Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 713 - Three Slaps

Chapter 713 - Three Slaps

Ang boses batang ito ay nanggaling sa nilalang na nag-iwan kay Marvin, kay Tiramisu!

Hindi nagtagal, isang magiting na anino ang lumapit.

Napukaw ang atensyon ng War God dahil sa paglait nito.

Tinitigan niya ang Dragon at sumigaw, "Lumayas ka!"

Dumadagundong ang pagsigaw na ito at niyanig nito ang buong Universe!

Pagkatapos ay hindi na niya pinansin si Tiramisu at iniabot ang kanyang kamay para abutin si Marvin!

Dahil sa pwersa ng awra ng War God, hindi makagalaw si Marvin!

Sa oras na ito, ang maaari niya lang gawin ay tumakas gamit ang Eternal Night Kingdom.

Pero, biglang isang may Silver Line na lumitaw mula sa walang hanggang kadiliman.

Ang kaninang maayos at matiwasay na Universe ay tila napunta sa isang magulo at mahinant estado dahil sa Silver Line!

Hindi mapigilang mabigla ng War God.

Nakaramdam si Marvin ng init na bumabalot sa kanya.

Sa isang iglap, isang malakas na kapangyarihan ang lumabas mula sa kanya at pumigil sa kamay ng War God!

Bago pa man makabawi si Marvin, tinangay na siya papalayo ni Tiramisu, at saka ito napunta sa isa pang sulok ng Realm.

Tila galit nag alit ang Dragon

Malumanay nitong ibinaba si Marvin kasabay ng galit na pag-atungal, "Sasabihan mo kong lumayas?"

"At ang lakas ng loob mong atakihin ang nakababatang kapatid ko sa harap ko?"

"Ano bang tingin mo sa gwapong Dragon na 'to?"

"Ssasampalin kita nang tatlong beses ngayon!"

Kasabay ng pag-alingawngaw ng kanyang boses sa buong plane, hindi lang napasimangot ang War God sa mga sinabi nito, pero namutla rin si Marvin dahil dito!

Naniniwala si Marvin sa pambihirang kapangyarohan ng mga Eternal Time Dragon, pero bata pa ito na buong buhay niya ay nakakulong lang ito. Hindi pa umaabot sa sukdulan ang kapangyarihan nito.

Magagawa bang tapatan ng Dragon na ito ang makapangyarihang War God?

"Mag-iingat ka! Wag kang magpadalos-dalos," sigaw ni Marvin. "Kaya mo ba talaga siyang talunin? Baka mas mabuting tumakas na lang. Wag mo ipagsapalaran ang buhay mo dahil isa siya sa mga pinakamalakas sa buong Universe…"

Biglang sumagot si Tiramisu, "Wala akong pakielam kung sino siya, ginalit niya ang gwapong Dragon na 'to!"

"Pinakamalakas sa Universe? Hindi ako naniniwala!"

"Hintayin mol ang, sasampalin ko siya nang tatlong beses para makabawi!"

Matapos ang pagmamayabang na ito, lumipad sa ere si Tiramisu!

Hindi siya napigilan ni Marvin!

Bahagya siyang nadismaya!

Kung alam niya lang na magiging mapusok si Tiramisu, sana ay ginamit na niya ang Eternal Night Kingdom para makatakas sila pareho.

Ni hindi alam ng Dragon na iyon kung gaano talaga kataas ang kalangitan at nagawa niyang kalabanin ang War God. Paano kung hindi sapat ang lakas nito para harapin ang God na 'to?

Sa kasamaang palad, halos hindi siya makagalaw dahil umaapaw pa rin ang napakalakas na pwersa ng War God sa buong plane. Imposibleng mapigilan niya pa si Tiramisu!

Wala siyang magawa kundi umasang mas malakas pa kesa sa kanyang inaakala ang Dragon o mayroon itong ibang pamamaraan para protektahan ang kanyang sarili!

Sa buong Universe, hindi lang ang Ward God ang natatanging nakatuon ang atensyon kay Marvin.

Maraming mata ang nanunuod sa mga pangyayaring ito, nagbabantay.

Sa kasamaang palad, sinarado ng War God ang parehong papasok at palabas ng plane na ito, kaya walang magagawa ang mga ito kundi manuod.

Nang makita nila ang Dragon na lumitaw mula sa kawalan at basta-basta na lang itong umatake habang sinasabing sasampalin nito ang War God, hindi nila maiwasang matawa.

Tila isa itong tuta na hindi natatakot sa isang tigre. Nasanay siguro ang batang Dragon na ito na palagi siyang nasusunod, pero hindi niya alam kung ano ang kinakaharap niya sa pagkakataon na 'to!

