Ginamit ni Zhao ang kanyang Lightning Wind Palm at ang kanyang mga atake ay dumako sa array ng mga aparador. Walang kapansin-pansing mga kamalin sa array na pumo-protekta sa mga apardor at ang recovery power nito ay mas malakas sa iba. Gayunpaman, ang kulay abong itlog sa loob ng aparador ay hindi napinsala sa mga atake.
Sa una, natakot si Zhao Feng na masira ito. Ngunit matapos itong suriin, napansin niya na ang katigasan ng balat ng itlog ay mas matibay sa kanyang inaasahan. Kung ito ay normal na itlog, ang kaunting kapangyarihan mula sa kanyang Lightning Wind Palm ay makakasira dito. Ngunit, ito ay itlog na na may sampung libong taong buhay sa loob – hindi ito ganoon kasimple.
May ilang mga bloke ng yelo na humaharang sa pasukan at sa oras na ito, walang maka pipigil kay Zhao Feng. Ang pinaka banta sa kanya ay nawasak niya na - magagawa niya na ngayon lahat ng gusto niya.
Sa buong Sky Boundary Island, si Zhao Feng lamang ang malaya. Ang ibang mga disipulo ay patuloy na tumatakbo dahil hinahabol sila ng mga black metal monsters, paano pa sila makagagawa ng ibang bagay?
Sa ikaapat na araw ng pagtugis, na ikadalawapu't dalawang araw nang paglilitis, ang iba ay hindi na kaya. Sa oras ding ito, ang bilis ng black metal monsters ay umabot na sa 3rd Sky ng Ascended Realm.
Sina Lin Fan at Liu Yue'er na parehong nasa 3rd Sky ay pagod na.
Sa mahirap na sitwasyong ito, lumabas ang kanilang potensyal at ang kanilang bilis ay maikukumpara na sa 4th Sky. Gayunpaman, kahit na gaano pa nila bilisan, ang kanilang enerhiyang ginagamit ay hindi dapat bumaba.
Ang black metal monster ay hindi kailangan na magpahinga. Ito ay tumatakbo lamang nang 'mabagal' sapagkat ito ay asa True Spirit Realm at ang enerhiyang kanyang ginagamit ay nasa kawalan. Ang mga nasa True Spirit Realm ay maaring kumuha ng enerhiya mula sa hangin habang lumilipad sila upang makabawi ng lakas, habang ang mga nasa Ascended Realm ay maari lamang maka kuha ng enerhiya mula sa cultivation.
Ang pagkakaiba ng dalawa ay sobrang laki.
Sa ika-apat na araw, natanggal na pareho sila Liu Yue'er at Lin Fan.
Ang madilim na berdeng ilaw ay bumalot sa katawan ni Lin Fan sa sandaling inatake siya ng black metal monster. Ang kanyang mukha ay kulay pula at ang kanyang dugo bilang True Force ay nanigas.
"Ito na ang aking hangganan…" Pumikit si Lin Fan.
Sa totoo lamang, hindi inaasahan na maka aabot siya dito at ang kanyang iskor ay kabilang na sa middle top mula sa mga nakaraang paglilitis. Hindi niya alam kung bakit, ngunit sa sandaling mamamatay na siya, isang tao ang lumitaw sa kanyang isipan. Isa itong kabataan na may asul na buhok na nanatiling kalmado sa buong paglilitis.
"Kamusta na kaya siya…." Bulong ni Lin Fan sa kanyang sarili.
Weng~
Ang Floating Crest Token ay nagpakawala nang kakaibang tunog at ang sa sumunod na pangyayari, naglaho si Lin Fan habang ang black metal monster ay naglaho rin sa pintuan.
….
Sa pasukan ng Floating Crest Palace.
Magkasunod na naglakad palabas sina Liu Yue'er at Lin Fan.
"Yue'er."
Masaya at panatag si Granny Liuyue nang makitang ayos lamang si Liu Yue'er. Parehong umabot sa dalawampu't-dalawang araw sina Liu Yue'er at Lin Fan, mas matagal pa kay Quan Chen. Ang iskor ni Liu Yuer ay 178, habang si Quan Chen ay 150 lamang.
"Hindi na masama ang 178, malapit na ito sa iskor ng nanguna noong nakaraang paglilitis." Papuri ni Granny Liu Yue'er.
Sa kabila ng lahat, mababa ang cultivation ni Liu Yue'er. Ang kanyang mga gantimpala ay halos katulad lamang kay Quan Chen dahil mababa ang kanyang cultivation at ang opensa ni Quan Chen ay mas malakas. Mas tumagal si Lin Fan nang kalahating oras at noong lumabas siya ay nasa huling yugto na ng 3rd Stage.
