Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 705 - Rose Dukedom

Chapter 705 - Rose Dukedom

Natural lang na nagdulot ng galak ang pagbabalik nina Marvin at Wayne sa White River Valley.

Lalo pa at alam nilang kasali sina Lord MArvn at Master Wayne sa laban para sa Fate Tablet.

At nakatuon ito sa Sky Tower na iniwan ni Lance!

Kahit na hindi nila alam ang naging resulta, inuwi ng mga ito ang mismong Sky Tower kaya wala nang dapat pang sabihin.

Tumaas lalo ang kumpyansa ng White River Valley.

Pero sa pagkakataon na ito, naglabas ng kakaibang kautusan si Marvin.

Sa loob ng pitong araw, walang maaaring pumasok o lumabas ng White River Valley Sanctuary nang walang pahintulot niya.

Ang mga Hunting Party na dinidispatya ang mga halimaw sa labas ay pinabalik rin ni Marvin.

Kahit na hindi maunawaan ng lahat ito, dahil sa katayuan ni Marvin sa White River Valley, hindi sila nagreklamo.

Siya ang nagmamay-ari ng Sanctuary, at siya ang masusunod sa kanyang teritoryo.

Sadyang ang mga nakatataas lang sa White River Valley ang nakaunawang hindi maganda ang sitawasyon!

At si Anna ang pinakanakakaalam nito.

Labis na naapektuhan ang Arcane Energy ni Wayne dahil sa spear na pinadala ng War God.

Sa sitwasyong iyon, sapilitan niyang inilayo ang lahat para lang protektahan si Marvin. Pagkatapos ay dinala niya ang Sky Tower sa White River Valley. Ginamit niya ang kapangyarihan ni Lance para mag-cast ng Absolute Sanctuary na epektibo sa loob ng pitong araw.

Alam ni Wayne ang temptasyon na dala ng Fate Tablet.

Hindi niya hahayaang makapuslit papasok ang sino man.

Dahil sa Absolute Sanctuary na ito, magkakaroon sila ng oras para magpahinga at makabawi ng lakas.

Pero masyadong malala ang pinsalang natamo ni Wayne.

Matapos ang ilang sandali, nanatili na siya sa isang Half-Comatose at Half-Meditating na estado sa Sky Tower.

At hindi rin maganda ang sitawsyon ni Marvin.

Sa tinagal niya sa Feinan, ito na ang pinakamalalang pinsalang natamo niya.

Ang maagang pagwawalang bias ng Magic Addict Shape ang dahilan kung bakit nahihirapan gumaling ang karamihan ng pinsala sa loob ng kanyang katawan. Kahit na paglipas ng dalawang araw, dinala ni Shadow Thief Owl ang ipinaapaabot ni Daniela na espesyal at lihim na gamot ng Lavis Dukedome na mayroong malakas na epekto sa Cridland bloodline.

Ang ikinaganda lang nito, masasabi ni Marvin na pagnatapos ang pitong araw na ito, mas magiging mabuti ang kanyang kalagayan.

At kapag nangyari iyon, oras na para isagawa ang kanyang plano.

Sa loob ng pitong aaw na iyon, hindi gaanong nakapagpahinga nang maayos si Marvin.

Malaking oras ang ginugol niya para asikasuhin ang mga opisyal na gawain kasama si Anna. Paminsan-minsan ay tinitingnan niya ang kalagayan ni Wayne o bumibisita siya sa Chief ng Financial Affairs. Labis naman na namangha si Marvin sa card skill ni Lola. Mabuti ang mga mamamayan ng White River Valley, kasama na dito ang mga Sha na lumipat mula sa dati nilang tirahan. Naniniwala ang mga ito kina Constantine at Marvin.

Sayang lang ang may ilan na rin ang umalis sa White River Valley. Tulad na lang ng dalawa na laging nag-aaway sa Alchemy Lab. Muli na raw nagtapo si Fidel at ang kanyang minamahal, si Sasha, na nabawi na ang kanyang katawan, at nagtungo sila pa-hilaga. Habang ang Nameless Alchemist naman ay nagbago matapos mahawakan ang Alchemy Box.

Mula sa isang magarbo at mapagpanggap na paboreal, naging isang tahimik na matandang lalaki ito. Nabalitaan ni Marvin kay Anna na mayroon itong sinigaw na, marahil ay pangalan nito, sa gitna ng palayan isang hating-gabi.

Kakaiba ang pagbigkas sa pangalan at hindi ito magaya ni Anna.

