Hindi tiningnan ni Zhao Feng ang pagkamatay ni Huang Yun, ngunit nadismaya siya sa desisyon nito sapagkat wala man lamang tapang si Huang Yun na lumaban.
Ang kailangan lamang nilang gawin dalawa ay antayin sila Lin Fan, Xiao Sun at Xu Ren na patayin si Xing Chen at labanan nila ang Silver Striped Blood Corpse, na magbibigay sa kanila ng 60% na tsansang manalo.
Mayroong kasabihan na: Hindi nakakatakot magkaroon nang tila gintong kalaban, ngunit nakakatakot ang magkaroon ng tila baboy na kakampi.
Sa sandaling ito, tanging si Zhao Feng na lamang ang humaharap sa Silver Striped Blood Corpse.
"Ikaw na ang susunod!"
Dinilaan ng Silver Striped Blood Corpse ang kanyang labi at ang whirlpool ay lumitaw sa kanyang paanan, na kumokonekta sa dugo sa baba.
...….
Sa kabilang banda ng kuweba.
Sila Xu Ren, Xiao Sun at Lin Fan ay binigyan nang mahirap na sitwasyon si Xing Chen.
Ang Xing family head ay may sugatan na sa gubat at tumatanggap pa siya ngayon ng mga atake mula sa tatlo at nasa bingit na siya ng kamatayan.
Biglang may narinig na sigaw sila Xu Ren, Xiao Sun at Lin Fan.
Nang lumingon sila kay Huang Yun, nakita nila na nahati ng katawan nito at ang puso nila ay nanlamig.
"Hindi ito maganda! Si Brother Zhao…"
Hindi mapigilan ni Lin Fan na mag-alala kay Zhao Feng, ngunit nasa kritikal na sitwasyon din sila dahil kailangan nilang patayin si Xing Chen.
Nasa mahirap na sitwasyon na siya ngunit pinag tiim niya ang kanyang mga ngipin at lumaban. Alam ni Xing Chen na kailangan niyang lumaban hanggang sa mapatay na ni Lord Protector si Zhao Feng, na mag babaliktad sa sitwasyon. Ang taong nakaharap sa totoong panganib ay si Zhao Feng.
Kaya niya bang harapin mag-isa ang Silver Striped Blood Corpse?
"Zhi… Zhi…"
Tumawa ang Silver Striped Blood Corpse habang nakatayo ito sa dugo ng lawa ngunit hindi naapektuhan si Zhao Feng dito. Malamig siyang tumawa at pinana ang kanyang Golden Stairs Bow: "Sa tingin mo ba talaga ay hahayaan kitang magtagumpay?"
Sa sandaling ntapso niya ang kanyang sinasabi…
Hinila niya ang tali sa Golde Stairs Bow at isang malamig at mabilis na True Force ang lumitaw.
Isa itong True Force mula sa Heavenly Wind God Technique!
Sou-Sou-Sou----
Tatlong sets ng tatlong palaso na mayroong matalim na azure true force ang bumuo ng tatsulok at tumungo sa Silver Striped Blood Corpse na mayroong sobrang bilis.
Tatlong palaso ang lumipad sa mga mata ng Corpse. Tumalon ito sa takot at pumikit.
Ding! Ding! Ding!
Ang mga palaso ay tumalbog sa takipmata ng Silver Striped Blood Corpse ngunit hindi man lamang napinsala ang Corpse.
\------ Ito ay hindi na lingid sa inaasahan ni Zhao Feng.
"Kamuhi-muhing bata…"
Ang Silver Stripes Blood Corpse ay umurong nang ilang hakbang na may galit at gulat.
Ang tunay na layunin ni Zhao Feng sa 2 sets ng palaso ay ang tuhod at paa ng Corpse. Ang kapangyarihan ng 2 sets ng palaso ay kayang isapanganib ang mga nasa 3rd Sky, na naging dahilan upang umurong ang Corpse nang ilang hakbang. Ito ay nangangahulugan na lumayo siya sa katawan ni Huang Yun.
