Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 586 - Myths

Chapter 586 - Myths

Kinilabutan si Marvin nang marinig ang sinabi ng Tomb Raider!

Bigla niyang naunawaan kung ano ang nangyayari sa kanyang perception!

Hindi talaga ito isang tomb.

Isa itong espesyal na bayan!

Devil Town…Devil Town!

Walang detalye sa tungkol sa Devil Town sa post na nakita ni Marvin. Habang iniisip ito ni Marvin, marahil iyon ang isa sa mga pinakamahalagang bagay na sinadyang hindi isama ng nag-post nito.

Nakakalinlang ang mga sinabi nito.

Pinaisip niya sa mga tao na ginawa ng Bloody Emperor ang lugar na ito para protektahan ang kanyang himlayan.

Sa katunayan, sa paglipas ng mga taon, nahadlangan ng Devil Town ang mga problema ng Bloody Emperor.

Pero hindi ibig sabihin nito na siya na ang ang gumawa ng Devil Town.

'Posibleng… matagal na nakatayo ang Devil Town bago pa man nabuhay ang Bloody Emperor!'

'At inilagay niya lang ang daan papasok sa kanyang tomb sa lugar na ito!'

Tahimik na pinag-isipan ni Marvin ang mga posibilidad.

Kung ganoon nga, maipapaliwanag nito ang lahat!

May sasabihin pa sana ito nang biglan, ilang mga anino ang lumitaw sa dulo ng daan!

Black Knight Sangore!

Nanlumo ang mukha ni Speedy at nabahala ito. Tiningnan niya si Marvin at agad na tinanong, "Tumakbo na kaya tayo?"

"Mas marami sila kesa sa atin…"

Nakakabahala na nasundan pa sila ng Black Knight sa loob ng Devil Town.

Gumamit si Marvin ng teleportation tool para matakasan ang kanyang mga kalaban na habol din ang Sodom's Blades.

Hindi nila inakala na bigla na lang lilitaw ang mga ito.

Isa pa, ang nakapukaw ng atensyon ni Marvin ay ang taong nasa tabi ni Sangore.

Maganda ang mukha nito, tila may mga pambabaeng katangian kahit na lalaki ito.

Isang Greater Devil!

Nararamdaman ni Marvin ang awra na nagmumula sa katawan nito.

Devil Town….Black Knight….Greater Devil.

Mayroong hindi maipaliwanag na nararamdaman si Marvin sa kanyang isipan.

Nang nakita nito si Marvin, makikita ang galit nito sa mga mata ng Black Knight!

Kung hindi dahil sa pesteng ito, hindi niya sana kakailanganin magbayad ng napakalaking halaga para makapasok sa Devil Town.

Blangko ang mga mata ng Legend Wizard na nasa kanyang likuran. Tanging galit at iba pang mga instinct ang natira.

Inalay na ni Sangore ang kaluluwa nito kay Saydis.

Iyon lang ang kabayaran na tatanggapin ni Saydis para dalhin sila nito papasok sa Devil Town.

Kaya naman, mayroon na namang isang taong nakagapos sa Book of Nalu ni Sangore. Pero sa pagkakataon na ito, malaking bahagi ng kaluluwa nito ay kinuha na ni Saydis, kaya naman malaki ang nabawas sa lakas ng Legend Wizard at naging isa sa mga mahihinang Legend.

Kasabay nito, ang magaling na babaeng laging kasama at nakasunod sa Black Knight ay wala na, tila naging isa na lang itong manika na susundin ang lahat ng kanyang iuutos.

Mahirap tanggapin para ka Sangore ang desisyon na ito, pero upang lumakas pa siya, nagdesisyon na siyang isuko ang lahat ng mayroong siya.

Wala na itong babalikan pa.

Mga kamag-anak, mga kaibigan, katapatan, emosyon… Kahit ang sarili niyang kaluluwa… ipinagpalit na niya ang lahat ng ito para sa kapangyarihan.

Alam niyang kalaunan, mamamatay rin siya sa kamay ng nakangiting Greter Devil na ito. Noon pa man ay ginagawa na nila ang ganito, ang panililinlang sa mga tao para maakit ang mga ito.

Una, may ibibigay na mga benepisyo ang mga ito para sa maliit na halaga, at unti-unting pinapain ang kanilang biktima.

Kung wala kay Sangore ang Book of Nalu, baka nilamon na siya ni Saydis.

Pero kahit na ganoon, nag-aalala pa rin ito sa tuwing nakakaharap niya si Saydis.

Lalo pa at ito ang ikalawang anak ng Extreme Evil Lord! Ang ikalawang tagapagmana ng Extreme Evil Purgatory.

Pero matagal nang tahimik na iniipon ni Sangore ang kanyang lakas.

Naiiba siya sa ibang inaakit ng mga Devil, dahil natutulungan siya ng isang Artifact.

