Sun Feather City.
Kakalubog pa lamang ng araw at marami ng mga tao ang inilawan ang kanilang mga lampara at isinarado ang kanilang mga tindahan.
Sa pagkakataong iyon, isang kabataan na may kulay asul na buhok ang naglalakad sa siyudad habang nakasuot ng kulay abong kapa.
Kung naganap ito sa umaga, ang itsura ng kabataan ay ikababahala ng lahat. Ngunit, dumating na ang gabi at ang anyo ng kabataan ay hindi naman nangingibabaw.
"Hindi naman pala masyadong nagbago ang Sun Feather City sa loob ng isang taon." Bulong ni Zhao Feng sa kanyang sarili.
Halos walang kahit sino ang makakilala sa kanya. Kumpara sa nakaraang tao, mas matangkad na si Zhao Feng at nagbago na rin ang kanyang pisikal na kaanyuan ganoon rin ang kanyang aura.
Nang mapalapit na siya sa teritoryo ng Zhao family, halata namang maraming tao rito.
"Kailan pa nagkaroon ng maraming tao rito?" Kakaiba ang ekspresyon ng mukha ni Zhao Feng.
Bilang isa sa tatlong pinakadakilang pamilya sa Sun Feather City, ang pinto ng kanilang teritoryo ay dapat na tahimik.
Mula sa mga taong nagtitipon, karamihan rito ay mga kabataan.
"Ang 'Genius Summit' ng kasalukuyang taon ay hindi kasingganda noong nakaraang taon. Pareho na kasing umalis si Xin Wuheng at Zhao Feng ng Sun Feather City."
"Iyong dalawang maalamat na anyo. Sa kasalukuyang taon, ang Summit ay sinimulan ni 'Zhao Linlong' ng Zhao Family. Walang kahit sino ang kayang tapatan siya."
"Hindi natin masasabi 'yan. Si 'Xin Fei' ng Xin Family ay isang umaangat na bituin na maaaring kasinggaling rin ni Zhao Linlong."
Kaya pala napakaraming tao rito sapagkat ngayon pala ang Genius Summit.
Ngunit, hindi lahat ay papayagang makapasok sa loob at manood Tanging kakarampot lamang ang pinayagang makapasok kung kaya marami ang nasa entrada.
Subalit, mayroon pa ring mga iilan na may concealing skills at nakapasok nang matagumpay sa loob. Hindi naman ganoon kataas ang seguridad ng Zhao Family gaya ng pagbabantay sa isang palasyo.
"Genius Summit?"
Kinalkula ni Zhao Feng ang oras at saka lamang niya napagtanto na oras na nga. Ang Genius Summit ay pinapangasiwaan ng tatlong pamilya.
Sa nakaraang summit, mahusay ang ipinakita ng Zhao Family at mayroon silang tatlong henyo: sina Zhao Linlong, Zhao Feng at Zhao Yufei.
Sa likod ng bulubundukin ng Zhao Family. Sa tapat ng isang artipisyal na lawa, mayroong napakaraming mga nakatayo at manonood.
Dalawang kabataan ang nagsagupaan malapit sa baybay ng lawa at mayroong hangin na malakas ang ihip. Mula sa mga manonood ay mayroong iba't ibang sinisigaw.
Ang tanging makakasali lamang sa summit ay ang mga nasa ikaapat na antas ng Martial Path pataas kung kaya ang mga tunog na nabubuo sa laban ay talagang nakasisira at napakalalakas.
Mayroon ring mga Elders ang naroroon mula sa iba't ibang pamilya na ang mga cultivation ay nasa ikapitong antas.
Sa pinakaharap ay nakatayo ang napakaraming mga henyo mula sa Zhao Family na kinabibilangan nila Zhao Han, Zhao Qin at Zhao Linlong.
"Kapatid na Linlong, walang kahit sino ang makatatalo sa iyo ngayon." Ngumiti si Zhao Qin at sinabi ito.
"Si Qiu Mengyu ng Qiu Family at Xin Fei ng Xin Family ay higit na lumakas ngayong taon. Lalo na si Xin Fei, kahit hindi niya pa nararating ang ikaanim na antas, napakahusay ng lakas niya sa laban. Pero sigurado akong kaya mo sila."
Nakaupo si Zhao Lilong sa gitna at mas tumanda na ang kanyang pagkilos. Dahil sa mga karanasan niya noong nakaraang taon, ang kanyang pag-uugali ay higit na kalmado.
Bilang punong-abala ng summit na ito, hindi siya nangahas na maging kampante.
Pagkatapos ng bawat laban, sinasabi niya kung ano pa dapat ang palaguin at dahil palagi siyang tama, hinahangaan siya ng lahat.
Habang lumilipas ang oras, ang mga laban ay lalong patindi nang patindi.
Sa huli, dalawa sa pinakamahuhusay na henyo, si Zhao Linlong at Qiu Mengyu ay nagpakita na.
Nang umakyat na sila, walang kahit sino ang makalaban pabalik maliban sa isang tao.
