Nasurpresa si Marvin nang lumitaw si Blackhand pagkaalis ni Saydis.
Walang gaanong kaalaman si Marvin sa Nine Hells. Paano nga ba nagawa ni Diross na maging Lord ng Scorched Hell?
Misteryo pa rin ito sa kanya.
Pero hindi naman niya tinanggihan ang tulog ni Blackhand.
Sa tingin ni Marvin, kung gugustuhin ni Diross ang Sodom's Blades, kakaunting nilalang ang makakatapat sa kanya sa buong Universe.
Noong i-summon ni Marvin si Blackhand noon, isa pa lang itong middle ranked Devil Horseman, pero ngayon isa na agad siyang Greater Devil. Malinaw na may kinalaman ito sa pagsuporta sa kanya ng Lord ng Scorched Hell.
Medyo nakakapagtaka ang pagpapadala ni Diross kay blackhand para tulungan siyang makuha ang Sodom's Blades at matapos ng lahat ng nangyari, nakapansin si Marvin ng senyales ng sabwatan at mga kakaibang bagay. Pero tinanggap pa rin niya ang tulong ni Blackhand.
Lalo pa at lolo niya ito.
…
Habang naglalakad sa abalang mga kalsada ng Devil Town ay kakaibang karansan.
Kahit na alam ni Marvin na ang mga Devil na ito ay mga ilusyon lang ng nakaraan, nagtaka pa rin siya sa mga ito.
Sinasabing ang Devil Town ay ang naging stronghold ng Nine Hells sa Feinan.
Ginamit nila itong daan para subukang sakupin ang Feinan.
Matagal na panahon na noong nagyari ito. Kalaunan, naitaboy ang mga Devil at walang Devil Town.
Kahit pa ganoon, puno pa rin ng awra ng mga Devil ang lugar na ito na para bang hindi sila umalis.
Ang ilan sa mga pangunahing bloodline ng Nine Hell ay mayroon pa ring mga espesyal na pamamaraan para malusutan ang Devil Town at umabot sa Devil Town gamit ang "back door."
Pero ang mga Devil na nakakarating sa Devil Town sa pamamaraan na ito ay hindi gaanong malalakas.
Ang pinakamataas na maaaring makalusot dito ay ang mga Greater Devil. Tulad na lang ni Blackhand Bard.
Pero naiiba si Saydis.
Ang Saydis sa Devil Town na ito ay isa lang avatar!
Ang nilalang na iyon ay ang ikalawang tagapagmana ng Extreme Evil Lord.
Hindi maarok ang lakas nito. Kumpara sa iba pang mga Devil na mas gustong may makamit sa Crimson Wasteland o sa Bloody Battlefield, ang ikalawang tagapagmana na ito ay mas gustong gumala sa mundo ng mga mortal.
Pakalat-kalat ang mga avatar nito.
Nauunawaan ni Marvin na hindi niya kakayanin si Saydis, pero mabuti na lang at mayroong batas ang Devil Town.
[Ang mga mayroong Devil bloodline ay hindi maaaring saktan ang isa't isa sa Devil Town].
Ang batas na ito ay pareho sa mga batas sa God Realm. Sinasabi na ginawa ng siyam na Archdevil na ito ang batas na ito noong itinatag nila ang Devil Town. Lalo pa at nagtutulungan ang Nine Hells na harapin ang God Realms.
Paglipas ng napakaraming taon, naroon pa rin ang batas na ito.
Ito ang dahilan kung bakit hindi nagkaroon ng paglalaban sa pagitan ng dalawang panig nang makaharap ni Marvin sina Saydi at ang Black Knight.
Alam nila na mayroong bloodline ng Devil si Marvin at hindi nila magagawang labanan ang Will ng Devil Town para gumawa ng isang agresibong pag-atake laban dito.
Ang will ng bayan na ito ay itinuturing na batas na hindi pwedeng labagin, Hindi malalabanan ito ng mga Devil kaya naman wala silang magagawa kundi ang unahan si Marvin patungo sa tomb ng Bloody Emperor
Pero mukhang hindi nababahala si Blackhand na mabigo sa isyon na ito. Banayad lang ang paglalakad nito, at hindi ito nagmamadali.
'Hindi ganoon kadaling kunin ang Sodom's Blade.'
'Maraming butas sa post na nabasa ko. Malamang ipinagmamayabang lang ng taong 'yon ang nakuha niya, at ayaw niyang magbigay ng iba pang detalye tungkol dito,' isip-isip ni Marvin.
Naglakad sila sa tila ba walang katapusan na bayan.
Unti-unting bumuo ng hula si Marvin kung bakit hindi nagmamadali si Blackhand.
Kailangan niyang sabihin kay Marvin ang lahat ng mahahalagang impormasyon bago sila makarating doon.
