Chapter 540: Faniya
Tumingin sila lahat sa eksena nang may kakaibang pagpapahayag. Si Bandel ay talagang humihingi ng tulong kay Hathaway? Ang sitwasyon ay umakyat kaagad, at hindi nila nagawang mag-react. Ang kamalayan ng Wilderness God at Bandel ay nagsimulang lumaban. Ang itim na bahagi at putting bahagi ng Life and Death array ay marahas na nakikipaglaban sa isa't-isa. Ang ritwal mismo ay nabuo ng Lich, at kahit na ito ay iba, ang taong nagturo sa kanya ng method ay ang Wilderness God pa rin. Gayunpaman, pagkatapos magsaliksik para rito nang maraming taon, nagkaroon na siya nang maraming pagbabago, at gayon, dapat mayroon siyang buong control sa ritwal. Ngunit para maging malinis ang ritwal, may isang kundisyon. Hindi makakatanggi ang sakripisyo. Lalo na't ganun karahas. At ang Wilderness God ay malinaw na hindi ang tipo ng tao na uupo lamang at maghihintay para sa kanyang kamatayan. Ang petrified man ay gumagalaw nang matigas, ngunit ang kapangyarihan na lumalabas sa kanyang katawan ay nagbigay ng kilabot sa mga nanonood. Ang apoy ay humalo sa kanyang katawan at umangat sa kanyang ulo. Ang Divine Vessel sa likod niya ay mas naging malinaw. Ito ang Tangible Divine Vessel characteristic! Kung pinagsama niya ang Divine Vessel at siniklaban ang Divine Fire, ang Wilderness God ay mabubuhay muli.
Si Bandel ay gumawa nang hindi mabilang na mga plano, ngunit hindi niya naisip na si Hathaway ay makakapasok sa array at kukunin ang Cold Light Grasps! Ang mga patalim ay ang susi sa pagselyo ng kamalayan ng Wilderness God. Kung nakaselyo ang kanyang kamalayan, ang ritwal ay siguradong tumuloy nang maayos. Nguni tang kasalukuyang sitwasyon ay nagbago na. Ang Lich ay may inisyatibo dahil nagawa niyang ilipat ang enerhiya sa pagitan ng dalawang bahagi ng array, pinagpapalit ang posisyon ng Life at Sacrifice na posisyon. Ngunit ang Wilderness God ay hindi isang tao na maloloko basta. Sapilitan siyang umasa sa kanyang sariling Divine Power upang subukang ibalik ang array. Hindi naglaon, naramdaman nilang lahat na sinimulan na niyang higupin ang kapangyarihan ni Miss Silvermoon! "Hindi n'yo ko magagawang pigilan! Hahaha…" Ang Wilderness God ay tumawa. Sa ulap ng madilim na hamog, si Bandel ay natatarantang lumipad sa array. Sinusubukan niyang baguhin ang mga nilalaman ng ritwal, ginagamit ang mga bagay upang pigilan ang kapangyarihan ng Wilderness God sa ritwal mismo. Ngunit ito ay mukhang walang saysay. Ang Wilderness God ay mas mahusay kaysa sa kanya sa Life and Death array, bukod sa mga pagbabago. Kahit na maaari niyang baguhin ito nang kaunti, ang Wilderness God ay maaari ring galawin ito sa isang iglap. Hindi nagtagal para sa itim at putting bahagi na magsimulang bumalik sa orihinal na porma nito! Nang ito ay makumpleto, ang muling pagkabuhay ng Wilderness God ay maaari ngang maisagawa! "Crack!" Sa paghalakhak ng Wilderness God, isang nakakabasag na tunog ang narinig sa malapit. Ang Lich ay nanigas. Isang basag ang lumitaw sa katawan ni Miss Silvermoon.
