Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 189 - Natalo ang Thousand Year Record

Chapter 189 - Natalo ang Thousand Year Record

Ang ika-38 na araw ng Floating Crest Trial.

Weng!

Isang liwanag ang lumitaw sa pasukan ng Palace at isang youth ang lumabas. Ang kaniyang ekspresyon ay bahagyang pangit, ngunit walang nakakaalam kung ito ba ay dahil sa panghihina o masamang kalooban.

"Moi'er!"

"Brother Bei!"

Si Hai Yun Master at Quan Chen ay napasigaw sa tuwa.

Sa sandaling ito, ang lahat ay tumingin kay Bei Moi, na isang super prodigy.

"Nakatagal ng 38 araw. Ang marking ito ay mas magaling pa kaysa kay Brother Hai Yun noong taong iyon… Tunay nga, sa magaling na master nagmumula ang magaling na disipulo…

Si Granny Liuyue at Elder Xue ay bahagyang naiinggit.

Noong nakaraang 100 taon, ipinanganak ng Broken Moon Clan ang isang henyo – Hai Yun Master. At ang kaniyang disipulo ay mas magaling pa dahil natalo niya ang tala ng kaniyang master.

"Bawat hakbang, bawat mahabang minuto sa trial sa huling mga hakbang sa trial ay mahirap.

Isang maliwanag na nginit ang makikita sa mukha ng Clan Master. Ito ay isang totoong ngiti.

Hindi mahalaga kung disipulo niya si Bei Moi o hindi. Hangga't mayroong ganoong henyo ang Clan, mabuti ito.

Gayunman, sa tingin ng lahat, hindi makikitaan ng kasiyahan si Bei Moi. Sa kabilang banda, ang kaniyang ekspresyon ay bahagyang pangit. Ngunit walang pumansin dito dahil ganito ang karaniwang reaksyon ni Bei Moi.

"Moi'er, ano ang iyong huling marka?"

Ang tanong ni Hai Yun Master ay ang bagay na interesado ang lahat.

Si Bei Moi ang walang duda, ang pinakamataas na tao sa trial. Siguradong natalo na niya ang thousand year record at siya rin ang tumalo kay Yang Gan, na nasa ikalawang antas ng mga core disciple.

"928," sabi ni Bei Moi nang walang ekspresyon.

928!

Ang lahat ay nag-usap nang marinig ito.

Kahit si Hai Yun Master ay nagulat. Paano niya nakuha ang mataas na markang iyon? Halos makaabot na siya sa 1000 puntos.

"Nagtagal si Brother Hai Yun nang 34 na araw, ngunit ang kaniyang marka ay hindi man lang umabot sa 600."

Nagtinginan ang mga Elder. Hindi lang mas tumagal si Bei Moi, ngunit nakakasindak din ang kaniyang marka.

"Ang markang ito ay ang tatalo sa thousand year record ng Floating Crest Palace."

Naantig si First Elder.

Natalo ang thousand year record!

Ang lahat ay tumingin sa prodigy nang may kawalang-paniniwala.

Siya ay napakalakas. Hindi lang siya naguna, natalo rin niya ang tala ni Hai Yun Master pati na ang thousand year record. Kumulo ang dugo ng lahat nang makita ang pangyayari.

Hindi nagtagal…

Ang gantimpala ni Bei Moi sa digmaan ay inilabas at ilang beses na mas maganda kaysa sa natanggap ni Yang Gan.

2x Peak class skills.

3x Peak grade Mortal weapons.

Daan daang iba pang mga gamit ang nasa kalahati ang may halaga ng mortal weapon. Ang mas nakakatuwa pa ay ang natanggap ni Bei Moi na Spiritual class skill.

Spiritual class skill!

Ito ay magiging pamana ng Clan at kahit ang mga Elder ay maaaring hindi na ito magawa ito nang mahusay.

Kailangang malaman na ang Spiritual skills ay napakabihira sa kontinenteng ito at marami na ang nawala. Isa pang Spiritual skill ang nagpataas ng lakas ng Clan.

Habang tinitignan nang may saya, tuwa at paghanga, si Bei Moi ay hindi nagmamalaki o masaya. Sa kabilang banda, ang kaniyang ekspresyon ay mas naging pangit.

"Moi'er, hindi ka lang naguna sa trial, natalo mo rin ang iyong Master, at ang thousand year record. Ipinagmamalaki ka ng Clan.

May namumuring ngiti si Elder Hai Yun. Isa itong karangalan na maging guro ng isang henyo.

"Master."

"Sa wakas ay nagsalita na rin si Bei Moi, ngunit may pagsisisi pa rin sa kaniyang boses."

"Moi'er, anong nangyari?"

