Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 167 - Interspatial Bracelet

Chapter 167 - Interspatial Bracelet

Abyss of Death.

Sa madilim na dimensyon, tinugtog ng babae ang luta nang punong-puno ng emosyon. Ang kanyang balat ay tila isang jade na siyang lalong nagpapaperpekto sa pagkakaukit sa kanya. Bawat ngiti niya ay puno ng panunukso.

Sa mata ng lahat, siya ay perpekto. Kahit sa pagsisigaw ni Yang Gan, sila Quan Chen at ang kanyang mga kasama ay ayaw magpapigil.

"Napakaganda, pero may kakaiba…"

Gulantang ang ekpresyon sa mukha ni Lin Fan habang namumula siya sa hiya nang maalala kung paano siya natulala kanina. Nang mapatingin siya sa kanyang kaliwa, nagulat si Lin Fan nang makitang hindi man lang nagbago ang ekspresyon ni Zhao Feng, katulad pa rin ito ng kanyang kalmadong mukha na tila ba hindi siya apektado.

Mula sa simula hanggang ngayon, ang ekspresyon ni Zhao Feng ay hindi nagbago. Hindi mapigilan ni Lin Fan kundi hangaan si Zhao Feng. Hindi niya alam kung dahil ba ito sa determinasyon ni Zhao Feng o baka hindi niya lang talaga alam ang tungkol sa s**.

"Tumahimik ka!"

Huminga nang malalim si Yang Gan at ipinilit niya ang kanyang sarili na hindi tumingin sa napakagandang babae habang malamig niyang tinignan at sinuri si Quan Chen at ang kanyang mga kasama: "Ang babaeng ito ay hindi simpleng nagpakita lamang dito. Lahat kayo ay nalilinlang."

Nang mairinig ito, naunawaan ng lahat kung anong tinutukoy niya.

Ang Floating Crest Palace ay nakasarado mula sa labas na mundo at nagbubukas lamang sa loob ng limang taon. Nakakapagtaka na mayroong isang magandang babae ang mapapadpad dito.

Malamig na pawis ang tumulo mula sa mga katawan ng disipulo habang pinipigilan nilang tumingin sa babae.

"Sister Yuan, ano ang nakikita mo?" Mataimtim na tanong ni Zhao Feng kay Liu Yue'er.

"Ako…"

Namula agad si Liu Yue'er habang bahagyang natataranta. Ang taong nasa pabilyon ay isang perpektong imahe sa kanilang mga puso. Ang mga lalaki ay nakakita ng isang napakagandang babae at ang mga babae ay nakakita ng isang napakagwapong lalaki.

"Malapit lamang ang pabuyang iyan, pero hinihikayat ko ang lahat na sumuko na. Ang First Trial ay malapit nang matapos at ayon sa mga nakaraang mga kaganapan sa Floating Crest Palace, may matatanggap pa rin naman tayong mga pabuya kapag natapos natin ang unang pagsubok." Wika ni Yang Gan sa lahat bago siya naging isang lilang ilaw at saka mabilis na tumakbo.

"Mayroong mataas na bilang ng illusion mental strength na nasa pabilyon, na kahit ako ay nalinlang. Kung lumilipad na ako papunta roon habnag apektado ng mental strength…" Matigas na sabi ni Bei Moi at saka umalis agad.

Ayaw umalis ng karamihan, pero alam nilang ang pabilyon ay kakaiba, kung kaya sumuko na sila at nagpatuloy. Kahit ang mga katulad ni Quan Chen ay napangitngit ang ngipin at ipinilit ang sariling huwag tumingin.

"Kapatid na Zhao?"

Napagtanto ni Lin Fan na walang intensyon si Zhao Feng na umalis.

"Mauna ka na. Sa bilis mo ngayon, agad kang makakaalpas sa unang pagsubok." Malumanay na sabi ni Zhao Feng.

Nagulat si Lin Fan pero hindi niya na tinanong pa si Zhao Feng at umalis na rin agad. Tanging si Zhao Feng na lang ang hindi gumagalaw at ang natitirang tao doon.

"Kapatid na Zhao…"

Isang boses na kasing lakas ng tahimik na langgam ang narinig mula sa harap at sumulyap, nakita ni Zhao Feng si Ran Xiaoyuan na nag-aalalang nakatingin sa kanya.

"Ayos lang ako, mauna ka na."

Bahgyang nakangiti si Zhao Feng nang tignan niya ito ng isang beses bago kalmadong napatingin sa harap niya.

Nakakuyom ang mga kamao ni Ran Xiaoyuan at napakunot ang kanyang mga kilay na halatang nag-aalala na baka matukso si Zhao Feng ng babaeng nasa pabilyon. Bukod pa roon, ang mukha ni Zhao Feng ay nagsasabing hindi siya makikinig dito kahit kailan.

Teng!

Ang anyo ni Zhao Feng ay biglang umangat sa hangin at tila naging isa siyang isda na lumalangoy, at nagtungo siya sa pabilyon.

"Huwag!" Napabulalas si Ran Xiaoyuan sa gulat.

