Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 607 - Duel

Chapter 607 - Duel

Mukha lang isang ordinaryong lalaki na nasa katamtamang gulang ang ermitanyo kahit na matinding ang pinsala sa paa nito.

Napinsala ang kanyang mga paa dahil sa laban sa mga Dark Specter, kaya kaya lang nitong maglakad sa tulong ng mga saklay.

pero kahit na ganito, hindi siya mukhang mahina.

Nararamdaman ni Marvin ang makapangyarihang awra na nagmumula sa lalaki, para itong isang Beast na matagal nang nahihimbing. Isang Beast na walang ano mang galit pero muling sasabog ang kapangyarihan sa oras na muling mag-alab ito.

Para sa manatili itong buhay mula pa noong magulong era na iyon hanggang ngayon, malamang ang bloodline niya ay mula sa mga race na mahahaba ang buhay.

Maraming nasasaksihan ang mga nilalang na mahahaba ang buhay. Kahit ang isang mangmang ay magiging madunong paglipas ng sapat na oras, paano pa kaya ang isang nilalang na una pa lang at malawak na ang kaalaman.

Sa pagkakaintindi ni Marvin, nanatili ang ermitanyo sa Underdark sa loob ng napakahabang panahon para bantayan ang selyo ng Eternal Frozen Spring

Labis niyang kinamumuhian ang mga Dark Specter dahil sa pagwasak nito sa kanyang mundo.

Wala siyang nararamdaman na espesyal para sa Feinan, pero ayaw nitong makitang maghari ang mga Dark Specter sa isa pang mundo.

Hindi na maipaliwanag ang reaksyon nito ngayon.

Sandalin nagdalawang-isip si Marvin bago mahinahon na nagsalita si Marvin, "Gayunpaman, lagging mayroong kailangan na tumayo at pumigil sa kanila."

"Umaasa akong tutulungan mo ako."

Matagal na tinitigan ng ermitanyo si Marvin. "Bata, naisip mo ba na minsan, mayroong mga delubyong sadyang hindi mo mapipigilan? Kahit na mailigtas mo ang mundo, siguradong mayroon pa rin sususnod na delubyong darating."

"Hindi kayang iligtas ang lahat nang mag-isa, at isa pa, hindi mo responsibilidad iyon."

"Bakit hindi na lang ang mga sumira sa Order ang umayos ng gusot? Kung maayos pa rin sana Universe Magic Pool, hindi sana mabubuksan ang Eternal Spring Seal, at hindi sana kukupas ang kapngyarihan ng Night Monarch dito."

Naging kakaiba na rin ang reaksyon ni Marvin.

Alam niya ang ilang lihim tungkol sa bagay na ito, lalo na at nakausap niya si Lance dahil sa pagpasok ni Daniela sa kanyang panaginip.

Nalaman niya na ideya pala ni Lance na wasakin ng mga God ang Universe Magic Pool!

At base sa mga mapanuyang pananalita ng ermitanyo, mukhang alam niya rin ang tungkol ditto.

Binabatikos ba talaga niya ang God of Creation ng Feinan?

Sumimangot si Marvin. "Sa tingin mo mayroong gumagamit sa akin?"

Umiling ang ermitanyo. "Hindi ko alam ang pinagmulan mo, pero tanging ang mga nakaranas lang ng matinding sakit at kalungkutan ang maghahangad nang ganoon katas."

"Maaari kong ipahiram sayo ang Demon Subduing Sword…. Pero mayroon akong nakikitang mga impluwensya sa katawan mo na hindi ko maipaliwanag."

"Kaya naman, wala akong ibang magagawa kundi paalalahanan ka: May mga bagay na sa tingin mo ay ginagawa ng iba bilang pabor sayo, pero sa katunayan, ginagawa ka lang nilang laruan."

"Isipin mo ang kahulugan ng buhay mo."

Nang marinig ito ni Marvin, bahagya siyang natawa. "Bago ko pag-isipan ang kahulugan ng buhay ko, dapat isipin ko muna kung paano ako mananatiling buhay."

"Tama ka, may mga bagay na hindi ko naman responsibilidad, pero kailangan lagging mayroong taong tumayo at magpresinta para gawin ang mga bagay na ito, hindi ba?"

"Hindi ako marangal na tao, pero mapanatiling buhay at maayos ang kalagayan ng mga tao sa tabi ko, kailangan kong gawin ang makakaya ko para labanan ang mga delubyong ito."

'Para naman sa kahuligan ng buhay, kapag nagawa ko na ang lahat ng kailangan kong gawin, magiging malinaw na lang iyon basta sa akin."

