Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang pagbagsak ng isang God Realm ay malawak ang magiging epekto sa mga nakapaligid dito.
Kadalasan, kapag namatay ang isang God, mayroong isang Great God o Ancient God na mangangasiwa dito para siguraduhing maayos ang pagbagsak nito.
Sa kasalukuyan, tanging ang Ancient Moon Goddess lang at ang Ancient Truth Goddess ang nasa Astral Sea.
Mayroong tatlong Great Gods, pero bukod sa War God at God of Dawn and Protection, na umalis para tugisin si Marvin, ang isa pang God ay sinasabing nasa Wilds pa rin – sa Primal Chaotic Fringe kaya hindi wala siya sa God Realms sa ngayon!
Dahil ang dalawa pang Great Gods ay nasa Elemtal Plane of Earth, wala nang magagawa tungkol sa gumuguhong God Realm.
Walang nag-akala na sunod-sunod mamamatay ang tatlong God nang ganoon kabilis!
Tatlong God Realm ang gumuguho, at dahil sa pwersa ng Astral Plane, nagsimula na itong gumuho, lumiliit na ito at hinihigop ang lahat ng nasa kapaligiran nito!
Kung hindi sapat ang mga makapangyarihang God para pangasiwaan ito, mas lalala ang sitwasyon.
Pero ang nakakahiya dito, hindi sapat ang bilang ng mga God na nasa ganoong level!
Si Faniya at Molly lang ang naroon, dalawang Ancient God.
At ang namatay na God ay tatlo!
Anong magagawa nila sa ikatlong God Realm na gumuguho.
Natatakot ang lahat, lalo na ang mga God na malapit ang kanilang God Realm sa Dream Realm.
Sa pagkakataong ito, isang pagbabago ang nangyari sa kalangitan!
Ang anino ng War God ay biglang lumitaw sa God Realms!
"Tumabi kayo, paparating na ko."
Makikita ang galit sa mukha nito na para bang mayroon itong hindi magandang pinagdaanan.
Agad naman sumunod ang lahat ng God at tumabi ang mga ito. Walang nangahas na dumagdag pa sa galit ng War God.
Kahit ang mga God na kasamahan ng God of Dawn ang Protection ay hindi naglakas loob na lumapit at magtanong sa kalagayan ni Anuba.
Lalo pa at, limang God ang nagtungo sa Elemental Plane of Earth at ang tatlo sa mga ito ay namatay!
Sa huli, nagmadaling bumalik ang War God para ayusin ang problemang ito sa God Realm. Gaano kaya katindi ang naging laban?
Masyado bang malakas ang Dragon?
Mas lalong natakot ang mga God.
Bago masira ang Universe Magid Pool, pinaghaharian pa nila ang mga kalangitan.
Hindi nila pinapansin ang ibang mga nilalang sa Universe, at nagpakasasa sa walang hanggang kapangyarihan.
Pakiramdam nila ay walang sino man ang makakatalo sa kanila sa buong Universe.
Pero magmula nang mawasak ang Universe Magic Pool, nagbago na ang lahat.
Ang mga Plane Guardian ng Feinan, si Eric na nasa katawan ng Astral Beast, ang napakalaking halimaw na dumating… at pati ang ilang powerhouse ng Feinan…. Nabahala sila dahil sa lahat ng ito!
Si Dark Phoenix ay namatay dahil kay Marvin.
Ang Berserk God ay namatay dahil kay Kangen.
Ang War God ay tatlong beses na sinampal ng isang batang Dragon!
Ngayon lang nangyari ang lahat ng ito.
At ngayon, tatlong malalakas na God ang sunod-sunod na namatay, kaya naman gumuguho na ang kanilang mga God Realms!
Isa itong malaking delubyo para sa God Realms!
Waala silang magawa kundi mapaisip: maaaring noon ay sila ang pinakamalalakas, pero marahil hindi na ngayon…
Pinalakas sila ng mga Fate Tablet Fragment, pero nalimitahan rin sila ng mga ito!
Magmula noong 3rd Era, hindi na ganoong nagkaroon ng progreso ang mga powerhouse na ito na nag-ascend.
Ito rin ang dahilan kung bakit pinili nilang atakihin ang Universe Magi Pool.
Kapag nawala ang dahilan ng isang nilalang para magsikap at lumaban, tila mga bangkay na lang na walang hangarin sa buhay ang mga ito.
Pero habang walang nagbabago sa kanila, maraming nilalang sa Universe ang patuloy na lumalakas.
Maging ang mga Plane Guardian man ito at ang kamuhi-muhing si Marvin na kailan lang sumikat, ang mga taong ito ang nagpapaalala sa kanila na ang Feinan ay hindi na katulad nang dati.
