Tatlong araw ang makalipas.
Sa isang elegante at tahimik na bahagi kung saan nagtatagpo ang lawa at kakahuyan.
Ang Rising Dragon Auction ay hindi ginaganap sa isang matao at maingay na lugar. Sa halip, ang lugar na ito aya mas tahimik kumpara sa mga normal na auctions.
Kung mamaliitin ng isang tao ang Rising Dragon Auction, isang napakalaking pagkakamali noon.
Ang dahilan kung bakit kakaunting tao lamang ang dumadalo nito ay sapagkat ang Rising Dragon Auction ay pangmayaman lang talaga at ang bayad pa lamang para makapasok ka rito ay 2,000 Low Grade Primal Crystal Stones – katumbas ito ng 200,000 Substandard Primal Crystal Stones sa Cloud area.
Bukod pa roon, ang mga aytems rito ay nagsisimula sa presyong 10,000 Primal Crystal Stones. Ang mga normal na eksperto sa Ascended Realm ay hanggang tingin lamang.
Subalit, ang sitwasyon sa pagkakataong ito ay iba sa karaniwan. Karamihan sa mga produktong narito ay ang pinakamaganda at pinakamahusay sa buong kontinente.
Walang tigil ang dami ng mga lumilipad na kabayo sa itaas ng kakahuyan at ng lawa.
"Ang dami ng mga taong pupunta sa kasalukuyang Rising Dragon Auction ay ilang beses na mas marami kaysa sa normal."
"Mayroong mga pirapiraso ng Earth Grade Items, Demon Slaughtering Blade, Heaven's Legacy Scripts, Seven Sword Incomplete Manual at ibang mga aytems na matataas ang antas. Kahit ang mga nasa True Lord Rank ay pupunta rito."
"Diyos ko!!! Mga piraso ng Earth Grade Items? Isang alamat ang nagsasabi na sampung libong taon ang nakakaraan, isang Earth Grade Weapon ang tumama sa buong Capital ng Lord Country at napisa ito. Pagkatapos noon, ang mga Lord Countries ay isang alamat na lamang."
Nagkaroon ng diskusyon ang mga taong pumapasok.
Ang mga sandata ay kadalasang nahahati sa iba't ibang grades - Mortal, Spiritual, Earth, Sky.
Sa kasalukuyan, kahit ang mga Spiritual Grade Items ay bibihira na lamang at halous ubos na sa mga lugar na may kakaunting populasyon.
Para naman sa mga Earth Grade Items at Sky Grade Items, hindi na sila halos umiiral at mga aytems na lamang sa isang alamat.
Kahit ang Scarlet Moon Demonic Religion ay walang kumpletong Earth Grade Weapon.
Ipalagay natin na walang mga Earth Grade Weapons, kahit ang mga Peak Spiritual Grade Items ay kakaunti lamang ang bilang sa Canopy Great Country. Kahit mayroon pa sila noon, mga aytems lamang sila na ginagamit para sa kuta.
Sa isang punto ng pagkakataon,
Isang asul na golondrina ang may dalang kabataan na may asul na buhok at may matandang sakay ang lumilipad sa itaas.
Dahil sa katotohanang may patong ang kanyang ulo, nagkunwari si Zhao Feng na may matanda at malamig na aura at hindi niya rin suot ang panakip sa kanyang mata.
Gamit ang kontrol ng kanyang God's Spiritual Eye, kaya niyang palitan ang kulay ng kanyang kaliwang mata sa loob ng kalahting araw pero mawawalan ito ng halos lahat ng kapangyarihan nito.
"Magkakaroon talaga sila ng mga piraso ng Earth Grade Weapon?"
Hindi nangahas si Zhao Feng na paniwalaan ito.
"Hindi lamang mga piraso ng Earth Grade Items. Kamakailan lang, napabalitaan na mayroon rin silang malalim na uri ng Seven Sword Incomplete Manual na nagmumula sa Four Great Inheritances – ang Seven Item Inheritance at ang lakas nito ay masasabing malapit sa isang Earth Ranked Skill. Bukod pa roon, mayroon rin silang mga items mula sa Four Great Inheritances pero ang mga nilalaman nila ay nakatago."
