Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 164 - Floating Crest Palace

Chapter 164 - Floating Crest Palace

Pagtapos matalo ni Zhao Feng, ang kaniyang 3 sunod-sunod na panalo ay nahito at kahit marami ang mga nalugmok sa resulta, wala sa kanila ang may magagawa dahil si Zhao Feng mismo ang sumuko.

Ang Floating Crest Competition ay malapit ng matapos pagtapos ng 4th round at si Bei Moi at si Ran Xiaoyuan na parehas nanalo ng 4 rounds ay mabilis na nakakuha ng isa sa mga puwesto na papasukan.

Ang mga natitirang disciples ay kukuhanin ang ibang mga puwestong puwede depende sa kanilang ranks at ang 3 Core disciples na pupunta sa oras na ito ay lahat mayroong isang tiyak na puwesto.

Bukod sa kanila, sina Bei Moi at Ran Xiaoyuan ay kumuha rin ng 2 puwesto ibig sabihin na mayroon na lang 5 natitirang puwesto.

"Brother Zhao, nawalan ka na ng pagkakataon kanina sa hindi mo paggamit ng buong lakas mo. Kung ipagpapatuloy mo ng ganito, maaaring hindi ka na talaga makasali." Babala ni Yang Gan.

"Brother Yang kumalma ka."

Tumango si Zhao Feng. Kinailangan niyang mapanalunan ang 3 natitirang laban upang tiyak na makakuha ng isang puwesto at lahat ay nasa kontrol na.

Bukod kina Bei Moi at Ran Xiaoyuan, walang makakapigil sa kaniya.

Ang 5th round: Nanalo si Zhao Feng sa isang galaw, dinudurog ang kalaban na nasa peak 3rd Sky. Sa pagkakataong ito, ang kaniyang lakas ay nagdulot upang mag-alala ang iba.

Ang 6th round: Ang kalaban ni Zhao Feng ay si Lin Fan.

"Suko na ako."

Ayaw ni Lin Fan na kumunsumo ng masiyadong enerhiya laban kay Zhao Feng at siya ay mabilis sumuko.

Ang 7th na laban.

Ang kalaban niya ay si Liu Yue'er, ang natatanging banta sa ilalim nina Bei Moi at Ran Xiaoyuan.

Naisip ng lahat na magiging isang nakakasabik na laban ito, ngunit gumamit si Zhao Feng ng kasingbilis ng kidlat na mga atake at tinalo si Liu Yue'er sa ilang galaw. Sa simpleng paraan, nanalo si Zhao Feng ng 6 laban at naging una sa mga natitirang katunggali.

Kuminang ang mga mata ni Sister Yuan habang nakatitig siya kay Ran Xiaoyuan.

"Hindi… Hindi ko alam…"

Kasing pula ng mansanas ang mukha ni Ran Xiaoyuan nang siya at ulap ang lumitaw sa kaniyang mata na para bang siya ay sinisisi sa isang bagay na hindi niya ginawa.

"Walang kinalaman ito kay Xiaoyuan. Ang pagsuko ni Zhao Feng ay ibig sabihin lamang na hindi niya kailangang sumali sa isang matinding labanan."

Ang boses ng Broken Moon Clan Master ay maririnig at sa oras na ito, ang kompetisyon ay natapos na.

Ang 7 disciples ay sila: Bei Moi, Ran Xiaoyuan, Zhao Feng, Liu Yue'er, Sun Yuanhao, Lin Fan at Chen Yue.

Bukod sa huling disciple na si Chen Yue na siyang nasa peak 3rd Sky, si Zhao Feng ay pamilyar sa iba.

Ang 3 core disciples at ang 7 inner disciples ay sasali sa Floating Crest Trial makalipas ang 10 araw.

"Yang Gan, Quan Chen, Lu Hu, Bei Moi, Ran Xiaoyuan, Zhao Feng… Kayong 10 ay nakamit ang mga kwalipikasyon upang makasali sa Floating Crest Trials na nangyayari isa kada limang taon."

Isang malalim, malakas na boses ang maririnig sa buong kalupaan, inaanunsyo ang katapusan ng Floating Crest Competition.

Ang kompetition ay para lamang makakuha ng entry sa Floating Crest Palace.

"Kayong sampu ay magkikita rito sa loob ng 10 araw."

Ang malambot at malinaw na boses ng Clan Master ay maririnig at sa oras na siya ay matapos magsalita, ang limang aura ng True Spirit Realm ay umalis na.

...…

Ang mga manonood ay nagsimulang maglaho at ang mga natalo ay mayroong madilim na mga mata.

"Hindi ako makapaniwala na makakasali rin ako sa Floating Crest Trial."

Pakiramdam ni Lin Fan na para siyang nasa panaginip. Kahit naging isang top outer disciple siya noon, hindi siya naging isang inner disciple ng matagal na panahon at wala siyang kahit anong pagasang makapasok. Ngunit ang batang katabi niya ay binago ang kaniyang tadhana.