Isang mala-sapot na basag ang kumalat sa kanyang balikat. Sa ilang segundo, ang kanyang buong kanang braso ay nasira, na naging tumpok ng mga batong piraso sa lupa! "Hindi!" Isang masakit sa pusong ungal ang narinig sa itim na hamog! " Hindi kita hahayaang saktan ulit si Luna!" Kasunod nang malalim na ungal ng Lich, isang kulob na incantation ang narinig nang nakakakilabot. Sa oras na ito hindi siya umasa sa array, dahil naintindihan na niya na malayo siya sa antas ng pagkakaunawa ng Wilderness God sa Life and Death array. Sinimulan na niyang gamitin ang kapangyarihan ng Witchcraft! Sa parehong oras, isang matalim at magandang boses ang umangat sa yungib! Si Hathaway ay tumulong sa wakas. Hindi niya gustong nakikielam sa problema ng iba na walang kinalaman sa kanya. Nguni tang Wilderness God ay nagbigay sa kanya ng nagbabadyang pakiramdam. Kung mabuhay nga siyang muli, magiging masamang balita ito para sa lahat. Nag-atubili siya nang kaunti bago gumalaw! Ang kanyang mga braso ay nakalukip sa kanyang dibdib, at anim na ilaw na magkakaibang kulay ang gumagalaw sa kanyang mga kamay. Alam ni Marvin an ang bawat ilaw ay mula sa High Witchcraft Authority. Sa mga legends, ang kapangyarihan ng Anzed Witches ay nagmula sa 7 High Witchcraft Authority. Ang pito sa kanila ay bumuo ng scepter. Kinalaunan, dahil sa paglalaban, ang scepter ay naging pitong petals.Sinabi ng legend na kung sino man ang makakuha ng pitong petals ay magagawa ang supreme scepter at hahayaan ang Anzed Witches na ibalik ang kanilang glory. Bago pumunta sa Crimson Wasteland, si Hathaway ay nagawa nang kolektahin ang limang petals. At sa Wilderness Hall, nakuha niya ang 6th petal, ang Cyan Petal, salamat kay Marvin na tumulong sa Ethereal Jar. Ang Cyan Petal ay ninakaw ng Wilderness God noong matagal nang panahon. At dahil ang Witchcraft na iyon ay bagay sa kanyang avatar, pinagsama niya ito. Pagkatapos sa Ethereal Jar, ang Cyan Petal ay bumalik sa orihinal na porma nito, handa nang sumama sa iba. Kaya, ang kasalukuyang Hathaway ay mayroon ng anim na High Witchcraft Authorities. Ang 7th petal ay nakalagay sa Cold Light Grasp na gumagamit ng napakakumplikadong technique, kaya sa ngayon, si Hathaway ay maaari lamang itabi ang mga patalim. Hindi niya mapagsama ang Night Petal sa ngayon.
Nang ginawa niya, ang kapangyarihan ay tataas na naman nang sobra. Ngunit sa ngayon siya ay napipilitang gumalaw ng wala ito. Ang Wilderness God ay mas nagiging makapangyarihan na. Kahit ang Lich ay binibigay ang lahat, ang ritwal ay malinaw na nasa kanyang pabor! Ang Divine Vessel sa likod ng petrified man ay mas nagiging malinaw. Ngunit pagkatapos gumalaw ni Hathaway, ang sitwasyon ay nagalaw muli. Isang malaking halaga ng nakatagong Witchcraft power, na mas mataas kay Bandel, ay sumabog mula sa kanyang katawan at nagawang pigilan ang aura ng Wilderness God!... "Hindi ito isang bagay na pwede tayo mangielam, " Biglang sinabi nang mapait ni Minsk. Siya ay isang Half-God, lubos siyang makapangyarihan dahil namana niya ang bloodline ng Ancient Nature God, at ang kanyang talento ay kahanga-hanga. Kahit na sa paglalakbay sa Crimson Wilderness, hindi siya nakatagpo ng problema. Ngunit matapos makita ang Wilderness God, wala siyang magawa. Lalo na sa oras na ito, hindi siya nakulong. Ngunit hindi pa rin siya makakasali. Ang kanyang strength ay nagbibigay diin sa Nature. Ngayon, ang Nature Power ay naaagnas, hindi niya makausap ang Ancient Nature God, at kailangan pa niyang mabawi muli ang kanyang sariling kapangyarihan. Hindi niya magagawang makipaglaban sa muling pagkabuhay ng Wilderness God. "Umalis na tayo dito nang mabilis." Si Marvin ay tahimik. Tinantsa niya sa kanyang sariling antas ng kapangyarihan, ang pagharap sa Wilderness God ay mahirap. Kahit na gamitin niya ang lahat ng kapangyarihan ng Divine Vessel, hindi niya magagawang may gawin sa kamalayan ng Wilderness God. Ito ay nakakalungkot nang bagay. Tumango siya. Hinahawakan si Molly habang nakatingin kay Hathaway. " Tama siya, kailangan n'yo na umalis." Ang mga salita ni Hathaway ay mabilis ngunit malumanay at inabot ang puso ni Marvin. "Maaari kong hindi magawang patuloy na pigilan siya.""Mag-ingat ka rin," Si Marvin ay sumagot nang may mabigat na pagpapahayag.
