Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 688 - Monster

Chapter 688 - Monster

 Ang mismong temple ay itinayo sa ruins. Matapos pumasok ng dalawa sa ruins, nakikita nila na ang kapaligiran ay puno ng mga sapot at mga durog na bato.

Isang libong taon nang abandonado ang lugar na ito.

Isang malamlam at masamang awra ang kanyang naramdaman at biglang nakaramdam ng panganib si Marvin.

Agad siyang tumingin sa templo.

Sa gitna ng dilim, isang malaking… gagamba ang sabik na nakatingin sa kanila.

Sadyang nakakataot ang mga ganitong uri ng gagamba. Bukod sa pagkakaroon nito ng libo-libong mata sa ulo nito na tila mga pulang tuldok, ang pinakanakakatakot na parte ng katawan nito ay ang pagkakaroon nito ng labing-anim na matatalas na kuko!

Matalas ang paningin ni Marvin kaya naman kitang-kita niya ang matatalas na kukong lumalabas mula sa mga paa ng gagambang ito.

 Ang ipinagtaka nito ay kung bakit hindi umaaake ang gagamba kahit na malinaw na gustong gawin ito ng gagamba.

"Wag kang mag-alala. Kahit na iyan ang taga-pagbantay ng lugar na ito, hindi niya tayo aatakihin." Panunuya ni Yin.

Agad naman napukaw ni Marvin sa sinabi ni Yin. "Nasa ilalim ba ng kontrol ng World Ending Twin Snakes ang mga halimaw dito?" nakasimangot na tanong ni Marvin.

Tumango si Yin, makikita ang ningning sa kanyang mga mata. "Kaya, hindi ang pagpasok ang problema natin, kung hindi, ang pagtakas matapos natin kunin ang isang bagay."

"Parang baliktad," sabi ni Marvin. "Bakit hindi na lang muna natin sila dispatyahin?"

"Una sa lahat hindi natin alam kung gaano kalakas ang mga halimaw na 'yan kaya wag mo kong tingnan nang ganyan. Kahit na matagal-tagal na kong nabubuhya, ang mas matagal pa rin sa mundo ang mga Evil God kumpara sa mga Vampire." Napatawa si Yin sa kanyang sarili bago siya nagtanong. "Kung ganoon, hindi mo siguro napansin na bahagyang mas madali ang tumakas sa lugar na ito kesa talunin ang mga Ancient Monster na ito?"

May punto si Yin.

Si Marvin ay isang Ruler of the Night na nag-advance mula sa Ranger class, kaya naman marami siyang escape ability. Habang isa ring napakalakas na ancient powerhouse ang Vampire Primogenitor. Ang manaog na mga Vampire ay mayroong hindi kapani-paniwalang bilis, kaya bilang isang Primogenitor, siguradong mas may angking kakayahan si Yin pagdating sa ganitong mga bagay.

Pero hindi pa rin makakapayag si Marvin na pakawalan ang World Ending Twing Snakes.

Kya naman, habang naglalakad siya kasama ni Yin, nag-iisip na siya ng mga paraan para maiwasang mangyari ito.

Hindi naging madali ang daan patungo sa temple. Maraming bahagi nito ang nahaharangan ng malalaking bato, kaya kinailangan pa nilang dumaan sa ibang daan para lang malampasan ang mga ito.

Makikita na noong ancient era, masinsin ang mga ginagawang pag-atake ng Twin Snakes.

Isang patunay na ditto ang temple na ito.

Samu't saring mga madidilim at liblib na daan na puno ng patibong ang nakikita nila. Kaya naman, hindi naging komportable si Marvin.

Tila wala namang emosyong maaaninag sa mukha ni yin, pero paminsan-minsan naman ay makikita ang takot sa kanyang mga mata. Isang mahirap at nakakatakot na karanasan rin para sa kanya ang pagpasok sa templo ng isang kilalang mabagsik na Evil God.

Ang mas nakakabahala pa rito ay habang papalapit sila nang papalapit sa templo, parami nang parami ang mga halimaw na sumusunod sa kanila!

Unang beses makasalamuha ni Marvin nag mga halimaw na ito!

Lalo pa at binasa ni Marvin nang buo ang Illustrated Monster Handbook ng larong ito. Bukod sa mga halimaw sa Feinan, kilala niya rin ang mga nilalang mula sa Astral Plane. Kabisadong-kabisado niya ang mga ito.

Pero sadyang wala siyang nalalaman tungkol sa mga halimaw na narito.

Gamit ang mahinang perception ng Advanced False Divine Vessel sa lugar na ito, nararamdaman niyang mayroong kaunting Divinity ang mga ito.

Ang Divinity na ito ay naiiba sa Divinity ng mga God sa kasalukuyan. Mayroong itong kakaiba, at mapanlinlang na presensya, minsan ay naroon ito, minsan ay nawawala, at kung minsan ay hindi ito maipaliwanag.

