Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 178 - Magsama

Chapter 178 - Magsama

Floating Crest Lightning Seal!

Patuloy na hinahawakan ni Zhao Feng ang sirang piraso ng metal pagkaalis niya sa nayon. Sa mga kagamitan, ang metal na ito ay napakakaraniwan ngunit naglalaman ng hindi kapani-paniwalang dami ng pagnanasa sa loob. Ang pagnanasang ito at maiksi ngunit napakalalim na nalagpasan na nito ang lebel ni Zhao Feng.

"Tanging ang pinakamaliit na parte lang ng Floating Crest Lightning Seal lamang ang kaya kong intindihin at ito ay dahil natutunan ko na ang Lightning Wind Palm," nabaliktad ang mga naisip ni Zhao Feng.

Pagkatapos na magsama ng misiteryosong kaliwang mata, ang kaniyang pag-intindi ay nakakasindak – mas malakas pa kaysa sa maraming henyo. Gayunman, kahit na mayroon siyang Lightning Wind Palm bilang basehan, kaunti lamang ang kaniyang naiintindihan sa Floating Crest Lightning Seal. Dagdag pa rito, naramdaman niyang ang aura ng Floating Crest Lightning Seal ay pareho ng Lightning Wind Palm, kahit na ito ay ilang daang beses pang mas malakas kaysa sa Lightning Wind Palm.

Ang Lightning Wind Palm ay gumagamit lamang ng hangin para makaipon ng kidlat, habang ang Floating Crest Lightning Seal naman ay nagkokontrol na agad ng kidlat.

Ano ang kaugnayan ng dalawa?

Naalala ni Zhao Feng na ang Lightning Wind Palm ay isang ancient skill na hindi pa kumpleto. Kasabay nito, mayroong mga makapangyarihang pamamaraan sa Clan na nakakapagpahusay sa mga cultivator sa kani-kanilang lebel ng cultivation. Ang iba sa mga skills na ito at nakuha mula sa Floating Crest Palace.

Halimbawa: Ang Northern Dark Heavenly Water ni Bei Moi – ito ay nakuha ni Hai Yun Master mula sa Floating Crest Palace.

"Mukhang ang Floating Crest Lightning Seal na ito ay hindi iginawad dahil lang sa aking ipinamalas sa loob ng nayon," nagbuntong-hininga si Zhao Feng.

Ang Floating Crest Lightning at Lightning Wind Palm ay tila mayroong iisang pinanggalingan. Idinilat niya ang kaniyang kaliwang mata at kinopya ang tanawin ng Lightning Seal sa kaniyang isip, ngunit ang kapangyarihan ng tanawin ay labis na malakas. Kailangan niyang gamitin ang lahat ng kaniyang mental energy bago pa makopya ito.

Ginawa ito ni Zhao Feng para ang bagay na ito ay mapunta na sa kaniya. Alam niyang hindi niya ganap na maiintindihan ang Floating Crest Lightning Seal sa loob lang ng maikling panahon at sino bang nakakaalam kung aning gagawin ng Clan pagkatapos ng trial? Maaari pa ngang sarilinin nila ito! Ayon sa mga patakaran, ang Clan ay kukuha ng ilang kayamanan at maggagawad ng contribution points bilang kapalit.

Pagkatapos tanggalin ang Floating Crest Lightning Seal, pumunta si Zhao Feng sa ibang direksyon. Mayroon siya ng buong mapa ng Sky Boundary Island sa kaniyang isip at nag-isip ng mga lugar kung saan maaaring may kayamanang nakalagay. Ang sunod na papatunguhan ay bahagyang malayo, ngunit ang lugar na iyon ay naanalisa na ni Zhao Feng, ibig sabihin ay maaaring katangi-tangi ito o malaki.

Ang resulta…

Ang kaniyang unang pakay: Ito ay isang lubos na ipinagbabawal na lugar na nagdahilan sa pagbaba ng temperature sa buong Sky Boundary Island. Ang mga kayamanan sa loob ay hindi mga bagay na mapapasakaniya.

