Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 267 - Misteryosong Pagtitiwala

Chapter 267 - Misteryosong Pagtitiwala

Ang asul na simbolo ay binubuo ng kidlat, ito ay parang isang arko.

Ito ay katulad ng simbolo na natanggap ni Zhao Feng sa Floating Crest Trial.

Ang mga arko ng kidlat na nasa loob ng selyong ito ay naglalaman ng malalim na paglalayon at ito ang kumkatawan sa pag-intindi ni Zhao Feng sa Lightning Inheritance.

Kasabay nito.

Sa isipan ni Zhao Feng, ang unang palapag ng Lightning Inheritance ay nagliwanag at ang ikalawang palapag ay nagpakita ng ilang senyales ng paggising, hindi ito kasingdilim gaya noon.

Para naman sa ikatlong palapag, nakapadilim pa rin nito.

"Ang Lightning Inheritance ay nahahati sa tatlong palapag. Ang mga nasa Ascended Realm ay kadalasan kaya lamang maintindihan ang unang palapag kung saan sa ikalawang palapag kailangan ay nasa True Spirit Realm na ang isang tao. Para naman sa ikatlong palapag, kailangan mong maging third rank ng True Spirit Realm- ang "True Lord Rank.". Kung kaya kong maintindihan ang buong Lightning Inhertiance, mayroong pagkakataon na makaabot ako ng Origin Core Realm."

Matamlay na huminga si Zhao Feng at ang asul na lightning seal sa kaniyang palad ay naging isang bulaklak na kasinglaki ng isang kamao na namulaklak sa himpapawid bago tuluyang maglaho.

Sa isang iglap na ito.

Ang buong unang palapag ay naintindihan na ni Zhao Feng at ang pasukan patungo sa ikalawang palapag ay bumukas na.

Ang tanging problema na lamang ay ang katotohanan na sa ikalawang palapag kinakailangan mo munang makaabot sa True Spirit Realm upang maintindihan ito samantalang sa ikatlong palapag ito ay para sa mga True Lord Rank.

Ang kamalayan ni Zhao Feng ay sumubok makapasok sa ikalawang palapag, ngunit ang mga imahe at eksena na nakapaloob dito ay nagdulot upang hindi siya makahinga.

Kahit anong eksena ay yumayanig sa puso ni Zhao Feng at ang pag-intindi nito ay lubhang nakakapagod.

Subalit, kahit ganoon, nagulat pa rin si Zhao Feng.

Kahit na mahirap intindihin ang ikalawang palapag, hindi ito imposible.

Ang mahirap at ang imposible ay dalawang magkaibang konsepto.

"Wala pa nga ako sa half-step True Spirit Realm, bakit kaya ko pa ring intindihin ang ikalawang palapag?"

Naisip ni Zhao Feng.

Ang tanging sagot na kaya niyang maisip ay ang God's Spiritual Eye.

Ang God's Spiritual Eye ay nagbibigay sa kaniya ng makapangyarihang mental energy at ang abilidad na makaramdam at makaintindi.

Sumanib ang kamalayan ni Zhao Feng sa kaniyang kaliwang mata.

Sa kaniyang kaliwang mata, ang asul na kawalan ay umabot ng pitong talampakan at pitong pulgada. Para bang umaabot na ito sa limitasyon.

Ang cultivation ni Zhao Feng ay nasa 6th Sky lamang ngunit ang asul na kawalan ay umabot na lagpas ng pitong talampakan.

Nang tunawin ni Zhao Feng ang Ghost Mark, bumaba ang kaniyang cultivation. Subalit, ang kaniyang kakayang makaintindi ay hindi naglaho at pagtapos matuto ng isang mental energy skill, lumago siya ulit.

Sa pag-alala sa Concealed Dragon Ruins, ang kaniyang mental energy level ay kapantay na noon ng ilang mga cultivators na nasa half-step True Spirit Realm.

Ang level ng kaniyang mental energy ay mas malakas ngayon kaysa noon.