Nagawa nilang kontrolin ang flying Withcraft na ginawa ni Hathaway sa kanila hangga't ito ay manatiling aktibo, kaya't hindi ito magiging problema upang mabilis makaalis si Marvin. Ngunit hindi pa nga sila masyadong nakakalipad bago ang isang ungal ay nadirekta sa kanila! "Iyana ng aking kayamanan!""Hindi kayo maaaring umalis!" Isang makapangyarihang gravitational force ang tumulak sa katawan ni Molly. Ang batang babaeng ito, na tinitiis ang sakit nang ganito katagal, ay biglang dumura ng dugo. At hindi lamang si Molly ang nasaktan, pati na rin si Marvin ay nawala sa bantay. Ang epekto ng Witchcraft ay nawala, at nahulog siya mula sa langit habang ang pwersa ay patuloy na tumulak sa kanila! Maswerte, si Marvin ay nagawang ayusin ang kanyang sarili habang nahuhulog, sinisigurado ang kaligtasan ni Molly sa kanyang yakap! Ang kanyang likod ay tumama sa lupa! Ito ang unang pagkakataon na si Marvin ay nahulog mula sa ganoong taas, ngunit nagpapasalamat, ang kanyang katawan ay Pulido sa pag-abot sa Legend realm. Ang makakamatay sa non-Legend ay makakasakit lamang sa kanya! 'Ang taong iyon ay abala kay Bandel at Hathaway, ngunit may strength pa rin upang pigilan ako!' Si Marvin ay nag-alala. Hindi niya mapigilang tumingin sa [Ancestor Mystery] na nakatago sa kanyang pulso! Ang mga pulseras na ito ay ginamit ng Cridland Clan upang kontrolin ang Archdevil head. Ngunit si Marvin ay napansin na mayroong kakaiba sa mga ito. Dapat malaman na ang huling may-ari ng mga pulseras ay ang lolo ni Marvin, si Diross! Sa nakatagong parte ng pulseras, nakita niya ang communication imprint. Ang imprint na ito ay mas mababa sa 100 years old. Sinabi ni Marvin na ang imprint na ito ay dinagdag ni Diross. Upang matalo ang isang God gaya ng Wilderness God, mukhang kakailanganin niya talaga ang strength ni Diross. Hindi pa ginagamit ni Marvin ang communication imprint dahil hindi siya masyadong sanay na maging malapit sa hell's forces. Sinong nakakaalam sa plano ng kanyang lolo? May hangganan sa ideya na"blood is thicker than water." Sa Universe na unti-unti nagiging baliw, ang kabaitan ay madalas isang kayamanan, ngunit minsan, ang mga basic morals din.
Hindi alam ni Marvin ang presyo upang humingi ng tulong kay Diross. Naramdaman niya na bawat oras na nakakuha siya ng tulong sa Hell, siya ay bumubuo ng utang…Nag-aalala siya na isang araw, magkakaroon ng Hell upang magbayad. At maraming bagay ang hindi niya magagawang bayaran. Kaya, hindi niya ito gagamitin hangga't hindi ito ang huling pwedeng gawin. Ngunit ngayon, ang oras ay mukhang dumating na. Hindi lamang siya. Si Minsk, ang Jade Banshee, ang Two-Headed Bone Dragon ay sinubukan ding umalis. Ngunit ngayon ay hindi na ito magawa. Ang kapangyarihan ng Wilderness God ay tinatakpan ang buong yungib. Ang paglabas nang ganoong kapangyarihan kahit kailangan pa niyang mabuhay muli ay nakakatakot. Si Hathaway ay napakalakas, ngunit kailangan pa niyang malinang ang anim na High Witchcrafts. Ang hinaharap na Ruler of the Anzed Witches, ang Ashes Queen, ay hindi ganoong masama gaya ng Wilderness God, ngunit siya ay wala pa masyadong karanasan! Kinalaunan, ang Witchcraft power ay unti-unti humihina. Ang ritwal ay mabagal na napupunta sa pabor ng Wilderness God. Mas maraming basag ang lumitaw sa katawan ni Miss Silvermoon! "Kahit na ibayad ko ang lahat!" Ang boses ng Lich ay naging isa ng nagluluksang ungal! Ang hamog sa ibabaw ng kanyang katawan ay naging sobrang manipis. Ang kanyang kapangyarihan ay malapit nang maubos at gusto niyang gumawa nang huling galaw. Nagbigay siya ng huling tingin sa estatwa ni Miss Silvermoon, bago magmadali ang maitim na hamog sa petrified man sa rurok ng bituin! Si Molly ay biglang binuka ang kanyang bibig at naglabas ng naguguluhang "Eh?" Sa sandaling iyon, isang malambot na boses ang huminga. Ang hinga ay narinig sa bawat isip ng mga tao gaya ng tubig na umaagos nang malumanay, ginagawang maging komportable ang lahat. Isang malabong anino ang nasal abas ngayon ng array. Ito ay parang may buwan na umangat sa madilim na yungib. Purong kalamigan. Mataas at kagalang-galang, "Faniya…Dumating ka rin." Ang baton a tumatakip sa mata ng lalaki ay nasira, pinapakita ang nagdudugo niyang mga mata!