Gayunpaman, ang sinasabing pinakamahusay na Alchemist sa buong kasaysayan ay umalis na ng White River Valley matapos itong mag-iwan ng sulat para kay Anna.

Sinabi nito na babalik ito balang-araw pero hindi niya alam kung kailan,

Isa pa ay ang Gnome Brothers.

Mukhang umalis na ang dalawang Gnome na ito na mula sa ibang Continent noong nakipaglaban si Marvin para sa Fate Tablet.

Kahit na ayaw sana nilang iwan ang Mechanical Titan, tila may mahalagang bagay silang kailangan gawin. Marahil ay tinawagan sila ng mga kasamahan nila.

Tungkol naman kay Butterfly, mayroong hula si Marvin.

Maaari ngang gumawa ng malalaking pagbabago ang era na ito.

Matapos ang Calamity, nanatiling buhay ang mga tao, at mananatili silang buhay.

Kahit pa gaano ito kahirap, isa itong bagay na naka-ukit sa lahat ng bloodline: Ang kagustuhang mabuhay.

Itinatag naman nina Constanine at Sophie ang panibagong Night Walker Headquarter sa White River Valley.

Lalo pa at bumagsak na ang kanilang kuta sa Norte. Isinakripisyo n ani O'Brien ang kanyang buhay at pinili si Marvin bilang panibagong Night Walker Leader.

Nang iabot ni Constantine ang Eternal Night Paradise kay Marvin, hindi maiwasang mapabuntong-hinignga at mapaisip sa mga nagdaang panahon ni Marvin.

Masyado siyang pamilyar sa Artifact na ito!

Eternal Night Paradise… Ito ang kanyang Artifact mula sa dati niyang buhay bilang Ruler of the Night. Pero noong, hindi niya ito nakuha mula kya O'Brien, kundi sa bangkay ng Lord of Hell.

Malamang ay namatay na si O'Brien sa laro, pero noong nangyari iyon, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na maipasa ang Night Monarch Atifact sa susunod na henerasyon.

Dahil sa Eternal Night Paradise muling nadagdagan ang lakas nit Marvin at permanente nang nanatili ang dalawang Legend Night Walker sa White River Valley.

Dahil sa mga susunod na magaganap, opisyal na inanunsyo ni Marvin na si Constantine na ang panibagong Secon Magistrate ng White River Valley.

Kapag umalis si Marvin, si Anna ang magiging kinatawan ni Marvin, at si Constantine ang susunod na pinakamataas.

Lalo pa at kahit na malaki ang tiwala ni Marvin sa kakayahan ni Anna, mas mabuting magkaroon ng isang Legend sa mga nasa matataas na posisyon para harapin ang mga problemang kailangan gamitan ng pwersa.

Binabantayan ni Madeline ang River Shore City, at ang Tomb Raider ay walang kakayahan sa pangangasiwa ng isang teritoryo.

Mabilis naman na gumaling si Isabelle at mukhang wala naman itong galit kay Wayne. Noong mga nakaraan ay nakasunod lang uli ito kay Marvin.

Hindi alam ni Marvin kung ano ang gagawin sa babaeng ito.

Kilala ang mga Hammons sa kanilang dedikasyon, pero habang iniisip niya ang hinaharap, sumasakit ang kanyang ulo.

Dahil sa magiging mapanganib ang kanyang gagawin, maaari niya lang itong gawin mag-isa.

'Tingnan natin ang mga mangyayari.'

Ika-apat na araw.

Si Marvin na binabantayang maigi ang nangyayari sa labas ay nakatanggap ng malaking balita sa wakas:

Nagdulot ng matinding kumosyon sa buong Continent ang deklarasyon na ito!

[Ang Three Northen Cities ay nakipagsanib na sa Church of Dawn ang Protection para pormal na itatag ang kanilang Dukedom!]

Ang Dukedom ay ipinangalan sa Rose Sword ng Valkyrie.

Si Eve mismo ang naging kauna-unahang Great Duke ng Rose Dukedome, at si Holy Paul na anak ng God of Dawn and Protection ang kauna-unahang naging Supreme Pontiff.

At sa araw ng pagtatatag ng Rose Dukedome, gumawa ng deklarasyon ang Great Duke Eve sa buong Feinan:

[Si Marvin ng White River Valley ang itinakdang madding Destroyer.]

[Ang sino mang maging sagabal sa pag-dispatya ng Rose Duke kay Marvin ay kikilalanin bilang isang heretic at isang kalaban!]