Natulala ang mga nanonood sa isang daliri ni Zhao Feng. May naramdaman ang mga kabataan na ito ay hindi na mapipigilan, naramdaman pa ni Yang Qingshan na ang isang 'Bei Moi' ay nagpakitang muli. Isang matingkad na liawanag ang kumislap sa mga mata ni Lord Guanjun bago sila bumalik sa kanilang madilim na estado.
Shua!
Ang mala-kidlat na bilis na daliri ni Zhao Feng ang tumagos sa Godly Suction Force ni Nan Gongfan at napilitan umatras ang huling nabanggit.
Sa isang galaw, malinaw kung sino ang lamang.
Suction Force Wind!
Mabilis na ginamit muli ni Nan Gongfan ang kaniyang Holy martial art, hindi niya nilabanan si Zhao Feng harap-harapan dahil nakita niya na ang atake ni Zhao Feng ay masiyadong malakas.
Ang Star Finger ay nasa sixth level, isang lebel mula sa taas. Ang ibig sabihin nito na si Zhao Feng ay inensayo ang half-Holy martial art na ito sa halos peak level. Ang pinaka nakakatakot na bagay ay pinagsanib ni Zhao Feng ang Tornado Stance dito, at ginawa niya pang mas malakas ang Star Finger, na nagdulot upang manalo siya sa isang galaw!
Sinanib ko lang ang 50-6-% ng Tornado Stance sa Star Finger at ito ay may ganito ng lakas, bahagyang nagulat si Zhao Feng.
Pagtapos ng kanilang unang palitan, mabilis na ginamit ni Nan Gongfan ang kaniyang Suction Force Win upang pataasin ang kaniyang bilis. Kailan pa naging malakas ang lalaking ito? Mas nakakatakot pa siya kay Yang Qingshan.
Sinubukan ni Nan Gongfan ang kakayanan ni Zhao Feng. Kung ang galaw kanina ay ang nakamamatay na galaw ni Zhao Feng, kung ganoon siya ay maaaring manalo, ngunit kung ang isang daliri na iyon ay isang normal na atake…
Flowing Wind Stance! Smoking Transparent Step!
Ang speed skill ni Zhao Feng ay biglang nagbago at ang kaniyang anyo ay naglaho. Nang walang tunog, dumaloy siya kasabay ng hangin at nagawa niyang gamitin ang Smoking Transparent Step sa isang kasindak-sindak na antas. Nagamit pa ni Zhao Feng ang hangin ng Godly Suction Force na skill ni Nan Gongfan upang makatulong sa kaniyang speed skill.
Natakot bigla si Nan Gongfan, hindi makita kung nasaan si Zhao Feng.
Tornado Stance! Star Finger!
Ang masakit sa tengang tunog ay lumitaw muli pa at ang kapangyarihan nito ay mas mataas ng onti kumpara sa kaninang nauna. Lamig ang lumitaw sa puso ni Nan Gongfan habang dali-dali niyang ginamit ang kaniyang Holy Martial art upang salagin ang galaw ni Zhao Feng.
Habang nagsagupaan ang dalawang galaw, isang alon ng hangin ang lumabas.
Shua!
Nakaramdam si Nan Gongfan ng sakit sa kaniyang braso. Mayroong butas sa kaniyang manggas at dugo ang pumapatak sa palabas dito.
Sa tatlong galaw, napinsala na agad si Nan Gongfan at para sa sumunod na ilang galaw, nalagpasan pa rin siya ni Zhao Feng kung bilis at lakas ang pag-uusapan. Kinakabahan masiyado si Nan Gongfan kaya naman hindi siya makahinga ng maayos at kahit na ginawa niya ang lahat, hindi pa rin niya nagawang saktan si Zhao Feng.
"Suction Force Wind Spike!"
Pinakawalan ni Nan Gongfan ang kaniyang pinakamalakas na atake habang nasa isang desperadong sitwasyon. Biglaan, ang puting usok ay bumuo ng mga patusok at tumuro kay Zhao Feng. Ang kapangyarihan nito ay kayang maging banta sa mga cultivators na nasa ninth rank.
Silver Air Barrier!
Hindi man lamang gumalaw si Zhao Feng habang isang bahagyang nakikita at kulay pilak na liwanag ang lumitaw sa kaniyang katawan at nang may isang clang, nasalag nito ang pinakamalakas na atake ni Nan Gongfan.
Ang Silver Air Barrier ay hindi man lamang nasira. Ang ibig sabihin nito ay ang pinakamalakas na atake ni Nan Gongfan ay hindi kayang sumira sa depensa ni Zhao Feng.
"Kasindak-sindak na depensa! Hindi natin kayang sirain ito sa kaunting oras kahit pa lahat tayo ay sabay-sabay umatake," tumingin si Yang Qingshan kay Zhao Feng nang hindi makapaniwala.
