Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 242 - Lightning Barrier

Chapter 242 - Lightning Barrier

Isa itong bangungot para sa Thirteen Clans

Kahit ang mga ekspesyon na walang pake ng mga eksperto na nasa True Spirit Realm ay talagang nagbago.

Alam ng lahat na ang Thirteen Countries ng Sky Cloud Forest ay nasa pagitan ng dalawang bansa at ang digmaan sa pagitan nitong dalawa ay sagupaan sa pagitan ng mga factions ng dalawa.

Kapag naapektuhan ang balanse sa dalawang bansa, maaapektuhan rin ang Thirteen Countries ng Sky Cloud Forest.

Nagulantang rin ang Broken Moon Clan.

"Ang Sky Rich Country at Iron Dragon Country ay palaging pantay. Ano ang nangyari para maging ganito?"

Ang mukha ng First Elder ay taimtim pero hindi mapalagay.

Ang dalawang malalakas na bansang ito ay mga pag-iral na niyuyukuan ng thirteen countries. Ang kanilang mga clans at sects ay mas malalakas rin.

"Ang Sky Wind Pavilion ang pinuno ng pitong Clans sa Sky Rich Country. Mayroon silang tatlo hanggang apat na eksperto mula sa True Mystic Ranks, at ang kanilang heritage ay napaka-ancient. Paano sila…"

Ang mukha ng Broken Moon Clan Master ay puno nang hindi pagkapaniwala.

Ang Sky Wind Pavilion, ang pinakamalakas na pwersa ng Sky Rich Country ay kayang sirain ang Thirteen Clans sa isang kamay lamang at sampung beses rin itong mas malakas sa Broken Moon Clan.

Hindi nila maisip kung paanong ang ganoon kalakas na faction ay masisira lamang sa napakaiksing oras!

Ano ang nangyari sa laban?

Anong tulong ang natanggap ng Iron Dragon Country para masira nila ang Sky Rich Country nang ganoon lamang kadali?

Ang mga tanong ay sumibol mula sa loob ng Thirteen Clans.

"Mula sa aking mga nalalaman, mukhang may pakikialam na ginawa ang mga tagapagsunod ng Scarlet Moon Religion. Mula sa mga nakaraang araw, ang Sky Rich Country ay humingi ng tulong mula sa Thirteen Clans. Maitanong ko lang po mga Grand Elders….?"

Ang nag-ulat na elder mula Cloud Sword Clan ay nagtanong nang magalang.

Ang tatlong eksperto na nasa True Mystic Rank ay nakatayo sa tuktok ng Sky Cloud Forest at tanging sila lamang ang may kapangyariha na baguhin ang tadhana ng Thirteen Clans.

Bukod pa roon, ang mga taong may otoridad sa Thirteen Clans ay naroroon.

Ang mga manonood ay nagbigay ng madidilim na ekspresyon nang magtipon ang Grand Elders at mga nakatataas mula sa bawat Clan.

"Kapag nasira na ng Iron Dragon Country ang Sky Rich Country, ang magiging sunod nilang sisirain ay tayo."

"Kung ang Thirteen Clans ay magsasama-sama at tutulungan ang Sky Rich Country, maaari nating maibaiktad ang sitwasyon."

"Ang mga tagapagsunod ng Scarlet Moon Religion ay nakialam sa digmaang ito, kung kaya hindi ito basta-bastang magiging simple. Para makasiguro, hingiin rin natin ang tulong ng Sacred Ground."

Nagsimula nang mag-usap ang Thirteen Clans.

Sa gitna ng diskusyon, may isang nagsalita, "Nagpadala kaya ang Iron Dragon Country ng mga tao para mag-espiya ngayon?"

Ang pangungusap na ito ay nagdulot ng tinginan sa Thirteen Clans.

Mula sa mga manonood, ang pangkat na nagmula sa Iron Dragon Country ay nakaupo nang tahimik at may pagkutya sa mukha.

