Maraming misteryosong lugar sa God Realms at marami ring madidilim na lugar.
Pero mayroong isang lugar na matagal nang nakalimutan na ng lahat.
At iyon ang God Realm ng Ancient Nature God.
Pinili ni Marvin ang lugar na ito dahil sa tatlong dahilan:
Una, dahil sa nagawang pagnakawan ng Shadow Prince ng Nature Power ang Nature God, malamang ay sa tagal ng natutulog ito kaya ni hindi nito napansin na mayroong nagnanakaw ng kapangyarihan niya. Kung tutuusin, parang patay na ito.
Ikalawa, kung ganoon nga, ang God Realm ng Ancient Nature God ay buo pa rin dahil hindi lang ito nakadepende sa kapangyarihan ng Ancient Nature God, kundi pati na rin sa World Tree. Ang World Tree ang nagkokonekta sa lahat ng plane ng Universe. At kahit na ang World Tree Imprint ay hawak ng tatlong Great God, at gamit ito ay nasara nila ang God Realms, mayroon pa ring daan palabas ng God Realms sa pamamagitan ng God Realm ng Ancient Nature God.
Ikatlo, ang God Realms ng Ancient Naure God ay isang lugar kung saan hindi makakapasok ang ibang mga God. At dahil kay Tiramisu, bukod sa kulungan na iniwan ni Bacon, wala nang lugar sa Universe na hindi kayang pasukin ni Marvin!
Naramdaman ng Plundering Duo na magandang plano ito kaya agad silang nagtungo sa God Realm ng Ancient Nature God.
Noong una ay parang bata mag-isip si Tiramisu. Nagkaroon na ito ng magandang relasyon kay Marvin, at nang makita nito ang Fate Tablet sa katawan ni Marvin, kahit na mukhang sarili lang nito ang tinutulungan nito dahil sa mga benpisyong nakuha niya, mas nakatuon ang atensyon nito sa pagtulong kay Marvin na makakuha ng karagdagang lakas.
Pero hindi niya ito sinabi.
Lalo pa at alam niyang isang mahalagang bagay ang Wormhole Pearl.
Kaya siguradong gumamit rin ng mahalagang bagay si Marvin para makuha ito.
Ang Dragon ay hindi isang nilalang na hindi alam ang pinagkaiba ng mabuti sa masama. Sa halip, dahil sa matagal niyang pag-iisa, pinapahalagahan ni Tiramisu ang lahat ng kaibigan na nakikilala niya. Kung nasa panganib ang kaibigan niya, tutulungan niya ito.
Bukod sa walang kinatatakutan si Tiramisu, ang Eternal Time Dragon ay isang makapangyarihang nilalang, kaya kahit bata pa ito, wala itong kinatatakutan!
God Realms? Ano naman!
Kinuha niya si Marvin at matapos malaman ang direksyon patungo sa God Realm ng Ancient Nature God sa pamamagitan ng pagtunton ng awra ng Nature God gamit ang kanyang innate ability, sinamantala nila ang pagkakataon na pumasok habang wala pang nagiging reaksyon ang mga God.
…
Nature God Realm.
Hindi tulad ng inaasahan ni Marvin, puno ng mga baging ang lugar na ito ay puno ito ng lantang dahoon at mga bato, tila napakaliblib ng itsura nito.
'Anong klaseng delubyo ba ang pinagdaanan ng Ancient Nature God para maging ganito ang itsura ng kanyang God Realm? Kaya naman pala apektado rin ang World Tree.'
Nagulat si Marvin nang makita ng lugar na ito.
Pero alam niyang wala siyang oras na dapat sayangin, kahit na nakakasigurado siyang hindi mabuuksan ng tatlong Great Gods ang God Realm ng Ancient Nature God kahit magtulong-tulong pa ang mga ito, malamang ay hihingi ng tulong ito kina Moon Goddess Faniya at sa iba pang may malalim na pagkakaibigan sa Ancient Nature God. Kaya walang kasiguruhan ang mga mangyayari.
Lalo pa at sa ilang istorya ng Feinan, ang Moon Goddess na si Faniya ay malinaw na mayroong relasyon sa Ancient Nature God. Kaya normal lang na mayroon itong suso para makapasok sa God Realm nito.
Hindi naman nagpagala-gala si Tiramisu.
Sa pagkakataon na ito, sinabihan siya ni Marvin na wag humawak ng kahit ano. Kahit pa may magandang bagay itong makita.
Ito ay teritoryo ng Ancient Nature God.