Ito ay ang may peklat sa mukha na kabataang nagmula sa Xin Family – si Xin Fei.
Napakahusay ng kakayahan nito sa pag-iispada at nakapagsanay rin ito ng isang high tier skill sa peak level. Lahat ng nakalaban niya ay hindi humigit ng tatlong atake at napatumba na.
"Bakit tila nararamdaman ko na nakababagot ang Summit ngayong taon?" Nagpalitan ng tingin sina Zhao Han at Zhao Qin.
"Sa limang pinakamahuhusay na henyo, tatlo ang umalis. Ang Summit ng ngayong taon ay hindi maikukumpara sa nakaraan." Napabuntong hininga si Zhao Qin.
Lahat ng pumunta noong nakaraang Summit ay pareho rin ang mararamdaman.
Hindi lamang dahil sa wala talagang mga henyo roon, kundi wala ring inaasahan ang lahat o mga kakaibang sibat ng tadhana.
Kung iisipin ang nakaraang summit, mayroong sorpresa at gulat sa bawat sulok, pero ngayon, tanging tatlong tao lamang ang magaling – sina Zhao Linlong, Qiu Mengyu at Xin Fei.
Sa limang pinakamahuhusay na henyo, sila pa ang mababa ang antas.
Sa wakas, ang summit ay umabot na kanilang sukdulan. Ang mga ranggo nila Zhao Linlong, Qiu Mengyu at Xin Fei ay unti-unti nang lumilitaw.
Tanging silang tatlo lamang ang may karapatang makapasok sa titulong 'Great Geniuses'. Ang lahat ay hindi halos lumago at hindi ganoon kagaling. Una munang naglaban sina Qiu Mengyu at Xin Fei.
Si Qiu Mengyu ay ang tinataguriang pinakamaganda sa Sun Feather City at kakaabot lamang niya ng ikaanim na antas ng Martial Path. Ang cultivation naman ni Xin Fei ay umabot na ng ikalimang antas at ang kanyang battle power ay matindi rin. Bawat paghiwa ng kanyang espada ay may kakayahang kakaiba.
"Ang Xin Fei na ito ay mukhang apektado ni 'Xin Wuheng' at mukhang kaya niyang maging isang dakila."
Napataas ang kilay ni Zhao Chi at napaisip nang malalim, pero hindi niya maunawaan. Sa kanyang antas, ni hindi niya kayang makaramdam ng kabatiran. Nangangailangan ng kabatiran para maisanay ang Holy Martial Arts.
Dati, parehong si Xin Wuheng at Zhao Feng ay mayroon nito.
Slicing Cloud Pierce!
Napabulalas si Xin Fei at ang kanyang ispada ay nagkaroon ng pulang liwanag na tila humihiwa sa mga ulap.
Shua!
Nasira ang proteksyo ni Qiu Mengyu sa kanyang inner strength. Halata namang nagpipigil pa si Xin Fei.
Walang kahit sino ang nakapag-isip na agarang mapapanalo ni Xin Fei ang laban. Ang sumunod at huling laban ay sa pagitan ni Xin Fei at ni Zhao Linlong.
Ang laban sa pagitan ng dalawa ay matindi at ang dalawang anyo ay nagkakasagupaan talaga. Sa huli, ang dalawa ay nasa may lawa na at nagpapalitan ng mga atake.
Hindi mapigilan ng mga manonood na umurok ang kanilang mga tainga at sumigaw ng kanilang mga alo.
Miao miao!
Mula sa mga nakatayo ay nagmula ang isang kakaibang tunog.
Hmm?
Si Zhao Chi at ang kanyang mga kasama na nakapokus sa laban ay narinig ito at ang kanilang mga ekspresyon ay nagbago: Sino ito?
Isang kabataan na may kulay asul na buhok, isa lang ang mata ang nagpakita sa may bandang tinatayuan ng mga manonood habang may dala itong kulay abong pusa na kasinglaki lamang ng palad at nakaupo sa kanyang balikat.
Ang taong ito ay nagpakita sa kanila nang wala man lang tunog o amoy. Kung hindi dahi sa pusa, hindi pa nila ito mapapansin.
"Zhao Chi at Zhao Qin, isang taon pa lamang ang nakalilipas at mukhang nakalimutan niyo na ako?" Nagpakawala ng isang bahagyang tawa ang kabataan.
"Ikaw… Ikaw si Zhao Feng!" Napabulalas si Zhao Chi at ang kanyang mga kasama nang makilala nila ito.
"Zhao Feng! Siya si Zhao Feng?"
Nagkagulo ang mga nasa tayuan ng Zhao Family at nakuha rin nila ang atensyon ng iba pang mga manonood.
Hindi nagtagal, lalong dumarami ang mga taong nakakilala sa kabataang ito na isa lamang ang mata at kulay asul ang buhok.
"Kailan pa naging isa ang mata ni Zhao Feng at kailan pa naging kulay asul ang kanyang buhok?" Nasopresa ang lahat.
Sa mismong pagkakataon na iyon.