Isang maharlikang babae na may pilak na maskara ang tumayo at tumawa, "Ito na ang panahon ng pag-aagaw buhay ng Thirteen Clans niyo."

"Pumili na lang kayo kung yuyuko ba kayo sa Iron Dragon Country o mamamatay na lang."

Isang malamig at kaswal na boses ang maririnig mula sa isang misteryosong anyo na nakaitim.

Ang babaeng nakamaskarang pilak at ang anyong nakaitim ay nakatayo nang magkatapat ang braso habang nagbubuga ng Qi ng True Spirit.

True Mystic Rank.

Ang mga nakatataas ng Thirteen Clans ay nagulantang.

Walang kahit sino ang nag-isip na may dalawang eksperto sa True Mystic Rank ang kasama sa mga manonood.

Ang babaeng nakamaskara ay kapantay ang aura ng tatlong Grand Elders pero ang anyong nakaitim ay may aurang mas higit pa, mas malakas pa kaysa sa Grand Elders.

Sa pagkakataong iyon, ang pangkat mula sa Iron Dragon Country ay pinaramdam ang kanilang mga aura. Ang mga nasa True Spirit Realm ay nasa isang dosena at ang mga natira ay nasa 7th Sky o kaya Half-Step True Spirit Realm.

Nagulantang ang Thirteen Clans noong una pero tumawa rin silang nang malamig sa panghahamak.

"Hmph! Sa tingin mo ba, mapagbabantaan mo kami sa kakarampot lang na tao?"

"Hehehe, hindi ba kayo natatakot na matalo namin? Dalawang eksperto lang ang dala niyo na nasa True Mystic Rank."

Totoo naman, maraming mga eksperto ang naririto na nasa panig ng Thirteen Clans. Higit sa sangkatlo ng naroroon ay nasa gitna o nakatataas na otoridad ng bawat Clan at nasa higit ilang daan sila.

Kung ikukumpara, ang pangkat ng Iron Dragon Country ay napakaliit lang.

"Hehe, talaga ba?"

Ang misteryosong anyo na nakaitim ay tumawa nang bahagya habang hawak ang isang itim na watawat.

Shua!

Ang itim na watawat ay kanyang iwinagayway habang may walong guhit ng itim na ilaw ang tumama sa ere, na siyang nagdulot ng usok na bumalot sa kabuuang isla.

Isang bigla.

Mga itim at pulang tuldok ang makikita sa ere na nakapalibot sa Dragon Concealing Lake at saka lumipad ito sa buong isla.

"Ito ang..!?"

Ang mga ekspertosa True Spirit Realm ay nakarinig ng tunog ng pagwagayway.

Ilang hininga lamang ang makalipas.

Ang mga itim at pulang tuldok ay lumaki nang lumaki at naging blood-colored giant eagles na ang lawak ay nasa ilang dosenang yarda. Tila isa silang mga blood cloud habang may dala-dalang sampu hanggang 20 na tao sa kanilang likod.

Mayroon silang 18 na blood-colored eagles at bawat isa sa mga agila ay may isa o higit pang eksperto na nasa True Spirit Realm.

"Blood Cloud Giant Eagles? Sila kaya ang mga sikretong nilalang na ginawa ng Scarlet Moon Demonic Religion?"

"The 9 Forces of the Iron Dragon, nangahas kayong makipagsabwatan sa Scarlet Moon Demonic Religion!?"

Galit na galit kung magsalita ang Thirteen Clan Alliance.

Sa panig naman ng Iron Dragon Country, ang anyong nakaitim at ang babaeng nakamaskara ng pilak ay tumawa nang malamig.

Mula sa simula ng Allian Banquet hanggang ngayon ay tila nanonood lang sila ng isang palabas.

Ang kanilang layunin ay pigilan ang Thirteen Clans sa pagsuporta sa Sky Rich Country.

