Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 599 - Starting the Operation

Chapter 599 - Starting the Operation

Sa pagkakaalam ni Marvin, kahit na ang Snake Witch ay mayroong matigas na puso at walang inuurungan, mayroon pa rin itong kahinaan.

Dahil sa Witch Queen, hindi nito maaaring makita ang araw, kung hindi, mabubulok ang balat nito. Pero dating isang Human mula as ibabaw ng lupa ang Witch Queen.

Ang pag-aasam sa sinag ng araw at normal na instinct para sa lahat ng nilalang.

Ang impormasyon na nalalaman niya ay sinasabing madalas na umalis ang Snake Witch mula sa protektado niyang bahay sa Courtyard Area, tinitingnan nito sa malayo ang sinag ng araw na bibihirang makapasok sa Underdark.

Kahit mula sa malayo, tila nararamdaman nito na tumataas ang temperature.

Marahil isa ito sa mga dahilan kung bakit determinado itong matanggal ang sumpa.

Pero para kay Marvin, isa itong paraan para malagpasan ang lahat ng depensa nito.

Lalo pa kahit na makapangyarihan si Marvin, mapanganib pa rin ang pwersahan niyang pagpasok sa kuta ng isang Witch na higit isang libong taong gulang na.

Mas matigas na ang lupang nilalakaran ni Marvin.

Nawala na ang halumigmig sa hangin at sumama na sa hamog, matigas na ang lupa kumpara sa mga natural na Mud-Trap na makikita sa buong swamp.

Sinundan ni Marvin ang daan base sa naaalala niya, nangangapa siya nang kaunti, hanggang sa nahanap na nga niya ang Courtyard.

Ang tinatawag na Courtyard na ito ay isa lang maliit na butas.

Ang biological clock ng katawan ni Marvin ay tugma pa rin sa mundo sa labas, kaya alam niyang gabi na at wala nang liwanag sa Courtyard.

Kumplikado ang kalupaan sa paligid. Sa madaling salita, isa itong maliit na kanyon sa ilalim ng lupa na mayroong ilang mga daan palabas. Para siyang dumadaan sa kwebang puno ng mga sapot at mga lagusan sa gilid.

Pero hindi pa rin alam ni Marvin kung saan papunta ang mga lagusan na ito, kahit na marami siyang impormasyon tungkol sa Underdark.

Ang pinakaimportante bahagi ng Courtyard Area ay isang kakaibang tumpok ng mga bato. Isang Poplar Tree ang tumutubo sa gitna ng mga batong ito.

Mukhang kulang sa sustansya ang Popla Tree, pero wala naman itong senyales na mayroong kakaiba ditto. Isa lang itong normal na puno.

Sa nakakatakot na Underdark, isang himala nan a nabuhay pa ang ganitong uri ng puno.

Alam ni Marvin na dahil siguro ito sa pag-aalaga ng Snake Witch dito.

Kung hindi dahil sa pagpasok ng sinag ng araw sa Courtyard Area, siguradong namatay na ang Poplar Tree na ito.

Pinagisipan niya pa ito panandalian bago naglakad papalapit sa tumpok ng mga bato at tumayo sa ilalim ng Poplar Tree.

Nang tumingala siya ay Nakita niya ang isang mahaba at madilim na lagusan. Kahit na mayroon siyang Darksight, hindi pa rin nakita ni Marvin ang ibabaw ng lupa sa lagusan.

Pero sigurado siya na isa ito sa mga maliliit na butas na nabanggit sa post.

Medyo lanta na ang Poplar Tree, at halos wala nang dahoon na natitira. Tumingala si Marvin sa kapaligiran at ibinaba ang kanyang katawan habang gumagamit ng Hide skill ng kanyang Ranger class.

Dahil umabot na sa level 10 ang class na ito, malakas na ang kanyang Hide skill.

Mayroon pa siyang mga bonus mula sa kanyang Ranger at Ruler of the Night specialty, kaya imposibleng mapansin siya habang nagtatago sa Poplar Tree.

Kahit na masinagan pa siya ng araw, sigurado si Marvin na hindi siya mahahanap ng Snake Witch.

Kahit na malaki na ang naidagdag sa kanyang lakas, naging maingat pa rin siya mula sa kanyang mga kalaban.

Ang pagiging pabaya ang naging dahilan ng pagbagsak ng napakaraming malalakas na powerhouse, kaya naman maingat si Marvin dahil ayaw niyang magkamali at masayang ang pagkakataon na ito sa panibago niyang buhay.

Mabagal na lumipas ang oras.

Napakahaba ng pasensya ni Marvin, alam niya na hindi araw-araw nagpupunta ang Snake Witch sa Courtyard.

Pero kung hindi pa rin ito lalabas sa loob ng tatlong araw, siya na mismo ang pupunta ditto.

