Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 246 - Sikretong Misyon

Chapter 246 - Sikretong Misyon

Sa kagubatan, sa pagitan ng kidlat at ulan

Basang-basa na ang grupo ng Broken Moon Clan, pero walang bakas ng pagiging malungkot sa kanilang mga mukha. Sa kabaliktaran, puno pa sila ng kasiyahan at gulat.

Noong nagpakita ang ekspertong nasa True Spirit Realm, akala nila mamamatay na sila.

Subalit, ang kanilang mga kamatayan ay hindi naganap dahil sa isang kabataan.

Ang paghinga ni Zhao ay mabilis at ang kanyang mukha ay mas maputla na kaysa dati. Ngunit, ang kanyang ekspresyon ay kalmado pa rin at ang kanyang mga mata ay matalim na sinusuri ang kapaligiran.

Sa pagkakataong iyon, kahit na nakatingin sila kay Zhao Feng na tila isa itong halimaw, ang kanilang mga tingin ay puno ng respeto at pasasalamat.

"Lumakad lang kayo."

Mahinahong sabi ni Zhao Feng habang pinapangunahan niya ang mga ito sa harap.

Hu~Ang buong grupo ay patuloy na tumatakbo sa ilalim ng utos ni Zhao Feng, at kahir mahina na si Zhao Feng, ang bilis niya ay hindi pa rin mabagal.

Dalawang oras…. Kalahating araw… Isang araw isang gabi….

Hindi halos nagpahinga si Zhao Feng at talagang piniga niya ang enerhiya ng buong grupo.

Habang binabaybay ang daang itinuro ni Zhao Feng, walang kahit anong panganib na nakaengkwentro ang grupo. Kahit isang Yao Beast ay wala silang nakasalubong.

Kahit ang isip ng pangkat ay nagsimula nang mahilo habang pinapasok nila ang tila isang labirintong kagubatan, si Zhao Feng na nasa harap ay kalmado pa rin at organisado. Ang kanyang kaliwang mata ay nagniningning na may asul na liwanag na para bang kaya niyang makita ang lahat.

Kapag ang isang daan ay tila dead end, sosorpresahin pa rin sila ni Zhao Feng.

Inisip ni Yang Gan na may kinalaman ito sa bloodline power ni Zhao Feng.

Sa wakas, ngayong araw.

Sa ilalim ng utos ni Zhao Feng, ang lahat ay hahayaang magpahinga sa loob ng kalahating araw.

Pagod na pagod na ang grupo, ganoon rin si Ran Xiaoyuan at Lin Fan na may mas mabababang cultivations at halos mahimatay na.

Sinuri ng mga mata ni Zhao Feng ang buong grupo at sinabi, "Ang lugar na kinalalagyan natin ay sampung libong milya ang layo mula sa laban. Ang Ghost Mark ay mararamdaman lamang sa loob ng isang libong milyang paikot."

Ang matandang kinalaban siya kanina ay lubhang nasaktan at ang katawan niya ay halos masira na. Kung hindi siya makapagpapagaling agad, mag-iiwan ito sa kanya ng mga permanenteng marka.

Dahil sa katotohanang ang Iron Dragon Country ay nililinis ang Thirtee Clans, ang pinakamagagawa lamang nila para ayusin ang problema kay Zhao Feng ay ang magpadala ng isang ekspertong nasa True Spirit Realm para patayin siya.

Nang maisip ito, puno ng kumpiyansa ang kanyang puso.

Apat na oras ang makalipas.

Matapos magpahinga nang ilang saglit, nanumbalik na rin ang lakas sa kanilang mga mukha at naging maayos na ang pakiramdam nila.

"Kapatid na Zhao, kahit nakatakas tayo, sila Master…"

Punong-puno ng pag-aalala si Yang Gan.