"Nagawa mong sanayin ang Silver Wall Technique sa ganitong lebel!" Lubos na masigla si Ye Linyun. Kinailangan niyang aminin na mataas ang inaasahan niya kay Zhao Feng, at ang pangalawang nabanggit ay nalagpasan ang inasahan niya sa bawat oras.
"Hindi na masama." Ang walang ekspresyon na si Lord Guanjun ay nagsalita na sa wakas.
Sa taas ni Lord Guanjun, nakikita niya na pinagsama ni Zhao Feng ang Holy martial arts sa kaniyang mga atake, ngunit ang mga Holy martial arts na ito ay mas mahirap intindihin kaysa sa ibang Holy martial arts at sa ngayon, isang henyo sa tapat niya ang kayang pagsamahin ito sa kaniyang sariling galaw.
Halata na si Zhao Feng ang nanalo, ang buong paglalaban ay hindi man lamang nagtagal ng sampung galaw.
Si Nan Gongfan ay nagmukhang nawala niya ang kaniyang kaluluwa, ang gulat ay masiyadong malaki para sa kaniya. Hindi niya kaya at hindi siya maniniwalang natalo siya ng isang taong mayroong mas mababang cultivation, edad, at talento.
Ngunit ito ang reyalidad, kahit na hindi niya gustong paniwalaan ito, kailangan niyang harapin ito.
"Ayos lang 'yan, kahit si Bei Moi ay natalo sa kaniya sa ilang aspeto," pinagaan ni Yang Qingshan ang kaniyang loob nang may mababang tono. Sa pagrinig niyang sabihin ito, bahagyang gumanda ang loob ni Nan Gongfan.
Tama nga, kahit ang isang super prodigy na gaya ni Bei Moi ay natalo kay Zhao Feng sa ilang aspeto.
Kung alaala ang pag-uusapan, natalo si Bei Moi. Noong labanan, nasira ni Zhao Feng ang talaan ni Bei Moi ng 'perfect defense'. Ang battle points ni Bei Moi ay mas mababa kaysa kay Zhao Feng noong oras ng kawan ng halimaw. Sa wakas, hinamon din ni Bei Moi si Zhao Feng upang ayusin ito sa loob ng Clan, at ang pangalawang nabanggit ay pumayag nang walang pag-aalinlangan.
"Tama! Ang lalaking ito ay sadyang isang halimaw, ngunit suwerte, dahil ang kaniyang talento ay hindi masiyadong mataas." Sa pag-iisip niya sa puntong iyon, gumaan ang puso ni Nan Gongfan. Ang mga salita ni Yang Qingshan ay nagdulot din upang ikonsidera ng iba ang mga bagay-bagay.
Kung talento ang pag-uusapan, malayo si Zhao Feng kay Bei Moi, hindi siya mas mataas kumpara kay Nan Gongfan. Ngunit sa ilalim ng sitwasyon na ito, kaya pa ring talunin ni Zhao Feng si Bei Moi sa ilang aspeto. Sa pag-iisip nito, nagpalitan ng tingin sina Ye Linyun at si Lord Guanjun.
Isang matamlay na kislap ng pag-asa ang lumitaw sa mga mata ni Lord Guanjun, ngunit ito ay mabilis na naglaho.
Halata naman na hindi niya naisip na kayang palitan ni Zhao Feng si Bei Moi. Dahil mayroong kaalaman sa clan si Lord Guanjun nagdulot ito upang mapagtanto niya kung gaano kaimportante ang talento sa mga cultivators.
Pagtapos talunin si Nan Gongfan, mayroon ng puwesto si Zhao Feng. Naisip pa ng iba na siya ay mas malakas kaysa kay Yang Qingshan.
Nahuli ng kaliwang mata ni Zhao Feng ang pagbabago sa ekspresyon ni Lord Guanjun, ngunit kahit pa maganda ang kaniyang pagpapakitang gilas, hindi nagmukha na kaya niyang palitan ang super prodigy na si Bei Moi.
Pagtapos matalo ni Nan Gongfan, mayroon pa rin siyang pagkakataon na manghamon ng sinuman.
"Pinipili ko si Fen Hanyue." Mas kalmado pa si Nan Gongfan sa inaasahan. Alam niya na hindi niya matatalo si Zhao Feng at mas matatalo pa siya kaysa manalo kapag kinalaban niya si Yang Qingshan, kung ganoon ang kaya lamang niyang hamunin ay si Feng Hanyue.
Nalagpasan niya si Feng Hanyue sa cultivation, talento at mayroong mas magandang martial arts.
Hindi kalaunan, naganap na ang laban sa bukid.
Naglaban hanggang sa limampung galaw sina Nan Gongfan at Feng Hanyue bago natalo si Feng Hanyue, kahit pa ginawa niya ang lahat ng kaniyang makakaya. Ang diperensya sa pagitan ng dalawa ay masiyadong malaki.
"Ok, ang tatlong rekomendasyon ay kumpirmado na ngayon. Feng Hanyue, huwag kang masiyadong malungkot, umaasa pa rin ako na ikaw ang magiging tagapagmana ko," kalmado ang boses ni Lord Guanjun. Kahit ano pa ang nangyari kanina, nakatanggap siya ng maliit na surpresa.