Mahinahon naman na ngumiti ang ermitanyo, tinitingnan nito si Marvin habang inaalala noong siya ay isang binatang mainitin pa ang dugo.

Ayaw na nitong masyaadong magsalita, kaya inabot lang nito kay Marvin ang isang maliit na kahon.

Nilalaman ng kahon na ito ang Demon Subduing Sword.

Mahinahon na ipinaliwanag ng ermitanyo kay Marvin kung paano ito gamitin.

Ang sandata na ito ay nabuo sa pamamagitan ng pag-ipon ng mga natitirang kapangyarihan sa kanyang mundo bago ito bumagsak.

Limitado lang ang bilang ng paggamit nito, at sa ngayon, mayroon na lang dalawang paggamit na natitira. Kapag naubos na ito, mawawala na ang Demon Subduing Sword.

Matapos maintindihan kung paano ito gamitin, mas naging mas seryoso ang mukha ni Marvin.

Mas naging mahirap kesa sa inaakala ni Marvin ang pagpatay sa Final Ghost Mother dahil sa striktong kondisyon ng paggamit ng Demon Subduing Sword.

Kaya naman pala hindi gaanong umaasa ang ermitanyo na mapipigilan ito ni MArvn.

Pero sa huli, ipinahiram pa rin nito ang sandata niya kay Marvin, na bahagyang nakakapagtaka.

Pero hindi kinwestyon ni Marvin ang desisyon nito. Matapos magbigay ng pagrespeto si Marvin sa ermitanyo, umalis na sa ravine si Marvin.

Hindi nagagal, ang ermitanyo at ang palaka na lang ang natira.

"Isang siyang mangmang na bata, no?" bulong ng palaka habang papalayo si Marvin.

Umiling ang ermitanyo.

"Kung sa tingin ko ay mangmang ang batang 'yon, hindi ko ipapahiram sa kanya ang Demon Subduin Sword."

"Interesante ang batang iyon. Makatwiran ang mga sinasabi niya pero parang hindi niya mismo ito pinaniniwalaan."

"Hintayin na matapos ang lahat? Magaling siyang magsalita. Hindi na ako makapaghintay na makita kung ano ang kahihinatnan ng kwentong 'to."

Nakatingin naman ang palaka sa ermitanyo, tila naguguluhan sa sinabi nito.

Tumawa naman ang ermitanyo at sinabing, "Lahat ay gustong makakawala mula sa kanilang kulungan."

"Tapos na ang mundong 'to dahil kahit ang God of Creation nito ay gusto nang wasakin ang mundong ito para makalaya na siya."

"Pero alam niyang hindi niya ito magagawa nang mag-isa, kaya umasa siya sa ibang pwersa para gawin ito. Nalaman niyang hindi rin sapat ang iba pang mga nilalang sa Feinan kaya naman naghanap siya mula sa ibang mundo."

"Siguradong nanggaling sa ibang mundo ang batang 'to dahil wala siyang marka ng Feinan. Katulad niya rin ako noon… Isa lang siyang maliit na piraso sa isang malaking laro. Akala ni Lance ay kaya niyang manipulahin ang lahat pero maaaring inaasahan niyang mangyari."

"Lalo pa at mayroong mga piraso sa laro na matitigas ang ulo. Kapag nagpatuloy sila sa pagsulong, at nag-iwan ng madugong daan, baka magawa nilang mapanalunan ang laro at maging higit pa sa pagiging isang piraso lang ng kabuoan."

"At kapag ang piraso ng laro ay naging isang manlalaro, maaaring hindi na ganoon kadali para itaob pa ang larong ito."

Seryoso naman ang reaksyon ng palaka at sinabing, "Sa totoo lang… Hindi ko naiintindihan."

Tumawa ang ermitanyo. "Walang problema kahit na hindi mo maintindihan."

"Sa ngayon, tayong mga taga-labas ay papanuorin na lang ang laro."

Tahimik lang na naglalakad si Marvin, pero nagpapaulit-ulit pa rin sa kanyang isipan ang mga sinabi ng ermitanyo.

Kahit na nagpangap siyang hindi siya apektado nito, tumatak ito sa kanyang isipan.

Siguradong dinala siya ni Lance para sa isang partikular na dahilan. Pero ang dahilan na ito… ano ng aba? Hindi ito malinaw kay Marvin.

Tungkol naman sa pagtawag sa kanya biglang isang piraso ng laro, natawa na lang siya sa kanyang sarili. Para sa kanya ay mas mabuti pang maging piyesa sa laro kesa maging baldado.

