Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 730 - Revelation

Chapter 730 - Revelation

Kilalang lugar ang Ghost Town.

Kahit sa walang hanggang Abyss, isang bangungot ang lugar na ito para sa maraming Demon. Kahit ang mga makakapangyarihinang Demon Lord ay baka matakot dahil sa nakakatakot na awra ng lugar na ito.

Sinasabing isang True Demon ang nakatira sa Lugar na ito.

Pero alam ni Marvin na hindi isang nakakatakot na Demon ang nakatago doon, kundi isang pahina ng Book of Nalu at ang kamalayan nito!

Sinasabing ang lahat ng lumalapit sa bayan na ito ay aakitin ng isang kakaibang kapangyarihan at sa huli ay mapupunta sa isang nakakatakot na lugar.

At iyon ay ang Evil Street.

Walang magandang paglalarawan sa Evil Street, dahil wala pang nakakalabas dito nang buhay.

Tumama kay Marvin ang malamig na hangin nang pasukin niya ang Ghost Town. Para bang siya ay nasa Extreme Cold Hell.

Walang katao-tao sa buong bayan.

May ilang pag-alulong na nagmumula sa kaibuturan ng bayan paminsan-minsan!

Napansin ni Marvin na karamihan sa kanyang mga ability ay hindi niya maaaring magamit, kasama na dito ang Endless Path.

Limitado rin sa isang daang metro ang kanyang Perception.

Sunundan niya ang mga alulong at kalaunan ay may nakita itong Demon pagliko sa isang kanto!

Winawakwak nito ang sarili nitong tiyan!

Tiningnan ni Marvin ito at napansin ang isang mukhang tumatawa nang malakas.

At ang mukhang iyon ay kamukhang-kamukha ng Demon!

"Isang ilusyon?" Sumimangot si Marvin. At kahit na nawala na sa kanya ang System, at hindi makita ang eksaktong impormasyon, nagkaroon na siya ng kakayahan na magproseso ng impormasyon na arang kopyuter dahil sa kanyang Wisdom Ability, False Divine Vessel, at Night Ring.

Mukha hindi ito isang ilusyon.

Mukhang kakapasok lang ng Demon na ito. Tila nawala na ito sa katinuan at nabaliw na lang.

At dahil sa kabaliwan, pinatay na nito ang kanyang sarili.

Bago mamatay, tila napansin ng Demon si Marvin at tiningnan ito nang masama.

Sa isang iglap, naramdaman ni Marvin na parang mayroong pumasok sa kanyang katawan.

Hindi niya mapigilang tumingin pababa, at nakita niya ang isang mukhang kamukhang -kamukha niya at nakangiti ito nang masama sa kanya!

"Walang kwenta," panunuya ni Marvin. Matagal nang umabot sa mataas na level ang kanyang willpower, at wala nang epekto sa kanya ang mga taktikang ganito!

Isa pa alam niyang ang lahat ng ito ay dahil sa Book of Nalu!

Kusa namang nabuhay ang Wisdom Chapter sa kanyang katawan at napasigaw na lang ang mukhang iyon kasabay ng pagsabog nito sa isang maliwanag na ilaw saka ito nilamon ng Wisdom Chapter.

Sa katunayan, imbis na nilamon ay mas bagay ang pagsanib nito sa Wisdom Chapter.

Matapos makakuha ng kumpirmasyon ni Marvin mula sa Earth Sovereign na ang Wisdom god at ang God of Deception ay iisa, naging mas maingat na siya sa relasyon sa pagitan ng Wisdom Chapter at ng Book of Nalu.

Napansin niyang ang kapangyarihan ng dalawang ito ay isa lang ang pinagmumulan.

Pero bakit kinailangan gawin ito ng Wisdom God?

Ang nakalagay sa Book of Nalu ay nagpapatunay na kakampi siya ni Lance.

Sumasakit naman ang uli ni Marvin dahil dito.

Ang God of Deception at ang God of Wisdom, at ang isa sa kanila ay isa lang persona.

Alin ang paniniwalaan niya?

Habang palalim nang palalim ang pagpasok niya sa Ghost Town, marami pang nakitang Demon si Marvin.

Maraming nilalang ang inakit papasok dito para gawing pataba, at ang karamihan sa mga ito ay nakakulong sa mga ilusyon.

Ang lahat ng narito ay kalaban ang kanilang sarili, Marami sa mga ito ang pinatay ang kanilang sarili, at mas marami pa sa mga ito ang kumakalaban ng nilalang na kamukha nila. Wala pang lumalabas na buhay.

