Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 689 - Male and Female

Chapter 689 - Male and Female

Inextinguishable Wizard Flames ang nagbibigay liwanag sa bulwagan, at isang sealing power ang bumbalot sa lugar na ito

Ang kapangyarihang iyon ang pumipigil sa mga halimaw, kaya naman napilitan manatili sa labas ang mga ito.

Pumasok sina Marvin at Yin sa bulwagan. Nang lumingon si Marvin, may hindi inaasahang bagay na nakita si Marvin.

Nasa likuran nila ang Azure Matriarch.

Nakatayo ito sa likod ng gagamba, walang emosyon itong nakatingin kay Marvin.

Tila ba nakatingin ito sa isang patay na tao.

Hindi naman mapakali si Marvin dahil dito. Gusto sanang bumalik ni Marvin at dispatyahin na ang babaeng iyon.

Pero base sa kanyang lohika ay hindi ito magandang ideya.

Tila kakampi ng Azure Matriarch ang mga halimaw na iyon, at ang posibilidad pa ng pagiging kalaban ni Yin ang nagbigay kay Marvin ng matinding sakit ng ulo.

Kung babalikan niya ang Azure Matriarch, walang nakakaalam kung basta na lang kukunin ni Yin ang Fate Tablet at tatakas nang mag-isa dala ito.

Dahil umabot na ito sa ganito, walang magawa si Marvin kundi magpatuloy at sundan si Yin!

Nakapasok na sila sa malawak na bulwagan, at wala nang mga halimaw na nakatitig sa kanilang likuran.

Pero naging mas maingat sila dahil sa mga rune at ang sealing power na bumabalot sa lugar na ito.

Kung aksidente silang madikit sa sealing power, walang nakakaalam ng posibleng mangyari!

Mayroong fountain sa gitna ng bulwagan, at sa gitna ng fountain, ay mayroong istatwa ng lalaki at babae na magkayakap.

Pero matagal nang abandonado ang fountain, matagal na ring natuyo ang tubig sa loob nito.

Habang ang istatwa naman sa gitna nito ay marami nang bitak-bitak.

Tiningnan ni Marvin ang istatwa at nadamang pamilyar ito.

Mula sa perspektibo ng Human Aesthetics, ang dalawang ito ay kaaya-aya at maganda, na para bang masyado nang kaaya-aya at maganda ang mga ito. 

Ang mukha nila ay puno ng awra ng pagiging payapa.

Mukha silang magkasintahan na mahal ang isa't isa habang magkayakap silang dalawa.

Sino ang dalawang ito? Bakit sila nasa gitna ng World Ending Twin Snakes Temple? Anong kwento sa likod nito?

Tanong ni Marvin kay Yin.

Pero sumagot ito na hindi niya rin alam.

Tila ba wala itong pakielam sa natatanging istruktura sa lugar na iyon at mabilis lang na nagpatuloy patungo sa dulo ng bulwagan.

Sumimangot si Marvin dahil nadama niyang mayroong itinatago ang fountain na ito.

At base sa inaasal ni Yin, mukhang tama ang hinala niya.

Pero wala nang oras si Marvin para obserbahan pa ang istatwa.

Sa ngayon, ang pagkuha ng Fate Tablet ang pinakamahalaga.

Kumpaa sa maliwanag na bulwagan, ang pasilyo sa dulo nito ay napakadilim.

Kada dalawampung hakbang mayroong maliit na Unending Flame na nagbibigay liwanag sa daan.

Mabuti na lang at mayroong Darksight si Marvin.

Hindi ganoon kahaba ang psilyong ito, pero mabagal ang pag-usad ng dalawa.

Dahil pag-apak ni Marvin sa pasilyo, nakaramdam siya ng malakas na pwersang pumipigil sa kanila!

Ang pwersa ay nagmula sa sealing power na tila bumabalot sa malaking bahagi ng templong ito.

Nagkatinginan ang dalawa at nakitang pareho silang nabigla.

Palakas nang palakas ang pwersa habang papalapit sila sa selyo.

Kasabay nito, nangangahulugan na malapit na sila sa bagay na ninanais nila.

Ang pasilyo na isang-daang hakbang lang ang haba ay inabot sila ng hindi bababa sa 20 minuto!

Isa itong pambihirang pangyayari para sa dalawang taong napakamakapangarihan.

Pero ang makapanyarihang pwersang pumigil kina Marvin at Yin ang nagpahirap sa pag-usad ng dalawa.

Naramdaman pa nga nila na tumutulo na ang pawis mula sa kanilang mga noo!

Ang isa pang rason sa kung bakit napakabagal ng kanilang pag-usa ay puno ng sirang mga mural ang magkabilang panig ng pasilyo.

Ang mga mural na ito ay binibigyang papuri ang World Ending Twin Snakes.

Sinubukang aralin ni Marvin nag mga ito para malaman kung mayroon bang tinatagong sikreto ang mga ito na maaring makatulong sa kanila para talunin ang Twin Snakes, pero wala siyang napala.

Ang Nakita niya lang ay ang perspektibo ng isang taga-sunod gn Twin Snake Cult tungkol sa istorya ng pag-selyo ni Lance sa Twin Snakes pati na ang pinagmulan ng Ethereal Plane.