Natapos na ang laban sa may lawa nang makatanggap na ng huling atake sina Zhao Linlong at Xin Fei mula sa isa't isa. Isang sugat ang diretsong tumama sa buto ng braso ni Zhao Linlong habang nalalaglag siya sa may lawa.
"Salamat!" Lumapag si Xin Fei sa may baybay at sinuri ang mga manonood nang may tagumpay.
Bumalik si Zhao Linlong sa puwesto ng kanilang pamilya nang may madilim na mukha.
"Ikaw…"
Biglaang nabaling ang atensyon ni Zhao Linlong sa isang kabataan.
"Zhao Feng! Sa wakas at nagpakita ka!"
Naguhitan ang mga mata ni Xin Fei ng intensyon na lumaban. Lalong dumarami ang mga matang nakatingin sa kabataang may kulay asul na buhok.
"Nagbalik na siya."
Ang mga nakatataas ng Zhao Family ay hindi mapigilang mapabulalas.
Sa loob ng kinatatayuan nila.
Komplikado ang emosyon ni Zhao Linlong at paos na rin siya: "Zhao Feng, bumalik ka sa tamang oras. Kunin mo na ang unang puwesto ng Zhao Family."
"Zhao Feng, kailangan ko ng totoong kalaban." Hinamon ni Xin Fei si Zhao Feng.
"Hindi na kailangan, ganoon rin ang hanap ko." Ngunit nang bahagya si Zhao Feng nang tanggihan ang alok nito.
Sa kanyang antas, pang-aapi ang tawag kung kalalabanin niya ang mga nasa summit, kahit siya ang pinakabata roon.
Tinanggihan?
Nagulat ang lahat, pero tanging si Zhao Linlong lamang ang nakakaalam na ang aura ni Zhao Feng ay hindi na masukat at kung lalaban siya ay nakakahiya naman sapagkat talagang napakalakas niya na.
Teng sou sou -----
Magsasalita pa lamang sana si Xin Fei pero may mga iilang anyo ang nagpakita.
"Hahaha… Nakakadismaya naman ang Genius Summit ng Sun Feather City!"
May tatlong kabataan ang lumapag sa kanilang lupa at ang isa na nsa gitna at may suot na itim na roba ay nagbigay ng aura ng isang nasa peak 6th rank. Ang dalawang kabataan rin na nasa tabi niya ay parehong nasa ikaanim na antas.
"Sino!?"
Bulalas ng mga manonood.
"Hindi ito maganda. Sila ang mga henyo ng 'Maple City'. Ang nasa harap ay si 'Yu Tianhua' at natalo niyang lahat ang mga henyo mula sa kabilang bayan at tinagurian rin siyang hindi magapi ng kasalukuyang henerasyon." Malakas na sabi ni Zhao Linlong.
Nilabanan niya si Yu Tianhua kalahating buwan na ang nakalilipas at natalo siya nito sa loob lamang ng sampung atake.
Yu Tianhua!
Iilan sa mga henyong naroroon ay narinig na ang kanyang pangalan.
"Sun Feather City, ipadala niyo ang pinakamalalakas niyong tatlo upang labanan ako!" Sinuri lamang ni Yu Tianhua ang mga manonood nang malamig.
Tumawa lamang ng malamig si Xin Fei at umatake. Ganoon rin si Yu Tianhua na tumawa nang may pagkutya nang ikumpasa niya ang dalawang kamay paharap. Isang itim na liwanag ang nasilayan na siyang nagbigay ng aurang nakasisira.
"Hmm?"
Napagtanto ng kabataan na ang mga kakayahan ni Yu Tianhua ay mukhang maiuugnay sa 'Wicked' Path. Hula niya na ang Yu Tianhua na ito ay nagsanay ng hindi natapos a wicked half-Holy martial art.
Pah!
Nagpalitan ang dalawa ng maraming atake at sa huli ay napalipad si Xin Fei sa pamamagitan ng isang palm attack.
"Paano ito naging posible!? Ni wala ka nga sa ikaanim na antas!" Gulat na wika ni Xin Fei.
"Hahaha… Tama iyan! Mabuti naman at maayos ang paningin mo."
Tumawa si Yun Tianhua at isang itim na inner strength ang bumalot sa kanya.
Ikapitong antas ng Martial Path!
Sumikip ang puso ng lahat ng maramdam ang presyur na dala nito. Kahit ang mga Elders na nangangasiwa sa summit ay gulat na gulat. Mula sa ipinakitang lakas ni Yu Tianhua, kahit sila ay hindi ito kayang labanan.
"Sino pa ang gustong lumaban? Ganito na lang kaya? Ipadala niyo ang tatlong pinakamalalakas niyo nang sabay-sabay!" Tumayo si Yu Tianhua sa gitna at tumawa.
Sa pagkakataong iyon, ang mga henyo ng Sun Feather City ay may mga panget na ekspresyon. Ang mga taong ito ay nagsadyang pumunta para sirain ang mga henyo ng Sun Feather City at upang paluhurin sila sa kanilang mga paa!