Pagkatapos ng pagkamatay ng Broken Moon Clan Master, ang First Elder na ang naging pundasyong ng Clan. Dagdag pa rito, dahil sa pagtataksil na ginawa ni Hai Yun Master, ang lakas ng Broken Moon Clan ay nabawasan nang todo.

"Buhay pa rin sila."

Ibinaling ni Zhao Feng ang kanyang God's Spiritual Eye sa isang direksyon at nagpadala siya ng kapiranggot na asul na liwanag na naglalaman ng mental energy, tila ba narating nito ang kabilang panig.

Sa hindi malamang dahilan, naramadaman ng buong pangkat na ligtas sila sa mga salitang binitawan ni Zhao Feng.

Ngunit, nag-aalala pa rin si Zhao Feng.

Buhay sila. Pero hindi nangangahulugang nakatakas sila o kaya ligtas sila.

Bilang mga eksperto sa True Spirit Realm, ang mga taong humahabol sa First Elder at Granny Liuyue ay mas malalakas.

"Ganito na lang kaya, maiiwan si Vice Head Li at ang iba ay susundan ang ating Kapatid na Yang pabalik sa Broken Moon Clan para balaan ang iba na palakasin ang kanilang mga depensa. Kung may mali sa Clan, magtago agad kayo sa Sky Cloud Forest o kaya umalis ng Thirteen Countries."

Pag-uutos ni Zhao Feng.

Sa pagkakataong iyon, ang otoridad ni Zhao Feng ay hindi na matitibag pa.

"Kapatid na Zhao, mag-ingat ka."

Taimtim na nakatingin si Yang Gan kay Zhao Feng habang sinusundan ng iba ang daan pabalik sa Broken Moon Clan.

Sa mismong lugar na iyon.

Tanging si Zhao Feng at Vice Head Li na lamang ang naiwan.

Bagp sila umalis, punong-puno ng pag-aalala si Ran Xiaoyuan at Lin Fan.

Hindi naman mahirap isipin kung bakit ang dalawang pinakamalakas sa pangkat ay nagpaiwan; nanatili sila upang tulungan sina First Elder at Granny Liuyue.

Ang dahilan kung bakit pinili ni Zhao Feng si Vice Head Li ay dahil sa mapagkakatiwalaan ito at ang lakas niya ay malapit sa kanya.

Kung ang First Elder at Granny Liuyue ay hinahabol ng isang taong nasa True Spirit Realm, maaaring makatulong silang dalawa.

"Tumungo tayo sa daang iyan."

Pumili agad ng dadaanang direksyon si Zhao Feng na tila ba ginagabayan siya ng Diyos.

Tahimik na sinundan siya ni Vice Head Li.

Wala naman siyang kahit anong masamang intensyon rito pero tila may naunawaan siya sa buhay.

Dati, isang bagong inner disciple lamang si Zhao Feng at isa siya sa mga naghihirap sa ibaba ng Clan.

Pero ngayon, kani-kanina lang, ang kabataang ito ay mas mataas na ang antas sa kanya.

Ang bawat desisyon na ginagawa ni Zhao Feng ay nagpaparamdam sa kanya ng kumpiyansa at kaligtasan.

Ilang oras ang makalipas.

Ang dalawa ay dumating sa isang bangin.

"Nandito sila."

Tumalon si Zhao Feng sa bangin at nagsimulang lumipad. Sa tulong ng Yin Shadow Cloak, nabigyan siya ng pagkakataon na makalipad sa loob lamang ng maiksing oras.

Bilang isang nasa Half-Step True Spirit Realm, kaya rin itong gawin ni Vice Head Li at kaya niya ring sumunod nang hindi nahuhuli.

Samoung hininga ang nagdaan at nakarating si Zhao Feng at Vice Head Li sa isang nakakubling kweba.

Sa pagkakataong iyon, isang aura ng nasa True Spirit Realm ang biglang kumalat na siyang nagdulot ng pagkahilo ni Vice Head Li at pagkaramdam ng takot na makikita sa kanyang mukha.

"Master, ako po ito."

