Tiningnan ni Sangore ang kanyang mortal na kaaway, matinding galit ang nararamdaman nito.
Sa mga mata ng Black Knight, walang dudang mortal na niyang kaaway ito.
Tiningnan niya ang Sodom's Blades na hawak ni Marvin, at agad na umatake gamit ang kanyang spear!
Ngumisi naman si Marvin, hindi siya nababahala sa Black Knight.
Lagi niyang iniiwasan noon si Sangore. Una, dahil malakas ito at marami itong kasama, kaya hindi ito madaling harapin. Ikalawa, ang pakay niya ay kunin ang Sodom's Blades, at hindi patayin ang Black Knight.
Ngayon na hawak na niya ang Artifact, ang kanyang pangunahing pakay ay nagawa na niya. At mag-isang pumasok ang misteryosong lugar na ito. Sa ganitong klaseng sitwasyon, sadyang hindi matatakot si Marvin sa Black Knight!
Sa bilis ng pagkilos ni Marvin tila may naiwan pa itong imahe niya sa kanyang kinatatayuan.
Ang dulo ng spear ng Black Knight ay nakakatakot at mayroong taglay na matinding kapangyarihan, para bang kaya nitong butasin kahit ang mismong Space.
Pero kahit na makapangyarihan ang spear na ito, siguradong kasing lakas lang ito n gAzure Leaf, isang lang itong Legendary Spear.
Personal na naranasan ni Marvin ang lakas ng Sodom's Blades, kaya alam niya na hindi siya maaapektuhan ng atake ng Black Knight!
Isang simpleng pag-iwas lang ay sapat na para iwasan ang atake ng Black Knight.
Sa sumunod na sandali, biglang sumambulat ang kanyang katawan!
Agad na nawala ang distansya sa pagitan nilang dalawa. Malinaw na hindi inakala ni Sangore na ganito kalakas ang pisikal na kakayahan ni Marvin, dahil hindi agad siya nakapag-isip!
Ito ang halaga ng bilis ng reaksyon.
Sa isang mabagsik na melee battle, hindi ang bilis ng pagkilos ang mahalaga. Sa halip, ang bilis ng reaksyon ang pinakamahalaga.
Sinamantala ni Marvin ang pagkakataon na ito para umatake, at tila lumilipad naman sa ere ang mga dagger na hawak nito.
Ang noo ng Black Knight ang pupunteryahin ng pag-atake na ito, pero biglang may malakas na kapangyarihan ang namuo sa kanyang braso!
Naging mabagal ang pagkilos ni Marvin!
Humina ang pagkilos ni Marvin at nagdulot ito ng malaking butas sa kanyang depensa.
Bigla naman itinaas ng Black Knigh ang kanyang spear para salagin ang cruved dagger kasabay ng pagtuhod nito ay Marvin.
Sa bilis ng pangyayari, hindi na ito naiwasan ni Marvin!
Tumama ang mala-bakal na tuhod ng Black Knight sa tiyan ni Marvin!
Muntik nang sumuka ng dugo ni Marvin!
Tumalsik siya nang sampung metro!
Mabuti na lang at nagulat ang Black Knight sa pag-atake ni Marvin, kaya hindi buo ang lakas ng pagtuhod nito kay Marvin. Kung hindi, siguradong matinding pinsala ang natanggap ni Marvin!
…
'Pucha!'
'Para akong sinaksak patalikod habang lumalaban!'
Gumapang naman palabas mula sa tumpok ng buto si Marvin.
Sa pagkakataon na ito, galit na talaga siya.
Iyon n asana ang pagkakataon niya para mapatay si Black Knight Sangore, pero sa halip, napigilan siya ng Spirit na nasa loob ng Sodom's Blade at nakatanggap pa ng matinding pinsala.
Masyado niyang minaliit ang Spirit.
'Hindi mo makokontrol ang mga dagger na ito nang wala akong pahintulot,' isang malamig na boses ang umalingawngaw sa kanyang isipan. 'Nakakagulat ang lakas ng willpower mo. Pero ako ang master ng mga dagger na 'to!'
Nakaramdam si Marvin ng sakit sa kanyang tiyan kasabay ng paglamig ng kanyang mga mata.
Mahigpit niyang hinawakan ang Sodom's Blades at sinabi sa kanyang isip, 'Sa tingin mo hindi ko mapapatay ang Black Knight na 'to nang wala ang mga dagger na 'to?'
Biglang natahimik ang Spirit.
Ngumisi si Marvin, 'Didispatyahin ko muna ang Black Knight, at pagkatapos, unti-unti kong hihigupin ang lakas ng kaluluwa mo. Sa tingin mo may pag-asa ka pa?'
