Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 233 - Tatlong Puwersa

Chapter 233 - Tatlong Puwersa

Ang baliw at galit na uri ng pakikipaglaban ni Zhao Feng ay nag-iwan ng kuryosidad sa mga nanonood.

Wala ba talagang pakialam ang lalaking ito sa kanyang buhay?

Ang mga elitistang kabilang na disipulo ay nagkatinginan sa isa't-isa.

Mula sa direktang salpukan, si Zhao Feng ay bahagyang sugatan na. Kung hindi dahil sa kanyang liksi, siya ay natalo na at lubhang sugatan.

Si Ao Yuetian ay ngulat ngunit masaya - ang sitwasyon na ito ay maganda para sa kanya.

Ang forte ni Zhao Feng ay opensa at ang kanyang mga galaw at liksi ay mahirap. Mabuti na lamang, ang ginawa lamang ni Zhao Feng ay makipag palitan ng atake at dahil opensa ang kanyang forte, hindi ito magtatagal.

"Mas mataas ang cultivation ko sayo at kung tungkol naman sa talento, mayroon akong bloodline. Sa susunod na dalawang-daang atake, mauubos na ang iyong enerhiya…" malamig na tumawa si Ao Yuetian sa kanyang puso.

Hindi naman sa ayaw niya ito matapos agad, ito ay dahil lamang sa ang baliw na lalaking nasa kanyang harapan ay galit at kapag ginawa niya ito, malaki ang kabayaran.

Kung gayon, dinepensahan niya ito at paminsan-minsang nag counter-attacked, inaantay na maubos ang enerhiya ni Zhao Feng at tatapusin niya na ito.

Ito ang pinaka maganda at matatag niyang maaring gawin.

Kumislap ang mga mata ni Ao Yuetian habang iniisip ito.

Gayunpaman, nang maisip niya ito, bumagsak ang kanyang momentum.

Mas lalo pang naging malupit si Zhao Feng. Dumaluyong ang kanyang kagustuhang makipaglaban at ang kanyang dugo ay tila kumulo, na tumulak sa kanyang estado sa peak.

Mula sa katawan ni Zhao Feng ay lumabas ang tunog ng alulog. Ang kanyang momentum, kagustuhang lumaban at aura ay tumaas.

Matapos ang isang daang atake, namula ang mukha ni Zhao Feng at ang kanyang kapangyarihan ay dahan-dahang lumabas.

Sa wakas, naramdaman na ni Ao Yuetian na may mali.

Sa normal na sitwasyon, manghihina ang mga atake ni Zhao Feng matapos ang ilang daang atake, ngunit mas lalo itong lumalakas.

Anong mali?

Naramdaman ni Ao Yuetian na tumaas ang presyur. Umabot na sa peak ang aura ni Zhao Feng at tila isa itong bulkan na malapit nang sumabog.

"Ang limitasyon ng 5th Sky… kaunti na lamang…"

Huminga ng malalim si Zhao Feng at piniga ang potensyal sa bawat sulok ng kanyang katawan. Kumain ng maraming Spiritual pills at resources si Zhao Feng matapos ang Floating Crest Trial.

Mayroon pang kaunting kapangyarihan mula sa mysterious liquid na kanyang ininom sa Hundred Graves Forbidden Ground na hindi niya pa nagagamit.

Sa sandaling ito, ang True Force at ang dugo ni Zhao Feng ay kumukulo na. Ang kanyang bloodline power ang nag po-protekta sa kanyang mga organs at acupuncture points, na bumuo ng pansalag.

Ito ay dahil si Zhao Feng ay lubos na nagalit kahit hindi pa naman siya masyadong sugatan.

"Brother Ao, gusto kang tapusin ng lalaking iyan!" May sumigaw sa mula sa baba at binalaan si Ao Yuetian.

Ano!?

Nawalan ng kulay si Ao Yuetian noong balaan siya. Napagtanto niya na ang ekspresyon ni Zhao Feng ay kalmado at malamig, kahit na galit siyang nakikipaglaban. Malinaw na nasa katinuan pa siya.

Si Zhao Feng… ay ginagamit siya bilang sharpening stone?

Matapos malaman ang katotohanan, liyab ng galit ang bumalot sa dibdub ni Ao Yuetian.

Ang mga nanonood ay malamig ang paghinga. Karamihan sa kanila ay nakita lamang ang pagkabaliw sa ugali ni Zhao Feng, ngunit nakita ba nila ang kalkulasyon nito?

Moon God Palm!