Nang magulat si Zhao Feng, isang misteryosong matamlay na asul na liwanag ang lumitaw sa sentro ng asul na kawalan at isang malamig na aura ang bumalot sa kaniyang katawan.

"Ito ay..."

Nanginig ang puso ni Zhao Feng nang biglang maglaho ang matamlay na asul na liwanag, subalit, ito ay isang kapangyarihan na hindi niya pa nakikita noon. Katiting lamang nito ay nagdulot na upang manginig ang puso ni Zhao Feng.

Maaari bang ang kapangyarihan ng God's Spiritual Eye ay nasa rurok na ng panibago nanamang paggising? O nakarating na ito sa punto ng pagbreakthrough?

Hindi mapigilang mag-isip ni Zhao Feng.

Sigurado siya na ang level niya sa mental energy ay lagpas na sa mga pangkaraniwang cultivators na nasa half-step True Spirit Realm.

Dulot ito sa pag-intinding nakuha niya sa Origin Core Ruins at ang progreso sa pagkumpleto ng unang palapag ng Lightning Inheritance.

Ibig sabihin nito na ang mental energy level ni Zhao Feng ay nakalagpas na sa kaniyang cultivation at kaya naman, naiintindihan niya na ang ilang parte ng ikalawang palapag.

Ang pagtaas ng kaniyang mental energy level ay nagdulot upang magkaroon siya ng kaalaman sa pagkontrol ng True Force.

Sa iisang gabi.

Nagpatuloy si Zhao Feng sa pagbubuo ng kaniyang pundasyon at naramdaman na ang paggalaw ng kaniyang True Force ay mas lalong nagiging makinis.

Ang mga sinulid ng True Force ay mas manipis pa kaysa sa isang karayom ngumit mas pulido ito at paminsan-minsan kumikislap kasabay ng kidlat.

Makalipas ang kalahating araw.

Naramdaman ni Zhao Feng na kaya niya nang makabalik sa 7th Sky kung kailan niya gusto.

Dagdag pa rito, kapag makakatungtong siya rito, ang kaniyang pundasyon at ang lakas ng kaniyang True Force ay magiging mas malakas pa kaysa noong gumamit siya ng Shedding Spiritual Pill.

Ang pagbagsak ng cultivation nakaraan ay maaaring maituring na pagkakataon upang mas lalo pa siyang lumakas.

Sa oras na ito, ang kanyiang cultivation ay mas malakas pa kasa noon at nang siya ay makapagbreakthrough muli, magiging isang panibong realm na ito.

Subalit, kumislap ang mga mata ni Zhao Feng, hindi natitiyak kung magbebreakthrough ba siya ngayon o mananatili lamang sa peak ng 6th Sky.

"Kapag naayos na ang aking Yin Shadow Cloak, ang plano ko ay halos makukumpleto na."

Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang kapaligiran niya at napansin ang apat na ekspertong nasa half-step True Spirit Realm na nagmamanman kay Zhao Feng.

Ang apat na ito na nasa half-step True Spirit Realm ay lahat nakaitim na kapa at sanay silang maghanap ng tao at magtago.

Ang Qi ng True Spirit na nasa kanilang mga katawan ay nakaabot na sa 50%. Mahihirapan si Zhao Feng kung sakaling ang isa sa kanila ay lumaban para sa kaniyang mapapangasawa.

Ang mga apat na eksperto ito ay sapat na para magbantay kay Zhao Feng.

Makalipas ang tatlong araw.

Sa isang silid sa ilalim ng lupa ng Tiegan Palace.

"Ang solusyon para maayos ang Yin Shadow Cloak na ito ay kumpleto na. Ngayon kailangan na lamang natin itong ayusin."

Sambit ni Tiegan Master.

Hindi tinago ni Zhao Feng ang katotohanan sa Flooding Lake City Lord na pinaparefine niya ang kaniyang Luohou Bow ngunit sa oras na ito, ang pag-aayos ng Yin Shadow ay kailangang palihim na gawin.

Kaya naman, kinailangan pa rin ni Zhao Feng na personal na tulungan si Tiegan Master at huwag sa pamamagitan ng ibang mag-aaral.