"Lin Fan, ilan ang iyong iskor?" Ngumiti si Granny Liuyue habang nagtatanong.
Sa lahat ng mga disipulo, si Lin Fan ang may pinaka mababang estado dahil lahat ng mga disipulo ay may mga Elders na sumusuporta.
"326." Maingat na sinambit ni Lin Fan ang kanyang iskor.
Ano!?
Nagbago ang ekspresyon ng mga Elders.
"326…. Sigurado ka na hindi ka nagbibiro?"
Tumitig si Hai Yun Master kay Lin Fan at ang kanyang True Sporit Realm aura ay naging dahilan upang mahirapan huminga ang iba.
326!
Ang iskor na ito ay sobrang layo sa iskor nang nanguna noong nakaraang paglilitis. Maging ang mga prodigies na mas nagtagal kay Lin Fan ay hindi nagkaroon ng ganoon kataas na iskor.
"Hindi nagsisinungaling ang disipulong ito, ito ay 326."
Huminga nang malalim si Lin Fan at inulat kung ilan ang nakuha niyang mga puntos sa bawat seksyon.
Unang yugto, 20 puntos.
Ikalawang yugto, 30 puntos.
Ikatlong yugto, nakaligtas nang apat na araw, 40 puntos.
Iskor sa kagalingan: 236.
Total na iskor: 326.
"Paanong naging sobrang taas ng iyong iskor sa kagalingan?" Hindi makapaniwalang saad ni Liu Yue'er.
Ang kanyang iskor sa kagalingan ay nasa 80-90 lamang, nangangahulugan na doble ang kay Lin Fan.
Gayunpaman, nagsasabi ng totoo si Lin Fan - ang kanyang iskor ay sobrang taas kumpara kay Liu Yue'er at Quan Chen.
Nakatanggap si Lin Fan ng High grade Mortal weapon at Peak tier Mortal skill, nangangahulugan na mas marami rin ang kanyang kayamanan kaysa kay Liu Yue'er.
"Peak tier Mortal skill!"
Huminga nang malalim ang mga Elders at naniwala sila kay Lin Fan.
Ang mga Spiritual Grade skills ay halos pawala na sa kontinenteng ito at kahit na mayroon silang Spiritual grade skills, ang mga nasa True Spirit Realm ay hindi kayang i-cultivate ito. Kung gayon, ang halaga ng Peak tier Mortal skills ay sobrang laki.
"Lin Fan, nakakuha ka ng High Class Mortal skill, na may malaking kontribusyon sa Clan. Kung ibibigay mo ang skill na ito sa Clan, bibigyan ka nang malaking gantimpala ng contribution points at ibang mga kagamitan pa…"
Ang Skills sa High grade Mortal skill o mas mataas pa ay kadalasang hindi naka sulat sapagkat mahirap ilagay ang kalaliman nito. Ito ay kadalasang sinasabi. Ang Peak class Mortal skill ni Lin Fan ay parang ganito rin.
Kung ibigay niya ito sa Clan, magagamit niya ito upang makakuha ng contribution points. Ang gantimpala ay ibibigay sa mga nakakuha nang mahahalagang kagamitan mula sa paglilitis at ibinibigay sa Clan.
Walang poot na naramdaman si Lin Fan sa Clan dahil ang Floating Crest Palace mismo ay pag mamay-ari ng Clan at hindi niya kaya na makapasok dito kung hindi siya tinulungan ng mga Elders.
"Lin Fan, bakit mas mataas ang iyong iskor kay Liu Yue'er?" Tanong ni Granny Liuyue.
"Iyon ay dahil…" Inisip ni Lin Fan ang nangyari.
Sa ikatlong yugto, nakita niya si Zhao Feng na tinuro ang kanyang pupuntahan. Pumunta siya sa canyon na mayroong kakaibang nayon sa loob. Sa huli nakatanggap siya ng Floating Crest Seal.
Ang 'Floating Creat Seal' na ito ay hindi espesyal. Ngunit sa huli, ito ay nagkakahalaga ng isang daang puntos na kalamangan sa mula iba.
"Ako ay aksidenteng nahulog sa canyon na may nayon sa loob…"
Matalino si Lin Fan at hindi niya binanggit si Zhao Feng. Ang canyon ay sikreto ni Zhao Feng, at ipinag katiwala ito sa kanya. Hanggang walang permiso mula kay Zhao Feng, hindi niya ito sasabihin.
