Chereads / King of Gods (Tagalog) / Chapter 139 - Inner Disciple

Chapter 139 - Inner Disciple

Sa pagkakataong natakpan na ang kaliwang mata niya, limitado ang kanyang kapangyarihan pero may kumpiyansa pa rin siyang manalo. Ang kanyang katawan ay nabago ng kanyang misteryosong kaliwang mata at sa ilalim ng mga normal na pagkakataon, ang kanyang reaction speed ay mas mabilis pa rin kaysa sa iba.

Nang lumalaban siya dati, hindi niya kailanman ginagamit ang kanyang kaliwang mata sa mga normal na sitwasyon. Tanging kapag malala lang ang isang pangyayari at kailangan niya na talaga itong gamitin.

"Kung tatakpan ko ang aking kaliwang mata, ang aking kabuuang lakas ay bababa ng kalahati." Pagtatantsa ni Zhao Feng.

Mukha man itong pagkamalabisan na mababawasan ang kanyang lakas ng kalahati, pero hindi ito ganito dati ng hindi pa ito upgraded. Sa tuwing ang kamalayan niya rin ay pumapasok sa dimensyon ng kaliwang mata, palagi niyang nararamdaman ang ancient aura na iyon.

Ang kaliwang mata ay ang naging pamatay na atake na ginagamit ni Zhao Feng kahit mahirap itong kontrolin. Kapag nakabukas ito, maaaring makuha nito ang atensyon ng Clan at maaaring mabunyag ang kanyang sikreto.

Pagkaalis ng Clan Mission Division, bumalik na si Zhao Feng sa Outer Hall Division para hintayin ang balita. Kung walang mga naganap na aksidente, magiging inner disciple na siya sa araw na ito.

Maraming disipulo ang nakatanggap ng balitang naabot na ni Zhao Feng ang Ascended Realm.

"Katamtaman lang naman ang talento ni Zhao Feng pero kinaya niya pa ring maabot ang Ascende Realm nang napakabilis."

Lahat sila ay nagulat.

Kahit na si Zhao Feng ang top outer disciples, ayaw nilang mapasailalim nito dahil ang kanyang talento ay napakababa kumpara sa ibang Clan disciples.

"Hehehe, hindi natin alam ang totoo. Si Zhao Feng ay inaalagaan ng dalawang Vice Heads at ang isa rito ay mula sa Grass Wood Division…"

"Hindi na nakapagtataka! Kung ako iyon, mararating ko rin siguro ang Ascended Realm."

Pinag-uusapan ng mga outer disciples na ang talento ni Zhao Feng ay masyadong katamtaman at masyado pa ring siyang bata. Hindi na nag-abala pang magpaliwanag ni Zhao Feng sa mga outer disciples na ito. Ang kailangan niya lamang gawin ay maghintay at sa tanghaling iyon binigay na ni Deacon Qiu ang balita kay Zhao Feng.

"Zhao Feng! Binabati kita! Isa ka ng inner disciple at maaaring ka nang magpunta sa Central Hall Division para gawin ang huling pagsubok." Wika ni Deacon Qiu na puno ng ngiti.

Mula noong natapos ang Clan entrance examinations, nagsimula nang magbigay ng atensyon si Deacon Qiu kay Zhao Feng dahil sa dalawang Vice Heads. Pagkatapos niyon, nagpakitang gilas si Zhao Feng sa Grass Wood Division, Clan Mission Division at Outer Hall Division kung kaya talagang maaalala talaga siya ni Deacon Qiu.

Gamit ang talentong mayroon si Zhao Feng at sa kanyang edad, hindi talaga ito kapani-paniwala.

"Maraming salamat, Deacon!"

Puno ng ligaya si Zhao Feng at nagmadali siyang pasalamatan si Deacon.

Pagkatapos umalis ng Outer Hall Division, nagpaalam na si Zhao Feng kay Nan Gongfan at Yang Qingshan.

Marami ring mga disipulo ang nagsabi ng kanilang mga pamamaalam kay Zhao Feng.

"Sa wakas, aalis na rin ang bastardong iyan…"

Nagpakawala ng mahabang hininga sila Hou Yuan, Jiang Yuyan at iba pang mga outer disciples. Kapag nawala lang naman si Zhao Feng, saka pa sila magkakaroon ng pagkakataon na paglabanan ang unang puwesto. Napakagaling nga talaga ni Zhao Feng pero sadyang ayaw lang talaga nila sa kanya.

Isang buwan lamang ang tinagal ni Zhao Feng bilang top outer disciple at ngayon ay isa na siyang inner disciple.

Parehong nakaramdam ng saya at pait si Nan Gongfan at Yang Qingshan.

Kung babalikan sa Guanjun Palace, ang agwat nila ni Zhao Feng ay napakalayo. Pero nakahabol si Zhao Feng, isang yapak bawat oras at ngayon ay nalagpasan na niya sila.