Impormasyon hindi lang tungkol sa Devil Town, kundi pati na rin sa Sodom's Blade, sa Bloody Emperor mismo, at sa ikalawang anak ng Extreme Evil Lord na kasama ng Black Knight.
Saydis.
Ang pangalan na ito ay kilala noong 3rd Era.
Iyon ang panahon ng makapangyarihang God Lance, pero ang ikalawang anak ng Extreme Evil Lord ay ginamit ang kanyang katalinuhan para maging isa sa mga powerhouse ng 3rd Era.
Sinasabi pa nga na sa kasalukuyang God Realms, maraming mayroong maayos na relasyon kay Saydis.
Natulungan ni Saydis ang mga God na iyon sa 3rd Era. Tinatawag itong investment ng Devil na ito.
Tuso ito at napakatalino. Pinakitunguhan niya nang mabuti ang mga taong alam niyang mayroong malaking potensyal.
Pero pagdating sa pag-invest sa mga ganitong bagay, mayroong mga pagkakataon na hindi niya pa rin nakukuha ang kanyang gusto, kahit na isa siyang makapangyarihang Devil.
Sa katunayan, isa ito sa mga pinakamahalagang rason kung bakit nasa Devil Town ngayon si Saydis.
"Walang nakakaalam ng detalye ng kasunduan sa pagitan nina Saydis at ng Bloody Emperor," dagdag na sabi ni Blackhand. "Ang isang bagay lang na sigurado ako, noong panahon ng matinding pangangailangan ng Bloody Emperor, nakipagkasundo ito kay Saydi at tinanggap ang tulong nito. Base sa kanilang kasunduan, makakatanggap ng kapalit si Saydis sa pagtulong niyang ito."
"Pero sa katunayan…" Hindi agad tinapos ni Blackhand ang kanyang sinasabi, at bahagyang nagbago ang kanyang boses. "Noong nagpunta na si Saydis para kolektahin ang kunin ang kapalit, muntik na siyang mapatay ng Bloody Emperor!"
"Kumalat ang balita na ito sa buong Nine Hells. At maraming tao ang nagsaya. Lalo pa at na-iinggit ang lahat sa katalihunan ni Saydis at sa kakayahan nitong gumawa ng mga ganitong investment na madalas ay epektibo. Pero marami rin ang may pagdududa. Paano nga ba nalabag ng Blood Emperor ang isang Devil Contract?"
"Hanggang sa araw na ito, wala pa ring nakaka-alam ng kasagutan. Matagumpay na nabali ng Bloody Emperor ang kanyang pangako sa ikalawang tagapagmana ng Archedevil matapos niya itong talunin. At pagkatapos nito, bihira nang magpakita si Saydis sa Feinan."
"Naging mas tahimik na nag pagkilos nito. Sinasabi ng ilan na mayroong malaking butas sa Contract sa pagitan ni Saydis at ng Bloody Emperor, at umabot ito sa punto na kahit matapos mamatay ang Bloody Emperor, hindi pa rin nangahas na kunin ni Saydis ang kabayaran sa kanyang pagtulong."
Inanalisa ni Marvin ang lahat ng sinabi ni Blackhand.
Ito ay mga lihim na ngayon niya lang narinig.
Kahit paano ay nagpapasalamat na siya kay Diross na ipinadala nito si Blackhand paa tulungan siya. Kung hindi agad nalaman ni Marvin an impormasyon na ito, maaaring napahamak na siya kalaunan.
Gayunpaman, mahigpit ang pagkakatago sa kung ano mang impormasyon tungkol sa posibleng butas sa Contract.
Kahit na wala siyang planong labanan si Saydis mas mabuting nalaman ni Marvin ang mga detalye ng mga bagay-bagay nang maaga.
Pinaka-interesado si Marvin ngayon sa Contract sa pagitan ng Bloody Emperor at ni Saydis.
Halos imporsibleng malinlang ang isang Devil sa ganitong bagay!
Isa pa, hindi isang mahinang Devil ito, kung ang ikalawang anak ng Extreme Devil Lord!
Kung sapilitan man na nilabag ng Bloody Emperor ang kondisyon sa kanilang Contract, bukod kay Saydis, siguradong kumilos na rin ang am ani Saydis para ipagtanggol ang imahe ng Extreme Evil Hell.
Sa kabila nito, bago ang biglaang pagkamatay ng Blood Emperor, walang nakakita ng ano mang pagkilos tungkol dito mula sa mga Devil ng Extreme Evil Hell.
Matapos malaman ang lahat ng ito, hindi mapigilang maging mausisa ni Marvin tungkol sa tyrant na matagal nang namatay.
Isa siyang taong nakapanlinlang sa Devil…
Napaisip si Marvin ng iba pang posibilidad.
