Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 236 - Sino ang Hari (3)

Chapter 236 - Sino ang Hari (3)

"Tanggalin mo ang iyong takip sa mata."

Ang ibang mga disipulo ay nagulat sa walang ekspresyong boses ni Lin Tong at hindi maalis ang kanilang tingin kay Zhao Feng.

Ang impresyon na ibinigay ni Zhao Feng sa kanila ay malamig at marahas. Mahirap kalimutan ang kaniyang azure at isang mata.

Ngunit sa mga salita ni Lin Tong, maaari kayang may ibang gamit ang kaliwang mata ni Zhao Feng?

Ano ito?

"Bilang isa sa mga top technique ng Thirteen Clans, ang Heavenly Absent Eye ay pinapatunayan ang pangalan nito.

Isang liwanag ang lumitaw sa mata ni Zhao Feng.

Kahit na nag-aalala siya kay Lin Tong, na mayroon nang mataas na kalinangan sa mental energy. Ngunit ito na rin ang oras para hasain ang kapangyarihan ng God's Spiritual Eye.

Si Zhao Feng ay lihim na naghanda.

Habang nakatingin ang mga tao, tinanggal ni Zhao Feng ang kaniyang takip sa mata.

Isang madilim na kulay abong mata ang kanilang nakita.

Biglang nanlamig ang lahat.

Ngunit sa sumunod na oras, isang azure na liwanag ang bumalot sa madilim na kaliwang mata ni Zhao Feng.

Ang azure na mata ay unti-unting naging kasingganda ng kristal at ang talas ng tingin ay tila sasaksakin ang lahat.

Ang lahat ng tumingin nang diretso sa matang ito ay nanginig. Naramdaman nilang tila kitang-kita ang kanilang puso pati na ang kanilang mga sikreto.

"Iyan ang iyong mental energy technique? Magkatulad nga tayo."

Isang ngiti ang mababakas sa mga labi ni Lin Tong nang nanginginig na nag-umpisa ang kaniyang bloodline power, ngunit walang nakakaalam kung dahil ito sa tuwa o pag-aalala.

Kasabay nito, ang mga manonood ay nag-usap-usap.

"Anong klaseng mental energy technique iyon? Mayroon itong ganoong katalasan."

"Mukha itong secret technique na Heavenly Eagle Eye, ngunit siguradong nanggaling ito sa bloodline power gaya ng kany Lin Tong.

Ang mga tao sa Amcient Shrine ay nagkakagulo na.

Hindi pa nila nakikita ang mental energy technique ni Zhao Feng at ang deskripsyon nito ay wala sa kanilang mga tala.

Heavenly Absent Eye.

Ang itim na damit ni Lin Tong ay gumalaw at ang invisible na kapangyarihan ay nawala sa hangin.

Isang matingkad na pulang liwanag ang lumitaw sa kaniyang maitim at abyss na mata at ang liwanag sa paligid ay tila nagdilim.

Shua!

Kinabahan si Zhao Feng at naramdamang tila siya ay napunta sa ibang dimensyon.

Nang sumunod na sandali, si Zhao Feng ay nasa napakadilim na dimensyon.

Isang itim na metal na kulungan ang makikitang nabubuo sa kaniyang paligid.

Ang napakadilim na dimensyon ay malamig, kakaiba, at nakakamatay.

Sa hangin sa harap ni Zhao Feng, tiningnan ni Lin Tong nang mat panghahamak si Zhao Feng na tila siya ang Hari.

"Gamit ang mental energy para makagawa ng isang kulungan at papasukin ang isip ng kalaban sa eksena..."

Huminga nang malalim si Zhao Feng.

Ang kaniyang katawan ay nasa arena pa rin, ngunit ang kaniyang kamalayan ay nakapasok na rito. Kahit na anong lakas niya pa, kung wala ang kaniyang kamalayan, ang kaniyang katawan ay isa lang bangkay.

"Ang oras sa mental energy ay iba sa tunay na mundo. Ang iyong kamalayan ay napunta rito gamit ang aking Heavenly Absent Eye at haharap ito sa walang hanggang paghihirap. Ang isang araw dito ay ilang hininga lang sa tunay na mundo."

Tumawa nang masama si Lin Tong at kinuha ang matinik na latigo na inihampas niya kay Zhao Feng.

Pa!

Si Zhao Feng ay naghmph nang ang isang malalim na sugat ang makikita sa kaniyang katawan. Kahit na hindi nito maapektuhan ang kaniyang pisikal na katawan, ang kaniyang kamalayan ay haharap sa walang hanggang sakit at mawawalan ng lakas.

"Ang mga karaniwang tao ay tumatagal lamang ng dalawang oras dito, ngunit ang hayup na babaeng si Cang Yuyue ay tumagal nang halos 20 oras. Gusto kong malaman kung hanggang kailan mo matitiis."

Dinilaan ni Lin Tong ang kaniyang mga labi at nilatigo si Zhao Feng.