Ginamit ni Lin Fan ang mga gantimpala mula sa misyon bilang isang stepping stone upang i-angat ang kaniyang sarili sa 2nd Sky ng Ascended Realm. Pagtapos na pagtapos no'n, binigyan siya ni Zhao feng ng isang High class Mortal skill, nagpapaiksi sa pagitan niya at ng mga disciples ng Elders.

Dagdag pa na si Lin Fan ay nais magsipag, ang ikalawang nabanggit ay kinuha ang pagkakataong ito. Huminga ng malalim si Lin Fan at hindi siya nagpasalamat, ngunit tahimik niyang inalala ito.

Sina Zhao Feng at Lin Fan ay parehas nagbalik at mula sa hindi kalayuan nila ay sina Xiao Sun at Princess Yun Mengxiang.

Ang mga mata ni Xiao Sun ay puno ng pagdadalawang-isip at lubha siyang nairita. Nakalimutan niya na hindi man lamang siyang umasa na makakapasok siya. Ngunit sa pagkakita kina Lin Fan at Zhao Feng na magkaroon ng karapatan makapasok, ang kaniyang puso ay hindi makuhang kumalma.

Bumuntong hininga si Yun Mengxiang at siya ay labis na nagpapasalamat. Ngunit alam niya na lumipas na ang oras. Kung kaya niyang panatilihin ang relasyon kasama si Zhao Feng noon, siguro ay siya ang magiging Lin Fan na nasa katabi niya.

Pagtapos bumalik sa kani-kanilang bakuran, sina Zhao Feng at Lin Fan ay naghiwalat at nagsimula silang maghanda para sa Floating Crest Trial.

Sa 5th araw.

Tinawag ni 1st Elder sina Yang Gan at Zhao Feng upang magpunta at ang ikalawang nabanggit ay naintindihan na ang rason kaya't sila ay ipinatawag ay dahil sa Floating Crest Trial.

Ang pangyayaring ito ay nagaganap lamang isang beses sa limang taon at hindi lamang sumali rito si Hai Yun Master noon, pati narin ang 1st Elder.

Ang 1st Elder ay 100-200 taong gulang at tiyak na marami siyang alam tungkol sa Floating Crest Trial.

"Ang mga tiyak na nilalaman ng Floating Crest Trial ay iba bawat oras, ngunit isang bagay ang hindi nagbabago. Kung gaano katagal ka nanatili sa trial, mas mataas ang pagkakataon na makilala ka ng Floating Crest Palace. Sa iisang oras, ang mga mabubuhay ng mas matagal sa Trial ay magkakaroon ng mas mataas na pagkakataon upang makakuha ng mas magandang gantimpala…"

Simpleng sinabi ng 1st Elder kung saan ito tungkol at mabilis na nagtanong si Zhao Feng: "Maaari ba natin itong ituring bilang survival time? Kung gaano katagal manatili ang isang tao, mas mataas ang score?"

"Tama iyan! Tungkol ito sa kung sino ang matitira hanggang dulo."

Mayroong mukha ng pagpuri ang 1st Elder sa kaniyang mukha.

"Siyempre, mayroong mga 'pain' sa trial. Ang mga pain na ito ay magkakaroon ng panganib kasabat nila at ang pinakamaliit na pagkakamali ay magdudulot ng kapalpakan… Depende ito kung gaano kalakas ang loob mo." Dagdag ng 1st Elder.

Wala siyang masiyadong sinabi tungkol sa Floating Crest Trial dahil ang lahat ay nakaasa sa lakas at comprehension.

Pagtapos iwanan ang 1st Elder, bumalik si Zhao Feng sa kung saan siya nakatira at sinabi kay Lin Fan ang lahat.

Para sa mga natitirang 5 araw, nakatuon lamang si Zhao Feng sa cultivation at dahil nakarating na siya sa 11th level ng Silver Wall Technique, ang kaniyang cultivation ay lubhang tumaas at nakarating siya sa peak ng 2nd Sky.

...

Sa isang kurap ng mata, ang natitirang 5 araw ay lumipas na at bago pa umangat ang alapaap, ang 10 disciples ay nagtipon na sa Central Hall Division.

Ang mga sampu ay lahat elites na nakamit ang lahat ng kwalipikasyon upang makapasok sa Floating Crest Trial at ang 3 Core disciples ay mga pinuno.

Ang 3 core disciples: Yang Gan, Quan Chen at Lu Hu.

Si Yang Gan - nai-rank na 2nd sa 10 Core disciples at sa 5th Sky ng Ascended Realm. Isa sa mga mainit na pinipili ng bagong head disciple.

Si Lu Hu - ranked 7th ng 10 core disciples at nasa 4th Sky ng Ascended Realm. Forte: Body Strengthening.

Quan Chen - ranked 10th sa 10 Core disciples at ang pinakabagong core disciple.

Sa kanilang lahat, si Yang Gan ang pinakamalakas at maraming tao, ang mayroong mataas na pagtingin sa kaniya kabilang na ang 1st Elder.

