Kasing itim ng tinta ang tubig ng Deep River, bagay na bagay sa laging madilim na Underdark.
Kahit na ang iba pang mga ilog sa Underdark ay maitim din ang tubig, kadalasan ay mayroong mga halamang nagbibigay ng liwanag para kahit paano ay maliwanagan ang kapaligiran.
Pero dito, tila nilamon ang lahat ng bagay.
Ang tunay na kapangyarihan ng Darksight ay magagamit sa ganitong mga lokasyon.
Walang kahirap-hirap kay Marvin ang paglalakbay nila sa madilim na ilog. Minamaniobra niya ang isang maliit na bangka, sinusundan ang agos ng tubig.
Si Jessica ay isang Fate Sorceress, kaya naman kaya nitong iayon ang kanyang Perception sa kapaligiran at mayroon rin itong iba pang paraan para makita o malaman ang kanyang kapaligiran. Pero dahil sa hindi pangkaraniwang katangian ng Deep River, siguradong hindi niya mapapantayan ang kakayahang makakita ni Marvin sa dilim.
Kasabay nito, tila mayroon silang nararamdaman na hindi maipaliwanag.
Tila ba nakakaramdam si Jessica ng labis na kalungkutan. Sa katunayan, ang sino mang makaabot sa lugar na ito ay makakadama nito.
Ito ay galing sa pwersa ng kapaligiran.
Ito ang pinakamababang lugar sa plane, at napupuno ito ng hindi maipaliwanag na pwersang nagmumula sa kapaligiran. Ang isang ordinaryong tao ay hindi maaabot ang lokasyon na ito gamit ang kanilang sariling lakas. Siguradong hihimatayin ang sino mang sumubok nito.
Kahit na ang ganitong uri ng pwersa ay hindi mapipinsalaan ang mga Legend powerhouse, hindi pa rin mapapakali at mawawalan ng pasesnya ang mga ito dahil sa pwersang ito.
Lalo pa at masyadong tahimik ang lugar na ito.
Bukod sa tunog ng pagdaloy ng tubig, tila ba nilamon ng halimaw ang lahat ng iba pang tunog.
Tila wala ring saysay ang oras sa lugar na ito. Tanging ang ilog at ang hangin lang ang kanilang nararamdaman, at wala nang iba dahil puro kadiliman na ito.
Mabuti na lang at parehong mataas ang kanilang Willpower, kung hindi, sa sitwasyon na ito, madali silang mabibiktima ng mga ilusyon.
Nasa ikalawang araw na sila ng kanilang paglalakbay sa Deep River.
Sa pangunguna ni Marvin, walang problemang nakarating ang dalawa sa isa sa mga pinakamatinding lugar sa Underdark, ang Deep River/
Mabilis ang pagdaloy ng Deep River. Sa tantya ni Marvin, makakarating sila sa lugar kung nasaan ang Crypt Monster sa loob ng kalahating araw.
Basta makalampas sila sa lugar na ito, abot kamay na nila ang Andes Snow Mountain.
Sa unang araw nila ng paglalakbay, paminsan-minsan lang nag-uusap sina Marvin at Jessica, at kadalasan ng oras ay tahimik lang sila.
Kahit na ganoon, mahinahon pa rin sila.
Naupo si Marvin sa harap ng maliit na bangka, nakatingin lang siya sa dilim.
Nararamdaman niyang napakaaliwalas ng kanyang pag-iisip. Sa tila isinumpang lugar na ito, walang panganib na hindi nila kakyaning dalawa.
Pero tila mayroong siyang nararamdamang masamang mangyayari.
Para itong maliit na Beast na patuloy na tumutulig sa kanyang tenga.
Isa itong mapanganib na pangitain.
'Normal lang ang panganib, pero ano 'tong pakiramdam na 'to?'
Dahil sa Wisdom Gift ni Marvin, napakalinaw ng pag-iisip ni Marvin. Ito rin ay nagbigay sa kanya ng kakayahan na maramdaman kung ano ang papaating, parang Divination.
Bahagya niyang napansin na ang panganib na ito ay hindi saklaw ng kanyang kaalaman.
Nalilito siya sa ideya na ito. Hindi saklaw ng kanyang kaalaman? Mayroon pang mas nakakatakot na bagay sa lugar na ito bukod sa Crypt Monster?
Kung tutuusin, imposible ito.
Pero hindi naman naging pabaya si Marvin at hindi niya inalis sa kanyang isip ang posibilidad na ito.
Alam niyang ang kanyang pagdating ay nagdulot ng malaking pagbabago sa mundong ito!
Mas maagang nagbukas ang Eternal Frozen Spring… Hindi naman mawawala ang posigbilidad na marahil, nagising rin nang mas maaga ang Cyrpt Monster.