Pa! Pa! Pa!

Ang metal na latigo ay nakasugat at nakapagpadugo. Mas mabuti pa kung ang mga karaniwang tao ay makakatagal ng kaunting sandali.

Ang kalooban ng tao ay nakakatulong kung gaano katagal sila makakatiis.

Syempre, ang mental energy ni Lin Tong ay may hangganan din. Kung ang kalooban ng isang tao ay walang katapusan at malakas, maaari nilang pagurin si Lin Tong.

Ngunit bilang isang taong nagsanay sa path of mental energy, ang mental energy ni Lin Tong ay mas malakas kaysa sa iba. Ang pinanggagalingan ng kaniyang mental energy ay ilang beses na mas malaki kaysa sa mga kaparehas niya ng cultivation.

Sa puntong ito, si Zhao Feng ay nakulong sa isang itim na kulungan habang pinapahirapan ni Lin Tong. Ang una ay isang metal na latigo at pagkatapos ay mga sandata at mga technique na hindi maipaliwanag.

"Ang hirap isipin kung paanong si Cang Yuyue, isang babae, ay nakatagal ng 20 oras dito. Walang dudang kinaya niyang palaganapin ang seed of Sword Intent."

Naisip ni Zhao Feng kung gaanong nakakasindak si Cang Yuyue.

Sa mga karaniwang kalagayan, kahit ang mga nasa Seventh Sky of the Ascended Realm ay nakakatagal lang ng dalawang oras, na pinakamahaba na at ito ay isang kisapmata lang sa tunay na mundo.

Samakatuwid, ang mga kalaban ni Lin Tong ay mabilis na natatalo sa 'isang tingin.'

Kung hindi pa ito nararanasan, walang makakaintindi sa sakit na dulot nito.

"Ang iyong mental energy ay mas malakas sa inakala ko. Walang hirap nitong nalampasan ang mga malupit na atake."

Si Lin Tong ay lumutang sa abyss.

"Haha, ipagpatuloy mo."

Isang ngiti ang lumitaw sa mga labi ni Zhao Feng habang sinuri ng kaniyang azure na mata ang kulungan.

"Sige, titignan ko kung hanggang kailan ka tatagal."

Ang nakakasakit na kapangyarihan ni Lin Tong ay kapansin-pansing mas lumakas.

Mga espada, saber, patpat, apoy at yelo. Iba't ibang mga sandata at mga elemento ang pumaligid kay Zhao Feng at walang ekspresyon itong tinanggap.

Alam niyang ang mga atakeng ito ay walang epekto sa pisikal na katawan at ang tanging nasasaktan lang nito ay ang mental energy at kamalayan ng isang tao.

Gayunman, gaano ba kalakas ang pinanggagalingan ng napakalakas na enerhiya ni Zhao Feng?

Sa loob ng dimensyon ng kaniyang kaliwang mata ay ang umiikot na azure na liwanag sa abyss at mas tumingkad pa ang kulay nito.

Sa finals arena, kaharap ni Zhao Feng si Lin Tong, ang pulang tuldok sa Heavenly Absent Eye ni Lin Tong ay nagpatuloy sa pag-ikot.

Nagningning ang kaliwang mata ni Zhao Feng kasama ang azure na liwanag at nanatiling matalim at maliwanag.

Isang hininga... Dalawang hininga... Tatlong hininga...

Ang lumipas na maiksing oras ay naging mukhang napakatagal.

Matapos ang apat o limang hinginga, pinawisan nang malamig si Lin Tong sa noo at ang kaniyang dalawang kamay ay nakasara nang mahigpit nang bahagyang pumiglas ang kaniyang katawan.

Sa Ancient Shrine...

"Hindi pa niya natapos ang ungas na iyon sa mahabang panahon?"

"Ang sitwasyon ay hindi mabuti para kay Lin Tong. Ang ungas na may pangalang Zhao Feng ay sobrang kakaiba at ang pinaggagalingan ng kaniyang mental energy ay napakalakas. Mukhang hindi pa siya napipinsala, kahit lumipas na ang matagal na panahon.

Ang mga may mataas na katungkulan ng Ancient Shrine ay mayroong seryosong ekspresyon.

Kadalasan ay isang hininga lang ang kailangan ni Lin Tong para matalo ang kaniyang kalaban, ngunit ang kasulukuyang sitwasyon ngayon ay labis na kakaiba.

Mababakas ang ngiti sa mga labi ni Zhao Feng at tila lubos na normal.

Sa loob ng napakadilim na dimensyon...

"Paano ito nangyari... ?"

Si Lin Tong ay tumingin kay Zhao Feng, na nasa loob ng itim na kulungan, sa gulat.

'Pinahirapan' na niya si Zhao Feng sa loob ng ilang oras, ngunit tinanngap niya lang ito nang hindi man lang dumadaing.