Ang kaniyang ikalawang pakay: Hindi pa rin malaman ni Zhao Feng ang Floating Crest Lightning Seal.

Para naman sa ikatlong pakay, tinantiya ni Zhao Feng na magiging parehas ito sa makaluma at nakalimutan nang hardin ni Bei Moi.

Sa paglalakbay sa isang tahimik na lugar, nakaramdam si Zhao Feng ng pamilyar na True Force sa paligid.

"Brother Lin!"

Nakita ni Zhao Feng na si Lin Fan ay nasa apat hanggang limang milya ang layo gamit ang kaniyang kaliwang mata. Ang True Force na nanggagaling kay Lin Fan ay malakas, na tila kakaabot pa lang niya sa Third Sky of the Ascended Realm.

Sinigurado ni Zhao Feng na ang kaniyang takip sa mata ay nakalagay at lumapit kay Lin Fan.

"Brother Zhao, hindi ko inakalang magkikita tayo." Napakasaya ni Lin Fan.

Nagturo ng daan si Zhao Feng sa kaniya: "May isang canyon na nababalot ng illusion array 50 milya ang layo sa direksyon ng Hilagang-Kanluran. Maaari mong subukan ang iyong swerte sa pagpunta doon…"

Ang canyon na itinuro niya ay ang kaniyang pinanggalingan.

Gustong malaman ni Zhao Feng kung makakaharap ni Lin Fan ang ilusyong hinarap din niya.

"Syempre, walang kasiguraduhan ang tagumpay. Mula sa canyon, may nakatagong dambana sampung milya ang layo sa direksyon ng Timog, maaari mo ring subukan ito."

Nagbigay si Zhao Feng ng isa pang lugar kay Lin Fan na may kayamanan.

Si Lin Fan ay nakalagpas na kanina lang at siya ay lubhang nagulat: "Brother Zhao, mukhang alam na alam mo na ang lugar na ito?"

"Syempre! Gumugol ako ng ilang araw sa pagmamasid sa sitwasyon sa Sky Boundary Island. Nakita ko na ang halos lahat sa loob ng 100 hanggang 200 milyang paikot na sukat bago ako magsimula…"

Ibinigay ni Zhao Feng ang puting mata nang magsabi ng kalahating katotohanan at kalahating kasinungalingan.

Hindi maiwasang mas hangaan ni Lin Fan si Zhao Feng nang marinig ito. Hindi susukuan ng iba ang kayamanan kapag nakita nila ito, ngunit si Zhao Feng ay hindi man lang pumunta sa kahit saan sa mga unang limang araw. Nagmasid muna siya sa lugar para malaman ang sitwasyon.

May kasabihang: Ang pag-alam sa sarili at sa kalaban ay nangangahulugang tagumpay.

Mula sa unang ginawa ni Zhao Feng, mahihinuhang ang kaniyang layunin ay mas mataas pa kaysa sa ibang mga kalahok.

Matapos magpaalam kay Lin Fan, nagpatuloy na si Zhao Feng sa kaniyang ikatlong destinasyon.

"Anim na araw ang lumipas sa Floating Crest Trial, na may natitirang tatlo hanggang apar na araw na lamang."

Binilisan ni Zhao Feng ang kaniyang mga hakbang.

Ang ikatlong destinasyon ay bahagyang malayo, ngunti sa kabutihang palad ang mga halimaw na dapat nasa paligid ay nawala, na nakapagpabilis sa paglalakbay ni Zhao Feng.

Matapos ang kalahating araw…

Nakarating na si Zhao Feng sa isang madamong bukid.

Noon, may mga lupon dito ng mga mkaapangyarihang ibong lumilipad sa langit, bawat grupo ay mas nakakasindak kaysa sa mga black blood bats sa ikalawang hakbang. Ngunit dahil sa biglaang pagbaba ng temperature na nakapagpayelo sa buong isla, kapansin-pansing bumaba ang bilang ng mga ibong ito.

