Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 160 - Luohou Bow

Chapter 160 - Luohou Bow

Ang mga sandata ay parang mga alahas na nakaayos sa bawat sulok ng silid.

Kahit na sinong disipulo ay matutuwa kapag nakita ang mga ito, ngunit ang mga presyo ng sandata ay hindi mura. Kahit isa sa kanila ay nagkakahalaga ng libo libong substandard primal crystal stones at mga Low grade Mortal weapon lang ito!

Kung ito ay Middle-grade Mortal weapon, magkakahalaga ito ng nasa sampung libong substandard primal crystal stones.

Dahil sa koneksyon kay old man Zhang, dinala si Zhao Feng sa imbakan at sa loob nito, bawat bagay ay Low-grade Mortal weapon, ngunit pinakamaganda.

"Black Wind Sword: Nagpapataas ng lakas ng True Force ng 20%, bilis ng 3-% at nagpapalabas ng itim na hangin na nakakapagpataas ng aura ng espada. Low-grade Mortal weapon: 6600 substandard primal crystal stones."

"Fowing Feather Saber: Kasing gaan ng balahibo, ngunit nakakahiwa ng metal na tila putik. Nagpapataas ng bilis ng Tru Force ng 30% at ang lakas ng espada ay humahampas ng 30%. Low-grade Mortal weapon: 5800 substandard primal crystal stones."

"Scorching Red Saber: Ginawa kasama ang Flaming Red crystals at nakakapagpataas ng mga atake ng unang elemento. 40% mas mataas na pinsala kapag ginamit kasama ng fire skill: 5500 substandard primal crystal stones.

.....

Tumingin si Zhao Feng sa mahalagang low-grade Mortal weapon at nalamang ang presyo ay mas mataas, ngunit maganda ang epekto.

Ang Black Wind Sword ay maganda dahil may tatlong buff ngunit doble ng presyo ng mas murang low-grade Mortal weapons.

"Ang mga materyales na ito, presyo at kapangyarihan ay lagpas sa kapangyarihan ng parehong grade. Syempre, ang presyo ay mas mahal din," bahagyang ngumiti si old man Zhang.

Ang ipinangako niyang bawas na 20% ay napakalaki na kahit ang mga core disciple ay hindi nakukuha. Tanging ang mga Elder ang makakranas nito.

Tumango si Zhao Feng at sinuri ang iba't ibang uri ng sandata: espada, sabre, latigo, itak, pana, guwantes… kahit anong gusto niya, nandoon.

Sa gitna ng mga sandata, ang sabre at espada ay pinakamarami dahil sila ang hari at emperador ng mga sandata at madaling matutunan. Ngunit sa kasamaang palad, ang dalawang sandatang ito ay hindi niya forte.

Para sa kaniya, mas mainam ang mga pana. Tumingin si Zhao Feng sa mga pana at napagtantong kaunti lang ito, daihl siguro hindi ito kilala.

"Heaven Eagle Bow: Range – 2 milya, kayang mapataas ang paningin nang isang milya at sumaksak sa apat na patong ng baluti pati na rin ng True Force ng cultivator sa 4th Sky of the Ascended Realm, Presyo: 3600 substandard primal crystal stones."

Kinuha ni Zhao Feng ang panang ito at napagtantong hindi na ito masama. Ang pana ay may array na nakakapagpataas ng paningin ng isang milya. Ngunit wala itong epekto kay Zhao Feng dahil kaya na niyang makakita sa 100 milya ang layo.

"Ancient Iron Bow: makapangyarihang sumasabog na kapangyarihan at kayang sumaksak sa apat na patong ng baluti. Nangangailangan ng malakas na braso at paningin…"

Ang mga panang ito ay mas mura, nasa 2900 substandard primal stones.

Tumingin sa paligid si Zhao Feng at nalamang ang iba pang pana ay mas mura.

"Ang mga pana ay hindi nagagamit masyado ng maraming tao. Ang iba pa nga ay hindi naibebenta ng ilang taon," sabi ni old man Zhang.

Inisip ni Zhao Feng na mabuti ito para sa kaniya, ngunit inisip niya ang mga palaso. Nagagamit ito ng isang beses, na maaaring maging mas magastos.

"Mayroon akong 20000 substandard primal crystal stones, na mas marami sa sapat para makabili ng Low-grade Mortal weapon."

Nag-isip si Zhao Feng at itinuon ang pansin sa Middle-grade Mortal weapon.

