Sa hangganan ng Flooding Lake City.
Mayroong isang itim na bundok na walang kahit anong katabi; walang kahit anong puno o kahit anong damo.
Ang bundok na ito ay tinatawag na Tiegan Mountain at kahit hindi maganda ang hitsura nito, mali ang gagawin mo kung mamaliitin mo ito.
Hindi lamang tungkol sa pataasan ang mga bundok, ang katubigan ay hindi lamang tungkol sa kalaliman.
Sa lugar ng Flooding Lake, ang Tiegan Mountain ay kilalang-kilala at lahat ng ito ay nanggaling mula sa mamumuno nito na si "Tiegan Master".
Miao miao!
Ang pusa at ang tao ay naglakad sa Tiegan Mountain at ang munting pusang magnanakaw ay mukha labis na nagiging mapaglaro.
Sinuri ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng ang Tiegan Mountain at nakita na punong-puno ito ng mayayamang Fire Heaven Earth Yuan Qi.
Simula sa pagtapak nila sa bundok, tumaas na ang temperatura.
"Ang Tiegan Mountain na ito ay tiyak na mayroong lava sa loob nito. Siguro ay mayroon pang Earthen Flames dito."
Nagliwanag ang mga mata ni Zhao Feng.
Naging isang blacksmith na siya noon at alam niya ang pagitan sa normal na mga blacksmiths at sa mga masters.
Ang munting pusang magnanakaw at si Zhao Feng ay naglakad nang paisa-isang hakbang sa bundok at hindi sila sumakay sa kaniyang Azure Sharp Shallow.
Ito ay dahil natuklasan ni Zhao Feng na hindi gusto ni Tiegan na siya ay naiistorbo at naglagay pa ng ilang limitasyon sa mga mounts na lalapag sa bundok.
Isang silver metal palace ang hindi kalaunan nagpakita.
Ito ay ipinangalanang Tiegan Palace, ang lugar kung saan nakatira ang blacksmith master.
Sa pagkakataong ito mayroong mga taong pumapasok at lumalabas at karamihan sa kanila ay nalugmok.
"Aye, walang gustong makita si Tiegan master. Kahit ang kaniyang puwesto para sa rekomendasyon ng tatlong disciples ay nausog ng kalahating taon."
Karamihan sa mga taong ito ay nasa Ascended Realm.
Sa Canopy Great Country lakas ang nagdedesisyon sa lahat ng bagay.
Kung may isang tao na nasa True Spirit Realm o isang tao na mayroong espesyal na pagkakakilanlan ang magpupunta magpapadala ang Tiegan Palace ng babati sa kaniya.
Nang ilabas ni Zhao Feng ang kaniyang "Liu family token" nagtinginan ang mga tao ng Tiegan Palace bago siya pinapasok nang walang sinasabing kahit ano.
Kahit ang relasyon sa pagitan ni Tiegan Master at ng City Lord ay hindi maganda, ang pamilya ng Liu pa rin ang pinakadominanteng puwersa rito at hindi sasadyain ng Tiegan Palace na alipustahin sila.
Habang pumapasok ang pusa at ang tao sa palasyo.
Sa isang tagong lugar malapit sa Tiegan Palace.
"Pumasok na siya sa Tiegan Mountain. Bumalik ka at i-ulat ito sa City Lord."
Tatlong lalaki na mayroong madidilim na damit ang nakatayo sa likod ng bungkos ng sira-sirang bato at isa sa mga anyo ang dali-daling lumipad palayo.
Shua!
Isang lalaki pa na nakaitim na kapa ang lumakad papunta habang nakapasok na si Zhao Feng kanina.
Ang token na nasa kaniyang kamay ay nagdulot upang bahagyang magbago ang mga ekspresyon ng mga guwardiya ng Tiegan Palace.
Simula noong may nangyaring labanan para sa mapapangasawa, ang kabuuan ng apat na eksperto na nasa True Spirit Realm ang nagbantay sa bawat kilos ni Zhao Feng.
