Base sa kanyang nakita sa kanyang interface, ang Child of the Plane na awra na kakakuha lang ni Marvin ay kakaunti lang ang nakalistang effect.
Pero alam ni Marvin kung gaano kahalaga para sa kanya ang awra na iyon.
Simple lang ang deskripsyon ng [Child of the Plane]: Sa tuwing ginagamit ang awra na ito, hindi siya tatablan ng mga pinsalang idudulot ng mga pangkaraniwang Plane Law.
Kahit na simple lang ang effect nito, magagawa nitong bigyang kakayahan si Marvin na harapin ang karamihan ng mga God.
Dahil ngayon ay nasa likod na niya ang Plane Will ng Feinan.
Maliban na lang kung alisin sa kanya ng Plane Will ang awra na ito, ang mga New God muala sa ikatlong Era ay hindi siya matatalo gamit ang mga kapangyarihan nila sa Plane Law.
Kung binigyan si Marvin ng advanced False Divine Vessel ng kumpyansa para harapin ang mga God, binigyan naman siya ng awra ng Plane Will ng kakayahan para hamunin ang mga ito.
Sa pagkakaalam niya, ang mayroong pinakamataas na awtoridad sa Feinan ay si Lance, at ang kasunod ditto ay ang mga unang Ancient God na nabuhay sa Feinan, ang mga Fate Sorceess, at siya, ang kauna-unahang half-Fate Sorcerer.
Habang ang mga New God naman ng ikatlong Era, kahit na mayroon silang makapangyarihan Divine Power at Law Authority sa Feinan, kailangan nilang sundin ang mga patakaran ng laro.
Hindi nila maaaring direktang ma-kontrol ang mga Law, at direktang mapatay si Marvin dahil sa level ng kanilang Authority.
Ito ang pinakamalaking pinagkiba sa pagitan ng mga mortal at ng mga God, at ngayon, napunan n ani Marvin ang agwat na iyon.
Kampante na siya ngayon na wala na siyang problema sa pagtakas kahit na makaharap niya ang God of awn and Protection.
Tungkol naman sa mga Low God… Kung makukuha niya ang pagkilala at ang buong kapangyarihan ng Sodom's Blade, siguradong magagawa niyang mapatay ang mga ito!
…
Ang Child of the Plane awra ay napakamakapangyarihan.
At sa haba ng kasaysayan ng Feinan, tanging ang pinakadakilang bayani lang at ang mga Fate Sorceress ang nakakakuha ng ganitong uri ng awra.
Ito ang dahilan kung bakit kinaiinggitan ng mga Goddess ang Three Sisters sa laro.
Bumuntong hininga si Marvin habang nararamadaman ang kapangyarihan ng awra na ito. Hindi niya mapigilan isipin ang mga detalyeng hindi niya pinansin noon.
Dahil sa kanyang pagdating sa Feinan, bumilis ang lahat ng mga pangyayari ng Feinan.
Magin ang tungkol sa White Deer Cave man, ang Dragon God's Wrath man, ang Great Calamity man, o kahit pa ang pangyayari sa Eternal Frozen Spring man, malinaw na makikitang mas napapaaga ang mga pangyayaring ito kumpara sa laro.
Kung ganoon, ano na ang susunod sa Eternal Frozen Spring?
Nalubog sa pag-iisip si Marvin. Sadyang napakalaki ng Feinan. Sa laro, halos minu-minutong mayroong nagaganap na hindi malilimutang pangyayari.
Gusto man lang niyang magkaroon ng ideya sa kung ano ang maaari pang mangyari, pero sa huli, nalaman niyang imposible ito.
Halos imposible nang masabi kung ano ang mangyayari dahil sa kabit-kabit na epekto ng kanyang pagdating.
Ang pagbagsak ni Diggles, Shadow Prince, at ng Wilderness God, ang pagkamatay ng Great Elven King sa pagtatanggol sa Universe Magic Pool, ang mas maagang pagbubukas ng selyo ng Etenal Frozen Spring… Kahit pa subukang tumalon palabas ni Marvin sa higanteng chessboard na ito at tingnan ito mula sa labas para makita ang kabuoan ng sitwasyon, siguradong malilito pa rin siya.
Matapos niyang pagurin ang utak sa pag-iisip, nagdesisyon siyang sumuko na muna.
Wala rin naman silbi ang pag-iisip ng mga bagay-bagay na ito. Tanging sa pagpapalakas lang sa kanyang sarili siya makakasigurado na malulutas niya ang ano mang problemang darating.
Ano man ang mangyari sa hinaharap, kailangan niya itong harapin. Ang kanyang "mala-propetang" kakayahan ay unti-unti nang nawawalang ng bisa.
Matapos isipin ang lahat ng ito, dahan-dahan siyang tumayo at nag-inat.
'Ano na kayang nangyayari kay Raven.'