Ang whirlpool sa ilalim ng Corpse ay naglaho rin.
Ang blood sacrifice ag napigilan ni Zhao Feng!
Ang layunin ng Silver Striped Blood Corpse ay gumamit nang lihim na paraan upang sipsipin ang dugo ni Huang Yun at bumalik ang kanyang lakas.
Kung normal na tao ito, ang dugo nito ay walang epekto sa Corpse. Ngunit si Huang Yun ay nasa peak 2nd Sky at maraming enerhiya ang nilalaman ng kanyang dugo.
"Ang True Force ng Heavenly Wind God Technique ay sadyang kakaiba." Naisip ni Zhao Feng habang hinihila at ginagalaw niya ang kanyang pana nang maraming beses, na umaatake sa Corpse.
Ding! Ding! Ding!
Tinanggap ng Silver Striped Blood Corpse ang lahat ng atake at tumalon ito kay Zhao Feng.
Shua!
Hinawakan ni Zhao Feng ang kanyang pana at dumami ang kanyang pigura, na naghiwalay sa iba't-ibang direksyon.
"Ignoranteng bata!"
Kutya ng Silver Striped Blood Corpse at mabilis nitong natukoy ang pigura nang totoong Zhao Feng. Nagulat ang kanyang puso dahil dito at nalaman niya na kahit mahina na ang Corpse, hindi niya ito maloloko sa kanyang Illusion Fish movement.
Shua!
Ang ibang pigura ay nawala at ang totoong katawan ni Zhao Feng ay naglabas nang berdeng liwanag, na nagpa bilis pa lalo sa kanya.
"Craaack!"
Hindi ito tinamaan ng Corpse at nabasag niya ang dingding nang pira-piraso.
Si Zhao Feng ay bumabot sa kasindak-sindak na bilis at siya ay kasing liksi ng isda.
Napalaganap niya nang buo ang Heavenly Wind God Technique at sa ilalim nang kakaibang true force, ang kanyang galaw ay umabot sa panibagong lebel.
Gayunpaman, ang speed skill ni Zhao Feng ay pinagsama sa Illusion Fish Picture.
Sa sandaling ito, ang bilis ni Zhao Feng ay katulad ng mga nasa peak 3rd Sky. Ang Corpse ay ilang beses na hindi siya tinamaan at umungol ito, na gumawa ng ilusyon kasama ang kanyang metal energy.
Kung ito ay ibang tao, kahit na nasa 4th Sky ng Ascended Realm na sila, maapektuhan pa rin sila. Ngunit sa kasamaang-palad, ang kanyang kalaban ay si Zhao Feng, na mayroong buong kabanatan sa mga ilusyon.
"Lord Protector, mukhang kagigising mo pa lamang at ang iyong kalamnan ay lipas na. Kahit na malakas ang iyong katawan, ang iyong tibay ay limitado." Bahagyang tumawa si Zhao Feng.
Ayon sa kanyang plano, hanggat patay na si Xing Chen, ang Silver Striped Blood Corpse ay mapa patay rin sapagkat ang apat ay sasayangin ang enerhiya ng Corpse.
"Dahil hindi kita mapatay, uunahin ko muna ang tatlo."
Katusuhan ang kumislap sa mga mata ng Silver Striped Blood Corpse at ito ay bumaling kila Xu Ren.
Hindi ito maganda!
Kapansin-pansin ang pagbabago sa ekspresyon ni Zhao Feng, ang kanyang kalaban ay isang halimaw na nabubuhay na nang ilang daang taon at mayroong mataas na awtoridad sa Scarlet Moon Demonic Religion. Paano nga naman ito magiging simple?
Naglabas ng aura ang Silver Striped Blood Corpse, na nagpayanig sa mga bundok at tumungo kila Xu Ren.