Inasahan pa ng iba na ang score ni Yang Gan ay lalagpas kay Hai Yun Master, na siyang mayroong pinakamataas na score sa loob ng sampu-sampung taon.

Bukod sa kaniya, marami rin ang umaasa kay Bei Moi.

Sa pagtayo sa grupo, si Lin Fan ay bahagyang kinakabahan dahil ang lahat ng mga 'kalaban' na ito ay mas malakas kaysa sa kaniya.

"Brother Zhao, tutulungan ka ba ni Brother Yang?" Tanong ni Lin Fan.

"Hindi." Umiling si Zhao Feng.

Ang Floating Crest Trial ay isang lugar kung saan ang kanilang mga tadhana ay maaaring mabago at lahat ng pumasok dito ay gagawin ang lahat ng kanilang makakaya.

Sa oras na pumasok sila sa Trial, gagawin ni Yang Gan ang lahat ng kaniyang makakaya at susubukang makuha ang pinakamataas na score na kaya niya, ibig sabihin nito wala siyang oras upang tulungan si Zhao Feng. 

Batay sa sinabi ng 1st Elder, ang mga gantimpala ay kasabay ng suwerte at ang pinakamaliit na pagkakamali ay kapalpakan, kahit ang isa ay nasa 7th Sky ng Ascended Realm.

"Hindi ka talaga nag-aalala?"

Sumilip si Lin Fan sa malakas na dating na postura ni Zhao Feng at hindi niya maiwasang mamangha sa kaniya.

Bahagyang ngumiti si Zhao Feng at hindi siya sumagot. Pagtapos mapagtanto ang katotohanan ng trial na ito, hindi na siya nag-alala. Gamit ang kaniyang misteryosong kaliwang mata, mayroon siyang malakas na battle power at survival rate.

"Pagkumpara ng survival times?"

Malamig na tumawa si Zhao Feng sa loob-loob niya habang ang kaniyang kaliwang mata ay nagsimulang tumibok.

Sou- Sou- Sou-

Ilang mga auras na nasa True Spirit Realm ang lumitaw at lumapag sa Central Hall Division. Napagtanto ng mga bata na ang Clan Master, 1st Elder at ang 3 iba pang Elders ay lumipad malapit sa Floating Crest Palace.

Weng~

Ang asul na kidlat sa paligid ng Floating Crest palace ay nagbigay ng isang misteryosong pakiramdam sa lahat na tila ba sila ay nasa kathang-isip lamang. Matalim ang pakiramdam ni Zhao Feng na ang kidlat sa paligid ay nakarating nasa peak power nito, na parang 'puno' na ito.

"Bukas!" Sigaw ng 1st Elder habang ang isang ragasa ng True Force ay lumitaw mula sa kaniyang palad at nagpunta sa Floating Crest palace.

Sa iisang pagkakataon, ang Clan Master at ang iba pabg 3 Elders ay naglagay din ng enerhiya sa Palace na iyon. Habang ang 5 na nasa True Spirit Realm ay inilagay ang kanilang kapangyarihan sa Floating Crest Palace, ang palace ay nagsimulang yumanig at ang kidlat ay mas lalong naging maliwanag.

Sa wakas!

Ang lahat ng kidlat ay nabuo sa isang porma at sa ilalim ng gabay ng 5, sumanib ito sa asul na palace.

Huang!

Naramdaman ng lahat ang pagyanig ng hangin at ginamit ni Zhao Feng ang kapangyarihan ng kaniyang kaliwang mata upang makakuha ng buga ng malinaw na alon na lumitaw sa gitna ng Floating Crest Palace.

Kahit ang kaniyang kaliwang mata ay maaaring makakita tagos sa takip ng kaniyang mata, ang paningin nito ay nababawasan. Ngunit kahit ganoon pa, nakikita ni Zhao Feng ang 5 gamit ang isang ancient array sa Floating Crest Palace mismo upang buksan ito o kung hindi, ang mga kidlat sa paligid nito ay maaaring mapatay sila.

Pagtapos panatilihin ito sa ilang sandali, ang tarangkahan ng Floating Crest Trial ay bumukas ng may 'bang' at ang kidlat sa loob ay sobrang liwanag na kahit si Zhao Feng ay hindi makakita tagos dito gamit ang kaniyang kaliwang mata.

"Nagbukas na sa wakas ang Floating Crest Palace!"

Nananabik ang lahat at isang hagdan ang nagpakita sa pasukan ng palace.

Ang 5 na nasa True Spirit Realm ay tumapak sa hagdan at sinenyesan nila ang 10 na nasa baba upang umakyat.

Sou! Sou! Sou…

Ang 10 elite disciples na nasa Ascended Realm ay lahat pinadaloy ang kanilang True Force upang tulungan ang kanilang mga sariling lumipad at lumapag sa hagdanan.

Sa pagtayo sa hagdan, nararamdaman ni Zhao Feng ang isang napaka ancient, lumang aura mula sa makintab, at puting palace.