"Bei Moi, may sasabihin ka ba o may nais ka ba? Maaari mong sabihin sa amin."

"Ang mga Elder at Clan Master ay tumingin kay Bei Moi, nagtataka. Ang ekspresyon ni Bei Moi ay halatang hindi normal.

"Tulad ng sinabi ng Clan Master at mga Elder, natalo ko ng ang thousand year record, ngunit hindi ako ang nanguna sa trial na ito!" huminga nang malalim si Bei Moi at sinabi ito nang may sama ng loob.

Ano!? Anong ibig sabihin nito!?

Hindi alam ng lahat ang ibig sabihin ni Bei Moi rito. Natalo niya ang thousand year record, kaya paanong hindi siya ang nanguna?

Nag-isip nang malalim si First Elder. Pagkatapos ay bigla siyang napatingin sa pasukan ng Floating Crest Trial at bahagyang nagbago ang kaniyang ekspresyon: "Sandali! Hindi pa tapos ang Floating Crest Trial!"

Ang iba pang mga Elder at Clan Master ay tumingin sa Floating Crest palace.

Tunay nga, ang Floating Crest Palace ay hindi nagsara, na ang ibig sabihin ay hindi pa tapos ang Trial. Ayon sa nakaraang karanasan, magsasara ang Floating Crest Palace sa katapusan ng trial.

Anong ibig sabihin nito?

Naging tahimik ang lahat at naalala ang ekspresyon at kilos ni Bei Moi pagkalabas niya, ang katotohanan ay nagsimula nang lumabas. Gayunman, hindi nila pinaniwalaan ang 'katotohanang' ito.

May iba pa!

Ang taong hindi pinapansin ay nasa gitna na ngayon ng atensyon.

"Si Brother Zhao lang ang naroon… Imposible ito!"

Hindi makapaniwala si Yang Gan, Quan Chen at ang iba pang mga disipulo. Lalo na si Yang Gan, hindi niya ito kayang tanggapin.

Ang isang disipulong may low grade Spiritual body, na halos nasa huli ang antas sa mga kalahok, ang nakatalo sa thousand year record?

Nagkagulo ang lahat, na hindi makapaniwala sa resultang ito.

"Tahimik."

Napatahimik ng malalim na boses ni First Elder ang lahat.

Ang mga Elder ay nagtinginan. Si Elder Xue at Hai Yun Master ay may madilim na ekspresyon.

"Moi'er, anong nangyari?" tanong ni Hai Yun Master nang may mababang tono.

Lahat ng mga Elder ay napagtantong ang kasalukuyang sitwasyon ay hindi nila inasahan at nakontrol.

Tila sa umpisa ng trial, may isang hindi napansing puwersa na nakatulak sa Trial pataas. Iba't ibang kakaibang bagay ang nangyari at naipahiwatig nitong iba ang trial na ito sa mga nauna.

Si Lu Hu at ang iba pang dalawa ay umalis na sa unang hakbang, habang walang nasaktan o napaalis sa ikalawang hakbang.

Sa ikatlong hakbang naman, ang mga resulta ay mas mabuti kaysa sa inaasahan.

At ngayon…

Natlao ni Bei Moi ang thousand year record at naiba ulit ang sitwasyon.

Ngunit hindi pa rin si Bei Moi ang una!

Sa pangkalahatan, masyadong kakaiba ang trial na ito!

Sa mga sandaling ito, nakatuon ang tingin ng lahat kay Bei Moi. Malamang ay siya lang ang nakakaalam ng katotohanan.

"Bago ako umalis, nakita ko si Brother Zhao."

Binuksan na rin ni Bei Moi ang kaniyang bibig at masysadong nainis at nabigo nang maisip na naloko siya ng munting pusang magnanakaw.

Brother Zhao! Zhao Feng!

"Paano ito naging siya!?"

Si Yang Gan, Quan Che at iba pa ay nagulat dahil hindi naniniwala.

Matatanggap pa nila kung isa rin super genius tulad ni Bei Moi ang mangunguna. Mawawalan lang sila ng pag-asa. Ngunit hindi nila matatanggap kung si Zhao Feng ito.

"Bei Moi, magsalita ka tungkol sa naranasan mo."

Gumalaw ang mga pilikmata ng mga Clan Master.

Nagsimula si Bei Moi na ikwento ang kaniyang naranasan.

"…Ang inyong disipulo rito ay nakatagal ng isa pa o dalawa pang araw, ngunit sa tingin ko ay makikita ko si Brother Zhao sa sandaling ito. Ang kakaibang bagay ay, hindi siya hinahabol ng mga black metal monster."

Nang masabi ang mga ito, nagsalubong ang mga kilay ni Bei Moi.

Hindi hinahabol ng mga black metal monster?