Sa umpisa, mayroon pa ngang isang ekspertong nasa True Spirit Realm na naroroon.
Sa isang banda, nais malaman ni City Lord ang kaligiran ni Zhao Feng at sa kabila naman, takot siya na tumakas si Zhao Feng.
Subalit, tahimik na nagpakita si Zhao Feng matapos makapasok sa City Lord Palace at paminsan-minsan tinutulungan niya pang paamuhin ang mga alaga roon.
Nagsimula nang magtiwala ang City Lord kay Zhao Feng at halos lahat ng kaniyang pag-aalala ay naglaho na.
Hanggang makalipas ang kalahating buwan atsaka pinaatras ang ekspertong nasa True Spirit Realm.
Pagtapos pumasok sa Tiegan Palace hindi agad napansin si Zhao Feng.
Kahit na sinabi niya na siya ang manugang na lalaki ng City Lord, hindi siya ilalagay sa isang importanteng posisyon dahil hindi naman masiyadong maganda ang relasyon sa pagitan ng City Lord at ni Tiegan Master.
Sunod ay lumakad patungo sa isang bulwagan na nasa loob ng Tiegan Palace si Zhao Feng.
Ang bulwagan ay puno ng mga sandata, kalasag, at mga alahas. Ilan sa mga ito ay gawa mismo ni Tiegan Master, samantalang ang iba naman ay gawa ng kaniyang mga disciples. Lahat ng ito ay top tier na mga produkto na nakakapagpabuntong hininga para sa ibang mga tao.
Tinaob ni Zhao Feng ang ilang mga kagamitan at natuklasan na bawat isa sa mga disciples ni Tiegan Master ay mas magagaling pa sa mga naroroon sa Broken Moon Clan.
Para naman sa mga produkto ni Tiegan Master, napakaperpekto nila.
Bumuntong hininga ang lahat ng nanonood at sumigaw, kabilang nito ang mga blacksmiths na nagmula pa sa malayong lugar.
Maraming mga eksperto o mga blacksmiths ang gustong bumili ng ilang mga kagamitan ngunit ang mga produkto dito ay kung hindi ibinebenta, kinakailangan ng pagsang-ayon ng may-ari, o mayroon namang napakataas na halaga β higit pa sa sampung beses ng halaga nito.
Sa kabuuan.
Mahirap makabili ng kagamitan dito maliban na lamang kung mataas ang iyong cultivation o mayroon kang estado para diretsong kumausap sa Tiegan Palace.
Ang mga kagamitan na ito ay para lamang sa pagpapakitang gilas at pagpapakita ng lakas ng Tiegan Palace.
Pumulot ng isang mahabang scarlet gold long sword si Zhao Feng at maingat itong hinawakan. Ang mga bumubuong bagay sa espada ay naisanib na sa pinakahangganan nito at ang espada mismo ay nagmukhang isang salamin.
"Anong klaseng basurang blacksmith technique ang ginamit para gawin ang walang kuwentang espada na ito? Magaspang ito at walang kuwenta."
Isang mapangsuklam na boses ang narinig.
Biglaan.
Naging lubhang tahimik ang bulwagan at lahat ng mga mata ay napunta sa isang batang may asul na buhok.
"Sino ang batang ito? Bakit ang lakas ng loob niyang maliitin ang mga gawa ng Tiegan Palace?"
"Ehh? Hindi ba't siya ang manugang na lalaki ng City Lord?"
Nagusap-usap ang mga tao sa bulwagan.
Isang maliit na bilang ng tao ang nakakilala kay Zhao Feng.
Ding!
Tinapik ng daliri ni Zhao Feng ang espada, "Mukhang maganda ang mga materyal ngunit ang forging technique ay hindi man lamang maitatapat sa kahalagahan nito. Ang panlabas na anyo lamang ang maayos..."
Umiling siya habang nagsasalita nagdulot upang magtinginan ang mga tao.
"Little brother, ano ang ibig mong sabihin?"
Isang kalapit na blacksmith ang nagdadalawang-isip na nagsalita.