Naramdaman ni Lin Tong na tila ang kaniyang mental illusion attacks ay tumama lang sa isang batong walang buhay, at ang parte pa ng kaniyang mental energy ay nahigop.

Kayang tagalan ni Zhao Feng ang mental energy. Kahit ang nakatalukbong na anyo ay hindi nagtagumpay noon.

Ang technique ni Lin Tong ay nakatuon sa mga ilusyon at hindi gaano sa lakas. Ang kaniyang kamalayan ay bahagya nang pagod ngayon, habang si Zhao Feng ay nasa peak pa.

"Sige, tapos na ito rito. Naintindihan ko na ang iyong mental energy technique ngayon."

Ang God's Spiritual Time ni Zhao Feng ay biglang naglabas ng isang malakas na azure na liwanag na tila nakakasira ng kawalan.

Crack!

Ang kulungang ginawa ng Heavenly Absent Eye ni Lin Tong ay agad na nasira.

Sa finals areana...

Hu~

Si Lin Tong ay lumitaw nang pagod.

Si Zhao Feng naman, ay malakas pa at matalim pa rin ang kaniyang kaliwang mata.

"Ito... Paano itong naging posible...? Halos ganap na walang epekto sa aking mental energy technique."

Si Lin Tong ay walang masabi at nagulat. Pagkatapos niyang matagumpay na macultivate ang Heavenly Absent Eye, ang kaniyang paglalakbay ay naging matagumpay. Ito ang unang beses na nakaharap niya ng isang taong tila walang epekto ang kaniyang mental illusion technique."

"Hehe, pagkakataon ko na."

Bahagyang tumawa si Zhao Feng nang umikot ang azure na liwanag sa kaniyang kaliwang mata.

Shua!

Kinabahan si Lin Tong at napatalsik ng napakalakas na puwersa ng mental energy.

Nang sumunod na sandali, nakarating si Lin Tong sa isang mundong puno ng mga ulap.

"Paano ito nangyari? Ito ang aking Heavenly Absent Eye..." sigaw ni Lin Tong.

Sa sandaling ito, ang dimensyon na kaniyang kinalalagyan at gawa ng God's Spiritual Eye ni Zhao Feng.

"Tama, natutunan ko ang iyong Heavenly Absent Eye at isinama rito ang aking Lightning Inheritance. Ang 20 oras na pinahirapan mo ako ang kabayaran sa aking pagkatuto."

Si Zhao Feng ay bahagyang ngumiti.

Nang matapos ang kaniyang sinabi, isang kidlat ang lumabas sa kalangitan.

Pumiglas si Lin Tong iginapos siya ng mga tanikalang kidlat na nagpamanhid sa kaniya.

"Masira ka! Masira kaaaa!"

Ginamit ni Lin Tong ang kaniyang mga mental energy technique, gustong sirain ang ilusyon.

Gayunman, ang pinanggagalingan ng mental energy ni Zhao Feng ay napakalakas at sa ilalim ng kontrol ng God's Spiritual Eye, ang ilusyon ay napakatatag.

"Paanong naging posible para sa itong magkaroon ng kalinagan sa mga mental illusion?"

Si Lin Tong ay tinamaan ng kidlat at tumingin kay Zhao Feng sa nang may kawalang-paniniwala.

Ang mental energy ni Zhao Feng ay napakalakas na bago pa siya lumahok sa Alliance Banquet at ito ay may kaugnayan sa Illusion Fish Picture na naintidihan na niya noon.

Ang Illusion Fish Picture ay nabibilang sa path of Illusion Arrays at ang pinaggalingan nito ay katulad ng sa mga mental energy illusion.

Pagkatapos maintindihan ang Illusion Fish Picture, ang mga mental energy illusion ni Zhao Feng ay tila mga isda sa tubig. Dahil dito kaya niya nagawang matutunan ang Heavenly Absent Eye ni Lin Tong at naisama rito ang kaniyang gusto.

"Ito ang aking Azure Sky Illusion, na ginawa ng God's Spiritual Eye. Ang kapangyarihan nito ay mas malakas at mas mahirap sirain. Pagkatapos ko itong isama sa Lightning Inheritance, ang kapangyarihan ng atake nito at kapansin-pansing tumaas. Tignan natin kung gaano katagal ka makakatiis." Si Zhao Feng ay tumawa.

Ito ay isang labanan sa pagitan ng mga 'mental energy illusion'.

Ngayon ay ikinulong na ni Zhao Feng si Lin Tong sa loob ng Azure Sky Illusion.

Hong~ LongLong---

Walang hanggang mga kidlat ang tumama kay Lin Tong.

Makalipas ang dalawang oras...

Ang mental energy ni Lin Tong ay gumuho at ang kaniyang kamalayan ay malapit nang mawala.

Shua!

Sa finals arena...

Plop.

Si Lin Tong ay bahagyang nakaluhod sa lupa, na puno ng pawis. Ang kaniyang mukha ay maputla at wala nang natirang enerhiya sa kaniya.