Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 609 - Fate Power (1)

Chapter 609 - Fate Power (1)

###### **Translator:** Translation Nation **Editor:** Translation Nation

Ang librong ibinigay ni Marvin kay Jessica ay ang librong tungkol sa Ghost Barrier na nakuha niya mula sa aklatan ng Snake Witch.

Ang ganoong klase ng libro ay kaya lang basahin ng isang caster na mayroong sapat na spiritual power.

Mas matindi ang mga kinakailangan para mabasa ang librong ito kumpara sa mga ordinaryong spell book. Kailangan nito ng mataas na Appraisial Skill at kailangan mahusay ito sa Ancient Common.

Pero hindi isang ordinaryong caster si Jessica.

Kahit na hindi siya isang Legend Wizard, na ang uri ng caster na kailangan para magamit ang spell, masyadong makapangyarihan ang Fate Sorceress Halo.

Sa buong Feinan, ang Fate Power ay nakakataas sa lahat ng bagay. Basta isa itong spell book na para sa kahit anong caster, magagawang gamitin ito ni Jessica.

Kung hindi, hindi na nag-abala pa si Marvin na kuhanin ito.

Naging seryoso ang mukha ni Jessica nang ibigay sa kanya ito ni Marvin.

Binuklat nito ang mga pahina saka tiningnan nang kakaiba si Marvin. "Saan mo nakuha ang bagay na 'to?"

Nagkibit-balikat lang si Marvin at hindi gaanong nagpaliwanag. Alam naman niya na hindi si Jessica ang tipo ng tao na mangungulit kung ayaw niyang sumagot, kaya hindi na niya kailangan sabihin dito ang lahat.

Minsan, mas mabuting may mga bagay na hindi sabihin, kahit pa kakampi niya ito.

Masungit naman siyang tiningnan ni Jessica bago muling tiningnan ang ancient book.

Nagpahinga naman noong sumunod na dalawang araw si Marvin sa Ruby Stronghold.

Kahit na ang mga Dark Specter ay mabilis na kumakalat, ang Rosen Strongholds ay pansamantalang ligtas dahil sa magandang lokasyon nito at mahigpit na pagbabantay dito.

Iniwasan niya ang pagkilos at uminom ng mga recovery potion, para gumaling mula sa Bone Breaking Screech.

Matapos ang dalawang araw, karamihan ng epekto ng Bone Breaking Screech sa kanyang katawan ay nawala na.

Sa ngayon, magaan na ang pakiramdam ni Marvin.

Kung mayroong pang ibang epekto ang spell na iyon, magiging mas masama iyon para kay Marvin.

Matapos makapagpagaling ni Marvin, nabanggit na ng makapangyarihang Fate Sorceress na matagumpay na niyang naunawaan ang perpektong hubog ng Ghost Barrier. Pareho naman nilang gustong makita ito kaya pareho silang umalis sa Rosen Strongholds at nagtungo sa dakong kanlurang bahagi kung nasaan ang mga kalaban.

Dalawang anino ang kaswal na naglakad sa isang madilim na kweba.

Malamig na hangin ang umiihip mula sa kanluran, mula sa Eternal Frozen Spring.

Kumakalat na ang lamig nito, pero ang kinatatakutan ng mga Underdark Race ay hindi ang pagbabago ng temperatura, kundi ang pagkalat ng mga Dark Specter1

Sa puntong ito, wala nang natirang buhay sa silang ngang bahagi ng Great Vortex

Naging paraiso na ito para sa mga Dark Specter.

Nakakuha na rin ng impormasyon si Jessica mula sa Hopy City. Mas matindi na ang kinakaharap ni Kate ngayon. Ang masa pa dito ay umaabot na sa dakong silangan ang mga sinaniban ng Dark Specter!

Marahil napansin ng Ghost Mother na hindi madaling punteryahin ang Hope City, kaya nagdesisyon na ito na ikutan ito at pumunta sa ibang bahagi ng Feinan.

Nagsimula na rin kalabanin ng mga ito ang mga Wizard Monster.

Hindi nila alam kung mabuti ba ito o hindi, pero ayon sa gurpo ng mananaliksik na caster ng Hope City, ang mga Dakr Specter ay hindi kayang saniban ang mga Wizard Monster!

Kakaunting mga Human na lang ang naglilibot sa kanlurang bahagi ng Sanit Desert. Karamihan sa mga tao ditto ay namatay na o naging mga Wizard Monster na nagpapakalat-kalat na lang, kaya wala pang progreso sa lugar na ito ang mga Dark Specter.

Nakapirmi sila ngayon sa pagitan sila ngayon ng Rocky Mountain at Sage Desert.

Pero alam ni Marvin na hindi ito magtatagal.

