ang mga nasa True Lord Rank ang kayang makatalo sa isang True Human Rank sa isa o dalawang galaw.

Si Zhao Feng ay walang cultivation ng True Lord Rank, ngunit nagawa niyang talunin nang madali ang kalaban sa isa o dalawang galaw.

Ang ganoong kapangyarihan ay nakapagbago sa huling resulta.

"Zhao Feng, ang iyong kalaban at ako!"

Ang nangingibabawa na boses ni Tian Yunzhi ay umalingawngaw sa hangin nang ang kaniyang mga mata ay tila napuno ng mga invisible na mga patalim. Tila may isang malaking invisible na patalim na humihiwa kay Zhao Feng.

Ang invisible na patalim ba na iyon ay totoo?

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang nakapagbigay ng sagot sa kaniya. Ito ay totoo. Kaya niyang makita ang invisible blade intent at ang daan ng pag-atake nito.

Gayunman, ang mga bagay na tulad ng sword at blade intent ay nakalagpas na sa pisikal na atake at katulad na ng mga mental energy attack na hindi maiiwasan.

Kahit ang kamalayan ng mental energy ni Zhao Feng ay nakikita ito, siguradong hindi niya ito maiiwasan.

Sky Cloud Blade Drawing Technique!

Ang invisible blade intent ni Tian Yunzhi ay ang unang dumating. Labis nitong napataas ang mga atake ng kaniyang patalim at napahina ang mental energy ng kalaban.

"Hehe, ang kaniyang blade intent ay mas malakas pa kaysa kay Cang Yuyue noon."

Ang kaliwang mata ni Zhao Feng ay nagbigay ng malamig na asul na liwanag na tila isang walang hanggang lawa.

Ang blade intent ay sumugod patungo sa katawan ni Zhao Feng ngunit tila nagyelo ito.

"Nakakasindak isipin. Kaya rin nitong mapagyelo at pahinai ang aking blade intent..."

Sit Tian Yunzhi ay nagulat. Naramdaman niyang tila nahulog sa isang walang hanggang lawa ang kaniyang blade intent.

Simula noong naintindihan na niya ang blade intent, hindi pa siya nakaranas ng ganitong sitwasyon noon.

Si Zhao Feng ay hindi na ang youth noon.

Kung ikukumpara sa pagkikita sa Thirteen Clans Alliance noon, ang kaniyang cultivation ay malaki ang naitaas. Ang kaniyang mga mental energy technique ay ms malalim pa kaysa noon.

Dagdag pa rito, ang kaniyang God's Spiritual Eye ay sumailalim sa isang pang pagbabago matapos makatakas sa kasal sa Flooding Lake City.

Ang unang beses na naging azure ang kaniyang mata at sa ikalawang beses ay naging malabong malayelong asul.

Samakatuwid si Tian Yunzhi ay hindi nakasalamuha ang mental energy technique ni Zhao Feng gamit lang ang kaniyang blade intent. Syempre, ang mga blade intent na ito ay mayroong makapangyarihang layunin na kayang makasira sa kawalan.

Waves of Lightning!

Kumaway si Zhao Feng at ang mga bilog ng magulong azure na kidlat ang umatake kay Tian Yunzhi.

Bawat blade na iwinawasiwas ni Tian Yunzhi ay makakatanggap ng pagpigil at ang kidlat sa hangin ay mapapamanhid ang kaniyang katawan at mababawasan ang kaniyang bilis nang malaki.

Kung titignang maigi, makikitang ang isang malabong Lightning symbol ay lumitaw sa noo ni Zhao Feng.

"Paanong napakabilis tumaas ng lakas ng Chapter Leader?"

Ang upper echelon ng Iron Blood Religion Chapter ay nagulat at mas naging magalang.

Ang puso ni Yun Sha ay tila mas nahulog pa at ang kaniyang ekspresyon ay puno ng pag-aalala at kaseryosohan.

Noon, ang Source of True Spirit ni Zhao Feng ay hindi ganap na napatatag, kaya hindi niya nagamit ang lahat ng kaniyang lakas at ang kaniyang bloodline power ay hindi pa ganap na nagagamit.

Ngayon, ang kaniyang Source of True Spirit at napatatag na at ang kaniyang Lightning Inheritance ay nakarating na sa ikalawang hakbang.