Nataranta sila Xu Ren, Xiao Sun at Lin Fan, na nagbigay nang pagkakataon kay Xing Chen na maging itim na anino at mabilis na tumungo sa labasan ng kuweba.
Mayroong dalawang pagpipilian si Zhao Feng:
1. Patayin si Xing Chen.
2. Iligtas sila Lin Fan, Xiao Sun at Xu Ren.
Ang bagay na ito ay lumitaw sa isipan ni Zhao Feng at mas pinili niya ang ikalawang bagay. Agad niyang sinundan ang Silver Striped Blood Corpse.
Lightning Wind Palm!
Ang tunog ng kulog at hangin ay bumalot sa buong lugar at ito ay nagbigay ng pagkakataon kila Xu Ren, Xiao Sun at Lin Fan na makatakas sa ilusyon ng metal energy.
Peng!
Nakipag sagupaan si Zhao Feng sa Silver Striped Blood Corpse. Ang dalawang pigura ay naghiwalay at naramdaman ni Zhao Feng ang pamamanhid ng kanyang braso at nais niyang sumuka ng dugo. Ang opensa ng Silver Striped Blood Corpse ay sobramg lakas, ito ay malapit na sa 4th Sky ng Ascended Realm.
"Mahinang kapangyarihan ng kidlat…"
Ang Silver Stripe Blood Corpse ay tumayo at pinanood ang itim na marka sa kanyang kamay na kusang gumaling.
Lubhang nagulat si Zhao Feng - ang Lightning Wind Palm ay naglabas nang ganoong kapangyarihan sa ilalim ng sirkulasyon ng Heavenly Wind Good Technique.
Sa kabila ng lahat, ang kanyang Lightning Wind Palm ay pundasyon lamang at mayroon itong kapangyarihan ng hangin habang ang Heavenly Wind God Technique ay mayroong paliwanag mula sa unang 3 stances ng 4 Wind Stances.
Maliban pa dito, naramdaman ni Zhao Feng na ang kapangyarihan ng kidlat ay mukhang salungat sa kapangyarihan ng Silver Blood Corpse.
"Brother Zhao, sama-sama nating papatayin ang bagay na ito."
Winagayway ninXu Ren ang kanyang Jinyue sword at pincer at inatake ang Corpse mula sa likod, habang si Zhao Feng ay ginamit ang kanyang Lightning Wind Palm upang atakihin mula sa harap.
"Paano nag-hangas ang mga langgam na ito na subukang patayin ang great Lord na ako!"
Tumawa ang Silver Striped Blood Corpse dahil sa galit at hinampas nito ang kanyang mga kuko, na nagbigay ng lilang liwanag na bumuo nang malalim na puwang sa lupa.
Ding... Ding... Pew... Peng…
Inatake ng apat ang Corpse, ngunit kalamado lamang ito at mayroong bahagyang upperhand.
Sheewww!!
Ang mga armas nina Lin Fan at Xiao Sun ay nagsimula nang magkaroon ng lamat. Tanging ang Mortal na armas lamang ni Xu Ren ang ayos pa. Ngunit nang itama niya ito sa Silver Striped Blood Corpse, halos mabitawan niya ang espada.
Wah!
Sumuka ng dugo si Xu Ren nang nakipagpalitan siya ng atake sa Corpse.
Hindi na rin maganda ang kalagayan ni Zhao Feng - ang kanyang mga organs ay sugatan na at siya rin ay bahagyang sugatan na rin. Ang Silver Wall Technique ay pino-protektahan ang mga parteng ito. Ang kanyang mga atake ay malalakas at maari nitong matakot ang mga nasa 3rd Sky ng Ascended Realm, habang ang Lightning Wind Palm ay maari ring lumaban sa kalaban. Ngunit hindi nila kayang harapin ang mga atake ng Silver Striped Blood Corpse.