Dahil sa ganitong paraan, kahit papaano ay may pag-asa siya.

At kung may pag-asa, walang hanggan ang mga posibilidad.

Si Lance at ang mga God, ang pagsasabwatan, o ang tunay na plano… Hindi pa sapat ang kaalaman ni Marvin para pag-isipan ang lahat ng ito sa ngayon.

Pero isang bagay lang ang malinaw sa kanya. Maaari lang niyang maimpluwensyahan ang patutunguhan ng Universe kung sapat ang lakas niya, at kapag nangyari iyo, siguradong kwalipikado na si Marvin para pag-isipan ang mga bagay na ito.

Kung hindi naman, wala ring saysay ang pag-aalala tungkol dito.

Maaaring nagmamabuting loob lang ang ermitanyo kaya niya sinabi ang mga bagay na iyin, pero sa tingin ni Marvin, masyado pang maaga para masabi kung ano nga ang intension nito.

Mas makakabuti kung hindi na niya aalalahanin ang mga bagay na wala naman siyang magagawa para baguhin. Sa halip, ay dapat na lang niyang pagtuunan ang pansin ang pagpapalakas sa kanyang sarili.

Hindi naman dahil hindi niya ito iniiisip ay wala na siyang pakialam dito, bagkus mayroong malinaw na pananaw si Marvin sa lahat ng bagay na ito.

Hindi naman lahat ay hindi pinag-iisipan ang kanilang ginagawa. Ang lahat ng ginagawa ng lahat ng nilalang ay dahil sa mga kanya-kanyang layunin ng mga ito.

Kung balang-araw ay maging malinaw na an lahat, kahit pa kailangan niyang kalabanin si Lance, hindi matatakot si Marvin.

Pero kapag dumating ang panahon na iyon, siguradong umabot na ang lakas ni Marvin sa level na hindi inasahan ni Lance!

At ang lahat ng ito ay bahagyang dahil sa pagiging kampante ni Marvin sa kanyang sarili, at bahagyang dahil sa ito ang nais ni Marvin para sa kanyang sarili.

Paglipas ng ilang araw, sa dakong hilaga ng Rose Strongholds.

Sa loob ng maliit na stronghold.

Sa isang duel arena, dalawang grupo ng mga tao ang nagtititigan at ang bawat isa ay mayroon mga hawak na dagger.

"Raven, pinag-isipan mo ba talaga 'to nang mabuti?"

"Kahit na Manalo ka, hindi naman ibig sabihin na mapupunta na sayo ang pwesto. At malinaw naman na malaki ang agwat ng lakas niyo, imposibleng Manalo ka."

"Ang Ruby Stronghold naming ay isa lang maliit na stronghold noon. Masyadong mataas ang mga gusto mong mangyari. Kung hindi mo pag-iisipan ang una kong alok…" Isang Underdark Human na nasa katamtamang gulang ang nakatingin kay Raven at sa magandang Drown a katabi nito, makikita ang kasakiman sa mga mata nito kasabay ng mabilis na paglunok nito.

"Magtutulungan tayo, tutulungan mo kong mapunta sa pwestong 'yon, at paghahatian natin ang lahat, ano sa tingin mo?"

Ang lahat ng tao sa tabi nito ay tumatango at sumasang-ayon ang lahat sa sinasabi ng kanilang pinuno.

Mas marami itong tauhan, tatlong beses na mas marami kesa sa kung ano ang mayroon si Raven.

Sa pagkakataon na ito, para patatagin ang lakas ng kanyang Ruby Stronghold, gumastos siya para bayaran ang iba pang pwersa mula sa ibang stronghold para pabagsakin ang grupo ni Raven sa isang pag-atake lang.

Mukha naman na madali lang ito para sa lalaki dahil mayroon siyang basbas ng Black Dragon God, at ang mismong God pa na ito ang pumili sa kanya.

Itinakwil na si Raven at ang iba pa ng kanilang mga God at siguradong hindi nila ito kakayanin.

Pinili pa rin na subukang maging diplomatiko ng lalaki dahil ayaw niyang mabawasan ang pwersa ng Ruby Stronghold dahil sa pag-aaway sa loob ng kanilang pwersa.

Pero hindi sumagot si Raven. Sa halip ang Drow sa tabi nito ang biglang humakbang paharap at seryosong sinabi, "Bakit ang dami mong daldal?"

"Pumayag kami sa isang dwelo, sino mang matalo ay lalayas. Ang ibang bagay ay pwedeng pag-usapan pagkatapos, hindi ba? Ang dami mong satsat."

Biglang hindi maipinta ang mukha ng lalaki.