Ang Bloody River ng Abyss ay mahinahong dumadaloy, at dahil sa isang miteryosong ritwal ng Demon Lord, pataas ang daloy ng ilog na ito at patungo sa Upper Planes
Si Marvin na nagpanggap bilang isang Demon, ay hindi hindi alam na napasok niya ang isang Demon Army na sinasalakay ang Feinan hanggan sa makita niya ang Abyssal Gate na nasa kanyang harapan at nakita ang isang pamilyar na kagubatan sa kanyang harapn/
'Ito ay… Feinan?!'
Kuminang ang mat ani Marvin.
Kalahating buwan na siyang nagpalutang-lutang sa Abyss at naghahanap ng paraan para makabalik sa Feinan.
Pero dahil sa pagtugis sa kanya ng mga God, kailangan niyang itago ang kanyang awra. Dahil hindi na niya kasama ang Eternal Time Dragon, hindi makapaglagbay si Marvin patungo sa mga plane nang mag-isa. Ang tanging Teleportation Point na nagawa niyang puntahan ay patungo sa White River Valley, pero noong unang beses niya itong sinubukan, napansin siya ng mga Great God at muntik nang mapagtulungan nina Grant At Anubis.
Para kay Marvin, bukod sa pagharap sa Three Great Gods at sa mga Anient God, wala siyang kinatatakutang kahit na sino. Sumasakit lang ang ulo niya kakaisip kung paano tatalunin sina Grant at Anubis.
Kung wala si Tiramisu, sadyang hindi niya kakayanin ang mga God na ito.
Dahil sa wala siyang balita tungkol sa Eternal Time Dragon, wala siyang ibang aasahan kundi ang kanyang sarili para makabalik sa Feinan.
Noong mga oras na iyon, ginamit niya ang kanyang Fate Imprint para subukang tawagan si Jessica at humingi ng tulong, pero laking gulat niya na hindi na gumagana ang Fate Imprint na nasa kanyang katawan.
Ang kanyang awra bilang Child of the Plane ay nawala na rin.
May hinala naman si Marvin sa ilang mga bagay
Dahil umabot na sa ganito, wala siyang magagawa kundi gamitin ang kanyang Fae Sorcerer Disguise para maging isang maliit na Demon.
Matapos ang kalahating buwan nang pakikisalamuha at pagpalipat-lipat, sa wakas ay isinama siya ng isang grupo ng matipunong mga Demon at isinama sa Blood River.
Si Marvin na pamilyar na pamilyar sa Abyss, ay alam na ang ganitong sitwasyon ay dahil sa isang Demon Lord na naghahandang maglakbay patungo sa isang Upper Plane.
Lalo pa at hindi biro ang pag-akyat sa Blood River. Ang Bottomless Abyss at ang Nine Hells ay nasa parehong level, kaya hindi na kailangan dumaan sa Blood River para makaabot sa kanila. Kaya naman, dahil sa nag-abala pa ito siguradong isa sa mga Upper Plane ang pinupunterya nito.
Kahit ang Prime Material Plane pa ito o ang mga Secondary Plane, handang sumama at pumunta si Marvin sa mga lugar na iyon.
Kahit papaano ay mas mapapalapit na siya sa kanyang tahanan.
Pero hindi niya inakala na ang ganito kapanganib na paglalakbay ay maganda pa ang kalalabasan!
Ang kanyang byahe pabalik sa Feinan mula sa Abyss ay tatlong araw lang ang inabot!
Isa pa, napansin niya ang maraming mga Sorcerer mula sa Lavis at mga Great Druid mula sa Migratory Bird Council na magkakasama.
Nakita niya si Old Ent sa Bridgehead, pati na ang Celestial Deer.
"Sa wakas, nakabalik na ako!"
Kinaawaan na siya ng kalangitan. Sa kalahating buwan na ginugol niya sa pananatili sa Abyss, ilang beses nang sinumpa ni Marvin si Tiramisu.
Biglang napapansin ng isang Demong Overseer ang paglabas ng isang maliit na Demon kahit na wala pa itong inuutos. NAbwisit ito at inilabas ang kanyang latigo para turuan ito ng leksyon.
Pero dumaong na ang barko. Sa utos ng Demon Lord, ang hukbo ng mga Demon ay sumugod na nagdulot ng isang napakalaking kaguluhan. Natangay naman ang Demon Overseer at nawala na sa kanyang paningin ang maliit na Demon na nais niya sanang parusahan.
…
Umuusad naman si Marvin sa gitna ng kaguluhan.
Narananasan na niya ang kaguluhan ng mga Demon. Ang pagsugod sa isang labanan ay isang bagay na labis nilang ikinatutuwa. Walang disiplina ang mga ito, at isang bagay na kapuri-puri lang sa mga ito ay ang kanilang lakas ng loob at napakadali ring itaas ng kanilang moral. PEro kumpara sa mga Devil, sadyang mas magugulo ang mga ito.
Mayroong higit isang daang libong Demon ang dala ng Blood River!
Nakakatakot ito para sa kakaunting populasyong natitira sa Feinan.