Paano ito naging posible!?

Ang mga kalahok na disipulo ay nagulat nang sila ay umiling.

"Nakaramdam ng kakaiba ang inyong disipulo rito, kaya lumapit ako at tinanong si Brother Zhao. Gayunman, siya at ang kaniyang manlilinlang na pusa ay niloko ako papunta sa vine ocean kung saan pinatay ako ng 'Vine King' sa isang kaisipan kaya nawala rin ang aking 'Clear Sky Spiritual Liquid'."

Puno ng inis ang boses ni Bei Moi at bahagyang nanginig ang kaniyang kamao.

May poot at galit sa kaniyang mga mata nang isiping: "Zhao Feng, Zhao Feng. Niloko mo ako nang lubos. Wala nang makakaayos sa ating hidwaan."

"Manlilinlang na pusa?"

Nakuha na ni Hai Yun Master ang puntong ito.

"Mukhang mayroong alaga si Brother Zhao na nakuha sa trial. Ang panlilinlang nito ay hindi masusukat… O mas magiging mas magand ang marka ng disipulo."

Nang maisip kung paano siya niloko ng munting pusang magnanakaw, nagngalit ang ngipin ni Bei Moi.

Hindi niya masabing naloko siya ng isang pusa, kaya ibinunton niya lahat ito kay Zhao Feng.

"Ang Zhao Feng na ito a napakasama! Nauna na niyang paalisin si Yuan Hao at Lu Hu, at siniraan si Quan Chen. Ngayon pati si Bei Moi ay naloko niya!"

Si Elder Xue ay labis na nagalit, ngunit wala siyang magagawa.

Nang marinig ito, makikitaan ng galit na ekspresyon si Quan Chen at ang iba pa at hiniling na disiplinahin si Zhao Feng.

Habang pinag-iisipan ito nang mabuti, si Zhao Feng ang dahilan ng maagang pag-alis ng apat na tao, na malapit sa kalahating bilang ng mga kalahok.

Si Lu Hu at Yuan Hao ay naunang napatalsik ni Zhao Feng sa kailaliman. Si Quan Chen ay naging yelo at napatalsik din. Sa huli, ay si Bei Moi, na natalo ang thousand year record.

"Hindi lang ako!"

Nang makita ang ekspresyon ng lahat, napagtanto ni Bei Moi na hindi lang siya ang biktima. Bahagyang naging mabuti ang kaniyang nararamdaman.

Nagsalubong ang mga kilay ni Granny Liuyue: "Ang aming Broken Moon Clan ay isang mabuting angkan. Paano kami nakagawa ng isang masamang disipulo?"

"Tama, si Zhao Feng ay masama. Kahit ang kaniyang alaga ay manlilinlang. Pinapatunayan nito ang 'ang magkapareho ay nilalapitan ang isa't isa.'" sigaw ni Hai Yun Master.

Ang kaniang puso, gayunman, ay hindi kalmado: "Xu Ran, Xu Ran. Anong klaseng swerte ang mayroon ka para makakuha ng dalawnag ganiyan kagaling na disipulo?"

"Clan Master, First Elder, kailangan natin siyang parusahan!" banggit ni Elder Xue.

Nagtinginan si First Elder at Clan Master.

"Maaaring hindi ito maging kasing simple ng iniisip natin. Hintayin muna nating lumabas si Zhao Feng."

Ang boses ni First Elder ay kalmado. Kahit na may problema ang ibang mga Elder, kailangan nilang tumahimik.

"Mga Elder, huwag masyadong maggulo. Kahit anong mangyari, si Zhao Feng ay isa pa ring henyo para sa pag-abot dito. Ang ating pangunahin punto rito ay ang malaman kung paano siya tulungang makabalik sa daan ng kabutihan sa halip na magdesisyong parusahan siya."

Ang kilay ng mga Broken Moon Clan Master at nagsalubong nang sabihin niya ito sa mga Elder. Bilang isang babae, siya ay tila masyadong mabait at hindi pa siya nakakakita ng isang kakaibang trial na tulad nito sa mga nagdaang taon.

"Ang mga salita ng Clan Master ay may katuwiran, ngunit kailangan muna nating hintaying lumabas ang batang iyon."

Ang ekspresyon ni Granny Liuyue ay bahagyang naging kalmado.

Kahit ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi kayang puwersahang makapasok sa loob ng Floating Crest Trial Palace, kaya kahit gaano pa magmadali ang mga Elder na ito, wala silang magagawa kung hindi maghintay.

Ang Clan Master at First Elder ay parehong naghihintay kung anong resulta ang nakuha ng pinakamasama at baliw na disipulo sa lahat ng oras.

Related Books

Popular novel hashtag