Hathaway.
Hindi naisip ni Marvin na maririnig nita ang pangalan na ito sa Autumn Hunting Ground ng Wilderness Hall, lalong-lalong hindi niya inasahana na maririnig ito sa isang malakas na nilalang na ilang taon nang nabubuhay.
Noong una ay akala niya na mali ang kanyang pagakarinig. Posibleng katunog lang ng Hathaway ang binanggit nitong pangalan.
Nagtanong siya sa Winter Assassin para makasiguro, at kinumpirma ng Winter Assassin ito.
Ang Witch na gumawa sa kanyang Wisp ay Hathaway nga ang pangalan.
.
Sinabi nitong isa siyang Anzed Witch at mayroong siyang ginagawang mahalagang misyon na may kinalaman sa muling pagkabuhay ng mga Anzed Witch. Dahil may tungkol ito sa pagmamay-ari ng Cold Light's Grasps agad na tumanggi ang Winter Assassin.
Kaya nauwi ito sa isang labanan.
.
Minalas siya, at kahit ang Winter Assassin na nagawang mang-ambush ng God, ay natalo dahil sa sunod-sunod at kakaibang Witchcraft.
.
Kahit na walang masyadong nalalaman ang Winter Assassin tungkol sa Witchcraft, alam niya na ang isa sa mga dahilan ng kanyang pagkatalo ay dahil sa palihim na pagsuporta ng isang God sa Witch na ito.
Hindi alam ng Winter Assassin kung sinong God ito. Lalo pa at dahil sa [God Ambush], maraming God ang nagalit sa kanya, kaya maaaring maging sino man ito.
Basta sigurado lang siya na tinulungan si Hathaway ng isang Ancient God dahil nakarinig ito ng Ancient God Language habang naglalaban sila.
Nararamdaman ni Marvin ang pa-aatubili ng Winter Assassin sa kanyang boses habang ikinukwento ang laban na ito.
Gamit ang sarilin pannalita nito, "kahina-hinala" ito.
At ang naging resulta ng laban na ito, ilang taon siyang isinumpa. Ni hindi nito alam kung gaano katagal na panahon na ang lumipas, pero malamang ay nasa 800 taon na ito. Lalo pa at ang Winter Assassin ay kilalang personalidad noong patapos na ang 3rd Era. Marami pang mga God ang hindi pa nakakapag-ascend noon isinumpa siya.
Ang Assassin Alliance na itinatag niya ay maituturing nang isang organisasyon. Hindi ito pag-aari ng South Wizard Alliance at itinuturing itong ninuno ng modernong Assassin Alliance.
Kaya makikitang matagal na panahon na ang lumipas mula nang mangyari ito.
Nag-iisip si Marvin, makikita ang matinding pagsimangot sa kanyang mukha.
Nasa animnapung taon naging aktibo ang Winter Assassin noong 3rd Era, at nangyari ang pagbagsak ni Miss Silvermoon bago iyon. Nagkataon naman na nakuha ng Winter Assassin ang Cold Light's Grasps, at siya na ang naging amo ng mga ito.
Pagkatapos nito, ninakaw ng Anzed Witch ang Cold Light's Grasps at inilagay ito sa loob ng Wilderness Hall.
Masyadong kaduda-duda ito.
Noong huling nakita ni Marvin si Hathaway, sinabi nitong siya ang Witch Queen.
Sa ngayon, kahit papaano ay nauunawaan na ni Marvin ang Witchcraft. Ang looping curse ni Hathaway ay nabali na dahil kay Dark Phoenix, at ang pabalik ng kakaibang mga alaala ang naging isa sa mga resulta nito. Kahit paano ay nauunawan na ni Marvin…
Pero hindi niya maisip na isang libong taon nang nabubuhay si Hathaway
Hindi kaya, dalawang magkaibang tao sila?
Dahil sa kanyang pagdududa, sinubukang kumpirmahin ni Marvin ang itsura ng Witch na gumawa sa kanyang Wisp.
Pero hindi na maalala ng Winter Assassin kung ano ang itsura nito.
Karamihan sa mga alaala nito ay naselyo matapos niyang matalo sa Witchcraft nito.
Kahit na may ilang bagay siyang naaalala tungkol sa kanilang laban, hindi niya maalala ang ano mang detalyeng may kinalaman sa itsura nito.
Nalungkot naman ang Winter Assassin dahil dito.
Bilang Legend na aktibo noong 3rd Era, inasahan ng karamihan na mag-aascend siya, at hindi ang napakasamang si Glynos.