'Maayos na kaya ang sitwasyon sa mga nakatataas sa Underdark United Coucil? Nakakuha na kaya siya ng impormasyon tungkol sa gupo ng mga Legend?'
Habang iniisip ito ni Marvin, nagdesisyon si Marvin na gamitin ang Book of Nalu para tawagan si Raven.
Dahil nasa kanya na ang tatlong pahina ng Book of Nalu, mas nakakamangha na ang epekto nito kesa noon.
Kailangan lang ni Marvin ng konting konsentrasyon para direktang makausap ang kanyang apat na "tauhan" na nakagapos sa libro.
Naaapektuhan naman ng distansya ang paggamit nito.
Dahil sa nasa loob lang ng Rosen Strongholds si Raven, hindi na kailangan gumamit ni Marvin ng gaanong enerhiya dahil sa malapit lang ito.
Pero hindi niya inasahan na mayroong ibang mangyayari noon ginawa niya ito. Ilang runes mula sa Wisdom Chapter ang na-activate at naging makinang na liwanag.
Pagkatapos nito, ang Fate Power Imprint na nakatago sa advanced False Divine Vessel ay nagsimulang kumislap!
Noong una, hindi nauunawaan ni Marvin kung ano ang nangyayari.
Pero bigla na lang niyang napagtanto na ang dati niyang magulong alaala ay nagsisimula nang umayos.
Tila ba mayroong robot o computer program na tumutulong sa kanya na ayusin ang kanyang mga iniisip at mga alaala.
Ang kanyang mga alaala at iba pang mga karanasan ay naging mga libro at mayroong malaking aklatan na nabuo sa kanyang isipan.
Wala pang sampung segundo ay ang lahat ng mga impormasyon ay naging isan buong aklatan na puno ng mga libro!
Nakikita ni Marvin ang buong aklatan, minamasdan niya ang mga istante ng libro.
Bigla na lang naging transparent ang isntante at naging sinulid ng kadiliman at nagsimulang lumabas ang liwanag, nabuo naman ang mga magkakahabing node at ang iba naman ay bumuo ng mga larawan!
Sa huli, ang lahat ng sinulid ng istante ay nagsama-sama!
Ang pagbagsak ng Black Dragon, hindi mabilang na mga nilalang ng Underdark na namatay, pagbalot ng pulang dugo sa lupa, isang batang babae na nagmamatigas na nakatayo sa city wall at pinapanuod ang isang ulap sa malayo…
Sa taas ng ulap mayroong anino, isang pares ng mga Goddess ang nakatitig sa siyudad, hindi itinatago ang inggit sa kanilang mga mukha!
Napahiyaw sa hinagpis ang mga tao, lumaban ang mga sundalo, isang kakaibang Wyvern ang lumipad sa kalangitan, yumanig ang lupa, at isang halimaw na balot ng kadena ang ibinubunggo ang sarili sa Ccity wall!
Sa kaibuturan ng Wilds sa malayo, mayroong mga mandirigmang naka-itim na maskara ang may mga hawak na mga espada, pinapatay ang kanilang mga kalaban habang pabalik sila.
Mayroong punto na nagsama-sama na ang lahat ng larawan, at naging isang malaking pagsabog.
Pinagpapawisan naman na bumalik sa ulirat si Marvin.
Nauunawaan niya ito.
Sa istanteng iyon, mayroong malaking nakasulat na:
[Rocky Mountain]!
Oo, Rocky Mountain ang suso sa mga kaganapang nangyayari sa Katimugan!
Ang Underdark Winter, ang pagbubukas ng Eternal Frozen Spring, at ang paglusob ng Dark Clan ay may kinalaman sa Rocky Mountain.
Sa laro, ang pinakakilalang malaking kaganpan na [Rocky Mountain Defensive Batle], ay isang bagay na ganadong-ganadong pinag-uusapan ng mga manlalaro.
Kahit na hindi nila naitaboy ang mga nanghihimasok, taas noo pa rin nilang sinasabing lumaban sila!
'Ang Rocky Mountain ang susi…'
'Tama, sa Feinan, pakiramdam ng mga God na ang mga Fate Sorceress ang isa sa mga pinakamalaking tinik sa kanilang lalamunan. At ngayon, nandito na rin ako.'
'Sinimulan na ng Twin Godsesses ang kanilang plano? Kung ganoon ang pag-atake ng mga Underdark Monster ay pagsubok lang sa lakas ng Rocky Mountain. Talagang ang Queen of Spiders ay isang nilalang na mayroong masasamang intensyon. '
'Ano't ano pa man…. Mukhang ito ang tunay na diwa ng Wisdom.'
Matapos huminga nang malalim, minulat ni Marvin ang kanyang mga mata, puno ng kumpyansa.
Sa wakas ay naunawaan na niya kung bakit tinatawag na [Wisdom] ang Fate Power na ito.