Lumabas ang spatial na alon-alon sa kalangitan.
Swish!
Nagsama sina Zhao Feng at Ancient God Origin Jade palabas sa kawalan.
"Ligtas na tayo ngayon." Huminto si Zhao Feng at inalis ang kanyang kamay sa malambot at maliit na baywang ni Ancient God Origin Jade.
"Maraming salamat!" Bagama't sobrang nanghihina si Ancient God Origin Jade, ang kanyang mukha ay namumula simula pa kanina.
"Tutulungan kitang alisin ang lason sa iyong katawan," saad ni Zhao Feng.
Kung hindi lamang dahil sa lason na pumipigil sa katawan ni Ancient God Origin Jade na lumaban, hindi magmamadaling tumakas si Zhao Feng. Hindi mahirap para sa kaniya na patayin ang isang half-step God Lord sa kanyang kasalukuyang estado, at kahit pa sakit sa ulo ang dalawang half-step God Lords, kung gagamitin niya ang lahat ng kanyang mga itinatagong alas, kumpyansa siya sa kanyang kakayahanna mapatay ang dalawa.
Sa sandaling ito, ang mga ulap ay nagbago ng kulay.
Boom!