Ang mga Middle-grade Mortal weapon ay nasa mas mataas na klase at mas mahal din. Halimbawa sa haal, isang espada ay nasa 40000-50000 substandard primal crystal stones, ngunit dito ay 70000+.

Nakakita si Zhao Feng ng espadang may dalawang beses na lakas ng True Force na nasa 4th Sky, na ibig sabihin ay ang True Force ng gumamit nito ay mas lalakas pa kaysa cultivators sa 5th Sky.

Gamit ang mga sandatang tulad nito, ang mga mas mataas na antas ay hindi na mahirap harapin.

"Luohou Bow: kayang makaabot ng tunog sa tatlong patong ng baluti. Sa sukdulan ay kayang umatake sa mga nasa 5th Sky. Kapag ginamit kasma ng Luohou Arrows, nadodoblr ang pinsala at nananatili sa kalaban. Kahit hindi tamaan ang kalaban, susundan pa rin ito ng palaso. Ang pana ay isang Middle-grade Mortal weapon. Ngunit kapag isinama sa Luohuo Arrows, nagiging High grade Mortal weapon ito. Presyo ng pana: 80000 substandard primal crystal stones; buong set: 150000 substandard primal crystal stones."

Ang tingin ni Zhao Feng ay tumigil sa pana nang makita ito.

Ang panang ito ay napakalakas.

Ang bilis nito at atake ay nasa hangganan na.

Hindi nakapagtatakang ito ay Middle-grade Mortal weapon, ang mga katangian ay hindi kapani-paniwala.

Kinuha ni Zhao Feng ang berden at kakaibang pana at naramdamang ang material ay napakakakaiba. Ang laki ng pana ay bahagyang maliit kaysa normal, mas malaki lang ng kaunti sa crossbow.

"Ang bilis ng atake ay umaabot sa bilis ng tunog at mabilis na nakakapatay ng cultivators sa 5th Sky sa kasukdulan. Kasama ng Luohuo Arrows, ang mga katangian ay nadodoble at kayang sundan ang kalaban sa kaunting distansya kapag hindi agad na natamaan…"

Bumulong si Zhao Feng at biglang napamahal sa pana, ngunit ang presyo nito at ng palaso ay masyadong mahal: 150000 substandard primal crystal stones.

"Masyadong mahal," huminga nang malalim si Zhao Feng.

"Gusto mo ba ang Luohuo bow?" tumawa si old man Zhuang.

"Napakamahal nito at pana lang. Kung ibang sandata ito, magkakahalaga lang ito ng 20000+," umiling si Zhao Feng.

"Ayon sa patakaran ng Clan, makakakuha ka ng 50% bawas kapag gumamit ng 50000 contribution points. Bibigyan din kita ng 20% bawas para ang presyo ay 30% na lang ng 150000," ngumiti si Vice Head Zhang.

30%?

Naantig si Zhao Feng, sa paraang ito, ang magiging presyo ay 45000 substandard primal stones at ang pana lang ay magiging 24000 substandard primal crystal stones.

"Ang pana at palaso ay dapat na ibinebenta nang sabay, ngunit kung gusto mo lang ang pana, ang mga palaso ay dapat na mabili sa loob ng tatlong taon."

Siya nga naman ang guro ni Zhao Feng sa ngalan.

Pinag-isipan ito ni Zhao Feng at kahit ayaw niya ang Luohuo Arrows, magagamit niya lang ang pana hanggang sa 30% ng pinakamataas nitong potensyal. Ito ay dahil ang isang Middle-grade Spiritual weapon ay nangangailangan ng gumagamit na nasa 5th Sky para magamit ang buong lakas nito.

Ngunit kahit na ang pana ay nagkakahalaga ng 30% na bawas sa orihinal na presyo, ito ay 24000 substandard primal crystal stone, si Zhao Feng ay may higit sa 20000 lang.

"Guro, hayaan niyo po akong umutang ng 4000. Pagkatapos kong mapasok ang Floating Crest Palace at makakuha ng ilang skill at sandata, babayaran ko ito," mungkahi ni Zhao Feng.

"Sige."

Nakita ni old man Zhang ang kakayahan ni Zhao Feng sa Scarlet Moon Demonic Cave at alam na may lakas siya para sumali.

"Kailangan kitang balaan, kahit na may maraming kayamanan sa Floating Crest Palace, sa tingin mo ba nasa lupa lang silang naghihiintay na pulutin mo? Tanging kaunting tao lang ang nakakuha ng bagay. Sa nakaraang isang daang taon, tanging si Hai Yun Master lang ang nakakuha ng isang malaking bagay. Ngunit kahit na ganoon, nakakuha si Elder Yun ng dalawang elite Mortal weapon na may pinakamataas na marka sa nakaraang isang daang taon…" paalala ni Vice Head Zhang.