'Palihim na tnutulungan ni Saydis si Black Knight Sangore. Maaaring hindi ang kasunduan nila ng Black Knight ang dahilan kung bakit muling nagpakita si Saydis sa Devil Town matapos ang ilang taon.
'Bumalik siya para singilin ang bangkay ng Bloody Emperor!'
'Higit pa sa inaasahan ko ang nakataya sa bagay na 'to.'
…
Matapos malaman ang nakaraan ni Saydis at ang pinagmulan ng Devil Town mula kay Blackhand, maraming katangungan si Marvin.
Sa impormasyon na nakuha niya, kasama na ang mga alaala niya sa dati niyang buhay, mayroong nabuong plano sa kanyang isipan.
Tungkol naman sa tanong na pinakapinagtataka niya, hindi siya sinagot ni Blackhand.
Ano ang Myth na sinasabi ni Saydis?
Seryosong sinabi ng Greater Devil na may kinalaman ang tanong na ito sa lihim ng Nine Hells, at kung papayg si Marvin na maging bahagi ng Nine Hells, sasabihin ng kanyang lolo na si Diross kung ano ito.
Pero kung tatanggi siya, mas makakabuti sa kanya na hindi malaman ang sikretong ito.
Nang marinig ang sagot ni Blackhand, tiningnan ni Marvin ang Greater Devil nang may pagtataka. "Hindi ka naparito para pasalihin ako, hindi ba?"
Umiling si Blackhand at nagpaliwanag, "Kailangan ko lang tapusin ang misyon na ibinigay sa akin ng aking Lord."
"Naniniwala ang Lord ko na ang Sodom's Blades ay nababagay sayo, kaya ipinadala niya ako para tulungan ka, 'yun lang."
"Sa pagpapasali naman, sa tingin ko mayroong ibang naiisip ang aking Lord na gagawa nito. At syempre, umaasa siyang sasali ka sa amin."
"Pero hindi ka niya pipilitin."
"Hindi na malinaw sa akin ang iba pang ditalye."
Matapos sabihin ito, biglang may itinuro si Black hand. "Nandoon ang daan papasok sa tomb ng Bloody Emperor."
Sinundan ni Marvin ang direksyon ng daliri nito.
Hindi naman nakakagulat na mayroong pamilyar na aninong naglalakad-lakad sa labas ng daan papasok ng Tomb.
Nang makita ang pagdating ni Marvin at Blackhand, ngumiti ang kabilang panig. "Mukhang ayaw mong makipagkasundo sa akin dahil may iba kang kliyente."
"Isang hamak na lower-class Devil… Bakit iyan pa ang pinili mo? Masisiguro ko sayong mas marami ang kaya kong maibigay kesa sa kanya… mas marami."
Natigilan si Blackhand habang tinitingnan si Saydis, pero hindi ito nagsalita.
Ang relasyon sa pagitan ng Nine Hells ay kumplikado. Kailan lang siya ginawang Guardian ng Scorched Hell Lord, kaya hindi siya gagawa ng problema laban sa ikalawang anak ng isang pang Lord.
Tiningnan ni Saydis si Blackhand at pagkatapos ay muling tumingin kay Marvin. Tila nakikita ng mga berdeng mata na iyon ang lahat ng bagay. "Sandali, hindi ka pa rin bahagu ng Hell… Mukhang nagkamali ako sa pagtingin sayo kanina, hindi ka pa kwalipikado para maging tagapagmana ng Hell… Nakakamangha. Ang bloodline mo…. Hehe"
Mahinahon na nakinig si Marvin, dahil hindi naman talaga siya nababahal. Gusto niyang makarinig pa ng mga kapaki-pakinabang na bagay mula sa bibig ni Saydis.
Pero bigla na lang itong lumingon at nagtanong, "Gusto mo bang madamay sa alitan sa pagitan naming ng mandarayang 'yon?"
Mahinahon naman na sumagot si Blackhand, "Sir Saydis, isa lang akong gabay. Interesado si Mister Marvin sa Sodom Blade's at narito lang ako para dalhin siya dito."
"Wala na akong alam tungkol sa iba pang bagay."
Tumawa naman si Saydis, tila hindi niya pinaniniwalaan ito. Muli siyang humarap kay Marvin at tinanong ito, "Anong binigay mo sa kanya?"
Binuka lang ni Marvin ang kanyang mga palad, pinapakitang wala siyang binayad dito.
Bahagyang nagulat si Saydis, saka ito ngumiti kay Marvin. "Libreng serbisyo?"
"Mister Marvin, hindi ko alam kung gaano kalalim ang pang-unawa mo sa mundo ng mga Devil…"
"Pero may isang bagay na sa tingin ko ay dapat mong malaman. Walang libreng serbisyo sa mundo ng mga Devil."
"Ang lahat ay may kabayaran…"
Nakangiting nagbabala si Saydis, "Dapat maging maingat ka."