Isang Python na nahahati sa tatlo ang buntot, isang malaki at hindi mapakaling Lizard na mayroon lang tatlong paa, at ang unang-unang sumunod sa kanila: ang Red-Speckeled Spider…

Sa paglipas ng oras, nararamdaman ni Marvin na hindi siya kusang loob na pumupunta sa templo, sa halip ay itinutulak siya ng mga halimaw na ito.

Bahagya niyang naririnig ang bulung-bulungan sa pagitan ng mga ito.

Mahina lang ang bulunganng mga ito, at hindi rin malinaw ang mga pananalita. Nakakatindig balahibo ito.

Ito ba ang boses ng World Ending Twin Snakes na kumukumbinsi sa mga halimaw na ito para gabayan silang dalawa patungo sa Vampires' Secret Percepts at kunin ang Fate Tablet? 

Hindi maiwasang mapaisip ang malalim si Marvin dahil ditto.

Ang isa pa naman sa pinakakina-aayawan ni Marvin ay ang pagharap kalaban na hindi niya kilala.

Mahirap masabi kung gaano talaga kalakas ang World Ending Twin Snakes.

Walang dudang nakakatakot ang lakas ng mga ito. Pero hindi alam ni Marvin kung gaano nga ba sila kalakas. Lalo pa at kahit pa gaano sila kalakas dati, matapos maputol ang kanilang koneksyon sa mundo ng isang libong taon, gaano pa kaya kalaki ang lifeforce na natitira sa kanila?

Ang pansamantalang kasamahan ni Marvin, na kasama niya ngayon, ang susi ditto. Hindi lubusang mapagkatiwalaan ni Marvin ito.

Nabanggit man ni Yin ang Vampires' Secret Percept, eh paano kung hindi naman talaga ito ang pakay niya?

Maaring sinabi niya lang ito para maging kampante si Marvin.

Kung si Eve, Jessica, o kahit si Professor ang kasama niya ngayon, magiging mas panatag si Marvin.

Dahil kilala niya ang mga taong ito. Kahit na maaaring mahulog sa temptasyon dahil sa kanais-nais na mga kagamitan ang mga ito, naniniwala pa rin si Marvin sa katauhan ng mga taong ito.

Habang si Yin naman, kahit na mukha itong mabuting Vampire, nababahala pa rin si Marvin sa kanya.

Kaya naman, bukod sa pagiging maingat niya sa mga halimaw sa templo at ang posibleng paglitaw ng World Ending Twin Snakes, kailangan niya ring mag-ingat sa posibilidad na maging kalaban niya si Yin!

Lalo pa at, mas malalim ang pag-unawa ni Yin tungkol sa Ethereal Plane at sa World Ending Twin Snakes. Kung mayroon itong hinandang patibong para kay Marvin, malalagay siya sa matinding panganib.

Isa pa, hindi pa rin niya alam kung saan nagtatago ang Azure Matriarch.

Hindi maaaring malimutan ni Marvin na maaaring nasa paligid lang ito.

Kahit na higit siyang mas malakas sa Azure Matriarch sa ngayon, hindi kailanman minamaliit ni Marvin ang kakayahan ng kanyang mga kalaban.

Lalo na kapag nakakubli sa dilim ang kanyang kalaban.

'Kailangan kong pakibagayan ang ano mang sitwasyon.'

'…Sana magising na si Wayne.'

Sinilip ni Marvin si Wayne na nasa loob pa rin ng Origami at mahimbing ang pagtulog.

Dahil sa makapangyarihang Arcane Ability ni Wayne, magiging malaking tulong siya kay Marvin.

Pero walang makakapagsabi kung kelan ito magigising.

Habang patuloy na naglalakad ang dalawa, umabot na sa humigit-kumulang sampu ang mga halimaw na nagtipon sa kanilang likuran.

Kahit si Yin ay walang magawa kundi matawa na lang. "Bibihira ka lang makakakita ng grupo ng mga halimaw na pinipigilan ang kagustuhan nilang pumatay."

"Mukhang matagal rin silang naghintay para mangyari ito."

Lumingon si Marvin at nagtanong, "Kapag nakarating tayo sa lugar na 'yon at nakuha natin ang mga item mula sa selyo ng Twin Snakes, paano sila?"

"Hindi ko alam." Umiling si Yin, mayroong kakaiba sa kanyang mga mata. "Sinasabi na wala tao ang makakalaban sa tukso ng Fate Tablet."

"Pero sinabi mo na wala kang interes sa Fate Tablet," paalala ni Marvin.

Tumawa nang malakas si Yin, "Hindi naman ako basta tao."

'Maniwala ako sayo.' Sabi ni Marvin s akanyang sarili.

Sa puntong ito, isang malawak na lugar ang nasa harapan nila.

Mukha itong malawak na bulwagan, at sa dulo nito ay mayroong madilim na pasilyo.

Nararamdaman ni Marvin na mayroong nakakubli sa dilim ng pasilyong iyon.

Sa mga oras na ito, tumigil na ang mga halimaw sa kanilang likuran at hindi na nagpatuloy.

Tumayo lang ang mga ito at tinitigan sina Marvin at Yin.

Naunawaan na ito ni Marvin.

'Pasok na.'