Sa sandaling ito, lahat ay lubhang sugatan na maliban kay Zhao Feng.
Matapos makipag palitan nang ilang atake, napagtanto ng Corpse na si Zhao Feng ay mahirap kalaban at kaya nitong lumaban pabalik.
Kung kaya nag pokus siya sa tatlo.
Ding! Craack!
Ang espada ni Lin Fan ay nabasag ng Corpse at sumuka siya ng dugo.
Si Xiao Sun ay tinamaan din nang lilang liwanag na nagpaatras sa kanyang katawan at isang malalim na hiwa ang lumitaw sa kanyang braso.
Ang battle power ng dalawa ay nasa 2nd Sky ng Ascended Realm ngunit sila ay napatalsik sa isang kurap.
Taimtim ang ekspresyon ni Zhao Feng, ang hirap talunin ng Silver Striped Blood Corpse na ito dahil sila Xu Ren at ang dalawa ay hindi niya kasing galing sa opensa, bilis at depensa. Wala rin silang kakayahan na hindi maapektuhan sa mga ilusyon.
"Umurong na kayo, akon na ang pipigil sa kanya!" May katiyakan na saad ni Zhao Feng.
"Brother Zhao, mag-iingat ka!"
Sila Lin Fan at ang dalawa ay tumungo sa labasan ng kuweba. Alam nila na si Zhao Feng lamang ang kayang makipag palitan ng atake sa Corpse at sila ay magiging sagabal lamang.
Lightning Wind Palm! Burning Wind Stance!
Nang umalis sila Lin Fan, ginamit ni Zhao Feng ang pinaka malakas niyang atake upang mapigilan ang Silver Striped Corpse.
Ngunit sa pagkabigla, ang Silver Striped Blood Corpse ay hindi sila pinigilan. Sa halip, isang masamang ngiti ang ginawa nito: "Huli na ang lahat, lahat kayo ay mananatili dito."
Natigilan si Zhao Feng at naramdaman niya na tila may mali.
Plop!
Si Xiao Sun na nakatakbo pa lamang ng sampung yarda ay bumagsak sa lupa.
"Brother Xiao!"
Sina Lin Fan at Xu Ren ay tinayo si Xiao Sun at nakita nila ang itim na na linya na lumitaw sa katawan nito, na nagpanigas sa katawan nito.
"Lahat kayo ay may impeksyon na ng aking corpse poison. Kahit wala akong gawin sa inyo ngayon, mamatay pa rin kayo."
Ang Silver Striped Blood Corpse ay tumawa at tumigil na sa pag atake.
Plop!
Ang katawan ni Lin Fan ay agad na nanigas at bumagsak sa lupa. Nagsimula na manginig si Xu Ren at tumingin pa muna kay Zhao Feng bago bumagsak sa lupa.
"Corpse poison? Kailan namin nakuha ang corpse poison?"
Nanlamig ang puso ni Zhao Feng nang maramdaman niya ang madilim na enerhiyang kumalat sa kanyang mga organs.
"Ang aking lason ay titigil sa pagdaloy ng dugo. Kapag kumalma ang iyong dugo, kakalat ang lason sa inyong katawan sa tatlong araw, magiging zombie kayo."
Dinilaan ng Silver Striped Blood Corpse ang kanyang labi at tumawa.
Zombie?
Malamig na huminga si Zhao Feng - alam niya an kung ano ang ibig sabihin nito.
Sa sandaling ito, pumikit na sila Xu Ren at ang dalawa. Marahil ay sobrang pagod na sila sa labanan o ang lason ay kumalat na sa kanilang katawan.
"Hm? Paanong ang isang 1st Sky ng Ascended Realm na katulad mo ay mas kayang lumaban mula sa corpse poison kaysa sa kanila?"
Saad ng Silver Striped Blood Corpse, na sobrang gulat sapagkat si Zhao Feng ay nakatayo pa rin at walang malubhang pinsala.