Ipinalaganap ni Zhao Feng ang kaniyang bloodline power at gamit ang Yin Shadow Cloak bilang panangga, tila nakiisa siya sa kadiliman.
Sa puntong ito, kaniyang pinagsama ang mga kabatiran na kaniyang nakuha mula sa Lightning Inheritance sa kaniyang movement skill at pagkatapos ay nahigitan na ng kaniyang bilis ang Sixth Sky of the Ascended Realm.
Ang bilis, invisibility at ganap na kontrol ng tanawin gamit ang kaniyang kaliwang mata. Nang pagsamahin ang tatlong ito, malakas ang loob ni Zhao Feng na kaya niyang talunin ang isang napinsalang cultivator na nasa Seventh Sky of the Ascended Realm.
Gayunman, napagtanto ni Zhao Feng na kahit anong tago niya, nakakahabol pa rin ang nakatalukbong na anyo. Naramdaman niyang may kinalaman dito ang bagay na 'hindi matanggal' sa kaniya.
Ang kalansay ay may ginamit na kakaibang salamangka sa kaniya, na hindi malabanan ni Zhao Feng. Wala siyang gaanong kasanayan sa mental energy at halata namang imposibleng malagpasan ang skill ng kalaban sa loob lang ng maiksing panahon.
"Mukhang ang pagtakas ay imposible..."
Hindi nabawasan ang pagkakalma at mabilis na inanalisa ang sitwasyon. Sa kaniyang mga kaisipan, bigla niyang napagtantong may kakayahan siyang patayin ang nakatalukbong na anyo.
Una, ang nakatalukbong na anyo ay napinsala na ng True Spirit Realm noong una. Ikalawa, kayang makatagal ni Zhao Feng sa paglaban sa mga mental energy attack. Ikatlo, ang nakatalukbong na anyo ay mukhang hindi gaanong magaling sa malapitang labanan.
Ang nakatalukbong na anyo ay magaling sa mental energy, hindi sa malapitang labanan. Sa naunang labanan, nanatili siya sa malayo at hindi nangahas na lumapit.
Tanging si Zhao Feng ang nakapag-analisa ng desperadong sitwasyon na ito at nakapagdesisyon kaagad. Kung iba ang nakaharap ng nakatalukbong na anyong nasa Seventh Sky of the Ascended Realm, ni hindi na nila siguro maiisip na lumaban.
Hindi nagtagal...
Si Zhao Feng ay may plano. Sinadya niyang bagalan, na tila napapagod.
Ang kaniyang cultivation ay nasa Fourth Sky lamang at hindi niya kayang magpatuloy sa ganoong bilis.
Nang nasa 10 yarda na ang lapit ng nakatalukbong na anyo, biglang bumaliktad ang balabal sa likod ni Zhao Feng at ilang mga anyo ang lumitaw.
Siiii!
May kidlat na lumitaw sa hangin at biglang bumilis si Zhao Feng papunta sa nakatalukbong na anyo.
Sinusundan na talaga siya ng nakatalukbong na anyo at dahil papunta na ang dalawa sa direksyon ng isa't isa, ang bilis nila ay nalampasan pa ang mga nasa Seventh Sky of the Ascended Realm.
Nagulat ng biglaang pagbabago ang nakatalukbong na anyo. Hindi nito inakalang ang kaniyang kalaban ay mangangahas pang lumaban sa ganitong sitwasyon.
Shuaa----
Lumapit si Zhao Feng habang ang kaniyang bloodline power at true force ay naipon na sa sukdulan. Ang tunog ng kulog ay maririnig na rin.
Ito ang pinakamalakas na atake ni Zhao Feng, kahit ang mga nasa Sixth Sky of the Ascended Realm ay maaaring mapinsala o mapatay nito.