Ni hindi na niya inisip ang utang ni Zhao Feng na 4000 dahil siya ay isang pill maker at hindi mahirap para sa kaniya na makaipon ng ganonn karami.

"Salamat guro."

Kinuha ni Zhao Feng ang Luohuo bow at nag-init ang kaniyang puso. Tanging ang mga Vice Head lang ang may malasakit sa kaniya sa Clan.

Shew-- Qiu--- Qiu--- Qiu---

Tatlong pulang mga palaso ang biglang dumikit sa Luohuo bow na tila may sarili itong buhay.

Nagulat si Zhao Feng, may sarili ba talaga itong buhay?

Ang ginawa niya lang noon ay maglagay ng kaunting True Force sa pana at palaso na lumapit.

"Ang pana at palaso ay parang ina at anak. Kahit sa ilang milya ang layo, ang Luohuo arrows ay makakabalik sa pana. Kadalasan, tanging High-grade Mortal weapon at mas mataas pa ang nakakagawa nito," paliwanag ni Vice Head Zhang.

"Sa susunod, siguradong kukunin ko na ang mga palaso," inisip ni Zhao Feng.

Ngayon, ang pana lang ang kaya niyang kunin. Matapos gumamit ng isang daan pang substandard primal crystal stone, bumili si Zhao Feng ng mga palasong may mataas na kalidad at iniwan anag Clan Mission Division.

.....

Sa daan, narinig ni Zhao Feng ang tunog ng hiyawan ay labanan.

"May nanghamon sa isang core disciple! Hindi pa ito nangyayari sa loob ng dalawang taon!"

"Ang nanghamon ay si Quan Chen, na nakaabot na sa 4th Sky kalahating buwan na ang nakaraan at pinayagan siyang gawin ito."

Sa entablado, dalawang disipulo ng 4th Sky ang nagsalpukan at ang isa sa kan ila ay si Quan Chen.

Nang dumating si Zhao Feng, tapos na ang laban.

Partial Moon Flying Knife!

Iwinagayway ni Quan Che n ang kaniyang braso at 3-4 na pilak na liwanag ang agad na lumitaw, na nakagawa ng ilang galos sa katawan ng core disciple.

Nang makalaban ni Quan Chen si Zhao Feng dati, isang Blade of the Partial Moon lang ang kayang gawin ni Quan Chen at itong 'Partial Moon Flying Knife' ay kayang umatake ng 4-5 nang sabay.

"Sumusuko na ako!"

Huminga nang malalim ang core disciple: "Hindi ako makapaniwalang nagsanay si Brother Quan ng High tier Mortal skills nang isang beses at nagsanay rin ng Chilling Moon Manual hanggang sa 4th stage."

Ang Chilling Moon Manual ay kapareha ng tier ng Heavenly Wind God Technique ni Zhao Feng at nagsanay si Zhao Feng ng Heavenly Wind God Technique hanggang sa ikaapat na lebel din, tulad ni Quan Chen. Ngunit may mas matas na cultivation ni Quan Chen, kaya magkaiba sila ng kapangyarihan.

"Nagyabong na si Quan Chen at dalawang beses na siyang mas malakas kaysa dati noon sa Scarlet Moon Demonic Cave," inisip ni Zhao Feng.

Matapos manalo ni Quan Chen, nakatala na siya bilang isa sa mga 10 core disciple at dalawa sa 10 core disciple ang mga disipulo ni Hai Yun Master.

"Nalaman kong si Brother Quan Chen ay naghahandang sumali sa Floating Crest Trial. Ang pagiging core disciple ay nangangahulugang makakakuha siya kaagad ng lugar dito."

Ang ibang inner disciple ay naiingit at nag-aalala.

"Core disciple? Sasali rin si Quan Chen?"

Tumaas ag mga kilay ni Zhao Feng nang may malamig na liwanag ang tumama sa kaniyang mga mata.

Sa isang kisapmata, sampung araw ang nakalipas at may 10 araw na lang na natitira bago ang Floating Crest Trial.

Bukod sa mga core disciple, lahat ay kailangang maglabanan para makapasok. May tatlong core disciple na sasali ngayon, kaya ang totoo ay pitong lugar ang mapaglalabanan.