Sa Nature God Realm, sa wakas ay nahanap na ni Marvin ang daan papasok sa World Tree.
Ito ay gaya ng inaasahan niya.
Kahit na sinarado ng mga God ang mga daan palabas ng God Realms, konektado ang World Tree sa buong Universe kaya ito ang pinakamagandang daan para makaalis.
Pero may isang bagay silang hindi inasahan.
Higit pa sa kanyang inasahan ang kakayahan ng tatlong Great Gods sap ag-kontrol ng World Tree!
Ang daan papasok ng World Tree ay naka-seal.
Hindi dapat ito posibleng mangyari.
Pero nangyari na.
Ibig sabihin, hangga't hindi tinatanggal ng Geat Gods ang World Tree Imprint, hindi makakapasok sina Marvin at Tiramisu sa World Tree.
Malinaw na, kung tanging mga New God ang naroon, hindi nila ito magagawa.
Sa tantsa ni Marvin, maaaring may kinalaman dito ang Truth Goddess o ang MoonGoddess.
Kung walang tulong mula sa isa sa mga Ancient God, hindi nila mapapanatili ang ganito kalalim na pag-kontrol sa World Tree Imprint, at siguradong hindi nila magagamit ang God Realm ng Ancient Nature God.
Pero dahil umabot na sa puntong ito, walang magagawa si Marvin kundi humanap ng paraan para harapin ang problemang ito, kung hindi, mananatili silang nakakulong sa God Realms at hindi sila makakalabas.
"Mayroon ka bang paraan para mabasag gn seal ng World Tree Imprint?" Mahinahong tanong ni Marvin.
Naglakas loob lang si Marvin na gumawa ng gulo sa God Realms dahil alam niyang nasa lkod niya si Tiramisu. Sayang naman kung hindi niya pa sasamantalahin ang mga ability ng Eternal Time Dragon.
At hindi pa naman siya binibigo ni Tiramisu. Nagawa nitong malusutan o alisin ang depensa ng lahat ng mga God.
Nagawa pa nga nitong maipasok si Marvin sa Ancient Nature Realm.
Pero sa pagkakataon na ito at sa kauna-unahang pagkakataon, umiling ang Dragon.
Mabigat na nagsalita si Tiramisu, "Iyan ang World Tree Imprint, sinasabing ginawa 'yon mula sa kauna-unahang nabubulok na ugat ng World Tree, at kaya nitong isarado ang daan papasok at palabas ng buong God Realms."
"Ang pinakamahalagang katangian ng World Tree ay hindi ito nasasakop ng mga Time Law. Sa madaling salita, walang silbi dyan ang kapangyarihan ko sa Time Law."
"Hindi ko 'yan mabubuksan nang mag-isa."
"Pero basta gumagalaw nang bahagya ang kanilang World Tree Seal, o kailangan nilang maglipat ng kaunting lakas sa isa pang lokasyon, kaya ko siyang magawan ng paraan."
Nang marinig ito, sandaling nag-isip si Marvin saka ito nagkaroon ng ideya.
…
Ang mga God ay naghihintay pa rin sa labas ng Nature God Realm.
Habang naghihintay sila, nagiging iritable na at nababalisa na ang mga ito.
Isa-isang umalis ang mga God, at marami sa kanila ay hindi maipinta ang kanilang mukha.
Pakiramdam nila ay nagmumukha silang tanga dahil sa paghihintay at pag-asang magkakaroon sila ng pagkakataon na makuha ang Fate Tablet.
Walang makakapagsabi kung pinaghandaan itong mabuti ni Marvin. At walang nakakaalam kung gaano katagal silang maghihintay lang sa loob.
Maaaring nakalabas na rin ang Eternal Time Dragon kasama ni Marvin.
Kung nasa loob pa rin ito, hindi naman ganoon kasama ang kanilang sitwasyon. Pero masyadong abala ang mga God. Abala sila sa pagbuo ng kani-kanilang mga Secondary Plane, sa pagpapalawak ng kanilang God Realm, pati na ang paghahanda nila para sa pag-descend sa Feinan. Nasasayang ang kanilang oras sa paghihintay.
At kung nakatakas na nga ito, mas malala pa ito. Kapag kumalat ang balita tungkol dito, kahit pa Eternal Time Dragon ang kanilang kahrap, magiging isang malaking katatawanan ang mga God.
Unti-unti nang umalis ang ga God, pero iilang God pa rin ang sumunod sa tatlong Great God at nanatili sa labas ng Ancient god Realm, nagmamasid.
Paglipas ng ilang oras, nagsalita ang God of Dawn and Protection, "Sa katunayan, hindi natin kailangan pagtuunan ng atensyon lahat si Marvin."