Ang mukha ni Heiyun Master ay puno ng galak at umabot ito sa rurok.
Kahit titingin lang naman sila, isang pribilehiyo para sa kanya ang makapunta sa ganitong klase ng pangyayari.
Hindi mapigilan ng kalmadong puso ni Zhao Feng na makaramdam.
Ang munting pusang magnanakaw sa kanyang Spiritual Per Bag ay nagsasasayaw sa loob at kung hindi dahil kay Zhao Feng baka lumabas na ito nagtatatalon.
"Napakaramaing tao ang gustong pumunta sa auction na ito pero mayroong isang libong puwesto lamang. Kung kaya tinaasan nila ang bayad sa pagpasok sa 5,000 na Primal Crystal Stones."
Napakaraming tao sa may entrada ang may mga cultivation na nasa True Spirit Realm at may isa sa kanila ang nasa True Mystic Rank.
Ang dahilan kung bakit nagtaas sila ng bayad ay upang limitahan ang bilang ng mga dadalo.
Napakataas ng antas ng Rising Dragon Auction kung kaya kakarampot lamang na ordinaryong tao ang napaparoon.
Napakaraming tao dito sa ngayon at ito lamang ang magagamit nilang paraan para alisin ang mga taong mamamasyal lang naman.
Ang 5,000 Primal Crystal Stones ay hindi isang maliit na halaga. Nagkakahalaga ito ng 500,000 Substandard Primal Crystal Stones na isang napakalaking pera na sa Thirteen Countries.
"Heiyun Master. Dito po…."
Isa sa mga tagapagsilbi ang nagpakita ng ngiti at saka hinatid si Zhao Feng at Heiyun Master sa loob.
Si Heiyun Master ay mayroong Esteemed Guest Card na siyang nagpahintuloy sa kanya na makapassok sa Esteemed Guest Stands.
Ang Esteemed Guest ay napakataas ng kinalalagyan at kung gusto ng mga bisita, magagawa nilang pataasin pa ito nang hindi makilala ang kanilang mga itsura.
"Kung katulad ito sa mga ordinaryong pagkakataon, makakatanggap na kayong dalawa ng 4-Star o kaya Higher Esteemed Guest Stand, pero iba na ngayon, makakapasok lang kayo sa 3-Star stands."
Ngumit ang tagapagsilbi nang sabihin ito.
Hindi nagtagal.
Sina Zhao Feng at Heiyun Master ay nakaayos na para pumasok sa Esteemed Guest Stand na kayang maglaman ng isang dosenang tao sa loob.
Ang bilang ng mga Esteemed Guest Stands ay limitado lamang at habang tumataas ang bilang ng star, lalong kumakaunti ang mga tao.
Ilang dosena ng 3-Star Stands ang mayroon at tanging isang dosena lamang para sa 4-Star Stands at apat na piraso lang sa 5-Star Stands.
Ganito rin naman inaayos ang mga lumang factions dati. Kapag mas mataas sila, nangangahulugang mas mataas ang kanilang posisyon sa golden tower.
"3 Stars, hindi na rin masama. Ang puwesto natin ay nasa bilang 50."
Bahagyang ngumiti si Heiyun Master at pumukol ng tingin sa labas.
Dahil pinili ni Zhao Feng na hindi sila makikita, mayroong espesyal na salamin ang kumukulong sa kanila kung saan ang lahat ng nasa loob ay makikita ang nasa labas at ang mga nasa labas ay hindi makikita kung ano ang nasa loob.
Habang lumilipas ang oras, ang auction ay lalong napupuno ng mga tao.
Halos lagpas kalahati ng mga Esteemed Guest Stands ay piniling itago ang kanilang mga sarili, pero mayroon rin namang mayayabang at hinayaang makita sila ng mga nasa labas na tila ba nasa kanilang mga kamay na ang tagumpay.
"Ang Four Big Families – ang Liu, Yun, Bi, Tian…. Naririto silang lahat kasama na ang Head ng Liu at Tian Family."