Gayunman, ang nakatalukbong na anyo ay hindi nagpakita ng pagkataranta. Sa kabilang banda, isang pagkutya pa ang mababakas sa kaniyang mukha habang ang kaniyang mga asul na mata ay naglabas ng ragasa ng mental energy.
"Hahaha, maaaring mabilis ang mga pisikal na atake, ngunit mas mabilis ba ito sa mental energy?"
Ang anyo ni Zhao Feng ay nanigas, na isang yarda lang ang layo mula sa nakatalukbong na anyo.
Nakaramdam siya ng mental energy na tila kinakain ang kaniyang isip. Kung magulo ang kamalayan ng isang tao, paano nila kokontrolin ang kanilang katawan?
Nagngalit ang ngipin ni Zhao Feng at ginawa niyang ganap na aktibo ang kaniyang kaliwang mata para mapigilan ito.
"Ang lalaking ito ay mayroong malaking bilang ng mental energy sa kaniyang katawan at kaya niyang pigilan ang halos kahit anong mental energy attack mula sa mga mas mababa sa True Spirit Realm.
Ang nakatalukbong na anyo ay mas nagulat. Nalaman niya kung gaanong nakakasindak ang kaniyang mental energy. Kahit ang mga nasa Seventh Sky of the Ascended Realm ay hindi ito kayang pigilan.
Sa naunang laban, kaya pa niyang guluhin at istorbohin ang taong nasa True Spirit Realm.
"Hmph! Ang ungas na ito ay pinagpala ng kalangitan. Kung nadaanan na niya ang path of mental energy, kahit ako, na may kakaibang bloodline, ay madali niyang malalagpasan."
Nakaramdam ng pagkainggit ang nakatalukbong na anyo at mas lumakas ang intensyong pumatay. Ang ganiyang henyo sa mental energy ay dapat patayin!
Halatang ang nakatalukbong na anyo ay nagulat sa talento ni Zhao Feng. Ang ganoong puro at malaking bilang ng mental energy ay nangangahulugang halos wala na lang sa kaniya ang mga ilusyon at mental energy attacks.
Kahit na sinong nagsasanay ng path of mental energy ay maiinggit at susubukang patayin siya.
Ang mga taong ito ay ang kanilang hindi matatakasang kalaban!
Ang mental energy na nagmumula sa nakatalukbong na anyo ay naging mas malakas.
Naramdaman ni Zhao Feng na tila mawawasak ang kaniyang kamalayan. Sa sandaling ito, galit na galit niyang ipinalaganap ang kaniyang kaliwang mata at itinago ang kaniyang kamalayan sa kaniyang kaliwang mata.
Ang mental energy na rumaragasa mula sa atake ng nakatalukbong na anyo ay nakapasok rin sa dimensyon ng kaniyang kaliwang mata.
Weng!
Ang asul na liwanag sa dimensyon ay mabilis na umikot at isang hindi maipaliwanag na puwersang humihigop ang lumitaw.
"Ahhh! Hindi ito maganda! Iyan ay..."
Ang nakatalukbong na anyo ay nasindak at naramdamang may humihila sa kaniyang kamalayan at mental energy.
Ang kaniyang mental energy ay mabilis na napipiga at ang kaniyang kaluluwa ay halos mawala na.
Ahhh---
Sinubukang lumaban ng nakatalukbong na anyo, ngunit wala siyang magawa.
Sa huli, nagngalit ang kaniyang ngipin at hinarap ang posibilidad ng pagbalik ng lahat sa kaniya, sinira niya ang isang parte ng kaniyang mental energy para masira ang puwersa ng paghigop.
Sa sandaling ito, may nangyaring hindi inaasahan.
Shhhhh!
Ang nakatalukbong na anyo ay nakaramdam ng sakit sa kaniyang leeg, may sumirit na dugo at pagkasigaw, bumagsak siya sa lupa na may 'plop,' walang buhay.
Ang kaniyang lalamunan ay nasaksak at may maliit na butas dito.