Nakakulong na rito ang kanilang mga kaluliwa, pinapaulit-ulit ang kanilang mga pagkilos, ito ang dahilan kung bakit mapanglaw ang kapaligiran.

Kahit maraming nalalaman si Marvin, nakaramdam din siya ng kilabot nang makita niya ang napakaraming Demon na dumaranas ng ganitong pagdurusa.

Nararapat lang na ituring na isa sa mga pinakamisteryosong bagay sa mundo ang Book of Nalu. Mahirap isipin na ang Artifact na ito na may masamang reputasyon ay nanggaling sa napakabuting God of Wisdom.

Walang nagawa laban sa kanya ang pahinang ito ng Book of Nalu dahil sa proteksyon ng Wisdom Chapter.

Sa wakas, nakakita na siya ng anino sa gitna ng isang maliit na bayan, ang dulo ng Evil Street.

Namumukod tangi ang aninong ito, hidni ito isang Demon, mukha itong Human.

Mararamdaman din ang presensya ng buhay nito.

Sa tantsa ni Marvin, ang aninong ito lang ang nilalang sa lugar na ito na mayroong awra ng buhay. Ang mga Demon ay tila mga laruan lang na kontrolado ng isang itim na kapangyarihan.

Ang aninong ito ay nasa plasa ng bayan.

Pigura ito ng isang matandang lalaki, mayroon itong krus sa kanyang harapan at nakaluhod siya rito, hawak ang isang pahina sa kanyang kamay habang mayroong binibigkas na chant.

Dahan-dahan na lumapit si Marvin.

Isa nga itong Human, at may itsura ito.

Base sa kanyang kasuotan, mukhang isa itong Priest, o isang relihiyosong tao.

"Hindi ko inasahang may makakapaglakad sa Evil Street gamit lang ang kanilang sariling willpower."

Tumigil sa pagbigkas ng chant ang lalaki at tumingala para tinginan si Marvin. "Pwede mob a akong tulungan makaalis?"

Maingat na nagtanong si Marvin, "Sino ka? Bakit ka nandito?"

"Isang bangungot ang lugar na 'to, at tanging ang pinakamatatag na mananampalataya ang mabubuhay dito," magalang na sagot ng matanda. "Sinasagawa ko ang misyon ng aking God, pero nakulong na ako rito dahil sa kapabayaan ko. Mabuti na lang at sinamahan ako ng pahina ng Revelations na ito. Kundi baka nagawa na ko sa mga Demon na napasailalim ng isang hindi malinaw na kapangyarihan."

"Revelations?" Tanong ni Marvin habang nakakunot ang kanyang kilay.

Tumango ang lalaki. Nagmula ako sa Norvik Plane para iligtas ang kaluluwa ng mga Demon na ito sa ngalan ng aking God. Sa kasamaang palad, isang kalamidad ang nangyari maraming taon na ang lumipas at ginawang isang napakasamang lugar ang bayan na ito. At dahil hindi sapat ang kapangyarihan ko, hindi ako makatakas mula sa patibong na 'to. Ibinigay sa akin ng aking God ang pahinang Revelations na ito, kaya pasensya na hindi ko pwedeng ipakita ito sayo."

"Nagawa mong makapunta rito nang mag-isa, at hindi ka nakontrol ng masamang espiritu. Sapat nang patunay 'to n amalakas ka. Matutulungan mo ba ako?"

"Gagawin ko ang lahat para makabawi sayo."

Mukahng tapat naman ang lalaking ito.

Lumapit si Marvin.

Inilabas niya ang kanyang dagger, at pinugutan ng ulo ang lalaki!

Walang sumirit na dugo at tanging isang pahina ang lumutang pababa.

Iniabot ni Marvin ang kanyang kamay at parehong lumabas ang Book of Nalu at Wisdom Chapter!

Agad na hinigop papasok ang bangkay ng lalaki!

Sa isang iglap, ang kakaibang kapangyarihang bumabalot sa paligid ay nawala!

Mahinahon at nakangiting hinawakan ni Marvin ang bagong pahinang lumitaw sa Book of Nalu.

"Hindi ko inakalang aabot sa ganitong level ang ispiritwalidad…"

"Sa kasamaang palad, maraming butas ang kwento mo. Hindi mo na lang sana ginamit ang salita Revelations."

"Lalo pa at alam ko ang pangalan ng ika-apat na pahina ng Book of Nalu."

Habang tinitingnan ni Marvin ang Book of Nalu, na dalawang pahina na lang ang kulang, nakikita ni Marvin na nasa pwesto na nito ang ika-apat na pahina.

Ang [Revelations].

Sa pahinang ito ay nakaguhit ang isang makatotohanang lalaking nakaluhod sa ilalim ng krus.