"Ang challenger na si Zhao Feng ang nanalo!"
Umalingawngaw ang boses ni Deacon Qiu at tila nagising ang mga outer disciples mula sa kanilang mga panaginip.
Natalo si Hou Yuan!
Gulat ang nasilayan sa mukha ng mga outer disciples, naramdaman nila na tila napakabilis ng lahat.
Ang huling atake ni Zhao Feng ay agad na nawasak ang depensa ni Hou Yuan.
Ang bilis at depensa ni Hou Yuan ay parehong mahina kumpara kay Zhao Feng, ano pang kumpiyansa ang kakailanganin ni Hou Yuan para patuloy na makipaglaban?
Ang huling palitan ng atake ay higit na nakapagpagbago ng ekpresyon ni Lin Fan na siyang nasa unang puwesto sa mga outer disciples.
"Anong sindak ng atakeng iyon! Kaya nitong pagbantaan ang mga cultivators nasa 1st Sky ng Ascended Realm." Ito ang nasa puso ni Lin Fang habang sinusuri si Zhao Feng sa entablado.
Apat na panalo laban sa mga substitute inner disciples, ito ay isang bagay na hindi nangyari sa loob ng ilang daang taon dahil ayon sa mga patakaran, hindi pwedeng lumaban ang isang tao nang patuloy at sunod-sunod.
Ang mga outer disciples na naroroon kasama na ang mga substitute inner disciples ay lahat napatitig kay Zhao Feng nang may takot at paggalang.
"Natalo ni Zhao Feng si Hou Yuan, na nangangahulugan si Jiang Yuyan, na nasa ikalawang puwesto, ay hindi niya rin kapantay."
"Sa lakas na mayroon siya, kaya niya ring matalo si Lin Fan na nasa unang puwesto."
Ang mga manonood ay nagsimulang magbulungan sa mababang boses. Ang top 20 outer disciples ay tinagurian ring substitute inner disciples at si Lin Fan lamang ang may tala na nakatalo ng isang tao na nasa Ascended Realm.
Hindi naman halos magkaiba sina Jiang Huyan at Hou Yuan, pero kahit si Jiang Yuyan ay hindi kayang baragin ang depensa ni Hou Yuan nang ganoon lamang kadali.
Natalo talaga ni Zhao Feng si Hou Yuan sa huli. Ngayon, alam na nilang ang kanyang lakas ay higit pa sa kasalukuyang nasa ikalawang puwesto.
"Hindi ko siya kaya!" Isang babae ang malallim na nagsalita habang tinitignan si Zhao Feng sa entablado.
Siya si Jiang Yuyan, ang nasa ikalawang puwesto.
Matapos panooring ang laban ni Zhao Feng at Hou Yuan, nahinuha ni Jiang Yuyan ang kongklusyon na ito.
Sa aspeto ng bilis at paggalaw, si Zhao Feng na agad ang nangunguna. Kung opensa naman, siya rin ang una dahil sa nasira nga niya ang depensa ni Hou Yuan.
Bukod doon, ang katawan at lakas ni Zhao Feng ay nasa ibabang posisyon kumpara kay Hou Yuan.
Kung lalagumin ang lahat ng ito, takot ang namuo kay Jiang Yuyan. Wala naman siyang depensa na katulad ni Hou Yuan. Kug haharapin niya si Zhao Feng, lalo lamang siyang matatalo.
Pero…
Parehong naniniwala si Jiang Yuyan at Hou Yuan na may iisang talong kayang talunin si Zhao Feng at iyon ay si Lin Fan.
"Napakalakas mo nga talaga. Mula ngayon, ikaw na ang magiging bagong top outer disciple." Pagngiti ni Lin Fan.
Nang marinig ito, nagulantang ang lahat.
Ano ang nangyayari?
Kuryosidad ang makikita sa lahat, alam nila kung gaano kalakas si Lin Fan.
Hindi kaya si Lin Fan ay hindi kasing lakas ni Zhao Feng?
"Lin Fan, hindi mo pa nga siya nilalabanan, kung kaya bakit agad mo namang binigay sa kanya ang titulo ng pagiging top outer disciple?"
Parehong ayaw ni Hou Yuan at Jiang Yuyan na pumayag. Parehong ring alam nila na nakatalo na si Lin Fan ng isang nagmumula sa Ascended Realm, kaya ang lakas niya ay higit na nakasisindak.
Nang marinig ito, agad na napatingin si Zhao Feng kay Lin Fan gamit ang kanyang kaliwang mata at agad niyang naunawaan.
"Hahaha… Hindi na ako isang outer disciple. Dalawang araw ang nakararaan, naabot ko na ang Ascended Realm at nagtungo na rin ako sa Heavenly Core Division para maging isang inner disciple."
Tumawa si Lin Fan nang malakas habang dumaloy mula sa kanyang katawan ang mental energy na siyang hindi makapagpakali sa mga outer disciples.
Ang lahat ay nagulat sa balitang ito.