Nagkataon lang na mayroon siyang nakaharap na makapangyarihang kalaban at naiselyo nang isang libong taon. Sino pa naman ang hindi malulungkot sa pangyayaring iyon.
…
Dahil hindi nito makumpirma ang itsura ni Hathaway, hindi nakakuha ng karagdagang imormasyon si Marvin tungkol dito.
Nararamdaman niyang may mas malaking lihim pa naghihintay na maibunyag, na dahilan ng muling pagbubukas ng Widerness Hall
Wilderness Hall, Miss Silvermoon, Lich Anzed Witch …Siguradong may magandang paliwanag sa lahat ng ito. Mayroon nang nalalaman si Marvin pero mayroon pang kulang para maipagtagpi-tagpi niya ang mga pangyayari.
Gayunpaman, naroon na siya sa Hunting Ground, sisiguraduhin niyang makikita niya ang Wilderness Hall.
Lalo pa at nakumpirma nang hindi ang Wilderness God ang nagbukas ng Wilderness Hall, kundi ang Lich. At base sa impormasyon nakuha niya sa Holy Light City, nakumpirma rin ni Marvin na pumasok rin si Minsk sa Wilderness Hall.
Hindi niya makakalimutan na ang misyon niya sa pagpunta sa Crimson Wasteland ay para hanapin ang lalaking ito.
Maaari rin siyang makakuha ng mga hindi inaasahan bagay sa pagpasok niya sa Wilderness Hall.
Isa pa, paulit-ulit na sinasabi ng Winter Assassin na mahalaga ang Cold Light's Grasps sa kanya at kay Isabelle. Wala naman kay Marvin ang tulungan ang mga ito.
.
Kahit na nakaka-akit ang mga Artifact, marami pang iba nito.
Ang Cold Light's Grasps ay mga straight dagger, at kahit na maaari niyang magamit ang mga straight dagger bilang epektibong sandata dahil sa kanyan Ruler of the Night class, mas may karanasan pa rin siya sa mga curved dagger sa mundong ito. Kung pipili siya ng Artifact-level na sandata, hindi ang Cold Light's Grasps ang una sa kanyang listahan.
…
Sa mga sumunod na araw, wala nang nakaharap na panganib sina Marvin at Isabelle dahil sa gabay ng Winter Assassin.
Hindi na nila nakaharap ang grupo ng Dream Shrine. Marahil natakot na si Wayn dahil sa ipinakitang lakas ni Isabelle, kaya hindi na ito nangahas na bumalik kahit na mayroong kasama.
Natuwa naman si Marvin na naiwasan na niya ang banta na ito.
Ngayong nagtutulungan na sila ni Isabelle, hindi na siya nag-iisa at madali na nilang nadidispatya ang mga halimaw.
Dahil sa Winter Assassin, ang kahinaan ng mga halimaw na ito ay madali na lang makita.
Hindi nagtagal ay mayroon na silang sapat an Hunter Imprint.
Ang kasalukuyang si Isabelle ay hindi na ang mapagmatigas at mahinang batang babae.
Naging isa na siyang tunay na Assassin.
Sa mga laban na iyon, kahit na nakumbinsi n ani Marvin at ng Winter Assassin ito na wag nang gamitin ang kanyang innate ability, nagpamalas pa rin ito ng pambihirang tapang at lakas na nakaramdam ng kaunting takot si Marvin.
Sa murang edad nito, umabot na agad ang Stealth nito sa limitasyon at mukhang malapit-lapit na ito kay Marvin, na isang dating Assassin.
Tungkol naman sa mga skill, ang pinakamahusay na Assassin sa kasaysayan ang Feinan ang nagtuturo sa kanya kaya malinaw na sapat ang kaalaman niya dito.
Naramsaman ni Marvin na kung gagamitin nito ang kanyang innate ability, mahihirapan siyang maiwasan ang pag-assassinate nito, kahit pa alam niyang paparating ito.
Hindi sinusunod ng Flicker ang lahat ng Law!
Talaga ngang nakakatakot ito.
Ang skill na rin na ito ang dahilan kung bakit nakaramdam ng kaunting inggit ang Winter Assassin.
Malapit na si Isabelle sa kanyang huling pagsubok, at kapag nagawa niya ito, ituturo na ng Winter Assassin sa kanya ang huling skill niya.
Ang isang pambihirang powerhouse gaya ng Winter Assassin ay mayroon pa ring skill na ituturo kay Isabelle. Kung ibang tao ang naging Teacher ni Isabelle, siguradong wala silang masyadong maituturo dito.