"Tama, ang proseso ng pag-aayos ng Yin Shadow Cloak ay lubhang napakakomplikado. Ang ganitong kontrol ay hindi isang bagay na nagagawa ng normal na mag-aaral."

Ngumiti si Tiegan Master.

Sa oras na ito nagbigay ng komplikado at ng mahigpit na mga pangangailangan kay Zhao Feng.

Nagdulot ito upang maghinala ang nabanggit dahil halatang ginugulo siya o sinusubok siya ni Tiegan Master.

Subalit, alam niya na kung gaano kataas ang mga kakailanganin, mas mababa ang pagkakataon ng kapalpakan at mas malaki ang pagtaas ng kapangyarihan.

Binigay ni Tiegan Master ang lahat ng mga gawaing ito kay Zhao Feng ng mayroong pagkawalang-bahala at dahil si Zhao Feng ay nalilimitahan ng kaniyang mga karanasan, nakakagaw siya pagkakamali paminsan-minsan na itinatama namna ni Tiegan Master.

Ang ilang mahihirap na gawain gaya ng pagkokontrol ng apoy at pag-ukit ng mga arrays ay ibinigay kay Zhao Feng.

Sa ikatlong araw, nagsimulang pagpawisan ang noo ni Zhao Feng dahil nakaramdam na siya sa wakas ng pagkapagod.

"Tanggalin mo ang takip mo sa mata, tingnan natin ang limitasyon mo."

Sinabi ni Tiegan Master habang nakangiti.

Huminto muna si Zhao Feng bago tinaggal ang takip niya sa mata at nagpakita siya ng isang matalim na asul na mata.

Sa oras na nakita ni Tiegan Master ang God's Spiritual Eye, ang kaniyang puso ay bahagyang nanginig at siya ay nanlambot.

"Hindi kayang takpan ng takip mo sa mata ang tunay na aura na nagmumula sa iyong mata lalo na kapag ginagamit mo ang kapangyarihan nito. Bibigyan kita ng panibagong takip sa mata sa susunod."

Sinabi ni Tiegan Master bago senyasan si Zhao Feng na magpatuloy.

Sa oras na ito.

Wala ng inaalala si Zhao Feng dahil binuksan na niya ang kaniyang God's Spiritual Eye at sinimulang tapusin ang mga gawaing ito.

Sa ilalim ng sitwasyon na ito ang kaniyang pakiramdam at ang kontrol niya ay nakaabot na sa isang panibagong level.

"Bagay ang mata mo sa forging. Kung nanaisin mo kaya kitang paangatin bilang maging isang Blacksmith Grand Master."

Hindi mapigilang manabik ni Tiegan Master.

"Para saan pa ang pagsusukat sa aking skills?"

Tumigil sa pagtatrabaho si Zhao Feng.

Sa nakaraang mga araw ng pagtatrabaho ni Zhao Feng ay nakalagpas na sa mga normal na mag-aaral at pati na rin ang mga limitasyon ng ilang mga matatandang blacksmiths.

Nagpakita ng isang ngiti si Tiegan Master, "Hindi ko na ito itatago. May isang taong humiling sa akin para gumawa ng isang makapangyarihang Spiritual grade weapon na nangangailangan ng dalawang blacksmith Masters na magkasamang magtatrabaho, at maaaring hindi pa rin ito magtagumpay."

"Ano ang kinalaman ko rito?"

Nagtatakang tanong ni Zhao Feng.

"Ang sandata na ito ay nagmula pa sa isang sinaunang blueprint at napakahirap. Hindi kapani-paniwalang kontrol at precision ang kailangan dito kung hindi papalkpak ito."

Nang magsalita si Tiegan Master hanggang dito, bahagya siyang huminto.

Isang ilaw ang kumislap sa mga mata ni Zhao Feng habang malalim siyang nagsalita, "Mukhang nakagawa ka na ng mga plano mo bago pa man magpunta ang junior na ito sa Tiegan Palace."