Pagtapos makumpirma ng kanilang mga puwesto, sila Zhao Feng, Yang Qingshan, at Nan Gongfan ay papasok na sa pagsusulit sa loob ng dalawampung araw.
Ang mga disciples ay umalis isa-isa.
"Zhao Feng maiwan ka," pinanatili siyang mag-isa ni Lord Guanjun.
*************************
Spiritual Martial Hall, sa isang kuwarto…
Sina Zhao Feng at Lord Guanjun lamang ang naiwan.
"Ang pangalan ng iyong Master ay Xu Ran at pumasok ako sa Broken Moon Clan hindi kamakailan lang, ngunit hindi ko nagawang abutin ang Ascended Realm bago pa ang edad na 30. Pagtapos noon, ako na ang naging tagapamahala ng mga gawain ng mortal na mundo sa Guanjun Province City…" nilarawan ni Lord Guanjun ang kaniyang nakaraan.
Napagtanto ni Zhao Feng na kahit pa naabot ni Lord Guanjun ang Ascended Realm, na siya ring Holy Martial Path, hindi pa rin niya magagawang maging core member ng Clan.
Pumasok si Lord Guanjun sa Clan sa batang edad at nakagawa siya ng alitan kasama ang isang talentadong bata. Ang isang estudyante ay ipinahiya siya at kinuha pa sa kaniya ang babaeng minamahal niya.
Palagi itong itinatago ni Lord Guanjun sa kaniyang puso at siya ay nagsanay ng mas matindi, ngunit hindi pa rin siya nakahabol sa batang iyon. Sa kasalungat nito, ang distansya sa pagitan nila ay mas lumaki nang lumaki.
Hindi sumuko si Lord Guanjun at kaya naman ginamit niya ang kaniyang mga puwersa upang hanapin ang mga henyo sa bansa.
"Dahil hindi ko makumpleto ang hiling ko na ito, kinalingan kong umasa sa mga henyo ng nakababatang henerasyon dahil ang matatandang henerasyon ay mamamatay at ang hinaharap ay mapupuno ng mga nakababatang henerasyon. Kung ang aking disciple ay maaaring matalo ang taong iyon, magiging tagumpay ito," sa wakas ay sinabi na ni Lord Guanjun ang buong istorya.
Alam ni Zhao Feng na ang batang itinutukoy ni Lord Guanjun ay si Hai Yun Master.
"Bakit pinaiwan ako ni Master at sabihin ang lahat ng ito?" Tanong ni Zhao Feng.
"Dahil masiyado akong maraming nakitang surpresa mula sa'yo, at kaya mong talunin si Bei Moi sa ilang aspeto. Siguro ay mayroon kang sampung porsyento ng pagkakataon upang ayusin ang lahat kasama si Boi Moi sa isang araw," sinabi ni Lord Guanjun nang nakangiti.
Sampung porsyentong pagkakataon?
Hindi ganito ang naisip ni Zhao Feng. Kahit pa masiyadong mataas ang talento ni Bei Moi at lubha siyang kinakabahan, hindi niya naisip na mayroon lamang siyang sampung porsyentong pagkakataon.
"Kung hindi mali ang nakita ko na ang Silver Wall Technique mo ay umabot na sa eighth level. Kung body strengthening ang pag-uusapan, mas malakas ka kay Bei Moi. Kung kaya mong kuhanin ang Nine Twist Golden Wall Technique pagtapos pumasok sa Broken Moon Clan, mas magkakaroon ka ng malaking pagkakataon…"
Pag-asa ang kumislap sa mga mata ni Lord Guanjun.
Nine Twist Golden Wall Technique?
Hindi mapigilan ni Zhao Feng, kundi patunugin ang kaniyang dila, mukhang ang Nine Twist Golden Wall Technique na ito ay ang final evolution ng Silver Wall Technique.
Ang Silver Wall Technique ay isa ng Holy martial art, magiging gaano kalakas ang Nine Twist Golden Wall Technique?
"Halata naman, napakahirap makuha ng Nine Twist Golden Wall Technique. Ito ay isang labis na sikat na skill ng Broken Moon Clan, ang ilang inner disciple ay hindi rin maaaring sanayin ito." Umiling si Lord Guanjun.
Sa pagrinig niyang sabihin niya ito, nalaman ni Zhao Feng na tunay na magiging mahirap kuhanin ang skill na iyon, ngunit gumawa pa rin siya ng desisyon na kuhanin ang skill na iyon ano man ang mangyari, kahit ibig sabihin pa nito ay nakawin ito.
"Master, maaari ko bang subukan ang aking potensyal muli gamit ang bolang kristal?" Biglang tinanong ni Zhao Feng.
Nakaraang pagkakataon, ang marka ni Zhao Feng ay lima at kalahating bilog, na ibig sabihin na siya ay isang half Spiritual body.