Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 153 - Pagkuwestiyon

Chapter 153 - Pagkuwestiyon

Dahil nahuli si Xing Chen, natapos na ang misyong ito.

Sunod, ay nagsimula na silang kuwestiyunin siya. Kulay puti siya sa pagkaputla at nasa huling hininga na siya. Tumingin siya kay Zhao Feng ng may takot.

Pagtapos sinuwerteng makatakas sa kuweba, ginamit ni Xing Chen ang mga pamilyar na kalupaan sa kaniyang makakaya at hindi kalaunan nakakita siya ng isang tagong pahingahan. Nakatitiyak si Xing Chen na siya lamang ang nakakaalam tungkol sa tagong lugar na iyon. Dagdag pa rito, maraming patibong at mga mekanismo rito upang sa sitwasyon na may makasunod, malalaman niya.

Subalit, ang mga patibong at mekanismo na ito ay parang hangiin sa tapat ng batang may isang mata at asul na buhok. Walang nahawakang kahit anong patibong si Zhao Feng at nakapasok siya sa tagong lugar. Dali-daling umatake si Xing Chen nang makita niya si Zhao Feng. Naisip ni Xing Chen na gamit ang kaniyang cultivation na nasa 3rd Sky ng Ascended Realm, kakailanganin lamang niya ng isang galaw upang manalo, kahit na siya ay lubhang sugatan.

Ngunit, hindi ganito ang nangyari sa plano. Imbes na matalo ang kaniyang kalaban sa ilang mga galaw, siya mismo ay nahuli ng may asul na buhok na bata sa ilang galaw.

Sa pag-iisip kung paano siya nahuling buhay ng isang bata sa 1st Sky ng Ascended Realm, si Xing Chen ay puno ng gulat at takot. Sa ilalim ng kanilang mga pagtatanong, nasagot niya ang lahat.

Nagsimula ang lahat nakaraang ilang buwan.

Sa oras na iyon, siya ay kalmado gaya ng nakasanayan at siya ay nasa 2nd Sky ng Ascended Realm pa lamang.

Sa tiyak na araw na iyon, hinabol ni Xing Chen ang isang peak tier na nakamamatay na halimaw at nakita niya ang Illusion array ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Sanay siya sa mga arrays, kaya matapos ang pagkonsumo ng maraming oras, nakapasok na niya sa arrays sa pamamagitan ng mga kahinaan nito.

"... Puno ako ng kagalakan at kaligayahan nang pumasok ako sa kuweba. Ngunit nakatagpo ko ang Protector ng Scarlet Moon Demonic Religion. Sa oras na iyon, labis na nanghihina ang Protector dahil kagigising lamang nito at hindi ito ang katapat ko. Ngunit matalas ang isip nito at gumamit ng mga kayamanan upang akitin ako."

Sa pagbabanggit tungkol dito, bumuntong hininga si Xing Cheng, puno siya ng pagsisisi.

Kayang hulaan ni Zhao Feng kung ano ang nangyari sa mga natitirang storya.

Aksidenteng tinamaan si Xing Chen ng corpse poison at siya ay pinagbantaan ng Blood Corpse sub-division Protector.

Pagtapos no'n, nakinig si Xing Chen sa mga utos ng Protector na mabuhay at pataas ang sarili niyang cultivation.

Sa loob ng ilang buwan, ang pinuno ng pamilya ng Xing ay nakaabot na sa 3rd Sky ng Ascended Realm at nais niyang sumali sa Scarlet Moon Demonic Religion.

"Saan nagmula ang plague at ano ang layunin nito?" Naghihinalang tanong ni Xu Ren.

Puno ng kapaitan si Xing Chen: "Ang plague ay kumalat batay sa paano ito inutusan ng Protector at ang layunin nito ay gumawa ng blood essence pills at ng blood jade pills. Sa iisang oras, ang plague ay maaaring mang-akit ng ilang cultivators ng Ascended Realm at kung umayon ang lahat sa plano, ang Blood Jade Pills ay maaaring magawa. Sunod ay ang mga pinsala ng Protector ay gagaling ng kaunti at mababawi nito ang cultivation nito na nasa 5th Sky ng Ascended Realm. Sa oras na iyon, aalis tayo sa kuweba at hahanapin ang iba pang kuta ng Scarlet Moon Demonic Religion…"

Sa pag-alam ng katotohanan, nagsimulang pagpawisan ang apat. Ang misyon ay isa lamang pain upang mahuli ang mga disciples ng Clan. Ang misyon na ito ay hangga't maaari 4 stars, isang bagay na hindi inasahan kahit nina Yuan Zhi at ni Quan Chen.

Sinuri ni Zhao Feng na ang ilang mga impormasyon ay mga ulat sa misyon ay pinagkait.