Dinagdagan ni Zhao Feng ang kaniyang bilis at dumaan siya sa magandang hardin.

"Mayroon talagang malaking bilang ng mga nakakalasong putakti dito na ang pinakamahina ay nasa half step-Ascended Realm at ang karamihan ay nasa First at Second Sky. Mayroong libo-libo nito at kung mamalasing mapalibutan nila…" nagbuntong-hininga si Zhao Feng.

Ang kawan ng mga nakakalasong putakti ay nagtago na ngayon dahil sa lamig. Ang temperatura ngayon ay may malaking epekto sa mga nasa First Sky of the Ascended Realm at tanging ang mga nasa Third Sky o mas mataas lang ang makakabawas sa epekto ng lamig.

"Sa wakas at nandito na ako."

Huminga nang malalim si Zhao Feng nang tumingin sa kastilyo sa kaniyang harapan. Ang kastilyo ay nagbigay ng makalumang aura at ang bawat laryo na bumubuo rito ay may marka ng oras.

Sa laki, ang kastilyong ito ay katulad ng makalumang hardin ni Bei Moi na nakalimutan na. Ngunit dahil nababalot ng ng yelo ang lahat ng bagay ngayon, bumaba na ang panganib. Matapos maglakad sa loob ng kastilyo, naging mas maingat si Zhao Feng dahil ang kastilyo mismo ay mapanganib din.

Halimbawa, ang kanal sa labas ay nagbibigay ng nakakagambalang aura at si Zhao Feng ay naglabas ng sirang mortal weapon at itinapon ito sa kulay abo-itim na likido. Isang tila nalulutong tunog ang umalingawngaw habang natutunaw ang sirang sandata…

Kahit na nawala na ang array ng sandata at mas mahina na, ang mga normal na cultivator sa Ascended Realm ay hindi kayang sirain ito.

Ang buong kastilyo ay napakatahimik at nagbigay ng madilim na pakiramdam.

Si Zhao Feng ay nagmasid sa labas at ang kaniyang ekspresyon ay nagbago.

"May mga bakas na may taong nandito," tila tumigil ang tibok ng kaniyang puso.

May dalawang posibilidad:

1. May nakakasindak na hindi malamang anyo.

2. Isa pang disipulo.

Naisip ni Zhao Feng na ang ikalawang posibilidad ay mas mataas.

Ding! Boom! Peng…

Sa sandaling ito, ang tunong ng labanan ay lumitaw mula sa loob ng kastilyo. Ang kaliwang mata ni Zhao Feng at nakatuon sa isang muhang mamahaling gusali at bahagyang nabiglasa kaniyang nakita.

"Sobrang malas! Aksidente kong napasabog ang mga ito pagpasok ko sa gitna."

Ang magulong anyo ni Quan Chen ay mabilis na lumabas mula sa mamahaling gusali at sa likod niya ay may dalawang taong may itim na baluti na walang tanda ng buhay. Nakakakita ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang loob ng material at nakita na ang mga taong may itim na baluti ay mga makina palang may sangkap ng enerhiya na nakalagay sa kanilang kaibuturan.

Mula sa kasalukuyang sitwasyon, ang dalawang taong may itim na baluti ay tila may lakas na malapit sa Fifth Sky of the Ascended Realm, at kung hindi ay hindi nila kayang habulin si Quan Chen.

"Brother Zhao, lumapit ka at tulungan mo ako nang mabilis."

Nagliwanag ang mga mata ni Quan Chen nang makita niya si Zhao Feng sa paligid.

Ang mga kilay ni Zhao Feng ay tumaas at likas na kumuha ng palaso, ngunit pinigilan niya ito: "Ang mga asul na palasong ito ay may epektong nakakapagselyo ng yelo ngunit isang beses lang ito maaaring gamitin.

Wala ring patutunguhan kung magsasayang ng isang palaso kay Quan Chen.

"Brother Quan, ang aking mga palaso at malamang hindi kayang makasaksak sa mga taong may itim na baluting ito."