Naglakbay ang boses ni Zhao Feng sa loob ng kweba at ang aura ay biglang nawala.

"Pumasok ka."

Isang ubo muna ang nagmula kay First Elder sa loob ng kweba.

Pumasok na si Zhao Feng at Vice Head Li sa kweba at ikinagulantang nila ang nakita.

Ang mukha ng First Elder ay tuyot at ang kanyang buhok ay naging puti. Ang kanyang katawan ay napaliguan ng tuyong dugo at nawalan siya ng kanang braso.

"First Elder, ang inyong braso…."

Tinignan ni Vice Head Li ang bahagi kung nasaan dapat ang kanang braso ng First Elder.

Maputla ang mukha ni Granny Liuyue at mapait na sinabing, "Ginamit ng First Elder ang kanyang kanang braso bilang kapalit sa pagpatay ng isang kalaban na nasa True Spirit Realm…."

Mula sa eksenang ito, maiisip agad ng lahat kung gaano naging karumal-dumal ang labanan.

Tahimik na naglakad si Zhao Feng sa harap ng First Elder.

"Feng'er, naligtas ng Broken Moon Clan ang halos lahat ng lakas nito at ang mahalagang bagay pa ay nakaligtas rin tayo sa delubyong ito."

Puno ng papuri ang mukha ng First Elder pero ang boses nito ay napakahina na.

Agad rin namang kinuwento ni Vice Head Li ang istorya ng pagtakas nila na siyang lubos na nagpasaya sa First Elder at Granny Liuyue.

Ang dalawa ay nagpalitan ng mga tingin at ngumiti, "Ano ba naman ang isang braso kumpara sa aking disipulo?"

Sumunod.

Nagpalitan ng tingin ang First Elder at Granny Liuyue at mukhang may pinag-uusapan sila.

"Ibig mong sabihin….."

Mukhang nagulat si Granny Liuyue.

"Tama iyan, ang Sky Cloud Forest ay masyadong maliit. Dagdag pa, ang desisyong ito ay ginawa natin para sa kanyang kaligtasan."

Desididong sabi ng First Elder.

Parehong tumango sina First Elder at Granny Liuyue na tila ba napagkasunduan na nila ito.

Nararamdaman ni Zhao Feng na pinag-uusapan ng dalawa ang magiging tadhana ni Zhao Feng.

Isang oras ang makalipas.

Nang medyo naging maayos na ang mga sugat ng First Elder, pinatawag niya si Zhao Feng sa isang sulok.

"Feng'er, ang Broken Moon Clan ay nasa panganib ngayon at mayroon akong sikretong misyon para sa iyo."

Ang ekspresyon ng First Elder ay taimtaim at ang kanyang mga mata ay puno ng pag-asa.

"Pumapayag ako."

Hindi na tinanong pa ni Zhao Feng kung ano ang misyon.

Pagkatapos niyang makipag-isa sa God's Spiritual Eye, naging mas kalmado siya at mas malamig pero ang kanyang mga emosyon ay hindi nagbago.

Ang First Elder ang isa sa mga pinakamahalagang tao sa kanyang buhay at pinrotektahan siya nito sa loob ng Clan.

Sa pagkakataon ito naman, nilagay ng First Elder ang kanyang buhay sa alanganin at nawala ang kanyang kanang braso para lamang maligtas sina Zhao Feng at ang mga kasama niya.

Kahit pa para ito sa pasasalamat, papayag si Zhao Feng sa kahit anong ipapagawa ng kanyang Master.

Bukod pa roon, sigurado naman si Zhao Feng na kung ano man ang hihingiin ng kanyang Master ay para sa sarili niyang kapakanan.

Malalim na nakatingin ang First Elder kay Zhao Feng. Hindi na kailangan pa ng mga salita. Alam niya na kung ano ang kanyang disipulo mula sa mga simpleng kilos nito.