…
Matapos makaipon ng sapat na Hunter Imprint ang dalawa, ang susunod nilang kailangan gawin ay maghintay.
Maghintay na magbukas ang Wilderness Hall.
Sa tantya ng Winter Assassin, aabutin ito ng tatlong araw, at sa loob ng tatlong araw na iyon, magsasara na ang Hunting Ground.
At kapag nangyari iyon, ang mga taong walang sapat na Hunting Imprint ay makukulong sa loob nito at mamamatay.
At ang mga mayroong sapat na Imprint ay makakaalis na sa lugar na ito at magtutungo sa mas mapanganib na Wilderness Hall.
At gaya ng inaasahan, pagdating ng ikalawang araw matapos makaipon ng sapat ng Imprint ang dalawa, isang nakakagulat na pagyanig ang nanggaling sa kaibuturan ng Autumn Hunting Ground, at isang malaki gate na gawa sa tanso ang lumitaw.
Muling umalingawngaw ang boses ng Lich:
"Dahil nagawa niyong manatiling buhay, isa itong patunay na sapat ang inyong lakas para masaksihan ang kasaysayan."
"At dahil soon, maaari na kayong pumasok."
"Bumukas na ang Wilderness Hall. Kailangan naman talaga ng manonood ang lahat ng pambihirang pagtatanghal, hindi ba?"
Kasunod ng sinabi ng Lich, ilang anino ang sunod-sunod na lumitaw sa paligid.
Nakaramdam ng matindi at madugong awra si Marvin sa paligid nila.
Ang lahat ng nanatiling buhay sa Hunt ay malalakas. Agad naman silang nawala malapit sa tansong gate.
Sa tantya ni Marvin, nasa isang daang Legend ang pumasok sa Hunting Ground, pero hindi na lalagpas sa 20 ang natirang buhay.
Kahit ang makapangyarihang Dream Shrine ay nabawasan ng dalawang Paladin.
Kahit pa nagtutulungan ang mga ito, na dapat ay mas ligtas at mas maayos ang kanilang kalagayan.
Si Marvin at Isabelle ay tahimik na nagtago malapit sa tansong gate habang tahimik na binibilang ang dami ng mga tao.
Mayroong 16 na Legend doon na mayroong sapat na Hunter Imprint, sa kabuoan ay 18 kung isasama sina Marvin at Isabelle.
Ang iba pa ay namatay na sa Hunting Ground.
Malamang ay natunaw na sa Acid Rain ang kanilang mga katawan bago muling hinigop ng nakakatakot na lupa.
Noong lumipas na dalawang araw, bumubuhos ang Acid Rain kada apat na oras, at tumatagal ang bawat isa nito nang sampung minuto,
Nakumpirma na ni Marvin na isa itong pag-aalay at ang lugar na iyon ay isang Sacrificial Ground.
Siguradong may mas malaking pang panganib na nakaabang sa kanila sa likod ng tansong gate.
Gumawa ng isang malaking laro ang Lich at siguradong hindi sila naimbitahan dito para maging manonood.
Pero wala na silang magagawa kungdin sundan ang daan na inihanda sa kanila ng Lich at dahan-dahan na maglakad dito.
…
"Tara na, wag lang kayong manuod."
"Nararamdaman kong malapit nang sumara ang gate, mayroon na lang siguro kayong limang minute." Pagpupumilit na sabi ng Lich, "Kahit pa mayroong ngang binabalak ang Lich na sinasabi mo, wala naman na tayong magagawa."
Tumango si Marvin at pumasok na sa gate kasama si Isabelle.
Muling nagkaroon ng Space Distortion.
Matapos na maging maayos muli ang kanilang kapaligiran, nakita nilang nasa loob sila ng isang malawak na templo.
Mayroong kakaibang ivy na nakasabit sa templo.
Naiiba ito sa mga orfinaryong halaman, napakarami nitong tinik at mayroon manipis na likidong malagit!
Amoy dugo ang lugar na ito at mayroong pang panatikong kapaligiran.
Malawak ang templo. Nasa gitna sila nito at mayroon silang nakikitang kulay pulang ilaw na kumikisap-kisap sa dilim.
Naririnig nila ang ingay ng isang labanan mula sa kalayuan!
– Tingnan natin kung ano 'yon –
Senyas ni Marvin kay Isabelle.
Agad naman sumang-ayon si Isabelle at gumamit ng Stealth.