Simple lang ang mga nilalaman nito.

Ang gumawa ng mga mural ay siguradong isa sa mga sinaunang taga-sunod ng Twin Snakes Cult. Nagawa nitong maging isang Twin Snakes Cult Priest na mayroong sapat na kakayahan.

Sa ilalim ng blessing ng makapangyarhang World Ending Twin Snakes, nagkaroon siya ng kakayahan na magpalaganap ng karamdaman at takot.

Ipinapakita ng mga mural ang mga eksena ng kanyang pangangaral at pagsesermon.

 .

Sa mga ito, hindi mawawalan ng eksena gaya ng mga sanggol na nilalamon ng buhay at mga taong pinapakuluan.

Para sa gumawa ng mga mural na ito, normal lang na parusa para sa mga pagano.

Isang bagay lang ang nais iparating ng mga mural na ito: Ang sino mang hindi maniwala sa World Ending Twins Snakes ay dapat na mawala.

Walang nasabi si Marvin.

Tiningnan niya ang mga imahe ng World Ending Twin Snakes sa mga mural.

Napakatayog tingnan ng World Ending Twin Snakes base sa pagkakaguhit ng panatikong taga-sunod.

Kadalasan, sa tuwing nag-sesermon ito, lilitaw ang World Ending Twin Snakes at gagawa ng mga himala.

Pero kahit pa ganoon, nagtatago lang ang mga ito sa likod ng gintong ulap at ipinapakita lang ang kanilang masasamang mga ulo habang pinapakita ang kanilang ginintuang dila.

Tiningnan niya ang isa pang mural, kung saan ang World Ending Twin Snakes ay bumuga ng mist. At dahil dito, naging ginto ang isang baton a nasa tabi ng isang bayan ng mga taga-sunod.

Halos mapahagalpak sa tawa si Marvin nang makita niya ito.

Mukhang kahit saang Universe ka pa mapunta, pare-pareho ang pangarap ng mga tao: ang gawing ginto ang mga bagay-bagay.

Matapos matingnan ang mga walang silbing mga mural, hindi bumiti ang pakiramdam ni Marvin.

Wala siyang nakuhang mahalagang impormasyon sa pagtingin niya sa mga mural.

Ang tanging bagay na ikinagulat nya ay makikita sa isa sa mga mural ang lalaki at babaeng magkayakap sa fountain.

Sa kasamaang palad, dahil sa pagkasira ng mga mural, wala rin siyang nakuhang impormasyon tungkol ditto.

"Siguradong mayroong mahalagang kwento ang magkasintahang 'yon,' isip-isip ni Marvin.

Kung mayroon lang siyang oras, siguradong hinanap na niya ang pinagmulan ng dalawang iyon.

Pero ngayon, malapit na sila sa Fate Tablet, kaya dapat ay ito lang ang pagtuunan niya ng pansin.

Lalo pa at naabot na nila ang dulo ng pasilyo!

Nakatayo sila sa harap ng isang pintong walang kandado.

Nagkatinginan muli si Marvin at Yin habang nakatayo at nagbabalak na pumasok.

"Sa totoo lang, wala akong ideya sa kung ano ang nasa likod ng pintong 'to," seryosong sabi ni Yin. "Kaya sa tingin ko, dapat maging handa ka sa paglaban."

Hindi na nito kinailangan pang paaalalahanan si Marvin na tahimik nang inilabas ang Sodom's Blades.

Maaaring ang mismong World Ending Twin Snakes ang nasa likod ng pintong ito. Walang nakakaalam kung anong klaseng laban ang naghihintay sa kanila.

Hindi naman nagpahuli si Yin at isang payat na espada ang lumitaw sa kanyang kamay.

Ibang-iba ang hugis ng espadang ito sa hugis ng mga espada sa Feinan. Mas manipis ito at mayroong matalas na dulo… parang isang karayom.

Base sa seryosong reaksyon ni Yin, kung hindi ito isang Artifact, siguradong hindi ito bababa sa isang Legendary Weapon.

Sabay naman na naglakad ang dalawa at itinulak ang pinto!

Sa kaibuturan ng Astral Plane.

Ang nakakatakot na liwanag na iyon, na tila kayang sumira ng mga mundo, ay tumama sa napakalaking halimaw.

Nagpumiglas naman ang halimaw na tila ayaw magpatalo. Pero hindi pa rin nito mapigilan ang epekto ng liwanag kasabay ng pagtigas ng katawan nito!

Nakahinga nang maluwag ang lahat ng mga God.

Namumutla ang ilang mga God, dahil halos maubos ang kanilang Divine Power!

"Sa wakas, tapos na!"

Kahit na ang isang God gaya ng God of Dawn and Protection ay nahirapan sa pakikipaglaban sa isang nilalang na kayang wasakin ang mismong Universe kahit pa hawak niya ang Artifact ni Lance.

Pinanuod niyang lumutang, sa kakaibang paraan, ang bangkay ng Astral Beast bago ito tuluyang kumalat sa kalangitan ng Feinan. Hindi niya mapigilang sumimangot.

Noong mga oras na iyon, bigla na lang napunta ang kanyang paningin sa Ethereal Plane.

"Ano? Nandoon rin ang wais at tusong Vampire na 'yon?"