Sumabog si Ao Yuetian at ginamit niya ang kanyang buong bloodline power. Ang kanyang atake, depensa at pag galaw ay tumaas. Naramdaman ni Zhao Feng ang lakas ni Ao Yuetian ay lalong tumindi ang ang kanyang Tru Force ay nalampasan na nito.

Ang bloodlines ay nagmula sa mga ninuno na umabot sa Void god Realm ay kayang talunin ang iba.

Zhao Feng, hindi ko hahayaan na mangyari iyon."

Ginamit ni Ao Yuetian ang 20% ng kanyang bloodline power, na nagbigay ng faint emperor aura. Ang momentum na nakuha ni Zhao Feng ay nalampasan na.

"Hindi kaya matatalo ako?"

Hindi sigurado si Zhao Feng.

Kaunti na lamang t magtatagumpay an siya.

Ngunit sa kasamaang-palad, ang kanyang kalaban ay hindi tanga at hindi nito hahayaan na manalo siya.

"Kung ganoon, tatapusin ko na ito."

Ang bloodline power na sumugpo sa katawan ni Zhao Feng ay sumiklab sa faint emperor aura mula kay Ao Yuetian.

Ang kapangyarihan ng mga Ancient Gods ay hindi dapat minamaliit.

"Wind and Lightning Destruction!"

Sumigaw si Zhao Feng at ang kumikinang na kidlat ay lumitaw at pumalibot sa kanya, na bumuo ng 'Lightning Chain'.

Ang Lightning Chain ay tila isang bulkan na malapit ng sumabog.

Boom!

Ang asul na buhok ni Zhao Feng ay hinangin kasabay ng pagsayaw ng kidlat.

Kasabay din nito, ang kanyang kilay ay naging asul at ang faint azure blood ay dumaloy sa kanyang katawan.

Ang ancient aura ay pumulupot sa mapanirang kapangyarihan ng kidlat at bumuo ito ng napaka lakas na pwersa.

"Ano!?"

Ang True Force at dufo ni Ao Yuetian ay hindi makagalaw.

Ang Zhao Feng sa kanyang harapan ay naging isang demonyong diyos. Ang kidlat sa kanyang palad ay maaring sumira sa kalangitan.

"Bloodline power!"

"Mayroon din siyang bloodline power!"

Ang mga nanonood ay sumigaw at ilan sa mga nasa mas matandang henerasyon ay napatayo.

Teng!

Ang Broken Moon Clan Master at ilang mga Elders ay tumayo at pinigilan ang kanilang pag hinga.

"Hmm? Ang bloodline power na ito ay sobrang puro at antigo.."

Mula sa panig ng Iron Dragon Country ay mayroong mga bulungan.

Peng…

Mula sa arena ay may malakas na tunog at sunod sunod na alon ng kidlat.

Habang nasa gitna nito si Zhao Feng, ang mga itim na sandstone sa kanyang paligid ay naging alikabok na may kasamang alulong ng hangin, nilipad ito sa bawat direksyon.

Ang silver light sa palibot ni Ao Yuetian ay naging sobrang liwanag.

Boom----

Tumayo si Zhao Feng sa gitna ng malaking blackhole at ang kanyang asul na dugo ay naglaho. Ang kanyang kilay at ibang parte ng katawan ay naging normal muli.

Hu~

Pinikit ni Zhao Feng ang kanyang mga mata at nanghina siya nang maramdaman niya ang kawalang laman ng kanyang katawan. Ngunit kasabay nito, ang aura na puno ng buhay ay sumabog sa kanyang katawan. Sunod sunod ang faint azure True Force na dumadaloy sa kanyang katawan.

"Nanalo siya!"

Sumigaw sa pagkagulat ang mga nanonood.

Marami sa kanila ang huminga nang malalim, ngunit hindi alam kung ito ba ay dahil sa kalakasan ni Zhao Feng o dahil sa kanyang pagkapanalo.

Plop!

Sa labas ng arena, bumagsak ang katawan ni Ao Yuetian sa sahig at nag-iwan ito ng marka ng pagka sunog sa kanyang binagsakan.

"Panalo si Zhao Feng!"

Ang mga hukom ay nagkaroon ng reaksyon at tinignan si Zhao Feng na tila ba isa siyang halimaw.

Sa sandaling inanunsyo ito, ang mga nanonood ay bumalik na sa ulirat.

"Anong kabwisitan ang nangyari? Paanong biglang naging sobrang lakas ni Zhao Feng at napalipad niya si Ao Yuetian gamit ang isang palad lamang.

"Bloodline power. Hindi ko naisip na siya ay may bloodline power din."

Eksklamayon at diskusyon ang maririnig sa lahat.