"Sa halip na depensahan niyo ang mga payasong ito, mas mabuti kung magkukusa na kami at maunang umatake."

"Zhe zhe, ang Alliance Banquet ng maliliit na clans na ito ay isang napakagandang oportunidad para masira natin sila nang sabay-sabay."

Ang mga eksperto sa Iron Dragon Country ay nagpakita ng mabagsik na mga ekspresyon.

Ang itim na anyo sa harap ay hinawakan ang itim na watawat at malakas na nagsalita,

"Ito na ang inyong huling pagkakataon. Mamamatay kayo o susunod kayo."

Ang lahat ay naging tahimik.

Mula sa kanilang kasalukuyang sitwasyon, ang panig ng Iron Dragon Country ay halos kasinglakas ng Thirteen Clans at wala masyadong pinagkaiba.

"Ano ba ang kinatatakutan natin? Magsama na lang tayo at kumuha ang ibang pwersa pagkatapos nating tumakas."

"Tama iyan. May isa pa naman tayong tao na nasa True Mystic Rank."

Ang mga nakatataas ng Thirteen Clans ay nagkaroon ng diskusyon sa pamamagitan ng ispiritwal na paraan at nagkaroon sila ng kasunduan.

Ang Thirteen Clans ay isang Alliance at may karanasan na sila sa pakikipaglaban nang magkasama.

"Sugod!"

Ang mga eksperto sa True Spirit Realm ay sinimulan ang pagsugod tungo sa Iron Dragaon Country.

Ang paligid ay agad na napuno ng mga tunog ng laban at guhit ng mga ilaw.

Ang laban sa pagitan ng mundo ng cultivation ay nagsimula na.

"Gumayak ka na."

Ang misteryosong itim na anyo ay humagikhik at muling winagayway ang itim na watawat pero ang pangkat ng Iron Dragon Country sa kanyang likod ay hindi gumalaw.

Biglaan.

"Ahhh!"

Mga pagsigaw at alulong ang maririnig mula sa Thirteen Clans.

Marami sa mga anyo ang biglaang inatake ang kanilang mga kakampi.

"Ano… Ano ang nangyayari?"

Ang Thirteen Clans ay nagtataka pa rin sa kung ano ang nangyayari.

Pati ang panig ng Broken Moon Clan Master ay nagulantang rin.

"Mag-ingat kayo sa mga espiya!"

Agad na wika ng First Elder pero pagkatapos ng kanyang mga sinabi, isang grupo mula sa Broken Moon Clan ang nagpakita ng kanilang tunay na kulay.

Ang pinuno ng grupong ito ay si Hai Yun Master.

"Hai Yun… Ikaw…"

Napabuntung hininga ang Broken Moon Clan Master bago tumulo ang dugo sa kanyang bibig nang tamaan siya ng palm attack ni Hai Yun Master.

Kasama si Hai Yun Master ay ang karamihan sa mga mid-authority Deacons at Vice Heads.

Parehong mga sitwasyon ang naganap sa mga Clans habang inaatake sila ng mga kanya-kanya nilang espiya.

Hindi ito ang pinakamalala dahil kahit papaano limitado pa rin ang bilang ng mga espiya.

Ang pinakanakasisindak na bahagi ay ang pagtraydor ng buong Ancient Shrine.

Ang pulang nunal sa noo ng kabataang may lilang buhok, na siyang Grand Elder ng Ancient Shrine ay biglaang naglabas ng isang madilim na pulang ahas na tumama sa Grand Elder ng Cloud Sword Clan.

"Kayo… Kayo pala…"

Ang cultivator na may pilak na buhok ng Cloud Sword Clan ay dumura ng dugo nang atakihin siya.

Nagulat rin ang isang dosenang clans sa nangyari.

Tinraydor ng buong Ancient Shrine ang Alliance!