Ngayong kaya nang gamitin ni Zhao Feng ang lahat ng kaniyang lakas, nagpakawala siya ng sunod sunod na kidlat patungo kay Tiam Yunzhi.

Ni hindi makalapit si Tian Yunzhi sa katawan ni Zhao Feng. Ang mga bilog ng kidlat na iyon ang nakapagpagod sa kaniya.

Ang kaniyang blade intent ay malakas, ngunit ang mga kidlat ng kalaban ay makapangyarihan rin.

Dagdag pa rito, kumilos pa rin si Zhao Feng na tila hindi niya ginagawa ang lahat ng kaniyang makakaya.

Hu~ ~

Huminga nang malalim si Tian Yinzhi nang isang asul at puting blood tatto ang lumitaw sa kaniyang kaliwa at kanang braso. Ito ang nakapagdahilan para tumaas nang mabilis ang kaniyang lakas.

"Ang bloodline inheritance ng parehong pamilyang Tian at Yun!" sigaw ng mga tao mula sa parehong panig.

Ang dalawang bloodline ang nakapagpalakas sa atake, depensa, at katawan ni Tian Yunzhi.

Crack!

Ang ragasa ng kidlat ni Zhao Feng ay nahati ng patalim ni Tian Yunzhi.

"Ang kaniyang atake ay tumaas nang 40%, ang depensa ay tumaas nang 20% at ang lakas ng kaniyang katawan ay tumaas nang 20%. Ang kaniyang pasabog..."

Ang God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ay hindi maalis kay Tian Yunzhi at naramdaman ang pagtaas ng kapangyarihang lumaban ng kalaban.

Ang bloodline power ni Tian Yunzhi ang nakapagpahintulot sa kaniyang makalagpas sa maraming limitasyon na gawa ng cultivation.

Shua!

Si Zhao Feng ay naging kidlat at nawala.

Sky Cloud River Slash!

Isang nag-aalab na puti at asul na liwanag ang biglang bumagsak kung saan tumayo si Zhao Feng kanina.

Boom!

Ang pampang at ilog at nahati sa dalawa at ang pag-agos ay tumigil.

Ang lahat ay tumahimik.

Isang nakakasindak na patalim!

Kahit si Yun Sha at mga kasama ay kinabahan.

"Kayang sirain ng Sky Cloud River Slash ang daloy ng tubig. Kahit na ginamit ni Yunzhi ang nakakasirang skill na ito, nakakapagsising naiwasan ito ng ungas na iyon..."

Ang Head ng panig ng pamilyang Yun ay may nagsisising ekspresyon.

"Paano niya naiwan ang pagtama ng patalim?"

Ang dugo ni Tian Yunzhi ay kumukulo at ang kaniyang mukha ay bahagyang namuti. Ang patalim ay halos kaya nang makapatay agad ng kahit na sinong nasa True Human Rank at labis pang mapinsala ang mga nasa True Mystic Rank.

Ang mas mahalaga, ang patalim ay napakabilis at sa teorya, kahit ang mga nasa peak True Human Rank ay hindi makakaiwas dito.

Gayunman, tila alam ni Zhao Feng na darating ito at ganap itong naiwasan.

Shua!

Ang anyo ni Zhao Feng ay lumtiaw at ang kaniyang malamig na asul na mata ay tila nababasa ang iniisip ng kalaban.

"Hmph, paanong nakatakas ang iyong bloodline power at daloy ng Qi of True Spirit mula sa aking mga mata?"

Inisip ni Zhao Feng.

Mystic Flower Lightning Charming Step.

Isang tunog ng kidlat ang narinig mula sa kaniyang katawan na ginawang mga ilusyon ang kaniyang anyo na nagkalat sa paligid.

Sa sandaling iyon, ang Lightning Inheritance ni Zhao Feng ay mas naging maliksi at mailusyon kaysa noon.

Sa hangin, ang malabong mga larawan at kidlat ang nagpalabo sa nakikita ng mga taong nanonood.

Ang mga mata ni Tian Yunzhi ay hindi makatuon kay Zhao Feng at ang kalamigan ay nanuot sa kaniyang puso, dahilan para hindi siya mapakali.