"Tama 'yan, maaari mo ring makita ang mga kahinaan sa pamamagitan ng pagtingin nang isang beses sa isang kagamitan. Ito ay isang bagay na kailangan ko ring pagtuonan ng oras."

Hindi tumanggi si Tiegan Master.

Hindi mapigilang mag-isip ni Zhao Feng. Maaari niyang tulungan si Tiegan Master ngunit ano naman ang makukuha niya rito?

Kailangan niyang alalahanin na mayroon lamang humigi't kumulang dalawang buwang natitira bago ang araw ng kasalan nia ni Liu Qinxin, ay wala ng masiyadong oras na natitira.

"Hehe, ang mga kikitain mo kapag nakumpleto mo ang sandatang ito ay lagpas pa sa iniisip mo. Sa dahilan pa lamang na ito, mahirap na siyang tanggihan."

Misteryosong ngumiti si Tiegan Master, puno ng lakas ng loob.

Oh?

Bahagyang nagtaka si Zhao Feng.

Biglang ipinakalat ni Tiegan Master ang kaniyang Spitirual Sense at binalot ang buong silid nito.

Natuklasan ni Zhao Feng ng isang bahagyang kakaibang aura.

"Ang blueprint para sa mga sandatang ito ay nagmumula pa sa isa sa mga lugar ng Four great inheritance. Ang 'Heaven's Legacy Inheritance'."

Sinabi ni Tiegan Master kay Zhao Feng nang mayroong isang taimtim na eskpresyon.

Heaven's Legacy Inheritance.

Hindi mapigilan ni Zhao Feng ang kaniyang nanlalamig na hininga.

Ang Heavens Legacy Inheritance ay ang ranked first sa lahat ng apat na inheritances at ito ang pinakamisteryoso pati na rin ang pinakasinauna.

Wala pang nakatatanggap ng Heavens Legacy Inheritance at ang Inheritance ay lumilitaw lamang isang beses sa loob ng sampung libong taon.

Batay sa mga tala, ang paglitaw ng Heavens Legacy Inheritance ay magdudulot upang maging pabago-bago ang sitwasyon sa loob ng kontinente.

"Ikalawa, ang pagkakakilanlan ng tao ay magiging lubhang makapangyarihan. Sa oras na makumpleto mo ang gawaing ito, ang tao na iyon ay magkakaroon ng utang na loob sa'yo at malaki ang maitutulong niya sa'yo sa loob ng Canopy Great Country."

Inihayag ni Tiegan Master ang ikalawang gantimpala.

Nanahimik si Zhao Feng ng ilang sandali.

Ang tulong mula sa pagtitiwalang ito ay masiyadong malaki.

Gaya ng sinabi ni Tiegan Master, ang blueprint ay nagmula sa Heaven's Legacy Inheritance. Walang makakatanggi dahil dito.

Sa ganitong paraan, nagkaroon ng kasunduan sina Zhao Feng at si Tiegan Master.

Tutulungan ni Zhao Feng si Tiegan Master sa paggawa ng sandata.

Sunod.

Nagawa na ng dalawa ang Yin Shadow Cloak sa loob ng ilang araw at ang bagong Yin Shadow Cloak ay naging isang kumpletong inheritance item muli.

Isinuot ni Zhao Feng ang Yin Shadow Cloak at nagsimulang maglaho.

Shua!

Isang anino ang lumitaw sa sulok ng silid, na para bang naging isang multo si Zhao Feng.

Hindi mapigilang sambitin ni Tiegan Master, "Ang inheritance item na ito ay tiyak na isang napakagandang sining. Bukod sa invisibility at speed, kaya rin nitong hugipin ang isang parte ng kapangyarihang nagmumula sa mga atake. Kung mataas ang cultivation ng isang tao, maaari pa silang makagawa ng "Yin Shadow Doppelgangers."

Yin Shadow Doppelgangers?

Nagpakita ng isang nagtatakang ekspreyon si Zhao Feng. Tunay ngang karapat-dapat na maging isang blacksmith master si Tiegan Master na kayang matuklasan ang mga natatagong kapangyarihan ng mga inheritance items.