"Ang pangunahing materyal na ginamit dito ay 'Purple Metal Gold'. Ang conduction ng true force mula sa Purple Metal Gold ay maayos-ayos at mukhang maganda ang hitsura subalit ang kahinaan nito ay ang bigat nito at ang talim ay hindi masiyadong maganda. Ang Purple Metal Gold ay sumasakop sa higit pa sa tatlong parte ng kabuuan na bigat nito at kahit katiting lamang na Mystic Ice Metal at Training Mystic Iron ang dinagdag para pataasin ang katibayan at talim nito, masiyado pa ring mababa ang timbang at hindi makakapinsala ito. Ang katibayan din nito ay hindi pa nakakaabot sa pinakamataas na level. Laban sa isang purong-gawa na sandata, madali lamang masisira ang espada na ito."
Umiling si Zhao Feng.
Sa katotohanan, ang kahinaan ng espada nito ay hindi halata. Bahagyang magaan lamang ito at hindi ganoon katigas; ngunit hindi sa ganitong antas.
Ang dahilan kung bakita maraming Purple Metal Gold ang nagamit ay upang maidaos ang True Force sa isang mataas limitasyon pati na rin upang pataasin ang damage. Ang pagiging magaan nito sa timbang ay dahil nakatuon ang espadang ito sa bilis. Bukod pa riyan, ang espada na ito ay pangdispley lamang, kaya naman ganoon karami ang paggamit ng Purple Metal Gold.
Subalit, hindi ito nakikita ng mga normal na tao. Kung tutuusin ang conduction rate ng espada ay mataas at tumaas pa ang bilis nito. Ang kataliman nito ay maganda na at sa kabuuan magandang sandata talaga ito.
Para naman sa katibayan nito, hindi ito ang pinakamaganda ngunit hindi na masama.
Subalit, mapanusok sa kataliman ang mga mata ni Zhao Feng at kaya pa nitong kuhanin ang mga buto mula sa itlog.
Sa pagkarinig sa kaniyang paliwanag, ang mga kalapit na blacksmith ay hindi mapigilan kundi tumango, "Siyang tunay, hindi naman masiyadong maganda ito."
"Sinong naglalakas-loob maliitin ang mga produkto ng Tiegan Palace?"
Ang mga disciples at blacksmiths ng Tiegan Palace ay galit na nanghimasok.
"Hehe, kung ganoon mapilit pala ang Tiegan Palace? Kailangan ay puriin lamang namin ang mga kagamitan at hindi pag-usapan ang mga kahinaan nito?"
Malamig na humagikhik si Zhao Feng at nagpatuloy,
"Ito lamang ang kauna-unahan. Ang katibayan nito ay katamtaman lamang at gawa ito sa Mystic Ice Metal. Sa oras na makatapat ito ng isang fire elemental weapon,Β ang pagkakasalungat sa temperatura ay magdudulot upang magbago ang hugis nito at maaari pang mawarak sa gitna ng labanan."
"Maaaring makapagpataas ng damage ang Mystic Ice Metal, at matapos ang forging, magagawa nitong maging kasindulas ng salamin ang espada. Kahit ang dugo ay hindi maiiwan dito. Subalit, para lamang ito sa hitsura hindi para sa aktwal na paglalaban.... kakila-kilabot."
Natulala ang mga kalapit na blacksmiths.
Kung gawa-gawa lamang ito ni Zhao Feng, tatawa sila. Subalit, ang mga salita ni Zhao Feng ay totoo at naglalaman ng mga kaalaman tungkol sa forging sa kaniyang mga paliwanag.
Matapos pag-usapan ang tungkol sa kahinaan ng Purple Metal Sword, lumakad si Zhao Feng patungo sa isang itim na latigo.
"Tingnan niyo, ang latigong ito ay gawa mula sa black forging soft iron..."
Sa puntong ito, ang atensyon ng mga naroroon ay nakatuon lamang kay Zhao Feng.
Nagsalita nang nagsalita ang nabanggit at inaanalisa ang mga materyales ng bawat sandata habang nagmamalabis siya sa mga kahinaan nito.