"Hehehe, narinig ko nga na kahit ang mga Imperials ay nasa stand 3. Dahil sa pagkakaroon ng mga piraso ng Earth Grade Items, mayroong isang tao o higit pa ang maaaring ipinadala ni Empress Qin at ng Emperor."
"Ang nasa bilang apat ay ang Iron Blood Religion pero sino ang nasa una at ikalawang bilang?"
Nagsimula ng magkaroon ng diskusyon ang karamihan bago pa man magsimula ang auction.
Mayroon lamang apat na 5-Star Stands at nasakop na ng Imperials at Iron Blood Religion ang ikatlo at ikaapat.
Sa pagkakataong iyon, ang mga pangunihang tao ng bawat pwersa ay nagsidatingan na.
Sinuri ng mga mata ni Zhao Feng ang bukas na mga Esteemed Guest Stands. Ang bilang ng mga nasa True Spirit Realm ay umabot ng halos isang daan pero ang bilang ng mga nasa True Lord Rank na mga eksperto ay mabibilang lang gamit ang isang kamay.
Pagkatapos ng isang oras, ang auction ay opisyal nang nagsimula.
Ang entablado ay kalahating-bilog ang hugis at isang elder na nakasuot ng walang disenyong roba na nasa True Mystic Rank at may kasamang dalawang maganda na nasa True Human Rank ang nakatayo sa may gilid.
"Ubo ubo…. Ang unang aytem sa auction na opisyal na ipapakita ay….."
Ang elder na nakasuot ng roba ay may kalmadong mukha at ang kanyang boses ay napakalambing.
Isa sa mga katabi niyang magaganda na nasa True Human Rank ang kumuha ng isang chilling ice stone na nagbubuga ng nakasisindak na lamig.
Ang mga chilling ice stones ay nagbibigay ng lamig sa buong taon at nagkakahalaga ng 10,000 na Primal Crystal Stones sa normal na sitwasyon.
Ngunit, sa ngayon, hindi nila binebenta ang bato mismo pero isang maliit na bote na may likido ng chilling ice stone.
"Ito ang Ice Essence Spiritual Fluid na nagmumula sa Four Great Inheritances, ang "Mystic Ice Inheritance". Ang likidong ito ay pinahihintulutan ang isang normal na tao na maabot agad ang Ascended Realm. Ang pinakamagandang bagay rito ay sapagkat hinahayaan nitong magkaroon ng Spiritual Body ang isang taong wala nito."
Pagpapakilala ng elder.
Ice Essence Spiritual Fluid na nagmula sa Mystic Ice Inheritance.
Isang alon ng diskusyon ang naganap sa ibaba.
Alam ng lahat na kahit ang kontinente ay may populasyong nasa ilang daang milyon, mabibilang lang naman ang mayroong mga Spiritual Bodies.
Halimbawa, si Zhao Linlong mula sa Zhao Family. Siya ang top genius kung babalikan sa World of Clans, pero isa lamang siyang basura – mayroon lamang siyang mortal tier body.
Tanging ang mga may Spiritual Tier Body lamang ang may pagkakataong maabot ang Ascended Realm.
Subalit, ang talento raw ay nakukuha sa pamamagitan ng bloodline pero hindi pa rin ito sigurado.
Ang mga kamag-anak ng mga eksperto ay talentado nga naman pero hindi pa talagang napapatunayan.
Mayroong juniors ang mga malalaking pamilya na walang kwenta ang mga talento at nahihirapan pa silang makaabot sa Ascended Realm. Kung kaya lalong hindi nila maaabot ang True Spirit Realm.
"Ang Ice Essence Spiritual Fluid ay talaga ngang misteryoso. Hinahayaan nitong marating ng isang mortal ang Ascended Realm nang ganoon lamang kadali. Wala ni kahit isa sa Four Great Inheritances ang simple."