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay tumakbo pataas at pababa sa nakatalukbong na anyo at binigyan si Zhao Feng ng mayabang na ekspresyon.
Pinunasan ni Zhao Feng ang kaniyang malamig na pawis. Hindi niya inasahang aatakihin ng pusa ang nakatalukbong na anyo sa ganoon kakritikal na sandali.
Ang munting pusang magnanakaw ay mas maliksi at mas matalino kaysa sa kaniyang iniisip.
"Hmm? Anong ginagawa nito?"
Napagtanto ni Zhao Feng na ang pusa ay kinukuha ang mga gantimpala ng digmaan.
Sa ilalim ng talukbong ay mukha ng isang youth, maputla at walang bakas ng dugo. Mababakasan pa ito ng mabigat na kalooban at takot.
Sa loob lang ng ilang ilang hininga, nakuha na ng munting pusang magnanakaw ang lahat ng may halaga mula sa nakatalukbong na anyo – kahit ang kaniyang pantalon ay halos matanggal na.
Si Zhao Feng ay nakatayo lang at napanganga.
Isang lupon ng low grade primal crystal stones ang nakuha ng munting pusang magnanakaw at nilunok ito nang sabay.
Si Zhao Feng at ang pusa ay gumawa na ng kasunduan – hindi kakain ng mga bagay sa interspatial brecelet ang pusa, ngunit ngayon ay kumakain ito ng mga gantimpala ng digmaan at walang magawa si Zhao Feng.
Ang munting pusang magnanakaw ay pinagtama ang dalawang kamay nito.
"Sige sige! Tig-kalahati." Naintindihan ni Zhao Feng ang ibig sabihin nito.
Ang pusa ay mas tuso pa kaysa sa isang lobo at isang balasubas.
Hindi nagtagal, ang dalawa ay naghati na sa mga pabuya. Mayroong isang lumang aklat na may pilak na pabalat at ilang mga skill.
"Heart Controlling Technique: Isang mental energy skill ng Ancient Shrine. Ginagamit para kontrolin ang mga tao. Kapag napagsanayan sa mataas na antas, makakakontrol ang isang tao ng walang katapusang may buhay sa kalangitan..."
Nakaramdam si Zhao Feng ng napakaraming impormasyon na dumaloy sa kaniyang isip.
Nang hindi nagdadalawang-isip, sinuri niya ang impormasyon sa kaniyang kaliwang mata, ngunit ang ibang mga skill ay hindi kasinglalim ng Heart Controlling Technique.
Si Zhao Feng ay labis na masaya – sa wakas ay nakakita na siya ng isang bagay na maaari niyang paggamitan ng kaniyang mental energy.
Sa puntong ito, tila may naramdaman si Zhao Feng na lumitaw mula sa makalumang templo.
Shuaa!
Nang walang pagdadalawang isip, ang balabal sa kaniyang likod ay tummuwid at tila naging isa siya sa kadiliman.
Hindi nagtagal...
Ang Blood Corpse Protector pati na ang ilan sa mga tauhan nito ay dumating na.
"Kunin niyo ang bangkay. Ipaubaya niyo na sa akin ang ungas na iyon."
Ang Blood Corpse Protector at tumakbo sa direksyon kung saan tumakas si Zhao Feng, ngunit dahil lubha na siyang napinsala at hindi pamilyar sa 'Ghost Mark,' agad na nakatakas si Zhao Feng.
Sa loob ng bulwagan...
"Division Leader, ako ay medyo pamilyar sa aura ng ungas na iyon. Siya ay isang disipulo ng Broken Moon Clan at mukhang may napakamatiwasay ng ancient bloodline," magalang na sabi ng Blood Corpse Protector.
"Hindi lang isang ancient bloodline. Ang kaniyang talento sa mental energy ay sampung beses na mas mahusay kaysa kay Wuyou's," mahinang sabi ng kalansay.
