Salamat sa paglalabas ng sama ng loob ng Alchemy Box, sa wakas nalaman na ni Marvin ang lahat.
Ang Alchemy Box Mismo ay isang napakamakapangyarihang magical Alchemy Item.
Dahil mayroon itong sariling kamalayan.
Dito pa lang, makikita na ang gumawa nito, ang kasalukuyang walang silbing Alchemy sa White River Valley, ay tunay nga na isang mahusay na Alchemit kahit na ang lahat ng ipinapakita nito ay walang kwenta.
Will ang pangalan ng lalaking peacock kaya nagdesisyon itong pangalanan ang Magic Bo na Wilson.
Itinuturing ni Will na obra maestra niya ang Magic Box na si Wilson at itinuring pa niya itong anak.
Hindi alam ni Marvin kung nagktaon lang ba ito o hindi, pero nalaman ni Marvin mula mismo kay Wilson na nawala ang alaala ng makapangyarihang Alchemist dahil sa isang hindi mapaliwanag ng curse, at isa rin siyang powerhouse na nabuhay mula sa ikatlong Era.
Ang ikatlong Era, isang napakalayon panahon na, ay isang nakakamanghang Era!
Sa kabila ng kagilas-gilas na ipinamalas ng mga Wizard sa ikaapat na Era, kahit matapos ang isang libong taon, ang bawat sulok ng Feinan ay puno pa rin ng bakas ng ikatlong Era.
Napakaraming manigning na personalidad noong Era na iyon. At isa na si Great Alchemist Will doon.
Ayon sa Magic Box, kinilala si Will bilang King of Alchemy noong panahon na iyon, at halos lahat ay naniniwalang, kalaunan, kaya na nitong mag-ascend sa Godhood dahil sa lawak ng pag-unawa nito sa larangan ng Alchemy.
Pero ang lahat ng ito ay nawala matapos ang isang hindi inaasahang sakuna.
Matapos mawala ni Will, pinagpasa-pasahan na ang Magic Box na si Wilson, hanggang sa minalas ito at napunta sa kamay ng Snake Witch.
Ang magandang bagay lang dito, kahit na ang Snake Witch ay isang Greasmaster Alchemist, ignorante rin ito tungkol katotohanan sa likod ng Alchemy Box.
Ni hindi nito alam na marunong makadama ang Alchemy Box na ito.
Ang dahilan sa pagkakagawa ng maliit na kwartong iyon ay dahil mayroon itong nabasang libro dati. Sinasabi daw sa libro na ang mga kahon gaya ng mga Alchemy Box ay nasisira kapag masyadong itong naliwanagan o nahanginan. Dagdag pa rito na maaari daw mas malaki ang tyansang hindi magtagumpay ang mga Alchemy Ritual dahil dito.
Ang mga Alchemy Boxay nagmula sa isang era na maunlad ang larangan ng Alchemy, at halos lahat ng mga Alchemist ay mayroon nito.
At ang Magic Box na Wilson ay isa sa mga pinakamakapangyarihan sa mga ito.
Sa kabila ng pinagdaanan nitong hirap sa kamay ng Snake Witch sa loob ng napakaraming taon, hindi pa rin ito nawalan ng pag-asa.
Naramdaman ni Wilson ang pagkamatay ng Snake Witch, kaya naman nang makita niyang nagbukas ang pinto sa nakaselyong kwarto, nagdesisyon ito na ito na ang pinakamagandang oras para tumakas.
Hindi nito kayang buksan ang pinto nang mag-isa, kaya naman sinamantala nito ang kawalang-atensyon ni Marvin at binulag niya ito at sinubukang makatakas.
Sa kasamaang palad, nasurpresa siya dahil sa Post-Godly Dexterity ni Marvin, at sa huli ay napasakamay ni Marvin ang maliit na kahon.
Pero matapos malaman na si Will ay nasa White River Valley, nagbago ang isip ng Magic Box.
Gusto nitong bumalik kay Will.
At matapos mangako ni Marvin na hindi niya ito mamaltratuhin gaya ng ginawa ng Snake Witch, sumang-ayon si MAgic Box Wilson na sumama kay Marvin sa ngayon.
Kahit na ang mga Alchemy Box ay makapangyarihan, halos isan buong Era itong pinahirapan ng Snake Witch, kaya siguradong malaki ang nabawas sa lakas nito.
Nagamit na nito ang huling lakas nito sa pagsurpresa nitong pagbulag kay Marvin kanina at pagtatangkang tumakas.
Kaya naman, nang matapos nang mag-usap ang dalawa, inilagay na ito ni Marvin sa Origami Space, at hinayaan muna itong matulog at magpahinga sa ngayon.
Kapag nakabalik siya sa White River Valley, ibabalik niya ang Magic Box sa Alchemist.
Kung tunay nga na isang pambihirang Alchemist ang taong iyon na nagmula pa sa ikatlong Era, sa wakas ay may maganda nang kinalabasan ang pagpayag nyang manatili ito sa White River Valley.
…
Matapos ang pakikipag-usap sa Magic Box, hindi na nag-aksaya ng oras si Marvin at agad na kinuha ang mga gusto niya.