Lalo pa at mayroon silang usapan ni Jessica na magkikita silang muli bago umalis.

At nang umalis sila sa Rosen Stronghold, sigurado si Marvin na malapit na rin umalis ang grupo ng mga Legend.

Kung masyado siyang magtatagal, siguradong matatalo ang grupo na iyon at kakailanganin harapin ni Marvin nang mag-isa ang Final Ghost Mother. Alam niya kapag nangyari iyon, mas bababa ang tyansa niyang Manalo.

At iyon ay kahit pa makuha pa niya ang sinasabing espada na kayang makapatay sa Final Ghost Mother.

Habang naghihintay siya, tila napakatahimik ng kabuoan ng Underdark.

Maaaring mabaliw ang ga tao dahil sa katahimikan at maaari rin madala ang mga taong mahina ang willpower sa mga bulong ng Devil. Hindi ilusyon ang mga boses na ito; mula talaga ito sa mga Devil ng Nine Hells.

Dahil sa mga plane barrier, mahirap para sa mga Devil ang maabot ang Feinan.

Pero ang Underdark ay naiiba dahil matatagpuan ito sa pinakamababang bahagi ng Feinan at mas malapit ito sa Nine Hells. Sinasabi pa nga na posibleng maabot ang ilang mga lower plane mula sa kaibuturan ng Underdark.

May katotohanan naman ang balitang ito. Lalo pa at personal na nakita ni Marvin ang River Styx na dumadaloy dito.

Ang Underworld ang pinakamababang plane, dumadaloy ang River Styx mula sa underdark papunta sa Underworld, kaya hindi na nakakagulat na ang lalim-lalimang ng Underdark ay maaaring kumonekta sa Hell o sa Abyss.

Paglipas ng dalawang araw.

Habang papalapit na ang pagtatapos ng itinakdang oras ng paghihintay ni Marvin, nagkaroon ng pagbabago sa tahimik na hangin na nasa bandang harapan niya.

Nanatiling nakatago si Marvin, mahinahon na nakasandal sa Poplar Tree na nasa kabilang dako ng bahay ng Witch.

Bahagya siyang lumingon at sumilip. Sa gitna ng madilim na lagusan, isang pares ng pulang mata ang makikita.

'Hindi Human?' Bahagyang nadismaya si Marvin.

Ilang sandal lang ay napuno siya ng saya!

Dahil napansin niyang hugis ahas ito!

Pulang-pula ang ahas, at hindi gaanong makapal ang katawan nito, pero ang bawat pagkawag nito ng kanyang katawan ay may dalang pwersa.

'Mukhang Snake Shapechanging.'

Napagtanto ni Marvin.

'Ang Snake Withd!'

'Oo. Hindi maaaring tamaan ng sinag ng liwanag ang Snake Witch, pero marahil iba lang ang kanyang anyo, maaari sigurong panandalian matanggal ang curse.'

'Malamang 'yan ang dahilan kung bakit siya tinatawag na Snake Witch ng mga Anzed Witch. Dahil 'to sa innate ability niya na maging ahas.'

'Mukhang maganda ang timpla niya ngayong araw.'

Pinigil ni Marvin ang kagustuhan niyang kumilos agad at tahimik na naghintay na gumapang papalapit ang pulang ahas.

Banayad ang bawat kilos ng ahas. Sa ngayon, tanghali na sa Feinan, at may kaunting sinag ng liwanag ang pumapasok sa lagusan at nasisinagan ang Poplar Tree.

Tinitingnan ng pulang ahas ang liwanag, makikita ang pananabik sa kanyang mga mata.

Mabilis siyang lumapit pero hindi niya napansin na mayroong tao sa likod ng Poplar Tree.

Lapit pa.

Ang distansya ng dalawa ay humigit kumulang sampung metro na lang!

Nanatiling mahinahon si Marvin, makikita ang pagiging seryoso sa kanyang mga mata.

'Ngayon na!'

Ang mga mala-ahas na nilalang ay sensitibo sa paggalaw sa hangin at sa init. Kahit na makapangyarihan ang kanyang Hide, habang papalapit ito, mas malaki ang tyansang madiskubre si Marvin ng Snake Witch.

Pero ayaw niyang sayangin ang pinaghirapan niya.

Sa isang iglap, isang anino ang lumabas mula sa dilim!

Mabilis pa rin na gumagampang papalapit sa tumpok ng mga bato ang ahas. Hindi lang nito inakala na mayroong nakakatakot na kalaban na nakatago sa kanyang hardin.

Kasing bilis ng kidlat ang paglabas ni Marvin, pasugod ito habang lumalabas-labas ang dila ng ahas.

Hawak ni Marvin ang Weeping Sky, isinaksak niya ang spear sa kritikal na bahagi ng katawan ng ahas, at pwersahan itong ipinako sa tumpok ng mga bato!