Walang buhay ang mga mata ng mga blacksmiths ng Tiegan Palace.
Ang mga pagkilos ni Zhao Feng ay parang pagkuha ng mga buto mula sa isang itlog ngunit lahat ng mga problemang natagpuan niya ay talagang may pagmamalabis.
"Paano niya malinaw na nalalaman ang bawat materyal? Kadalasan ang mga Master-level na tao lamang o ang mga may karanasan na matatandang blacksmiths ang maaaring makakita ng ganito sa iisang tingin lamang....."
Isa sa mga blacksmiths ay hindi napigilan ang paghinga ng malalim.
"Dali! Dali! Tawagin niyo ang Tatlong Core disciples!"
"Ang Unang senior brother ay nasa seklusyon, nagfoforge ng isang kagamitan. Ang Ikalawang senior brother ay wala rito at ang ikatlong senior brother ay kasalukuyang may kinikitang nasa True Spirit Realm."
Nataranta ang mga blacksmiths nt Tiegan Palace.
Lahat sila ay natakot kay Zhao Feng at wala silang malabas na kahit sino para sumagot sa kaniya.
Ang mas nakakatakot pa ay ang mga kagamitan na nasa kamay ni Zhao Feng ay lahat basta-bastang niya lang napili.
Kung magpapatuloy ito, ang pangalan ng Tiegan Palace ay marurumihan.
"Naparito ang lalaking ito upang magdulot ng kaguluhan!"
Napahinga ng malalim ang mga blacksmiths at sa wakas may napagtanto.
"Sisipain na ba natin siya palabas?"
"Hindi, mayroon siyang Liu family token at siya rin ang manugang na lalaki ng City Lord."
"Ang relasyon sa pagitan ng City Lord at ni Master ay hindi maganda. Nandirito ba siya ayon sa kahilingan ng City Lord?"
Kahit na mayroong mga eksperto sa Tiegan Palace na nasa True Spirit Realm, hindi nila alam kung ano ang gagawin.
Ito ang teritoryo ng Flooding Lake City at ang pagkakalinlan ni Zhao Feng ay namumukodtangi. Sa likuran niya ay naroon ang Flooding Lake City Lord. Hindi sila puwedeng magbasta-basta.
Ang mas mahalagang bagay pa ay mga puntong ginawa ni Zhao Feng ay lahat tama at sinang-ayunan ito ng ilang mga kalapit na blacksmiths.
Kung pinilit ng Tiegan Palace na sipain palabas si Zhao Feng, hindi ba't nangangahulugan iyon na natatakot sila?
"Sinong may lakas-loob manggulo sa aking Tiegan Palace!?"
Isang nagngangalit na sigaw ang narinig at mula sa alapap, ay may bumabang isang aura na nasa True Spirit Realm.
Ang aura na ito ay mas malakas pa kaysa kay First Elder at lubhang malapit ito sa True Mystic Rank.
"Master!"
"Tiegan Master!"
Nagsiluksuhan ang mga puso ng mga taong nasa bulwagan.
Pagkatapos na pagkatapos niyang matapos ang kaniyang pangungusap, isang matangkad na anyo na nakapula ang lumitaw sa bulwagan na mayroong martilyo sa kaniyang mga kamay. Isang ragasa ng apoy na kasingtaas ng isang yarda ang pumalibot sa kaniya, nagdulot upang magmukha siyang katakot-takot.
Alam ng lahat ng tao sa Flooding Lake na kilala si Tiegan Master sa pagiging mainitin ang ulo at walang naglalakas-loob na gumawa ng kahit anong tunog.
"Haha, Tiegan Master, sa wakas ay nandito ka na."
Tumawa si Zhao Feng sa loob-loob niya at ibinaba ang kagamitang nasa kamay niya bago marahang nagsalita:
"Tiegan Master, nagpunta ako sa oras na ito para kumatawan sa aking guro na si 'Thousand Hand Grandmaster'..... Upang hamunin ka."