Mas naramdaman niya pa ngang maswerte siya na magkaroon ng mabuting disipulo. Wala siyang pagsisisihan.

"Nakita mo na ang lakas ng Iron Dragon Country. Isa itong bagay na hindi kayang labanan ng Thirteen Countries. Dagdag pa rito, sinusuportahan pa sila ng Scarlet Moon Religion…"

Wika ng First Elder.

Itinango ni Zhao Feng ang kanyang ulo at humula na lamang ng ipapagawa sa kanya.

"Kung kaya, napagpasyahan kung ipadala ka sa Northen Continent Clans para humingi ng tulong."

Pagpapatuloy ng First Elder.

Tulong.

Nakumpirma nga ni Zhao Feng ang kanyang mga hula.

Ang kasalukuyang sitwasyon ng Thirteen Clans ay hindi maayos at mukhang nakakapanghilakbot.

Pagkatapos talunin ang Sky Rich Country, nagpadala pa ng mga pwersa ang Iron Dragon Country para gapiin ang Thirteen Clans. Ang kontrol ng sitwasyon ay nakakapagparamdam ng lamig sa iba.

Nangangahulugan ito na ang Thirteen Clans ay naatake lamang gamit ang mga tira-tira sa labanan ng dalawang bansa.

Ang lugar na ito ay hindi isang warzone, at lalong hindi isang battlefield.

"Kanino tayo hihingi ng tulong?"

Wala masyadong alam si Zhao Feng sa sitwasyon bukod sa bahagi ng Sky Cloud.

"Mayroong 50 na bansa ang kasinglakas ng Iron Dragon Country at Sky Rich Country. Syempre, mayroon ring mga bansang ilang beses pang mas malakas sa kanila. Pero sa itaas ng mga malalakas na bansa ay ang mga dakilang nasyon."

Bahagyang napahinto ang First Elder.

Maliliit na mga bansa, malalakas na mga bansa, mga dakilang bansa.

Isang larawan ang nabuo sa isip ni Zhao Feng.

Ang Thirteen Countries ay nabibilang sa mga maliliit na bansa, hindi mahalaga sa kahit sino.

Walang maliit na bansa ang kayang makipaglaban ang mga malalakas na bansa.

Ang mga Clans ng Iron Dragon Country ay madaling mapupuksa ang Thirteen Clans.

Subalit, ang mga bansang kasinglakas ng Iron Dragon Country at Sky Rich Country ay wala sa tuktok.

Dahil sa itaas nila ay ang mga dakilang bansa.

"Marami pang ibang malalakas na bansa ang malapit sa Sky Cloud Forest. Kung gusto nilang tumulong, ang panganib sa Thirteen Clans ay agad na mareresolbahan. Kung makakahingi ka sa kanila ng tulong lalo asa Canopy Great Country, ang bagay na ito ay agad na masosolusyunan."

Ngumiti ang First Elder nang sumagot siya.

Naglabas agad siya ng mapa ng Northern Continent.

Ang mapa ay puno ng mga zones at areas.

"Nasaan ang Thirteen Countries?"

Kinopya ni Zhao Feng ang mapa sa kanyang kaliwang mata at agad na nahanap ang Thirteen Countries sa ibabang kanan ng mapa, ang kanilang teritoryo ay kasinglaki lamang ng isang tuldok.

Subalit, ang mga malalakas na bansa na gaya ng Iron Dragon Country at Sky Rich Country ay may kitang-kita na mga marka.

"Nakadepende sa swerte kung makakakuha ka ng tulong o hindi. Ang kontinente ay malaki at kapag walang sapat na mga resources o pera, ang ibang mga bansa ay hindi magbabalak na tumulong."

Hanggang sa dumating sila sa puntong ito, ang mga salita ng First Elder ay…

"Ang paghingi ng tulong ay hindi ang iyong pinakalayunin… Mayroon pa akong mas mahalagang bagay na sasabihin sa iyo."

Related Books

Popular novel hashtag