"Tahanan natin ito, at kung maglalakas loob sina Marvin at ang Dragon na lumabas, kakailanganin natin ng isang Great God para kumilos at pigilan sila."
"Pwede tayong magsalit-salitan sa pagbabantay."
Pagkatapos banggitin ito, tumingin ito sa War God.
"Magsasalitan?" Panunuya ni Anubis. "Grant, plano mong hintayin nang mag-isa si Marvin para masarili mo ang Fate Tablet?"
"Kaya ano mang mangyari, hindi ako aalis! Hindi ako aalis hangga't hindi ko nababalatan nang buhay ang Dragon na 'yon!"
Nag-iwan ng malaking lamat sap ag-iisip ni Anubis ang tatlong sampal sa kanya ng Dragon.
Kilala siya bilang War God. Ngayon lang siya napahiya nang ganito!
Hinding-hindi niya ito malilimutan.
Nang marinig ito, ang laging kalmadong si Anuba Grant ay bahagyang nagalit. Suminghal ito at saka ito gumawa ng avatar para makatulong sa pagbabantay saka ito umalis.
Ilang mga God din ang sumunod kay Anuba Grant sap ag-alis.
Walang emosyong pinagpatuloy ng avatar ang pagbabantay sa lugar na iyon.
"Pagkakataon!"
Ang dalawang ito na gumagamit ng Time Boundary para mapanuod ang mga pangyayari sa labas ng Nature God Realm ay biglang nabuhayan!
Masyadong mapanganib kung kikilos sila laban sa dalawang Great God na naroon.
Nagawa lang sampalin ni Tiramisu ang War God sa kaibuturan ng Universe, pero ngayon ay nasa God Realms na sila!
Kahit na isa siyang Eternal Time Dragon, dahil sa kakayahan ng World Tree Imprint na pigilan ang Time Domain ng gamit ang World Tree, maaaring pahirapan siya hanggang sa mamatay siya ng War God!
Ito ang tahanan ng mga God, kaya kailangan nilang mag-ingat.
Pero dumating na ang pagkakataon na hinihintay ni Marvin. Ang isa sa mga God ay nagdesisyong umalis!
At sa mga God na ito, si Anuba Grant lang ang nakaka-alam ng tungkol sa True Shadow Skill ni Marvin.
Maaaring alam ng iba na mayroong avatar si Marvin pero hindi nila alam na kasing lakas ito ng kanyang pangunahing katawan.
"Tulungan mo kong siyasatin ang avatar na iniwan ng God of Dawn and Protectio," pabulong na sabi ni Marvin.
Suminghal ang Dragon at ginamit ang kanyang innate ability para kumilos.
…
Sa labas ng Nature God Realm, ang mga natirang God ay nakakaramdam na ng pagkabagot.
Pero noong oras na iyon, biglang suminghal ang War God, "Sa wakas, hindi ka na makatiis?"
Walang naging reaksyon ang avatar ng God of Dawn ang Protection, dahil noong oras na iyon, lumabas si Marvin sa likod ng kabilang dako ng God Realm!
Isa itong magandang Angulo na pinili ni Marvin!
Nakikita ito ng War God pero limitado ang avatar ni Anuba Grant at hindi siya napansin nito.
Bago pa ito may magawa, galit na umatungal ang War God at ginamit ang World Tree Imprint para magpadama ng pwersa sa kanyang direksyon.
"Sandali!" Sigaw ng Avatar ni Anuba Grant. Ang mga God na nasa malapit ay lumingon at tiningnan ang World Tree Imprint na naging amber at nilamon si Marvin!
Pero sa sunod na sandali, ang Marvin na nilamon ng Marvin ay naging usok!
"Paano nangyari 'to?" Nagulat ang War God. Sigurado siyang si Marvin iyon dahil naramdaman niya ang kapangyarihan ng isang Plane Guardian mula ditto!
Sigurado siyang hindi iyon isang avatar!
"Anong nangyayari?" Napasigaw sa gulat ang War God.
Nang makalapit ang avatar ni Anuba Grant seryoso itong nagpaliwanag, "Mayroong Avatar si Marvin na kasing lakas niya. Sa ngayon, tapos na ang laban."
"Nakaalis na sila!"
Winagayway niya ang World Tree Imprint at nakita nila ang sitwasyon sa loob ng World Tree.
Nakalabas na si Marvin at Tiramisu sa World Tree nang iderekta ng War God ang kapangyarihan ng Imprint sa avatar ni Marvin. Mabilis silang nagtungo sa dilaw na dahon!
"Saan sila pupunta?" Pagtataka ng mga God.
Bumulong ang Avatar ni Grant, "Sa Elemental Plane of Earth."
"Sa Collapsed Earth."