"Isang bungkos ng mga tangang langgam. Ang Ancient Shrine ay isa sa mga Sub-Divisions ng Scarlet Moon Religion ilang daang taon na ang nakalilipas. Ngayon, nasa tamang oras na ang lahat. Ang muling paghahari ng patriyarka ay malapit na. Ito na ang panahon ng muling pagbabalik ng Scarlet Moon Holy Religion sa kontinenteng ito!"

Punong-puno ng pagkutya ang kabataang may lilang buhok.

Kumislot ang pulang nunal sa kanyang noo habang naglalabas ito ng mga kakarampot na mental energy.

Walang nakakaalam kung anong skill ang ginamit niya pero ang mga eskperto ng Alliance ay nagsimulang labanan ang isa't isa habang namumula ang mga mata.

Ang buong isla ay naging lugar ng patayan.

Bago pa makagalaw ang Alliance, agad na silang napalibutan ng Iron Dragon Country.

"Patayin silang lahat."

Ang misteryosong pinunong nakaitim ay muling iwinagayway ang itim na watawat.

Sa ibaba ng lawa, sa Origin Core Ruins.

Napatulala at napirmi lang sila Zhao Feng, Cang Yuyue at Lin Tong sa kanilang mga pang-unawa.

Ang power intent na nilalaman ng Ruins ay higit na mas malakas para kay Cang Yuyue dahil gumagamit siya ng ispada.

Para naman kay Zhao Feng, inuunawaan niya ang Lightning Inheritance.

Habang lumilipas ang oras, ang kanyang aura ay marahang tumataas.

Sa kabilang kamay, ang kanyang pang-unawa sa kabatiran ang siyang nagpanumbalik ng kanyang enerhiya at sa kabil naman, ang natitirang panghilom na katangian ng Shredding Spiritual Pill ay binabago ang kanyang katawan.

Sa isang pagkakataon.

Mga arko ng kidlat ang dumaloy kay Zhao Feng na parang naging sapot.

Ang mga arkong ito ng kidlat ay bumuo ng isang asul na lightning barrier.

"Ito ang "Lightning Barrier". Kahit anong lumapit sa aking katawan ay masisira ng mga arko ng kidlat."

Napangiti si Zhao Feng.

Pagkatapos maunawaan ang Lightning Barrier, nangangahulugan na naabot niya na ang high mastery ng unang antas ng Lightning Inheritance.

Sa parehong pagkakataon, ang Lightning Wind Palm ni Zhao Feng ay naabot na ang ikapitong antas na siyang pinakamataas na lebel nito.

Pipa!

Binuksan ni Zhao Feng ang kanyang kamay at isang arko ng kidlat na kasingkapal ng kanyang daliri ang lumabas sa kanyang palad.

Boom----

Ang asul na kidlat ay kagyat na lumakbay at nagdulot ng pagkabutas sa lapag, na siyang nagresulta sa pamumuo ng itim na usok.

"En, ang cultivation ko ay malapit na roon…"

Naramdaman ni Zhao Feng na ang pagiging puro ng kanyang True Force ay maihahalintulad sa isang nasa 7th Sky, kung kaya ang kanyang kasalukuyang cultivation ay kapantay ng nasa 7th Sky.

"Haha! Marami akong nakuha."

Tumango si Zhao Feng habang nakangiti.

Miao miao!

Ang maliit na pusang magnanakaw ay itinapon ang tansong barya bago nito iniiling ang kanyang ulo kay Zhao Feng.

"Ano ang nangyari?"

Ang pag-iisip ni Zhao Feng ay nakakonekta sa isip ng kanyang pusa kung kaya nakumpirma niya kung ano ang masamang balita.

Agad niyang pinadaloy ang kanyang God's Spiritual Eye at tumingin sa ibabaw ng tubig at nakakita ng malalabong senaryo dito.

Bakit nagkakaganito?

Nagulantang si Zhao Feng nang makita ang nangyayari, malamig na pawis ang namuo sa kanyang noo habang malamig na pakiramdam ang kumalat sa kanyang buong katawan.