Ang pangunahin rason niya sa pagpunta sa Rotten Mushroom Swamp ay para sa isang spell ng Snake Witch.
Dati nang lumusob ang mga Dark Specter noong ancient era, at noong mga panahon na iyon, gumawa ang mga tao ng mga spell, na tinatawag na Ghost Barrier, para labanan sila.
Hindi na makikita ang spell na ito sa buong Feinan, pero mahahanap pa rin ito sa dalawang lugar.
Ang una ay sa huling headquarter ng South Wizard Alliance, nakatago ito sa lumulutang na siyudad ng Esomia, na matatagpuan sa gitna ng mga matataas na bundok. Sa kasamaang palad, malamang ang Esomia na ang pinakamapanganib na lugar sa Feinan.
Pagkatapos ng Great Calamity, hindi sigurado kung mayroon bang kahit kaunting Wizard na nabuhay sa Esomia. Kahit ang ang mga nasa Esomia ay may malaking pribilehiyo, na umabot na sa puntong tanging ang pinakamataas na Wizard ng South Wizard Alliance lang ang maaaring makapasok sa pinakatuktok na palapag nito, puno pa rin ng mga ordinaryong Wizard ang lugar na ito.
Matapos ang Great Calamity, siguro naman ay ipinatupad ng Ensomia ang mga patakaran nila sa panahon ng kaguluhan, na isara ang sarili nito mula sa mundo. Kung ganoon kahit ang impluwnsya ng Dakr Phoneix ay hindi naman siguro makakaabot sa Wizard Plane na iyon.
Syempre, hindi maiimpluwensyahan ng Chaos Magic Power ang mga Legend Wizard, pero ang lahat ng tao sa kanilang tabi ay siguradong naging mga halimaw. Kaya siguradong malaki dagok rin ito sa mga Legendary Wizard ng Ensomia.
Walang nakakaalam kung anon ang kalagayan ng Ensomia ngayon. Base sa impormasyon sa laro, isang instanced zone ang siyudad ng Ensomia. Nangangahulugan ito na mayroong mga kalaban na kailangan kalabanin sa loob ng siyudad.
Kahit na kampante si Marvin, wala pa rin siyang plano na hamunin ang naiwang pwersa ng South Wizard Alliance.
At tungkol naman sa ikalawang lugar kung saan makikita ang spell na ito, dito na iyon sa bahay ng Snake Witch.
Kahit na mapanganib rin ng lugar na ito, mas simple ang pagkuha ng spell dito.
Kadalasan na inilalagay ng Snake Witch ang mga natapos niyang spell scroll sa kanyang aklatan kasama ng kanyang mga libro.
Pumasok si Marvin sa aklatan at nakita ang hanay ng mga istante na mayroong mga lumang libro.
Napakarami ng mga ito at ang lahat ng ito ay nagmula pa sa ikatlong Era.
Marami rin hawak na libro si Marvin na mga nakuha niya mula sa Dragon Library. Pero ang problema lang ay tungkol sa Dragon Race ang mga ito at hindi tungkol sa mga Human.
Nilapitan ni Marvin ang mga libro ng Snake Witch at agad na sinimulang suyurin ni Marvin ang mga ito nang walang ano-ano!
Ang kalaaman ay kapangyarihan!
Lalo na sa konteksto ng mga Magic Book.
Habang tinutuloy ang pagtingin, naisip ni Marvin na pagkatapos nito, babalik siya sa White River Valley at magtatayo ng panibagong aklatan.
Mayroon na siyang sandamakmak na libro mula sa Chromatic Dragon Library ng Dragon Temple, at ngayon napakarami niya ring nakuhang ista-istanteng mga libro mula sa aklatan ng Snake Witch. Ang mga libro na ito ay tungkol sa Magic Power, at iba pang mahahalagang bagay para sa mga caster.
Mas mappabilis nito ang pag-angat ng White River Valley.
…
Habang sinusuyod niya ang buong aklatan, nakita n ani Marvin ang librong hinahanap niya, ang – The Origins of the Dark Specter ang How to Defend Against Them –.
Nakasulat ang libro gamit ang Sncient Common, makikita ito sa mga letra, at ito ang pinagmulan ng modernong Common.
Sa pagbasa ng librong ito, mauunawaan ng mga makapangyarihan caster ang lahat ng tungkol sa Ghost Barrier spell. Tiningnan ito ni Marvin at nalaman niya na hindi talaga siya isang caster dahil hindi niya maunawaan ang mga nilalaman nito…
Wala siyang magawa kundi sukuan ito sa ngayon.
Pero nakahanap naman siya ng mga naka-ipit na scroll sa dulo ng libro.
Lumang-luma na ang mga scroll na ito, at siguradong mas matanda pa ito sa ikaapat na Era, pero nakakamangha na walang kahit anong sira ang mga ito.
Ang mga scroll na ito ay naglalaman ng mga spell na hindi ganoon kalakas, pero dinisenyo ang mga ito para laban ang gamitin sa isang bagay.
[Ghost Barrier] scroll ang mga ito!