Syempre naman, umunlad rin sila Nan Gongfan at Yang Qingshan… Pareho na silang nasa ikasiyam na antas ng Consolidated Realm.

Sa tulong ng Marrow Cleansing Pill, naabot na ng dalawa ang huling mga yugto ng ikasiyam na antas at ang Ascended Realm ay maaabot rin nila hindi katagalan lalo na si Yang Qingshan na mayroong Middle Tier Spiritual Body.

…..

Pagkatapos umalis ng Outer Hall Division, agad na naglakas si Zhao Feng papunta sa Central Hall Division. Ang Central Hall Division ay nasa gitna ng Clan habang lumalapit siya patungo rito, nararamdaman ni Zhao Feng na tumataas ang spiritual energy.

Nang makapasok na siya sa Central Hall Division, agad niyang napansin na lahat ng anyong naroroon ay nasa Ascended Realm.

Ganoon tin, isang ancient aura ang palapit nang palapit kay Zhao Feng, na siyang nagpakislot sa kanyang kaliwang mata.

Pagtingin niya sa itaas, isang madilim na asul na palasyo ang lumulutang sa itaas ng karagatan ng mga kidlat. Tila ba para itong isang hiwaga.

Tuwing nakikita ni Zhao Feng ang Floating Crest Palace, nanginginig ang kanyang puso. At ngayon, palapit na siya nang palapit sa palasyong nasa itaas lamang ng Central Hall Division.

Nang bawiin ang tingin sa palasyo, agad na nag-ulat si Zhao Feng sa Central Hall Division.

"Sumama ka sa akin. Bawat inner disciple ay dapat makumpira ng isang Vice Head."

Isang Vice Deacon na pala ang naghihintay para sa kanya at saka siya inihatid sa loob. Ang mga nakatataas ng Clan ay makatatanggap ng impormasyon kung mayroon bang mga bagong inner disciples at para makumpirma kung totoo ito, kailangan ng isang Vice Head.

Hindi nagtagal, pumasok na si Zhao Feng sa isang madilim na hall. Sa segundong pumasok siya rito, agad siyang nakaramdam ng isang presyur na tila hindi siya tanggap rito.

"Siya si Head Li." Paalala ng Vice Deacon sa mababang boses.

"Isang pagbati Head Li." Yumuko si Zhao Feng sa magalang na paraan sa isang lalaking may balbas at hindi pa gaanong katandaan na nasa dulo ng hall.

Si Head Li na ito ay isa talagang Vice Head pero ang mga tunay na Head ay puro mga Elders at naabot na nila ang Trus Spirit Realm kung kaya wala silang pakialam sa pagsubok ng mga disipulo.

Matalim ang tingin na ipinukol ni Vice Head Li kay Zhao Feng at naramdaman ni Zhao Feng na tila nadaganan siya ng pitong patong ng mabibigat na bundok na kapag gumalaw siya nang kaunti ay mapupulbos siya.

Ang pitong bundok na ito ay mukhang cultivation ni Vice Head Li.

"Zhao Feng, labing-apat na taong gulang, Low Tier Spiritual Body at naabot ang Ascended Realm mula sa ikawalong antas ng Consolidated Realm sa loob ng isang buwan. Bukod pa roon, siya ang top outer disciple…"

Tinignan ni Vice Head Li ang kanynag maliit na libro at nang malaman ang edad, talento at cultivation ni Zhao Feng ay nagulat siya nang bahagya.

Hindi kakaiba para sa isang labing-apat na taon ang makaabot ng Ascended Realm sa Clan, pero kung ang taong iyon ay may Low Tier Spiritual Body nang walang kahit anong espesyal na talento, pambihira nga ito.

"Pakitanggal ang iyong panakip sa mata." Malamig na sabi ni Vice Head Li.

Pinadaloy ni Zhao Feng ang kanyang asul na dugo para matakpan ang dimensyon ng kanyang kaliwang mata at saka tinanggal nang marahan ang panakip niya. Matapos itong tanggalin, mayroon lamang isang napakadilim na mata nang walang kahit anong bakas ng ilaw.

Napahinto si Vice Head Li nang mapuno siya bigla nang simpatya. Isang labing-apat na taon ang nawalan na ng paningin sa isang mata dahil sa kanyang path of cultivation.

Bumuntong hininga si Vice Head Li at saka ikinumpas ang kanyang kamay para sabihin kay Zhao Feng na pakibalik na muli ang kanyang panakip sa mata.

Pagkatapos nito, nagtanong lamang ng kakaunti si Vice Head Li sa kanya ukol sa kanyang buhay, cultivation at mga suhestiyon.

Ang mga sagot ni Zhao Feng ay perpekto at ang kanyang buhay ay madali lamang hanapin.

"May kakaunti akong nalaman tungkol sa iyo mula kay Tandang Zhang."

Tumango si Vice Head Li sa kanya, isang senyas a hindi dapat maging espiya si Zhao Feng mula sa ibang Clan.