Bahagyang nanginig ang Sodom's Blades.
'Klang! Klang!"
Kasabay ng pag alingawngaw ng tunog na ito, nakita ni Black Knight ang baon ni Marvin ng dalawang dagger sa pader!
Nanginginig ang mga dagger, na para bang sinusubukan ng mga ito na makawala sa pader, pero walang nangyari.
[Spirit Orb – Harvest]!
Nilamon ng makapangyarihang skill ang Spirit sa loob ng Sodom's Blades. Matapos ang ilang taon, kakaunti na lang ang natitirang enerhiya sa bahagi ng kaluluwa ng Bloody Emperor. Kaya naman, sa ilalim ng makapangyarihang epekto ng Harvest, malaking bahagi ng kapangyarihan ng Artifact ang naiselyo.
Hindi na nanginginig ang mga curved dagger.
Pinunasan ni Marvin ang digo sa dulo ng kanyang mga labi kasabay ng pagkuha ng isang pares ng curved dagger, tinuon nito ang kanyang atensyon sa Black Knight.
Nakakapagtaka naman na naramdaman ni Sangore na kumakabog ang kanyang dibdib.
Matagal na niyang hindi nararamdaman ito. Sa Feinan, kung paano siya tingnan ni Marvin ngayon, ganoon niya tinitingnan dati ang mga tao.
Isa itong walang awang pagtitig ng isang makapangyarihang tao.
Nagalit naman nang husto si Sangore dahil dito.
Sinugod nito si Marvin haban sumisigaw.
Sa isang iglap, ginamit ni Marvin ang Shadow Escape at lumapit sa Black Knight!
"Alam kong nandyan ka!" sigaw ni Sangore habang sinasaksak ang lokasyon kung nasaan si Marvin kanina.
Dahil sa karanasan ng Black Knight sa pakikipaglaban, mabilis ang naging reakson nito sa pagsubok ni Marvin sa kanyang lakas.
Sa kasamaang palag, ang lugar na inatake niya… ay walang laman!
Nilagpasan ito ni Marvin, iniwasan niya ang pag-atake ni Sangore nang walang ibang ginagamit na skill.
Nagulat naman ang Black Knight!
Hindi ito ang bilis na kayang abutin ng isang human.
Pero sa ngayon, hindi ito napansin ni Marvin.
Ang hindi mapakaling pairamdam sa kanyang dibdib, ay siguradong nagmumula sa Sodom's Blades. Noong unang beses na sinubukan siyang i-sabotahe ng Bloody Emperor, sinubukan nitong magpasok ng Evil Spirit Power sa kanyang isipan.
Kahit na hindi siya nagtagumpay, mayroon pa rin natira sa mga ito.
Nainis naman si Marvin dahil dito, kaya kailangan ng mapaglalabasan ng kanyang galit.
At ang pinakamainam sa ngayon ay ang wala padalos-dalos na Black Knight!
Bahagyang namula ang kanyang mga mata, dahil sa mantinding pinsalang natamo mula sa pag-atake ni Sangore. Ito ang una niyang malalang pinsala sa loob ng matagal na panahon.
Kaya naman gusto na niyang patayin agad ang Black Knight!
Pabilis nang pabilis si Marvin, pero hindi napukaw ang atensyon ni Marvin sa mga pagbabago sa kanyang interface.
Ang kalaban lang niyang si Sangore ang nakapansin ng mga nakakatakot na pagbabago kay Marvin.
Nakakamangha ang bilis nito. Isang pares ng ordinaryong Magic dagger ang nag-uumapaw sa nakakatakot na lakas sa mga kamay ni Marvin.
Kahit na mas malakas na sandata ang spear ng Black Knight, sadyang hindi ito makakasabay sa mga curved dagger ni Marvin.
Lumaki at lumiit ang distansya sa pagitan ng dalawa, pero kontrolado ni Marvin ang lahat.
Isang dagger ang walang habas na tumama sa armor ni Sangore. Kahit na napakatibay ng kanyang armor, sa harap ng mga malalakas nap ag-atake ni Marvin, ilang butas at bitak ang lumitaw dito.
Tila isang nakakatakot na multo si Marvin, hindi naman maarok ni Sangore ang bilis na ginagamit ni Marvin sa kanilang laban!
Sa paningin ng Black Knight, mula sa pagkalaban sa isang mahirap na kalaban, tila napapaligiran na siya nito!
Ang ganitong klase ng bilis…kinilabutan si Sangore.
Higit na ito sa bilis ng isang mortal.
Nasa Godly Realm na ito.
Kinuyom niya ang kanyang ngipin at inilabas ni Sangore ang kanyang huling alas!
Ang ikalawang pahina ng Book of Nalu – Prosperity!