Bago sila umalis, mayroon ng ilang mga cultivators ng Ascended Realm ang nagpunta rito, ngunit sila ay misteryosong naglaho at naging blood essence pills.

Ang tunay na panganib na sangkot ay labis na mas malaki kaysa sa iniisip at ito ay isang 3 star mission hangga't maaari.

Tinago ito nina Yuan Zhi at Quan Chen at ginamit si Huang Yun upang pagsamahin sina Xu Ren at Xiao Sun kasama sina Zhao Feng at Lin Fan sa iisang grupo.

Maaaring isipin na pipigilan nila Huang Yun, Xu Ren at Xiao Sun si Zhao Feng sa misyon na ito. Nakinig si Huang Yun kay Yuan Zhi at ang kaniyang layunin ay bantayan si Zhao Feng. Si Lin Fan ay lubhang minalas at siya ay naipadala rin sa misyon na ito.

…..

Walang mangmang dito at sa pagkakaalam ng nangyari, ang katotohanan ay nagsimulang lumitaw.

Ang suwerteng pangyayari ay nabago ni Zhao Feng ang ihip ng hangin at naligtas ang lahat.

"Lin Fan at Xiao Sun, bumalik kayong dalawa sa Sky Moon Mountain at sabihan ang mga nakatataas ng Clan tungkol sa lahat ng bagay. Mananatili ako rito kasama si Brother Zhao Feng upang bantayan ang lugar na ito at ang preso." Sabi ni Vice Leader Xu Ren.

Ito ang napagdesisyunan niya at ni Zhao Feng.

Matapos ang pagkamatay ni Huang Yun, si Zhao feng ang naging sentro ng grupo at ang lahat ay nagpapasalamat sa kaniya. Dahil ang lakas nina Lin Fan at ni Xiao Sun ay mababa, sila ay pinadala pabalik sa Broken Moon Clan. Dahil sina Zhao Feng at Xu Ren ay mas malakas, sila ang magbabantay sa preso at sa kuta.

Sa mga oras na ito, hinalughog nina Zhao Feng at Xu Ren ang kuweba at nakakita sila ng maraming mga resources at primal crystal stones.

"Sa kabuuan ng 23 low-grade primal crystal stones, 98 resources, 100 o higit pang broken mortal weapons…"

Pinuwesto nina Zhao Feng at Xuren ang mga gantimpala sa digmaan depende sa kategorya.

Ang lahat ng primal crystal stones ay low grade at bawat stone ay katumbas ng 100 substandard primal crystal stones.

Ang ibig sabihin ng 23 low grade primal crystal stones ay 2300 substandard primal crystal stones. Iyon pa lamang ay mas higit pa sa gantimpala.

Ang mga natitirang resources at mortal weapons ay lahat mataas ang halaga at sa kabuuan ito ay 100 low-grade primal crystal stones, na katumbas ay 10000 substandard primal crystal stones.

"Hahaha! Brother Zhao, mayaman na tayo!"

Bubos na nagagalak si Xu Ren.

Ang mga gantimpala ng digmaan ay isang malakng bilang ng kayamanan para sa 4. Kailangang malaman na ang normal inner disciples ay nakakatanggap lamang ng 10 substandard primal crystal stones at batay sa patakaran, ang mga gantimpala ng digmaan ay nahahati sa grupo.

Kahit pantay pa ang pagkakahati rito, natantsa ni Zhao Feng na makakauha siya ng 30 low grade primal crystal stones hangga't maari. Mayroon itong pure energy, na magandng gamitin para sa cultivating.

Para naman sa mga gantimpala ng digmaan, hindi ito binigyang pansin ni Zhao Feng. Ang natatanging bagay na pakiramdam niya ay nakakagulo ay ang broken blood coloured sword.

Ang presyo ng isang Spiritual Weapon ay hindi nasusukat at ito ay lubhang iniingatan ng Clans.

Ang broken blood coloured sword ay walang silbi sa kaniyang mga kamay at sa kabilang banda, ito lamang ay magdudulot ng gulo para sa kaniya.

Pinag-iisipan ni Zhao Feng kung paano niya makukuha ang pinakamalaking kita mula sa broken blood coloured sword na ito.

...

Makalipas ang ilang araw, sina Lin Fan at Xiao Sun ay nagbalik sa Clan at sinabi ang lahat tungkol sa kuta ng Scarlet Moon Demonic Religion.

Ang balitang ito ay ikinagulat ng buong Broken Moon Clan.

Ang Scarlet Moon Demonic Religion ay isang higanteng kapangyarihan noong nakalipas na ilang daang taon at kinatatakutan ito ng bawat puwersa ang religion na ito. Ang Broken Moon Clan ay katiting na Clan lamang sa kontinenteng ito at langgam ito sa harap ng totoong mga Sects.