Ang bawat pabuya ay kasamang panganib at ang senaryong nasa pabilyon ay higit na kakaiba. Hindi nila makita kung ano ang nasa likod ng ilusyon nito, kung kaya hindi nila sinubukan.

Hu~ Hu~

Ang makapangyarihang hangin ng kawalan ay nagsimula nang kumilos pataas pababa, pumoporma ng alon na mga atake kay Zhao Feng.

"Diyos miyo! Nalinlang ang ating kapatid na si Zhao…"

Ilan sa mga nalalapit na disipulo ay nakikita ang kabaliwang ginagawa ni Zhao Feng.

Bukod kay Ran Xiaoyuan, naroroon rin si Lu Hu, Liu Yue'er at Sun Yuanhao.

"Anong lalim ng kanyang movement skill!"

Isa sa mga tatlong Core Disciples na si Lu Hu ang gulat na gulat. Isang suson ng asul ang bumalot kay Zhao Feng na siyang nag-isa kay Zhao Feng sa hangin at pinahintulutan siyang makapasok sa pinakamailiit na butas o agwat sa hangin. Ginamit niya rin ang kapangyarihan sa hangin para maitulak siya nito paharap.

Sa isang kisapmata, nakatalon na agad si Zhao Feng ng halos 10 yarda. Sa pagkakataong ito, nag-iba na ang senaryo sa pabilyon. Tumayo na ang magandang babae at nginitian si Zhao Feng. Ang ganitong tanawin ay nakapagpatulala kay nila Lu Hu at sa mga kasama niya.

Naiisip nila na napakahirap para kay Zhao Feng na harapin ang ganitong sitwasyon.

"Hehe, napakaganda…"

Nakangiting pagkutya ni Zhao Feng habang patakbo siyang lumalapit sa hangin na tila hindi siya apektado.

Bahagyang nagulat ang babaeng nasa pabilyon at hindi niya naisip na ang sutil na gaya ni Zhao Feng na hindi pa umaabot sa 3rd Sky ng Ascended Realm ay kayang salagin ang kanyang ilusyon na gawa sa mental strength.

Teng!

Ang anyo ni Zhao Feng ay nakarating na sa pabilyon at ang senaryo ay lalong ikinagulat nila Lu Hu at ng iba.

"Asawa ko!"

Ngumiti ang babae at saka naghubad sa harap ni Zhao Feng, pinapakita ang nagtatago niyang maputing balat…

Marahang tinanggal ng magandang babae ang kanyang saplot, na siyang nagpakita ng perpektong hubog ng kanyang katawan.

Hindi halos makahinga ang lahat sa nangyayari.

"P***** i**!"

Isang liwanag ang gumuhit sa mata ni Zhao Feng nang sipain niya ang babae. Ang magandang babae na naghuhubad ay napatilapon at tumama siya sa isang poste sa tunog na 'doom'.

"Ikaw…"

Napadura ng dugo ang babae habang namumutla ito.

Ah!?

Ang eksenang ito ay nakapagpalaglag sa panga ng mga manonood, napakabrutal ni Zhao Feng.

Sou!

Ang magandang babae ay biglang naging lilang usok at sa sumunod na mga segundo, isang lilang lobo ang makikitang nanginginig sa isang kulungan.

Ang lobong nakakulong ay isang eksenang kakaiba para sa lahat.

"Ito ay Illusion Fox, isang 'Yao Beast', na isang tier na mas mataas kaysa sa mga deadly beasts o nakamamatay ng mga halimaw." Pagpapaliwanag ni Lu Hu.

Ang mga deadly beasts ay talagang nakasisindak, pero wala silang mga sariling isip at kakarampot lamang ang dugong nakuha nila sa mga Yao Beasts o kaya naman ay madumi at hindi puro ang kanilang pag-iral.

Ang mga tunay na Yao Beasta ay matatalino at may dugo ng mga ancient races. Mas mataas ang kanilang antas kaysa sa mga deadly beasts at kaya rin nilang magcultivate.

Ang Lord Tier Deadly Beast sa Guanjun Province City noong araw na iyon ay ang pinakamababang uri ng Yao Beast, at halos kapantay niya na agad ang mga nasa Ascended Realm.

Sa Green Flower Continent, kakaunti lamang ang mga halimaw na may kapangyarihan para kontrolin ang karagatan at mamuno ng isang kawan ng mga halimaw, na siyang kayang sumira ng iilang mga bansa.

Syempre, ang mundo ng mga halimaw ay may mga sariling batas na siyang bumabalanse rin sa kanila ng mga Clans.

"Malamang nasa 5th Sky na ng Ascended Realm ang Illusion Fox."

Nagningning ang mga mata ni Lu Hu dahil sa pagkabahala.

5th Sky ng Ascended Realm, higit pa ito kay Yang Gan na may pinakamataas na cultivation sa kanilang lahat. Pero ang forte ng Illusion Fox ay ang paggawa ng mga ilusyon mula sa mental energy at kahit si Yang Gan ay hindi kayang salagin ang mental energy na ito habang tumatawid sa kawalan.

"Sutil, pagpirapirasuhin kita." Galit na sabi ng Illusion Fox habang nagngitngit ang ngipin nito.