Ang anyo ni Zhao Feng ang nawala at tumalon sa tuktok ng mga tarangkaha ng kastilyo.

Si Quan Chen ay lihim na nagsumpa-hindi siya tinulungan ni Zhao Feng, ngunit inaasahan na niya ito.

Sa kabutihang palad, ang dalawang taong may itim na baluti ay hanggang 100 yarda lang ang layo ng paghabol sa kaniya bago bumalik sa gusali. Tila katungkulan nilang protektahan ang gusali at wala silang pakialam kahit na masira ang buong gusali.

"Brother Zhao, dumating ka sa tamang oras! Ang gusaling ito ay lubhang isinumpa. Nahanap ko na ang kaibuturan, ngunit napakamapanganib nito. Bakit hindi ka sumama sa akin ay maghati tayo sa kayamanan nang tigkalahati?"

Ngumiti si Quan Chen, ngunit mababakas sa kaniyang mga mata ang kawalang ekspresyon.

"Sige."

Tumango si Zhao Feng.

Kaaway na niya si Quan Chen simula pa noong pagkapasok niya sa Clan at dati, tila isa lamang siyang langgam para dito. Ngunit ngayon, dumating na ang panahong hindi na takot si Zhao Feng sa kalaban.

Gustong gamitin ni Quan Chen si Zhao Feng at kung may pagkakataon siya, papatayin pa niya ito.

Ito rin ang plano ni Zhao Feng. Di nagtagal ay pumasok na siya sa kastilyo at sa tulong ni Quan Chen, mararating niya nag kaibuturan nito. Kung may pagkakataon siya, papaalisin din niya si Quan Chen… Ang dalawa ay may plano nang pumasok sa gitnang gusali.

"Brother Quan, nanggalin ka na rito isa o dalawang araw na ang nakaraan hindi ba? Nakakuha ka na siguro ng maraming mga bagay!" tumawa si Zhao Feng nang tumingin sa punong bag ni Quan Chen.

Nakikita niya ang mga bagay gamit ang kaniyang kaliwang mata at alam niya ang mga halaga nito. Kahit na maganda ito, wala lang ito kung ikukumpara sa interspatial bracelet at Floating Crest Lightning Seal na nakuha niya.

"Hindi hindi hindi! Kakapasok ko lang sa gitnang lugar. Sa mga susunod na tatlong araw, ang lahat ay hahabulin na ang mga halimaw at wala na tayong pagkakataon."

Pinangunahan ni Quan Chen ang daan at di nagtagal ay nakapasok na ang dalawa asa gusali. Naroon na si Quan Chen nang tatlong araw at nasuri na ang labas.

"Ang pinakamahal na lugar dito ay isang treasury na mayroong maraming mga bagay. Gayunman, maraming mga guwardiya na nasa Fourth hanggang Sixth Sky ang lakas…" paliwanag ni Quan Chen.

Lumutang ang anyo ni Zhao Feng sa tuktok ng isang mataas na gusali at sinuri ang tanawin. Kaagad na nakita ni Zhao Feng ang estruktura pati na rin ang mga guwardiya na nakapuwesto.

Parte lang ng mga panganib ang sinabi sa kaniya ni Quan Chen at hindi sinabi sa kaniya ang mga natatagong panganib. Palihim na walang ekspresyong tumawa si Zhao Feng habang sinusundan si Quan Chen papasok sa malaking bulwagan.

Sa loob ng bulwagan, may iilang mga black at silver armored guard. Ang mga black armored guard ay mga nasa Fourth at Fifth Sky, habang ang mga silver armored guard naman ay nakaabot na sa Sixth Sky o mas mataas pa.

Kahit ang kasing lakas ni Yang Gan ay mahihirapang makapagpas sa lugar na ito.

Hindi nakakapagtakang gustong magpasama ni Quan Chen sa kaniya, kahit na magkaaway ang dalawa.

"Brother Zhao, naroon ang treasury."

Itinuro ni Quan Chen ang isang lumang silid na nagbibigay ng aura ng spiritual items.