Una sa lahat, napakabata pa ni Zhao Feng at ang kanyang mga nakaraang buhay ay malinis, nirerekomenda rin siya ni Lord Guanjun. Ikatlo, pinuri rin si Zhao Feng ng dalawang Vice Heads at dahil dito, nabawasan nang malaki ang pagdududa ni Vice Head Li sa kanya.

Pagkatapos ng tanungan, nakatangganp ng bagong token si Zhao Feng na nangangahulugang siya ngayon ay isa ng inner disciple.

"Mula sa araw na ito, isa ka ng inner disciple."

Ipinakita ng Vice Deacon ng Central Hall Division kung saan na maninirahan si Zhao Feng ngayon.

Bilang isang inner disciple, ang pagtrato sa kanya ay sobrang husay at mayroon pa siyang mga tagapagsilbi.

Ang mga inner disciples ay nakatatanggap ng sampung substandard primal crystal stones bawat buwan at makakakuha rin sila ng isang true Spiritual Pill sa bawat dalawa o tatlong buwan. Ang mga Spiritual Pills ay isang grade a mas mataas kaysa sa Marrow Cleansing Pill at ang presyo nito ay sampung beses na mas mataas.

Sa parehong araw na iyon, nakakuha si Zhao Feng ng isang itim na ginuhitang pantaas na may nakakurbang buwan sa likod. Doon lamang napagtanto ni Zhao Feng na lahat ng bagay sa Clan ay hindi simple. Ang materyales na ginamit para sa damit ay espesyal. Mainit ito sa tuwing taglamig at malamig sa tuwing maaraw. Bukod pa roon, kaya nitong salagin ang mga atake mula sa mga ikasiyam na antas ng Consolidated Realm.

Ang mga gaya ni Bei Moi, Ran Xiaoyuan at Quan Chen ay nakasuot ng ganitong damit.

Kailangan munang malaman ni Zhao Feng ang mga patakaran ng lugar na ito at ilan sa mga ito ay nabanggit na sa kanya ni Vice Deacon.

Ang mga inner disciples ay hindi lalagpas sa edad na tatlumpu, kapag naabot na nila ito, hindi na sila disipulo at ipapatapon na sila para mangasiwa ng mga gawain. Dagdag pa roon, may ranking system rin sa mga inner disciples.

Mayroong halos isang daang inner disciples ang nasa Broken Moon Clan at tanging ang top 10 lamang ang tatawagin na Core disciples.

Ang lakas ng mga Core Disciples ay nakasisindak, lahat sila ay naabot na ang 4th Sky ng Ascended Realm o kaya mas mataas pa at silang lahat ay mga disipulo ng mga Elders ng Clan Master.

Bukod pa roon, ang Top Core Disciple ay ipinangalan sa Head Disciple. Ang Head Disciple ng henerasyong ito ay nakaabot sa pinakanakamamangha na cultivation – 6th Sky ng Ascended Realm at siya ay sikat sa lahat ng labing-tatlong Clans.

"Core disiciples… Head disciple…" Isang kaisipan ang nabuo sa puso ni Zhao Feng.

Ang mga taong gaya nila Bei Moi at Quan Chen ay wala gaanong kapangyarihan at otoridad tulad ng isang Core Disciple. Ang kinakapatid nilang si Yuan, mula sa araw na iyon sa Thousan Leaf Pond, ang may potensyal na maging Core Disciple sapagkat nasa 4th Sky na siya ng Ascended Realm.

Habang iniisip ang kinakapatid na si Yuan, napasinok nang malamig si Zhao Feng sa pasasalamat nang maaala niya rin si Ran Xiaoyuan.

Nang lumabas siya sa kanyang tinutuluyan, nakita niya kung sino ang mga kapitbahay niya at napag-alaman niyang sila Xiao Sun, Yun Mengxiang at Lin Fan, ang dating top outer disciple, ang kanyang mga kalapit.

Dati silang mga outer disciples, kung kaya medyo malapit sila sa isa't isa.

"Zhao Feng!"

Napanganga si Xiao Sun na tila ba nakakita siya ng multo. Hindi niya maisip na kaya ni Zhao Feng na maging isang inner disciple.

Noong outer disciple pa si Xiao Sun, higit ang pagkamuhi niya kay Zhao Feng para sa pagkuha ng puwesto bilang top outer disciple. Pero dahil nauna siyang maging inner disciple, naging maayos ang pakiramdam niya. Pero hindi pa rin siya makapaniwalang magiging isa rin si Zhao Feng pagkatapos lamang ng ilang araw na naging inner disciple siya.

"Kapatid…. na Zhao?"

Naglakad sina Yun Mengxiang at Lin Fan papunta sa kanya at ang kanilang mga ekspresyon ay makulay nang makita nila si Zhao Feng na tila ba multo ito.

Related Books

Popular novel hashtag