Kung hindi dahil sa kulungan, kaya nitong patayin nang madalian ang isang taong nasa 2nd o kaya 3rd Sky ng Ascended Realm. Pero walang pakialam si Zhao Feng, hindi niya ito pinapakinggan at sa halip ay nagtungo siya sa mesang bato na nasa gitna ng pabilyon.

Makikita sa mesa ang isang plato ng prutas, isang bote ng alak, isang bracelet at isang luta.

Iniabot ni Zhao Feng ang isa sa kanyang mga kamay at kumuha ng prutas para suriin ito.

"Ito siguro ang Purple Spiritual Fruit na nagpapabawi ng lakas ng katawan at ng mental strength."

Kumuha si Zhao Feng ng apat hanggang limang prutas bago amuyin ang bote ng alak: "Isa siguro itong Low Spiritual Wine na kayang ibalik ang enerhiya ng mga nasa Ascended Realm."

Gulu!

Uminom nang kaunti si Zhao Feng at kaagad niyang naramdaman ang True Force, mental energy at kanyang lakas na bumabalik. Matapos tumakbo ng dalawang araw habang pagod na pagod, nasa limit na si Zhao Feng at mukhang tataas na naman ang kanyang cultivation.

Ang huling aytem ay isang bracelet, tumawa si Zhao Feng pagkakuha nito: "Ito naman siguro ang interspatial bracelet na kahit ang pinakamababang uri pa nito ay katumbas na ng isang high grade mortal weapon."

Ang bracelet na ito ay isang aytem na kayang magloob ng mga bagay at ang halaga nito ay higit pa sa lahat ng pinagsama-samang gamit sa mesa.

"Ano!? Interspatial bracelet!?"

Gulat ang makikita sa mga mukha ni Lu Hu at ng kanyang mga kasama.

"Ang pinakamababang uri ng interspatial aytem ay katumbas ng isang high grade mortal weapon."

Bahagyang nanginig ang boses ni Lu Hu nang sumilay sa kanyang mga mata ang ganid. Ang mga high grade mortal weapons ay nagkakahalaga ng isang milyong substandard primal crystal stones o kaya 10 libong low grade primal crystal stones o higit pa. Bukod pa roon, ang mga aytems na pwedeng mapaglagyan ng mga bagay ay kakaiba at bihira.

Kinuha ni Zhao Feng ang bracelet at pinag-isa niya ito sa kanyang kamalayan. Naramdaman niya ang isang metrong lawak at laki ng lalagyanan na ito.

Shua! Shua!

Naglaho ang Purple Spiritual Fruit at ang bote ng alak nang ilagay na ito ni Zhao Feng sa loob ng kanyang interspatial bracelet.

"Misteryoso nga talaga ang mga interspatial items."

Sobrang saya ni Zhao Feng at hindi niya mapigilang alalahanin kung paano siya naghanap ng mga impormasyon sa mga librong binasa niya.

Sa wakas, ang kanyang mga mata ay napatingin sa lutang nakalagay sa mesa at biglaan itong naglaho at nalagay rin sa loob ng kanyang bracelet.

Ang luta ay isang middle grade mortal weapon na agad namang napansin ni Zhao Feng, pero ang mga sandatang gumagamit ng musika ay hindi niya nais o ayaw niya halos gamitin. Pero pwede niya itong ipagpalit para sa iilang bilang ng primal crystal stones na siyang ipambabayad niya sa utang niya kay Tandang Zhang at pambili niya na rin ng Luohuo arrows kung may matitira pa.

"Bata, huwag kang maging mayabang!"

Umungol ang Illusion Fox at lubos talaga ang kanyang pagkamuhi sa pagbabalewala ni Zhao Feng sa kanya. Muling nagpadala ng mga ilusyon ang halimaw pero napakalakas rin ni Zhao Feng at nasasalag niya ito at walang pinsalang nagaganap.

Matagal niya nang nakita ang tunay na anyo ng babae nang nagpakitang bigla ang pabilyon, kung kaya hindi siya apektado mula simula.

Teng!

Tila isang isda ang katawan ni Zhao Feng nang lumangoy siya sa hangin pabalik sa daan na itim at ginto sa loob lamang ng ilang hininga.

Ang maliit na bibig ni Ran Xiaoyuan ay nakabukas sa pagkasorpresa.

"Kapatid na Zhao, ang iyong mga pabuya ay napakagaganda. Hindi mo naman siguro yan sosolohin lahat, hindi ba?"

Wika ni Lu Hu nang may kasamang 'hehe' at hindi tinatago ang ganid sa kanyang mukha. Isang malaki at malakas na True Force ang dumaloy sa katawan ni Lu Hu at inilabas niya ang aura na higit na mas malakas kaysa sa isang normal na 4th Sky aura.

Si Lu Hu ay isa sa mga tatlong Core Disciples na ang forte ay body strengthening, ang kayang lakas ay higit pa kay Quan Chen.

"Nangangahas ka bang kalabanin ako?" Malamig na sabi ni Zhao Feng habang ang kanyang asul na buhok ay nililipad ng hangin.