Naabot niya na pala ang Ascended Realm at naging isang inner disciple!
Ito ang pangarap ng karamihan sa mga outer disciples at natamasa na rin ito ni Lin Fan matapos makipaglaban sa mga outer disciples sa loob ng mahabang panahon.
Ang lahat ay napatingin sa kanya na tila nauunawaan nila si Lin Fan.
Napangiti rin si Zhao Feng. Malakas ang pandama niyang ang Lin Fan na kakakilala lamang niya ay isang mabuting tao.
"Zhao Feng, naniniwala ako na sa loob lamang ng ilang taon, magkikita tayong muli bilang isang mga inner disciples."
Mataas nga talaga ang markang ibinigay ni Lin Fan kay Zhao Feng.
"Sana nga." Mapagkumbabang sabi ni Zhao Feng.
Hindi na nagtagal si Lin Fan, umalis na siya at iniwan ang mga grupo ng mga outer disciples na naiinggit.
Matapos makaalis ni Lin Fan, si Zhao Feng na ang naging sentro ng atensyon ng lahat.
"Ngayon si Lin Fan ay isang inner discipls na, ibig sabihin nito si Zhao Feng na ang bagong top outer disciple?"
Ang mga puso ng mga karamihan ay tumibok nang may takot, paggalang at pag-iingat lalo na sina Hou Yuan, ang magkapatid na Hong at si Ji Fengyun.
Si Zhao Feng na ang kasalukuyang top outer disciple, ito ay resulta a kahit sila man ay hindi ito inaasahan.
Pinatumba niya ang lahat ng mga outer disciples at nakatayo na siya ngayon sa tuktok.
Ang pagtalo sa apat na substitute inner disciples nang sunod-sunod, pagpapagulantang kay Jiang Yuyan na nasa ikalawang puwesto maging si Lin Fan na nasa Ascended Realm na.
Teng!
Pumunta agad si Zhao Feng sa harap nila Nan Gongfan at Yang Qingshan. Napakaligalig ng dalawa at hindi nila alam kung iiyak ba sila o tatawa.
Katabi nila si Prinsesa Yun Mengxiang na may komplikadong mga emosyon sa mata habang sinusuri si Zhao Feng na muling hinigitan ang kanyang mga inaasahan.
Pakiramdam niya, habang lalo niyang sinusubukan na suriin si Zhao Feng, mas lalo niyang nararamdaman na tila wala siyang makita.
Ngayon wala na si Lin Fan, ang 20 substitute disciples ay may nawawalang isang puwesto at magkakaroon na naman ng isang laban para sa puwestong iyon.s
Ayon sa mga patakaran, ang puwesto ni Zhao Feng na mula sa ikatlo ay magiging ikalawa. Pero sa pagkakataong iyon, agad na naglakad si Jiang Yuyan papunta kay Deacon Qiu at may sinabi.
Tumango agad si Deacon Qiu at saka tinawag ni Zhao Feng.
"Sinasabi ni Jiang Yuyan na hindi raw siya kasing galing mo. Mula ngayon, ikaw na ang magiging top outer disciple at makakatanggap ka ng pinakamagandang pagtrato." Nakangiting sabi ni Deacon Qiu.
Hmm?
Interesadong nakatingin si Zhao Feng kay Jiang Yuyan.
"Zhao Feng! Inaamin kong hindi ako kapantay mo sa ngayon, pero hindi rin magtatagal at babawiin ko ang puwestong dapat nasa akin." Malamig na sabi ni Jiang Yuyan at saka umikot paharap sa kabilang direksyon para umalis.
Katulad nito, dahil naging top outer disciple na si Zhao Feng, sa parehong araw na iyon ay lumipat na siya ng tinutuluyan.
Ang pagtrato para sa isang nasa unang puwesto ay napakaayos kumpara sa iba.
Halimbawa na lamang, makakakuha si Zhao Feng ng sampung substandard primal crystal stones bawat buwan, na katulad na rin sa isang inner disciple. Ganoon rin, makakakuha pa siya ng ibang resources.
"Zhao Feng, narinig kong pwede kang pumunta sa Clan at pumili ng Middle Class Mortal Skill kung sa loob ng tatlong araw ay walang hahamon sa'yo."
Middle Class Mortal Skill?
Tuwang-tuwa at gulat na gulat si Zhao Feng nang malaman ito. Ang Rippling Technique ni Bei Moi ay isang Middle Class Mortal Skill at ginamit niya ito para daigin silang lima dati.
Nahasa ni Xiao Sun ang Blazing Sun Manual at kahit na hindi niya pa naaabot ang pinakamataas na antas, ang lakas nito ay sapat na para maabot niya ang top 10. Pero ang mga Middle Class Mortal Skills ay hindi pwede para sa ibang mga outer disciples.
Tanging kung magiging isang inner disciple lamang ay mabibigyan ng pagkakataon ang isang tao na matuto ng Middle Class Mortal Skill.