May respeto pa rin si Marvin sa pagharap sa Ancient God na ito, dahil iba ito sa mga New God. Ang Ancient Nature God ay isang God na may naiambag at mabuting naidulot sa Feinan.
Ayaw niyang gambalain ang mapayapang pammaahinga ng Ancient God na ito.
Matapos umalis ng Dragon, nakahanap ng ligtas na lugar si Marvin para maupo.
Isang lugar ito na puno ng Parasol Tree. Kapag humahangin, nahuhulog ang mga dahoon ng puno, kaya tila mapanglaw ang kapaligiran.
Pero nabuhayan ng loob si Marvin!
Dahil halos umabot na sa nakakatakot na level ang Divine Source sa kanyang katawan!
Lalo pa at sa dami ng panlilimas na ginawa nil ani Tiramisu, sinwerte nang todo si Marvin.
Masyadong matindi ang paghigop ng Divine Source ng advance False Divine Vessel ni Marvin, pero gaano ng aba karaming Divine Source ang kayang mahigop ni Marvin mula sa Universe?
Mayroong lang God Realms.
Pero kahit sa God Realms, kung wala ang pag-kontrol ng oras ng Eternal Time Dragon, hindi magagawa ni Marvin ito nang mag-isa.
Kaya ngayon ay napupuno siya ng saya at pasasalamat.
Naging isang Translucent Sphere na ang advance False Divine Vessel. At umiikot naman sa loob ay ang 4th tablet, sang kahon na puno ng mga Rune at mga Law.
Malaking halaga ng Divine Source ang bumabalot sa False Divine Vessel, tila ba umaapaw na ito.
Tinuon ni Marvin ang kanyang atensyon at sinubukan ituon ang kapangyarihang ito sa mga Ruler of the Night Technique para suportahan ang kanyang sarili.
Madali lang ang prosesong ito.
Hindi nagtagal, bilang parte na ito ng katawan ni Marvin, nagsimulang magbahagi ng kapangyarihan ang False Divine Vessel
Malaking halaga ng Divine Source ang naging Essence.
Ang Essence na ito ay nagbibigay lakas sa katawan ni Marvin, at mabilis na pinapataas ang mga Attribute niya!
Kasabay nito, ang False Divine Vessel mismo ay nagsimula nang baguhin ang sarili nito at dumaan sa ebolusyon.
…
Sa God Realms. Sabay-sabay na umalis ang apat na makapangyarihang God at sinuyod ang malaking bahagi ng God Realms, pero hindi sila nakahanap ng bakas ni Marvin at ng Dragon Thief.
"Bakit pakiramdam ko kahit na hinahabol natin sila ay hindi natin sila kailan man maaabutan?" Bulong ni Anuba Grant, "Ito ang God Realms, hawak natin ang World Tree Imprint, tahanan natin 'to, paaano nangyari ang ganitong bagay?"
Dala pa rin ng War God ang kanyang helmet, walang nakakakita sa kanyang reaksyon pero masasabing hindi ito maganda.
"Kung tama nga ang sinabi mo, iisang nilalang lang sa buong Universe ang makakagawa noon."
Sumimangot si Faniya, "Pero ang nilalang na 'yon ay umalis na sa Universe na 'to."
"Bata pa ang Dragon na 'yon." Seryosong sabi ng War God.
Ngumiti ang Truth Goddess, "Ang Eternal Time Dragon."
"Wag niyo na siyang hanapin, wala rin kayong mapapala."
"Kung Eternal Time Dragon nga iyon, mapapahiya lang tayo sa World Tree Imprint, hindi natin sila mahahanap."
Dismayadong nagkatinginan ang ibang mga God.
Ang pangalan na Eternal Time Dragon ay hindi pamilyar sa maraming New God, pero pamilyar ito sa mga Ancient God.
Mayroon itong mas pamilyar na pangalan: Bacon.
Iyon ang pinakamahusay na kasamahan ni Lance. Kontrolado nito ang Time sa buong Universe.
Ito rin ang rason kung bakit walang God sa mga New God ng 3rd Era ang namamahala sa Time.
Kung tunay ngang Etern Time Dragon iyon, wala silang pag-asang magtagumpay.
Nang biglang, mula sa kaibuturan ng God Realms, isang nakakatakot na pakiramdam ang kumalat!
"Mayroong nag-aascend!"
"Ano? Mayroong nag-aascend sa God Realms? Sino?"
"Hindi ito Ascension!"
Gulat na sabi ni Faniya habang nakatingin sa malayo, "Ito ay…. Isang False Ascension?"