"Ang iyong talento ay normal ngunit ikaw ay malaking swerte. Sa pamamagitan nang pagsisikap, ang iyong hinaharap ay gaganda."
Bahagyang ngumiti ang Clan Master.
Sa paglabas nina Lin Fan at Liu Yue'er, mayroon na lamang apat na tao sa loob ng Floating Crest Trial.
Sila Yng Gan, Bei Moi, Ran Xiaouuan at Zhao Feng.
"Sa nakaraang sampung paglilitis, si Brother Hai Yun ang may pinaka mataas na iskor, na umabot sa mahigit 400 na puntos. Malaki ang tsansa na matalo ang rekord na iyon."
Umaasa ang Clan Master at ang mga Elders.
Ang apat na natitirang disipulo ay nag rerep-resenta sa Clan master, ang Unang Elder at Hai Yun Master habang nangunguna ang Unang Elder dahil dalawang disipulo niya pa ang nananatili sa paglilitis.
Si Yang Gan na may pinaka mataas na cultivation, ay dispulo rin ng Unang Elder. Siyempre, si Zhao Feng, na may pinakamababang cultivation ay disipulo rin ng Unang Elder.
"First Elder, malaki ang posibilidad ngayon na talunin ni Yang Gan ang rekord." Saad ni Granny Liuyue.
"Sana nga." Walang emosyon na sagot ng Unang Elder, ngunit sa kanyang puso ay umaasa siya.
Mula sa naturang sitwasyon, si Yang Gan ang inaasahan na manguna at matalo ang rekord ni Hai Yun Master. Si Zhao Feng naman na may pinaka mababang cultivation, masama ang impresyon sa kanya ng lahat at tinanggalan na agad siya ng posibilidad.
Ang Unang Elder ang pinaka nagulat at naisip: "Hindi ako makapaniwala na ang batang iyon ay aabot ng ganito."
Mayroon lamang isang tao na iba ang tingin sa lahat at iyon ay si Lin Fan. May pakiramdam siya na magiging sobrang taas ng iskor ni Zhao Feng. Maliban sa 'pakiramdam' na ito, may isa pang dahilan. Naalala niya na tinanggihan ni Zhao Feng ang temtasyon sa huling yugto at piniling manmanan ang buong isla.
Sa punto lamang na ito, makikita ang kanyang ambisyon.
Floating Crest Trial.
Mabagal na nagdaan ang oras at sa ikalimang araw nang pagtutugis, na ikadalawampu't tatlong araw nang paglilitis, walang natanggal.
Sa ika-anim na araw, wala pa ring natatanggal.
Sa oras na ito, ang bilis ng black metal monster ay umabot na sa 4th Sky. Ito ay natalo na ang karaniwang cultivation ng mga disipulo sa paglilitis. Matapos umabot dito ang bilis ng black metal monster, naging matatag na ito.
Sila Yang Gan, Bei Moi at Ran Xiaoyuan ay nakatagpo na ng ilang kayamanan at nagkaroon sila ng oras upang ibalik ang kanilang lakas.
Sa kanilang lahat, ang cultivation ni Ran Xiaoyuan ay umabot na sa peak 4th Sky. Ngunit ang halimaw na humahabol sa kanya ay hindi npapagod at sa ikapitong araw, umabot na si Ran Xuaoyuan sa kanyang hangganan.
Siya ay natamaan na ng atake ng black metal monster at siya ay binalot nang kulay berdeng ilaw, na nagpalaho sa kanyang katawan sa paglilitis. Ang kanyang swerte ay masasabing karaniwan.
Si Ran Xiaoyuan ay lumitaw sa pasukan nv Floating Crest Palace.
"Xiaoyuan!"
Sumigaw ang Clan Master at huminga nang mahaba. Ang kanyang iskor ay 335, mas mataas lamang ng kaunti kay Lin Fan
"Hindi na masama, 335. Mas mataas pa iyan sa iskor noong nakaraang paglilitis." Ngumiti ang Unang Elder.
Ang paglilitis ngayon ay matataas ang nakuhang iskor. Ang ikaapat ngayon ay mas mataas pa sa nanguna sa ilan sa mga nakaraang paglilitis.
"Mayroon na lang tatlong taong natitira - Yang Gan, Bei Mou at… Zhao Feng."
Tumaas ang kilay ng Clan Master nang banggitin niya ang huling pangalan.
Ang mga Elders ay hindi maganda ang impresyon kay Zhao Feng.
Lalo na kina Elder Xue ag Hai Yun Master. Ngunit ang swerte ng batang iyon ay sobrang lupit at umabot siya sa tatlong pinaka mataas.