Kahit na mukhang maliit lamang ang pagkakaiba ng Low Class sa Middle Class Mortal Skill, higit pa itong mas malaki talaga kaysa sa iisang antas sa Consolidated Realm…
"Kung hindi magkakaroong ng aksidente sa susunod na tatlong araw, makakakuha ako ng Middle Class Mortal Skill." Puno ng paghahangad ang mukha ni Zhao Feng.
Syempre, hindi niya makakalimutan ang Thousand Leaf Pond. Nakatulong ito nang higit para makapasok siya sa Ascended Realm gamit ang kanyang katawan.
Kung gayon, ibinuhos niya talaga ang lahat ng kanyang oras para lamang maunawaan ang pitong array books na ibinigay sa kanyang ni Tandang Zhang.
Dahil nakakain na ng dalawang Marrow Cleansing Pills si Zhao Feng, ang kanyang mga kakayahan ay higit na tumaas at ang kanyang Silver Wall Technique ay higit na umunlad rin.
Sa loob siguro ng sampung araw, ang kanyang Silver Wall Technique ay maaabot na ang peak 9th rank.
Bukod pa sa cultivation, binisita rin ni Zhao Feng si Nan Gongfan at Yang Qingshan. Saan man siya magtungo, binabati siya ng mga outer disciples.
"Isang pagbati, kapati na Zhao!"
Kahit ang mga iilang disipulo na mas matanda sa kanya at mataas ang potensyal ay binabati siya nang may paggalang.
Ngayon si Zhao Feng na ang top outer disciple at napatumba niya na ang lahat ng mga outer disciple sa kanyang mga paa. Ang layunin niyang ito ay maaga niyang nakuha kaysa sa kanyang inaasahn.
Gamit ang proteksyon ni Zhao Feng, ang mga araw nila Yang Qingshan at Nan Gongfan ay maayos at mapayapa.
"Kapatid na Zhao, wala sino man ang nangangahas na saktan kami ngayon."
Napakasaya ni Yang Qingshan na ang kanyang mga kilay ay halos matanggal na.
Sa kabilang banda, bahagyang nag-aalala si Nan Gongfan: "Kapatid na Zhao, ang ipinakita mo noong nakaraan ay kagilagilalas nga. Pero paano kung makuha mo ang atensyon ni Hai Yun Master?"
"Bilang isang outer disciple, kahit gaano pa ako kalakas, hindi ko makukuha ang atensyon ni Hai Yun Master. Tanging kapag ako ay naging isang inner disciple ay mapapasok ako sa linya ng kanyang paningin."
Kampante si Zhao Feng. Sigurado siya na hindi alam ni Hai Yun Master kahit ang kanyang pag-iral sapagkat mayroon lamangsiyang Low tier Spiritual Body at ang mga gaya ni Quan Chen ay hindi tumitingin sa kanyang mga mata.
Kahit gaano pa kalakas ang isang disipulo sa Consolidate Realm, sila ay mga langgam lamang.
Nagdaan ang tatlong araw nang napakabilis at walang kahit sino ang nangahas na kalabanin si Zhao Feng sa kanyang posisyon.
Si Jiang Yuyan at Hou Yuan na nasa puwesto ng ikalawa at ikatlo, ay parehong nalalaman na hindi sila kapantay ni Zhao Feng. Kung kaya agad na nagpunta si Zhao Feng sa Outer Hall Division para kuhanin ang kanyang Middle Class Mortal Skill.
Ang kanyang aplikasyon ay kailangan pa ring sang-ayunan muna ng Outer Hall Division para masigurong walang panlolokong nagaganap, pero ang lakas ni Zhao Feng ay talagang nakakabit sa kanyang pangalan.
Ang apat na sunod-sunod na pagkapanalo sa araw iyon ay ikinagulat ng lahat ng mga outer disciples at kakaunting mga Deacons na nakakita.
Ang pinakamahalagang parte ay pagpayag ng isang Vice Head sa kanyang mga paghamon noong nakaraan, kung kaya ang kanyang aplikasyon para makakuha ng Middle Class Mortal Skill ay agad na naipasa.
"Ang Hollow Building Token ay magagamit lamang ng isang beses. Gamit ang token na iyan na nasa iyong kamay, makakapasok ka sa sagradong lugar ng Clan – ang Hollow Building."
Iniabot ni Deacon Qiu ang isang asul na tansong token.
The Hollow Building?
Bahagyang nagulat si Zhao Feng sapagkat nakarinig na siya ng mga tsismis tungkol sa Hollow Building.
"Ang Hollow Building ay hindi gaya ng mga Martial Art Libraries sa mortal na mundo, isa itong lugar pamanahan ng Clan. Ayon sa mga patakaran, ang isang normal na inner disciple ay makakapasok lamang sa gusali kapag naabot niya na ang 4th Sky of the Ascended Realm." Mahabang tingin ang ipinukol ni Deacon Qiu kay Zhao Feng.