"Kaya pala ang bilis niyang mag cultivate gamit ang normal na talento. Ang kanyang katakot-takot na battle power."

Sina Yang Gan at Bei Moi ay may magulong ekspresyon at walang nakaaalam kung sila ay masaya o malungkot.

Lubos ang kasiyahan ng Broken Moon Clan Master at ng ilang Elders.

"Ang kalangitan ay pumapanig na sa atin. Nakabuo ng henyo ang Broken Moon Clan!"

Lubos ang kaligayahan ng Broken Moon Clan Master.

"Alam ni Zhao Feng kung kailan niya kailangan itago ang kanyang kakayahan."

Bahagyang kunot ang mukha ni Hai Yun Master habang pinipigilan niya ang kanyang sarili na patayin si Zhao Feng.

"Gaya ng aking naisip."

Huminga nang malalim ang Unang Elder at ngumiti. Bilang Master ni Zhao Feng, alam niya na may kakaiba sa kanyang disipulo, ngunit hindi siya sigurado.

Habang nag-uusap ang mga manonood, bumaba na si Zhao Feng mula sa arena, umupo siya at nagsimulang padaluyin ang kanyang True Force upang patatagin ang kanyang realm.

Kasabay nito, kinain niya ang Spiritual Pill na makatutulong sa kanyang pag galing.

Sa kabilang banda, si Ao Yuetian na natalo ay may takot at gulat sa mga mata.

"Ang lalaking iyan… sobrang laki ng kanyang tinatago."

Itinikom ni Ao Yuetian ang kanyang bibig. Ang labanan na ito ay hindi lamang sa pagkatalo, kahihiyan ito.

Kung mas maagang ginamit ni Zhao Feng ang kanyang bloodline power, mananalo siya. Ngunit 'di niya ito ginamit sa halip ay ginamit niya si Ao Yuetian upang hasain at pasiklabin ang kanyang potensyal sa pamamagitan ng pagsabog ng kanyang bloodline power, na nagpanalo sa kanya.

Naging tagapaghasa si Ao Yuetian, isang chess piece.

Paanong hindi siya magagalit?

Matapos umabot sa 6th Sky, mas magiging mataas ang cultivation ni Zhao Feng sa mga karaniwan at isang Sky na lamang ang pinagkaiba nito sa ibang Stars, na nagbibigay sa kanya ng pagkakataon na pabutihin ang kanyang kahinaan.

Sa katotohanan, mayroong tsansa na matalo si Zhao Feng, ngunit ang presyur na dala ni Cang Yuyue at Lin Tong ay sobrang husay. Kailangan niyang pataasin ang lebel ng cultivation upang magkaroon siya ng pagkakataon na manguna.

Sa sandaling ito, maraming tao ang nakatingin sa kalmadong kabataan na ito. Mula sa simula ng Alliance Banquet hanggang ngayon, dalawang Stars na ang kanyang natalo.

At ngayon, pinakita niya na rin ang kanyang bloodline power at tumaas ang kanyang cultivation. Ang kanyang totoong kalakasan ay hindi sukat.

Sa oras na ito, nag-iwan si Zhao Feng ng katakot-takot na impresyon sa lahat at siya ay tinutukoy bilang isang tao na maikukumpara kay Cang Yuyue at Lin Tong.

"Ano kayang mangyayari kapag naglaban ang baliw na lalaki na iyan at sina Cang Yuyue at Lin Tong."

Makalipas ang kalahating oras, ang mga galos ni Zhao Feng ay magaling n sa pamamagitan ng healing power ng antigong bloodline, mas mabilis siyang gumaling sa iba. Lahat ng bloodlines ay may ganitong kakayahan.

Noong tumayo muli si Zhao Feng, mas lumakas ang kanyang aura at ang kanyang asul na buhok ay nangibabaw sa mga tao.

Ngayon, ang buong finals arena ay nahati sa tatlong pwersa.

Cang Yuyue, Lin Ting at Zhao Feng.

Ang tatlong areas ay nahati sa tatlong direksyon at ang presyur nila sa kanila ay naging dahilan upang hindi maka hinga ang ibang disipulo.

Kung makikita ang kapangyarihan ng tadhana, makikita ang tatlong halimaw sa hangin.

Ang isa ay tatlong yardang espada, ang isa pa ay may sobrang itim na mata at ang huli ay may asul na mata.

Ang presyur na nagmumula sa kanilang tatlo ay nagsagupaan at ang kanilang kapangyarihan ay isang bagay na nakalagpas sa mga henyo ng Thirteen Clans.