Kapag bumalik sila sa dati nilang tahanan, hindi na sila ang makapangyarihang mga powerhouse tulad dati, at ang mga kalaban nila ay mga batang puno ng potensyal!
…
Ang kadiliman ng Elemental Plane of Earth ay dahan-dahang napunta sa iisang lokasyon.
Binawi na ng may-ari nito, na si Marvin, ang Eternal Night Kingdom
Sabik na sabik pa rin ang Sodom's Blades. Napilitan si Marvin na gumamit ng lakas para pigilan ang matiding kagustuhang pumatay ng sandatang ito.
Ang sunod-sunod na pag-patay sa mga God ay isang bagay na hindi kapani-paniwala, kahit para sa mapusok na si Marvin.
Idagdag pa na ang tatlong God na ito ay mayroong matinding galit kay Marvin.
Noong mga oras na iyon, saka niya lang napagtanto na naging ganito na pala siya kalakas.
Kahit wala na sa kaya ang System, siya pa rin ang pinakamalakas na tao sa Feinan.
Ang lahat ng ito ay dahil sa False Divine Vessel na nakuha niya mula sa Fairy ng Nightmare Boundary, pati na sa Fate Tablet na nagbibigay sa kanya ng walang hanggang daloy ng kapangyarihan!
Kung lumaki ang kanyang katawan, marahil ay maging kasing lakas siya ng isang Astral Beast; isang bagay na hindi pa nangyayari sa kasaysayan ng Fienan.
Bagay na bagay ang pinakamataas na level ng Ruler of the Night sa Shadow Domain, at dahil sa Eternal Night Kingdom at sa Sodom's Blades, naging isang tunay na God Slayer si Marvin!
Tulad ng Bloody Emperor!
'Kaya naman pala kinatatakutan ng mga God ang pangalan na Bloody Emperor…'
'Dinisenyo talaga ang Slaughterer Imprint para sa pagpatay ng mga God!"
Malumanay na hinimas ni Marvin ang Sodom's Blades, at napabuntong hininga.
Siguradong itinuturing ng mga God ang mga curved dagger na ito na puno ng masamang intensyon bilang pinakanakakatakot na sandata sa mundo, Nang mapatay niya si Dark Phoenix, kinailangan niyang patayin ito ng hindi bababa sa 30 beses para magtagumpay.
Noong mga panahon na iyon, gamit pa niya ang Azure Leafs na nakuha niya sa Great Elven King na si Nicholas.
Kung hawak na niya ang Sodom's Blades noon, siguradong natalo niya si Dark Phoenix nang walang kahirap-hirap.
Dahil sa pagbawas ng enerhiyang maaaring gamitin sa pagpapagaling ng bawat Imprint, na kinakalahati rin ang bilang ng Resurrection na maaaring gamitin… sadyang nakakatakot ito para sa mga God!
Matapos mamatay ang tatlong God, natural lang na bumalik ang kanilang mga bangkay sa kanilang God Realm, at wala nang gana pa si Marvin na tingnan o pigilan ito.
Habang binabawi niya ang Eternal Night Kingdom, biglang lumitaw din si Tiramisu. "Tapos na!"
"Mukhang hindi ka natagalan ah!" Sagot ni Marvin.
Umikot ang mata ng Dragon at ang lahat ng nangyari sa dito ay napanood niya.
"Dinala ko ang Grant na 'yon sa Time Maze, kaya mayroon tayong kinse minuto. Habang ang War God naman …. Nakipaglaro ako ng taguan sa kanya panandalian. Pero dahil sa dami ng God na napatay mo, kinailangan niyang bumalik sa God Realms para asikasuhin ang kaguluhan doon."
"Kailangan nating samantalahin ang oras na 'to para hanapin ang pahina na kailangan mo!"
Tumango si Marvin.
Hindi na nag-alinlangan ang dalawa at agad na pumasok sa Collapsed Earth.
…
Sa bahaging ito ng Elemental Plane of Earth, tila naiiba ang Collapsed Earth.
Ang ibang lugar ay puno ng nagliliparang buhangin, pero mahinahon ang lugar na ito.
Walang hangin, ang lupa ay medyo maitim, at mayroong mga bitak na nagpapakita ng Time Aura at Space Aura
Mga Spatial Crack ang mga ito.
Matapos pumasok sa Collapsed Earth, mayroong napansin si Marvin na makapangyarihang awra.
Binilisan nila ni Tiramisu ang pagkilos.
Pero nang dumaan sila sa pagitan ng dalawang bundok, isang malaking bato ang biglang bumagsak mula sa itaas!
Kasabay ng pagbagsak nito, nagbago ang anyo nito at naging malaking paa sa ere, walang habas nitong inapakan si Tiramisu!
Tiningnan ni Marvin ang kakaibang bato at namutla.
"Earth Sovereign?"