Nag-usap ang dalawa sa tulong ng Wisp at mabilis silang lumapit sa direksyon ng ingay.
…
Sa isang sulok ng templo.
Isang lalaking nakasuot ng itim na balabal ang mahinahong nakatayo sa gilid.
Mayroong makapal na hamog sa likuran nito at sa gitna ng hamog, maaaninag ang isang Two-Headed Bone Dragon.
At tabi nito ay ang napakagandang Banshee!
'Siya nga!'
Ngayon na nahanap na nila ang may pakana ng lahat ng ito, magiging mas madali na nilang mahaharap ang sitwasyon.
Ang soul fire sa mata ng lalaki ay natatangi, siguradong isa itong [Lich].
Ang grupong lumalaban sa kanyang harapan ay ang grupo ng mga Adjucator ng Dream Shrine!
Ang dating buhay na buhay na Cleric ay kaawa-awa na ang kalagayan.
Nabawasan na sila ng dalawang Paladin sa Hunting Ground. Dahil sa apat na Paladin at si Paladin Griffin na lang ang natira, pati na ang Cleric, mahihirapan silang indahin ang mga atake ng Lich… Pero hindi ang Lich ang umaatake!
Nanlaki ang mata ni Marvin.
Ang nagpapahirap sa mga ito ay mga cyan ivy!
'Mapanganib ang mga ivy na 'to.'
Tiningnan ni Marvin ang mga baging na gumagapang na pinapalibutan at inaatake ang grupo ng Dream Shrine, hindi mapigilang mabahala ni Marvin.
Ang bawat baging ng ivy ay malakas, at hindi ito napuputol sa bawat atake ng espada ng mga Paladin na mayroong enchantment ng Divine Power.
Malakas din ang mga tinik ng mga ito.
Nararamdaman ni Marvin na unti-unting hinihigop ng ivy ang sigla at ang Divine Power ng mga biktima nito!
Sadyang nakakatakot ang kakayahan na ito.
'Sandali… Balot ng ivy ang buong templo… hindi maganda 'to!'
At nang maisip ito ni Marvin, huli na ang lahat.
Bigla siyang nakaramdam ng sakit sa kanyang tiyan!
Dalawang baging ng ivy ang nakapulupot na sa kayang baywang nang hindi niya napapansin!
"Aaah!"
Sa di kalayuan, napasigaw rin nang mahina si Isabelle dahil sa pagkakapulupot ng ivy sa kanya.
Noong una ay naisip nitong gamitin ang kanyang innate ability para makatakas, pero tiningnan at sinenyasan siya ni Marvin.
Nagdalawang-isip si Isabelle pero sa huli, hindi na niya ginamit ang kanyang ability at binuhat na siya ng cyan ivy.
Ganoon din ang nangyari kay Marvin.
Mukhang walang balak ang cyan ivy na patayin sila. Sumilip si Marvin at tiningnan kung ano ang binabalak ng Lich.
Hindi makakabuti kung aatake sila ngayon.
Mas mabuting siyasatin muna nila ang kahinaan ng kalaban bago sila gumawa ng desisyon.
Pero sa pagtingin sa kanyang paligid, nagulat si Marvin.
Ang dalawa ay patuloy na binubuhat ng ivy at itinaas sila nang itinaas hanggang sa umabot na sila sa kisame.
At noong oras na iyon, napagtanto nila ng puno ng mga tao ang kisame!
Ang mga taong narito ay hindi lang ang mga Legend powerhouse na lumaban sa Hunting Ground, mayroon din mga bagong mukha.
At marami ring mga tuyot na bangkay!
Hindi mapigil ni Marvin ang pagkibot ng talukap ni Marvin.
Isang lalaking nasa kisame rin ang pumikit at makikita ang pagkahinahon nito.
Nakilala siya ni Marvin.
'Half-God Minsk!' Sigaw niya sa kanyang loob-loob.
Bigla naman nilang narinig ang boses ng Lich mula sa ibaba. "Hindi ko inakalang may dalawang isdan makakakawala sa lambat, muntik na kayong makatakas."
"Wala na ring silbi kung makatakas man kayo. Dahil pagpasok niyo pa lang sa Wilderness Hall, hindi niyo na matatakbuhan ang kamatayan niyo."
"Isa ka mang hindi kilalang tao o taga-sunod ng makapangyarihang Dream God, ang lahat ay magiging tagapanood ng palabas na ito… at syempre walang makakatakas sa pagiging pataba."
Tumawa ang Lich. "Patas naman ako, hindi ba?"