Ito ang War God!

Dahil sa espesyal na katangian ng kanyang Divine Vessel, kinailangan tumalo ng 101 na God-level na kalaban ang War God noong nasa proseso ito ng pag-ascend!

At sa 3rd Era, sunod-sunod na pinatay ng taong ito ang 101 na God-level na mga kalaban na iyon.

Kaya naman, inakyat niya ang hindi mabilang na mga bangkay ng mga God na ito at nakakuha ng sapat na lakas para maging kapantay ng God of Dawn and Protection!

Sadyang makapangyarihan ang nilalang na ito, kaya paano ito matatalo ng isang tila bagong panganak na ahas?

"Hindi lang pala ang Marvin na 'yon ang hindi nakakaalam kung ano ang makakabuti sa kanya, mukhang ganoon din ang lahat ng nakapaligid sa kanya," panunuya ng Black Dragon God.

Sumang-ayon naman ang iba pang mga God sa pahayag na ito. Iilan lang ang God na seryosong nakating sa lumilipad na Dragon. Parang masyadong mabagal ang paglipad ni Tiramisu para sa kanila!

Sadyang hindi mapapantayan nito ang bilis ng paglipad ng iba pang miyembro ng Dragon Clan!

Parang nanunuod sila ng naglalakad na pagong!

"Sinabi niyang pagbabayarin niya ang War God, pero bakit ang bagal niyang lumipad?"

"Kayang-kaya siyang patalsikin ng Wa God gamit lang ang isang daliri!

Pero ang ikinagulat ng lahat ay hindi gumalaw ang War God.

Paglipas ng kulang-kulang limang minuto, sa wakas ay naka-abot na si Tiramisu sa War God!

Natuliro at natigilan ang lahat ng mga God!

"Hindi gumagalaw ang War God?"

Pagkatapos ay nakarinig sila ng pagsampal na umalingawngaw sa buong Universe!

bumuka ang kamay ng Dragon at isang nakakatakot na tunog ang lumabas nang sampalin nito si Anubis!

Sinampal palayo ni Tiramisu ang awra n War God, ang Bloody Battle Shadows!

Manghang-manghang tinitingnan ng mga God ang eksenang ito!

Anong nangyayari sa kanya? Bakit lahat ng lang ng may kinalaman kay Marvin ay kakaiba ang kinalalabasan. Nagawa talaga tamaan ng maliit na ahas na iyon ang War God? At hindi man lang ito pumalag?

Nagulat rin si Marvin.

Nang makita niyang mabagal na lumpiad palayo si Tiramisu, inakala rin niya na mapipigilan ito ng Divine Power ng War God, pero tila mali siya ng inakala!

Matapos mahulog ang halo ng War God, naiwan ang isang ulong naka-helmet!

Naiiritang suminghal ang Dargon, "Inaway mo ang kapatid ko!"

"Plak!"

Isa na namang sampal!

Tila sumakit din ang panga ng mga God na nanunuod!

Diraektang tumama sa helmet ng War God ang sampal, kaya ngayon ay kita na ang mukhang kay tagal niyang ikinubli!

Sa ilalim ng helmet ay isang nakakagulat na mukha!

Isang mukhang puno ng mga peklat at tila ba nakakasuka itong tingnan!

"Ang pangit!" Malakas na panunuya ni Tiramisu.

Para naman sa panghuling sampal, hindi ito gumaan kesa sa mga nauna!

Malinaw na nakita ng lahat na ang huling sampal na tumama sa mukha ng War God!

Isang namumulang marka ang naiwan dito.

Natahimik ang buong Universe.

Nagkagulo ang lahat ng mga God!

Anong nangyayari?

Paano niya nagawang pahiyain nang ganoon lang ang War God?!

Sa init ng ulo nito, dapat sana ay durog na dapat ang ahas na iyon, hindi ba?

Pero ang mas ikinagulatt ng mga God, matapos ang tatlong sampal, mapagmataas pa rin itongnakatayo pa rin doon ang War God, tila hindi man lang ito kumukurap!

Binaba ni Tiramisu ang kanyag kamay at tinitigan nito ang War God. "Pinakamalakas sa Universe? Hindi naniniwala ang gwapong Dragon na 'to!"

"Kapatid, Marvin, Tara na!"

Pagkatapos ay muli na naman itong nawala at kinuha nito si Marvin nang hindi nakikita ang kanyang pagkilos, hanggang sa nawala na sila mula sa bahagi ng Universe na ito.

Sa sumunod na sandali, maririnig ang matindi at galit na pagsigaw sa buong Universe!

Nasa isang dosenang Secondary Plane sa rehiyon na iyon ang direktang nawasak!