Nagulat si Zhao Feng at hindi makapagsalita habang inaalala niya kung gaano karaming hirap ang pinagdaanan niya para marating ang Ascended Realm samantalang isang bote lang pala ng Spiritual Fluid sa Canopy Great Coutry ang makapagbabago ng tadhana ng isang tao.
"Ice Essence Spiritual Fluid – ang halaga nito ay magsisimula sa 100,000 Primal Crystal Stones at bawat bid ay dapat mas mataas kaysa sa huli."
Ngumiti nang bahagya ang matandang nakaroba.
Nang matapos ang kanyang mga salita, mayroong mga tao na agarang nagsisigawan na.
"Ang bid ko ay 150,000!!"
"160,000!!"
"180,000!!"
Pagsigaw ng mga taong naroroon.
Ang boteng ito ng Ice Essence Spiritual Fluid ay umabot hanggang 200,000 at lalo pang tumataas pa.
Karamihan sa mga elders ng mga pamilyang hindi ganoon katalentado ang mga inapo ay gustong baguhin ang tadhana ng kanilang mga kamag-anak na ito.
Ang Ice Essence Spiritual Fluid ay nabenta na rin sa halagang 310,000 Primal Crystal Stones na katumbas ng isang Low Tier Spiritual Grade Weapon.
Ang isang Low Tier Spiritual Grade Weapon ay isang aytem na kayang depensahan ang isang kuta ng mga mas maliliit na factions.
Para sa Rising Dragon Auction, ang unang aytem ay hindi ganoong kasama at hindi rin ganoon kabuti – mayroon lamang itong maliit na sopresa.
Ang ikalawa at ikatlong mga aytems ay puro kakaiba at kahit hindi ito kasinghusay ng Ice Essence Spiritual Fluid, nasa Peak Mortal Grade Level naman ang mga ito.
"Hehehe, ang sumunod na dalawang ayetms ay galing sa sikat na Water Moon Pirate…."
Sinadya itong sabihin ng elder na nakasuot ng walang disenyong roba.s
Water Moon Pirate!!!
Isa na namang alon ng diskusyon ang maririnig mula sa karamihan.
"Ang isa sa kanila ay ang Sky Bamboo Nine Sound Qin, isang item of entertainment na kayang magpagaling ng mga sugat sa puso sa pamamagitan ng pagtugtog nito. Ang mga eskperto ng Dao of Entertainment ay maaaring gamitin ito upang maglabas ng isang kritikal na Qi of Sound. Sa nakalipas, isang Entertainment Master ang gumamit ng Qin na ito upang iligtas ang kanyang faction at itaas ang mukha ng kanyang Clan sa pamamagitan ng pagpatay niya sa kanyang mga kalaban nang hindi nakikita, kung kaya naligtas ang buong Clan niya mula sa kapinsalaan."
Ibinuod ng elder ang kasaysayan ng bagay na iyon o alamat noon.
Nagulantang si Zhao Feng nang marinig ito sapagkat siya ang nagbigay ng Qin na ito sa Rising Dragon Auction.
Noon, tinantsa ni Heiyun Master na ang halaga nito ay katumbas ng isang Spiritual Grade Weapon. Hindi nila napagtanto na kahit ang Rising Dragon Auction ay alam ang kasaysayan nito.
SA parehong pagkakataon, sa isang Esteemed Guest Stand.
"Sky Bambo Nine Sound Qin??? Hindi ba ito ang ating tinatangi na Qin ng Qin Sword Sect?"
"Ang Qin na ito ay walang hiyang ninakaw ng Water Moon Pirate."
"Hindi ko aakalain na ang Sky Bambo Nine Sound Qin ay magpapakita sa ganitong auction. Kailangan natin itong kunin."
Ang Qin Sword Sect ay isa sa mga tatlong malalaking sects ng Canopy Great Country.
"Ang panimulang presyo ng Sky Bambbo Nine Sound Qin ay 140,000. Ang bawat bid ngayon ay dapat dalawang libong mas mataas kaysa sa huling nabanggit."
Pag-anunsyo ng elder na ito.
Tahimik na naghintay si Zhao Feng kung gaano kataas ang matatanggap niya mula sa aytem na ito.