Hindi pa ito ang pangunahing pwersa ng mga Dark Specter. Malamang ay isa lang Ghost Mother ang namumuno sa mga Specter na patungo sa silangan.

Ang kanilang pangunahing layunin pa rin ay masakop ang Great Vortex at idagdag ang mga na Rosen Strongholds sa kanilang hukbo. At pagkatapos noon ay iipunin na nila ang kanilang lakas saka nila aatakihin ang lupang ibabaw.

Isa itong mahabang proseso, pero sa sa bilis ng pagdami ng mga Dark Specter, sino man ay matatakot.

Alam ni Marvin na kung hindi niya ito mapipigilan, kahit na malayo ang White River Valley sa silangan, hindi pa rin nila maiiwasan madamay sa kalamidad na ito.

Kung hindi niya mapapatay ang Final Ghost Mother, sapat nang maiselyo ito muli sa loob ng Eternal Frozen Spring.

Pero kailangan nila itong gawin nang paisa-isang hakbang.

Kakakuha lang ni Raven ng Ruby Stronghold, at salamat sa pambihirang lakas na ipinamalas ni Jessica, siguradong walang maglalakas loob na magrebelde.

Sinimulan nang kausapin ni Raven ang mga nakatataas ng Rosen Stronghold, at mukhang nakakuha na siya ng pwesto sa Underdark United Council bilang secondary member.

Ang Uncerdark United Council ang pinakamataas na awtoridad na namamahala sa Rosen Strongholds. Binubuo ito ng pitong top member at labing apat na secondary member, at mayroong itong 21 pwesto sa kabuoan.

Ang pitong top member ang may pinakamataas na awtoridad. Ang mga pwestong ito ay hinati sa tatlong pinakamalaking stronghold ng Rosen Stongholds

Para naman sa labing apat na secondary member, marami sa mga ito ay mayroong impluwensiya sa tatlong pinakamlakaing mga stronghold.

Kadalasan, hindi sana makakakuha si Raven ng pwesto bilang secondary member. Pero sa isang kakatapos lang na labanan, ang pwersa ng isang stronghold ay inubos ng mga Dark Specter. At kahit na ibinigay ng mga ito ang lahat ng kanilang makakaya at nagawa ring ubusin ang mga Dark Specter, wala nang natira sa stronghold.

Kaya naman nabakantea ang isang pwesto.

.

Ang mga mga nakatataas ay naglaban-laban para makuha ang pwesto, pero nagdesiyson siila na ibigay ang pagkakataon sa Ruby Stronghold. Matapos mapag-isa ni Raven ang pwersa ng Ruby Stronghold,sa tulong ni Jessica, mayroon nang dalawang grupo sa ilalim ni Raven. Maging ang mga Underdark Human man ito, na kailan lang siya kinilala, o ang grupo niya ng mga Drow, parehong mga prominenteng pwersa ang mga ito sa Underdark.

At dahil doon, nakakuha siya ng pagkakataon na makakuha ng pwesto sa konseha.

Matapos marinig ang mga hakbang na ginawa ng Underdark United Council noong mga nakaraang araw, nalaman niya na sinisimulan na nilang isagawa ang balak nilang magpadala ng mga Legend sa Eternal Frozen Spring, at dahil handa na si Marvin, tumulong siya na mapabilis ang operasyon.

"Isang nakakadiring nilalang."

Sa hindi kalayuan, isang lantang Duergar ang paika-ikang lumapit.

Hindi maikubli ni Jessica ang kanyang pagkasuklam.

Hindi niya gusto ang mga Unerdark Race, pero kinikilala pa rin nito ang Karapatan nilang mabuhay.

Peo ang mga halimaw na Dark Specter ay kalaban ng lahat ng nilalang.

Ang ganitong mala-balang na halimaw ay nagdudulot ng takot at galit.

Walang pag-aalinlangan siyang nag-cast ng Ghost Barrier na inaral niya sa Duergar!

Sa isang iglap, isang nakakasilaw at asul na liwanag ang bumalot sa lugar.

Nang mabalot sa nakakasilaw na asul na liwanag, nagsimulang manginig ang Duergar. Ang kanyang lantang tuyot na balat ay nagsimulang manigsay bago gumapang palabas ang mga uod mula sa katawan nito!

Sadyang nakakatakot ang eksenang ito.

Pero nang makalabas na ang mga uod mula sa Duergar, nawala na ang kanilang resistance sa asul na liwanag at agad na natunaw.

Napakabaho nito.

"Mukhang disente naman." Humarap si Jessica kay Marvin at tinanong ito, "Balak mo bang aralin?"

Natigilan si Marvin. "Pwede kong aralin 'yan?"

Tila naiirita naman si Jessica sa sagot nito at seryosong sumagot na, "Mayroong kang Fate Power, kaya malamang pwede mong maaral!"