Pero walang naman magiging problema basta mapaghandaan nila ito nang maayos.
…
Sa gitna ng kadiliman, biglang nagsalita si Jessica. "Ayoko talaga sa dilim."
Bahagyang tumawa si Marvin, "Karamihan naman ng tao."
"Kinuha ng dilim ang mga magulang naming," mahinahon na paliwanag ni Jessica, "kaya mas galit ako sa ayoko kumpara sa ibang tao."
Biglang bumigat ang pakiramdam ni Marvin.
Ito ang unang beses na nagkwento si Jessica nang tungkol sa kanya.
Sa Three Fate Sisters, siguradong si Jessica ang pinakamakapangyarihan.
Kahit na napakagandang babae ni Jessica, iilan lang ang nakakakita sa kanya bilang babae.
Kapag ang isang tao ay nasa rurok na ang taglay na lakas, magiging isa na silang simbolo o liwanag sa mata ng iba, hindi na sila basta-basta tao.
Nirerespeto siya ng mga ito, o maaaring sinasamba, o pwede ring kinasusuklaman, pero walang nakakaunawa sa kung sino ba talaga siya.
Lalo pa at kung susumahin nang mabuti, si Jessica ay dalawampung taong gulang lang.
Ang dalagang ito ang sumuporta sa timog-kanlurang bahagi ng kontinente nang mag-isa. Kahit na si Marvin ay may mataas na paggalang kay Jessica.
Pero nang sabihin niya ang mga salitang ito, biglang nagbago ang kanyang nararamdaman.
Napalitan ito ng hindi maipaliwanag na awa.
Naghanap si Marvin sa kanyang mga alaala tungkol sa mga karanasan niya sa larong Feinan Continent pero nakakagulat na walang lumabas na kahit ano tungkol sa mga buhay ng Three Fate Sister bago ang mga kaganapan sa laro!
Tila umusbong na lang ang tatlong ito sa Rocky Mountain, sobrang elegante at banayad na tila hindi sila dapat doon umusbong.
Tila ba walang saysay ang salitang "magulang" para sa kanila.
Maraming tao ang kumbinsido dito. Para sa mga Fate Sorceress… Kung mayroon silang ituturing na magulang, hindi ba ito ang Plane?
Ito ang kadalasang nasa isipan ng mga tao.
Pero hindi ito ang totoo.
…
"Kapapanganak pa lang ni Lorie noong nawala sila. Iyon ang taon na puno ng mga delubyo, at muntik pang mapatay nang palihim si Kate ng isang tao malapit sa baybayin…"
Napakahinahon ng boses ni Jessica, para bang walang kinalaman sa kanya ang istoryang ito.
Pero naririnig ni Marvin ang lungkot at pagkabigo sa kanyang tono.
Kahit pa gaano siya kalakas, isa pa rin siyang simpleng dalaga.
Kaya naman, malumanay na inilagay ni Marvin ang kanyang kamay sa likod ng kamay ni Jessica.
Napakalamig.
Hindi ito normal!
Nagulat si Marvin.
Pero bago pa siya magkaroon ng reaksyon, biglang humarap si Jessica at tinitigan si Marvin, "Alam mo ba?"
"Namatay ang mga magulat ko sa isang napakadilim na gabi…."
Sumimangot si Marvin.
Habang bumibigat ang pakiramdam sa paligid, bigla niyang sinabi, "Una sa lahat…"
Pero biglang sumabat si Jessica, "Gusto mo bang malaman paano sila namatay?"
Biglang bumagal ang isipan ni Marvin dahil sa biglaang tanong nito at nagtatakang napatitig ito kay Jessica.
Sa gitna ng dilim, tila mga makinang na perlas ang mga mata ni Jessica.
Tinitigan nito si Marvin at ibinulong, "Pinatay ko sila."
Tila tumigil ang lahat. Nanginig si Marvin, sa isang iglap ay natuliro ang isip ni Marvin!
Kasabay nito, hinawakan ni Jessica ang gilid ng bangka gamit ang isang kamay at itinulak si Marvin gamit ang kabila!
Bumaliktad ang bangka at lumipad ang tubig sa paligid!
Masyadong mabilis ang naging kilos ni Jessica para kay Marvin na natuliro!
Natigilan si Marvin habang nasa ere, sinusubukan nito makakita sa kabila ng pagtalsik ng tubig!
Mayroon siyang nakikita na kakaibang anino ng tila taong mayroong apat na paa na nakakapit sa ilalim ng bangka.
Kung hindi dahil kay Jessica, marahil hindi na ito napansin ni Marvin.
Hindi maipinta ang mukha ni Marvin.
'Ano 'yan?'