Ngayon, ang kuta ng Scarlet Moon Demonic Religion ay natagpuan na sa kanilang mga borders. Pagtapos marinig ang balita, ilang mga Elders na namumuno ng mga grupo ng elite disciples ay nagtungo diretso sa pamilya ng Xing.

Sina Zhao Feng at Xu Ren ay nagbantay sa Scarlet Moon Demonic Cave ng 4-5 araw at walang nangyari. Sa huling gabi, ang mga tao mula sa Broken Moon Clan ay nagdatingan.

Mula sa kalayuan, nararamdaman na ni Zhao Feng ang paglapit ng 3 nakakasindak na mental strengths.

"Pagbati sainyo Elder!"

Sina Zhao Feng at Xu Ren ay dali-daling yumukod dahil ang tatlo ay pare-parehas na nasa True Spirit Realm.

Ang taong nasa gitna ay isang matandang lalaki, na tila ba isang diyos dahil isang patong ng berdeng hangin ang nakapaligid sa kaniya na hindi kalaunan ay naglaho.

Sa kanilang tatlo, ang aura ng taong ito ay ang pinakamalakas.

Sa pagkakita sa taong ito, lumaktaw ng isang tibok ang puso ni Xu Ren: "1st… 1st Elder!"

Ang 1st Elder ang mayroong pinakamataas na posisyon sa Clan at mayroon siyang halos parehas na awtoridad gaya ng Clan Master.

Sa kaliwa ng 1st Elder ay isang lalaking nakadamit ng ginto. Ang taong ito ay pamilyar at hindi katagalan napagtanto ni Zhao Feng na siya si Elder Xue mula sa talent testing at ang master ni Sun Yuanhao.

Sa kanang kamay na bahagi ay isang guwapong lalaking nakaputi. Pagtapos makita ang Elder na ito, lumukso ang kaliwang mata ni Zhao Feng.

Ang pinakabatang Elder ng Broken Moon Clan!

Hai Yun Master!

Huminga ng malalim si Zhao Feng at pinilit ang kaniyang sarili upang kumalma. Naisip niya na noon na makakatagpo rin niya si Hai Yun Master, ngunit hindi niya inasahang ganito kaaga.

1st Elder, Elder Xue, Hai Yun Master.

Ang tatlong Elders ay namumuno ng grupo ng elites at sila ay dumeretso sa loob ng kuweba, sa loob ng grupo, nakakita si Zhao Feng ng ilang pamilyar na anyo gaya nina Yuan Zhi at Quan Chen.

"Master!"

Sina Yuan Zhi at Quan Chen ay nagpunta sa kaliwa at kanan ni Hai Yun Master.

Ang mga disciples ay nagsimulang maghagilap mula loob hanggang labas at ang lugar kung saan sila marahang naghanap ay lalong lumawak.

Ang kanilang layunin ay ang Blood Corpse sub-division Protector.

Naiwan din si Xing Chen at tinanong ng 3 na nasa True Spirit Realm. Sa harapan ng mga nasa True Spirit Realm, hindi naglakas-loob magsinungaling si Xing Chen at sinabi niya ang katotohanan.

Sila Zhao Feng, Xu Ren, Xiao Sun at Lin Fan ay lahat kinuwestiyon dahil sila ang mga taong nakahanap ng lugar na ito.

Sa kanilang lahat, si Zhao Feng ang pinakakinuwestiyon.

Una, si Zhao Feng ang taong sumira ng array. Ikalawa, siya ang nakakita ng pagtakas ng Silver Striped Blood Corpse. Ikatlo, ang buong proseso ay nasaksihan niya at siya lamang.

...

Ibig sabihin nito na nakita ni Zhao Feng ang mga nakita ng iba at nakita niya ang mga hindi nila nakita. Lalo na sa bandang dulo nang mahimatay ang lahat nagdulot upang si Zhao Feng na lamang ang tanging humarap sa corpse.

Ang paliwanag ni Zhao Feng ay ang mga lumang sugat ng Silver Striped Blood Corpses ay muling nagbukas at siya ay napaatras.

"Zhao Feng! Ang iyong cultivation ang pinakamababa sa grupo, kaya't bakit ka nagtagal hanggang dulo? Paano mo natigilan ang corpse poison? Paano mo nakontrol ang buong sitwasyon?"

Malamig na tumawa si Yuan Zhi at pinadala ang kaniyang nakakawarak na aura.

Sa pagkarinig nito, ang mga mata ng 3 Elders ay nagliwanag.

Tama iyon! Si Zhao Feng ay kahina-hinala!

Sa ilalim ng pagmamasid ng lahat, si Zhao Feng ay lubhang kalmado: "Simple lang…"

Related Books

Popular novel hashtag