Sa isang daang libong Demon na ito, ¾ sa mga ito ay maliliit na Demon na gaya niya, malamang ay pinilit lang ang mga ito.
Ang mga maliit na Demon ay mayroong lakas na maikukumpara sa isang pangkaraniwang Farmer, at wala silang kakayahan sa pakikipaglaban. Kaya lang nilang manggulo.
Pero ang ¼ sa mga ito ay malalakas na mga Demon.
'Ang Supreme Jungle ang pakay nila?'
Mabilis ang naging reaksyon ni Marvin. Makikita na sa estado ng depensa ng Migratory Brid Council, masasabing matagal nang nagsimula ang laban.
Pero sa pagdating ng mga Demon na ito, hindi magtatagal ay tutunog na ang trumpeting hudyat ng pagsalakay ng Abyss.
At gaya ng inaasahan, sagitna ng agos ng mga Demon, walang umabala kay Marvin habang siya ay nagpapanggap na isang maliit na Demon.
Ginagawa ng mga Demon Overseer ang lahat ng makakya nila para utusang manatili sa hanay ang mga maliliit na Demon pero wala itong silbi.
Matatagalan pa bago maisama sa hukbo ng Abyss ang mga maliliit na Demon na ito.
Pero hindi maiiwasan ang digmaan.
Ang pwersa ng mga Druid ng Migratory Bird Council ay nasa tatlong libo lang.
Isang daang libo laban sa tatlong libo… napakalaki ng pagkakaiba sa kanilang bilang.
Kahit na napakaraming Great Druid ng Supreme Jungle, mayroon ding mababagsik na LEgen Greater Demon ang mga Demon
Mukhang hindi magtatagal ay babagsak ang Supreme Jungle.
Tiningnan ni Marvin ang pares ng mga atang lumulutang sa kalangitan na pinapanuod ang laban na ito.
Ang bawat pares ng mata ay kumakatawan sa isang God!
'Nakapag-descend na ang mga God?'
'Ano na kayang nangyari sa White River Valley? Dahil buhay pa ako, siguradong hindi sila mangangahas na atakihin ang White River Valley.' Pumasok ang pagkabahala sa puso ni Marvin.
Pero ang pinakamahalagang bagay ngayon at kailangan niyang tulungan ang Supreme Jungle sa krisis na ito.
Kailangan ito dahil ang ika-limang pahina ng Book of Nalu na [Redemption], ay matatagpuan sa Fallen Star Field, at mga Great Druids lang ang makakapunta sa lugar na iyon.
Ito ay dahil iisa lang ang daan papasok ng Fallen Star Field, ang Green Sea Paradise. Sinasabi na ito ang hardin ng Ancient Nature God.
Isang daang libong mga Demon… Kung dati ito, maaaring matakot pa si Marvin.
Pero ngayon ay mayroong na siyang lakas ng isang Plane Guardian!
Tinatawag silang Plane Guardian dahil mayroon silang lakas para protektahan ang kanilang plan!
'Ang mga matang 'yon na lang ang problema.'
'Kaulangan mabilis kong matapos 'to bago ako mahanap ng mga Scout na 'to at makapagbalita sa kanilang mga God!'
Alam ni Marvin na ang mga matang ito ay hindi nakatuon sa kanya. Sadyang naghihintay lang ang mga ito na may makuha pagkatapos ng laban na ito. Sa oras na masakop na ng Demon Army ang Supreme Jungle, maaaring ipadala ng mga God ang kanilang mga tauhan para agawin sa mga Demon ang kalupaan na ito.
Pero masama ang tyempo ng pagbabalik ni Marvin dahil sa presensya ng mga Demon at ng mga God.
Kapag kumilos siya, siguradong mapapansin siya, at kapag nangyari iyon, kahit ang Cloak niya ay mawawalan ng silbi.
Ayaw naman harapin ni Marvin sina Grant at Anubis nang wala si Tiramisu.
'Mukhang kailangan kong gamitin ang Artifact na 'yon….'
'Mabuti na lang, sa tagal kong nanatili sa Abyss, nakapagpahinga na 'to.'
Nagpabalik-balik ang anino ni Marvin sa Demon Army, tahimik na naghahanda.
….
Paglipas ng kalahatin oras, wala ng mga Demon ang lumalabas mula sa Blood River, pero hindi pa rin sumasara ang Abyssal Gate.
Isang malaking hukbo ng mga Demon ang nakatipon-tipon sa labas ng Supreme Jungle.
Umalingawngaw ang tunog ng mga trumpeta sa buong kalupaan!
Si Marvin, na pamilyar sa mga patakaran ng Abyss, ay alam na ito na ang hudyat para umatake@
Sa Bridgehead Stronghold, mabagsik ang reaksyon ng mga Great Druid.
"Laban! Mga Children of Nature…"
Marubdob na sumigaw si Old Ent na nasundan ng isang awra na nagbigay sa kanila ng lakas, Nag-iinit na ang dugo ng mga batang Druid!
Noong oras na iyon, nagulat ang lahat nang makita may isang matinding kadiliman ang bumabalot sa buong Demon Army!
Bumalot ang kadiliman.