"Paano ito naging posible?" Ang Blood Corpse Protector ay napasigaw sa kawalang-paniniwala.
Si Wuyou ay isang henyong isa sa 100 taon.
"Kung ang ating 'Dark Silence Division' ay may mga henyong katulad niya, paanong hindi tataas ang ating Holy Religion? Sa kabutihang palad, ang 'Ghost Mark' ay hindi mawawala sa loob ng tatlong taon." Ang boses ng kalansay ay may pag-asa at tuwa.
"Division Leader, ang batang iyon ay hindi sasali sa ating Holy Religion nang ganoon kadali. Binigyan ko siya ng paanyaya noon, ngunit ako ay nilinlang niya."
Nang maisip ang nangyari noon, nagalit ang Blood Corpse Protector.
"Kapag may sapat nang kita, ang lahat ay posible."
Ang pulang liwanag ay dumilim na sa mata ng kalansay: "Umalis na kayo kaagad sa lugar na ito at pumunta sa Iron Dragon Counry para kitain ang dalawapang mga dibisyon. Ang 13 mga bansa rito ay hindi mahalaga."
Makalipas ang tatlong araw...
Sa nakatagong pugad ng ibon sa loob ng Sky Cloud Forest...
Miao miao!
Ang munting pusang magnanakaw ay masayang tumalon sa mga sanga at pinaglaruan ang barya nito.
Idinilat ni Zhao Feng ang kaniyang mga mata at isang liwanag ng mental energy ang lumitaw at nawala rin.
Kung pinagtuunan ito ng pansin, malalaman nilang ang kaniyang aura ay mas naging kakaiba. Sa mga nakaraang araw, si Zhao Feng ay patuloy na nakakakuha ng enlightenment mula sa mga tala at mga skill mula sa nakatalukbong na anyo.
Ngayon ay mas marami na siyang alam tungkol sa mental energy at nalamang kung gaano kalakas ang mental energy source sa kaniyang kaliwang mata.
Ngunit kahit na malaki ang kaniyang pinanggagalingan, kaunting parte lang ang kayang magamit ni Zhao Feng dahil ito ay nakaselyo. Sa mga kritikal na sitwasyon lang ito nagiging aktibo. Gayunman, kahit na ganoon, ang talento niya sa larangan ng mental energy ay napakahusay.
Ceng!
Sa sandaling ito, isang anyo ang lumitaw sa kabilang direksyon.
Ito ang oras na bumagsak ang barya sa kamay ng munting pusang magnanakaw.
"Hmm?"
Itinuon ni Zhao Feng ang kaniyang pansin at nakitang ang anyo ay ang matandang lalaking puting balbas!
Hmph!
Si Zhao Feng ay bumagsak sa isang puno sa harapan.
"Ah! Ikaw pala..." Ang marandang lalaking may puting balbas ay nataranta.
'Luhod!"
Ipinadala ni Zhao Feng ang isang salita gamit ang kaniyang mental energy.
Sa isang saglit, tila lumamig ang hangin sa paligid. Tanging ang buhok at balabal ni Zhao Feng lang ang gumalaw.
Ang matandang lalaking may puting balbas ay nakaramdam ng napakalakas na puwersa ng mental energy na humampas sa kaniyang isip at kaagad siyang nawalan ng kamalayan.
Lahat ng kaniyang sumunod na ginawa ay base na lang sa pakiramdam.
"Sasagot ka sa lahat ng aking itatanong." Si Zhao Feng ay nakatingin sa ibaba ay sinabi ito na tila siya ang hari ng kalangitan.
"Opo."
Ang matandang lalaking may puting balbas ay puno ng paggalang na tila nakaluhod sa harap ng emperador. Sa sandaling ito, ang kaniyang kamalayan ay kontrolado ni Zhao Feng. Kahit na sabihan siyang magpakamatay, gagawi niya ito nang hindi nagdadalawang isip.