Naniniwala siyang kaya niyang labanan ang korapsyon ng Devil at patuloy na lumakas hanggang sa isang araw, babawiin niya ang lahat ng kinuha sa kanya ng Devil.

Ang lahat!

Habang iniisip ang lahat ng ito, mas lalong naging desidido si Sangore.

Mahigpit niyang hinawakan ang kanyang spear at itinuro ito kay Marvin.

Lalong lumala ang reaksyon ng Tomb Raider. Natatakot siya at gusto na niyang tumakbo pero hindi ito nangahas!

Makapangyarihan si Sangore, pero mas nakakatakot si Marvin!

Natuliro ito at walang nagawa kundi nababahalang tumingin kay Marvin.

Pero hindi siya nakakita ng takot sa mga mata ni Marvin.

Kahit sa ganitong sitwasyon, nanatiling mahinahon ang binata.

Kung hindi ito nagpapanggap, talaga ngang karapat-dapat si Marvin ng pagrespeto ng Tomb Raider.

Sa harap ng spear ng Black Knigh, hindi man lang binunot ni Marvin ang kanyang mga dagger.

Hindi ito dahil sa masyado siyang kampante, kundi dahil may gusto lang siyang linawin.

"Devil Town, Devil Town…"

"Ang lugar na ito ay isa sa mga siyudad na itinayo ng mga Devil sa Feinan, tama?" Biglang tanong ni Marvin.

Nakatuon ang atensyon ni Marvin kay Saydis.

Ngumiti si Saydis kay Marvin. "Matalino ka."

"Kung gusto mo, pwede tayong gumawa ng kasunduan."

Kahit na mabagsik ang naging reaksyon ni Sangore, ipinagpatuloy lang ni Saydis ang kaswal na pakikipag-usap kay Marvin. "Pwede kong sabihin sayo ang lokasyon ng Sodom's Blades."

Ngumisi pabalik si Marvin, "Pasensya na, wala akong interes na makipagkasundo sa Devil sa nagyon."

"Hipokrito." Hindi galit si Saydis, pero nagpatuloy ito nang may magiliw na ngiti. "Kung hindi dahil sa pakikipagkasundo sa mga Devil, sa tingin mo, saan nanggaling ang mga bloodline sa katawan mo?"

"Bilang isang tagapagmana ng Nine Hells, bibigyan kita ng payo. Ang mga Myth ay mananatiling Myth. Maganda nga na manahin ang kapangyarihan ng pamilya."

"Ang gusto mong gawin ay walang hanggang paglaban. Ang pagbabalik ng kadakilaan ng mga Ancient Angel ay imposible na."

Mayroong halong panghahamak ang tono ni Saydis. "Maraming mga Greater Devil na ang nabigo sa landas na 'yan. Malayo pa sana ang narrating nila."

"May mga bagay nang imposible nang magawa."

Walang nasabi si Marvin.

Sinigurado niyang magmukhang mahinahon, kahit na sa totoo lang ay naguguluhan na siya sa mga sinasabi ng Devil.

'Anong pinagsasasabi ng lalaking 'yon?'

'Anong Myth? Anong mamanahin?'

'Bakit hindi ko maintindihan ang sinasabi niya?'

Kung hindi lang siya mahusay sa pagmumukhang mahinahin, marahil hindi na maipinta ang kanyang reaksyon.

Pero mukhang inisip ni Saydis na ang pannahimik ni Marvin ay hindi pagtanggap sa kanyang payo. Biglang walang emosyong sinabi ng Greater Devil, "Sa kakayahan mo, isang pantasya lang ang paghahanap sa Sodom's Blade."

"Kung walang tamang gabay… umaasa ka lang bas a Tomb Raider na 'yan para hanapin ang Sodom's Blade?"

"Haha, nakakatawa. Kung ganoon, hanggang sa muli, Sir Marvin."

"Oo nga pala, Saydis ang pangalan ko."

Kumindat ang Greater Devil kay Marvin at kumaway ito.

Bigla naman nawala ang grupo.

Huminga nang malalim si Marvin.

Alam ng Greater Devil na iyon ang kanyang pangalan…

Mukhang marami itong nalalaman tungkol sa Devil Town….

Alam din nito ang tungkol sa kanyang bloodline…

Hindi maipapaliwanag ng pagiging Greater Devil ni Saydis kung bakit niya alam ang lahat ng ito.

Siguradong mayroong nakakatako na pinagmulan ang Saydis na ito.

Pero noong mga oras na iyon, pilit na tumawa ang Tomb Raider at tinanong si Marvin, "Kung literal nating titingnan ang pangalan ng Devil Town, hindi ba ibig sabihin noon ay maraming Devil na lilitaw?"

Natigilan si Marvin nang may lumitaw na matangkad na anino sa dulo ng kalsada.