Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 526 - Winter

Chapter 526 - Winter

Bigla na lang napansin ng magkabilang panig na mayroong magandang babaeng nakatayo sa pagitan nila.

Ang anino niya ay unti-unting lumitaw sa baybayin ng maliit na ilog, nakataikod ito sa dalawang Dream Guardian at mahinahon ang reaksyon nito.

Naramdaman ni Marvin na pamilyar ng babaeng ito.

Pero hindi niya ito nakilala.

'Ang mga pulang mata na 'yon…'

Tila may napansin si Marvin.

Pero muli itong nagtanong, "Kalaban mo ba ang dalawang 'to?"

"Hoy," naiinip na sabi ni Swift, "Mortal, kung ayaw mong mamatay, wag ka nang makialam."

"Kahit na ayokong pumapatay ng babae, kung makikialam ka sa misyon naming, hayst."

Biglang bumagsik ang mga mata ng babae, "Naiintindihan ko na, kalaban mo nga sila."

"Sino ka?" Nagtatakang tanong ni Marvin.

Pinaling ng babae ang kanyang ulo at nagtanong pabalik, "Mahalaga pa ba 'yon?"

Natigilan si Marvin.

Tila kakaiba ang babaeng ito na bigla na lang lumitaw.

Tumawa ito bago sinabing, "Paano naging hindi mahalaga 'yon? Eh hindi naman kita kilala."

Mahinahong nagsalita ang babae, "Ah"

Pagkatapos ay bigla na lang itong nawala.

Sumimangot ang dalawang Dream Guardian na nasa kabilang dako ng ilog.

Biglang sumigaw si Wayn, "Ingat!"

Biglang nagkaroon ng Space Distortion sa kanilang paligid!

"Hindi ko inasahan na may kasama ka, peste ka!" Ngumisi si Swift, tila kampante pa rin ito. "Balak mo kong saktan gamit ang ganitong level lang ng lihim na pag-atake?"

Hindi lang ito nandigan at hindi umtaras, sa halip ay umabante pa ito, isang kulay berdeng Divine Spell ang lumalabas mula sa kamay nito.

Napakaraming kumikislap na kulay berdeng liwanag ang bumuo ng isang matibay na barikada.

Sa isang iglap, napansin ni Marvin na naseselyohan na ang lugar.

Mapipigilan nito ang ano mang space-shifiting na skill!

'Hindi maganda 'to.'

Nanlumo si Marvin.

Kahit ano pa man ang nangyayari,, sinusubukan siyang tulungan ng babae. Hindi maganda kung masasaktan ang babae dahil sa dalawang Dream Guardian.

Pero noong tutulungan na niya ito, isang kakaibang eksena ang nangyari.

Sa ilalim ng berdeng liwanag, biglang lumitaw ang babae, tila mabagal ang pagkilos nito na tila ba mayroong pumipigil sa kanya.

Humagikgik naman sa tuwa si Swift.

Pero biglang nawala ang kanyang ngiti.

Gumalaw ang babae at lumusot ito sa barikada!

Namutla si Swift!

Hindi na rin nakagalaw si Wayn, marahil dahil kampante ito na magiging epektibo ang Divine Spell.

Ang mga Legend law ay tunay na walang bisa, pero bakit hindi umepekto ang kanilang Divine Spell?

Pero wala na silang oras na pag-isipan ito.

Ang babae ay may hawak na maikli pero matalim na dagger sa kanyang mga kamay. Mukhang hindi ito gaanong mabilis pero mayroong itong pambihirang ritmo at tyempo.

Bigla na lang itong lumitaw sa harap ni Swift.

Bigla siyang tiningnan ng babae at namanhid agad si Swift!

May hawak itong dagger sa kanyang bibig!

Mukha itong isang walang pusong nilalang, at naglalabas ng malamig na awra.

Ang ganitong klase ng kagustuhang pumatay… Walang nakakaalam kung gaano na karaming tao ang pinatay niya para umabot siya sa ganito.

Hindi dapat ito mararamdaman sa isang babaeng napakabata pa.

Hindi na mabilang ang mga ekspedisyon na napuntahan ng mga Dream Guardian sa iba;t ibang lugar sa loob ng maraming taon, kasama na dito ang: Crimson Wasteland, ang Abyss Battlefield, at iba pang mga lugar ng pakikipaglaban. Hindi na mabilang ang mga nilalang na pintay ng mga ito.

Pero sa kabila nito, hindi sila nagkaroon ng ganitong klase ng kabagsikan, at natakot pa sila sa inilalabas na awra ng babaeng ito.

Sa katunayan, hindi lang sila. Kahit si Marvin ay kinilabutan noong sana ay tutulungan na niya ito.

Tiningnan niya ang kanyang interface at nakita na ang bagsik ng babaeng ito ay nagdulot ng isang willpower check na walang kapantay!

Kahit si Marvin na napakataas ang willpower, ay tinablan nito,

'Sino ba ang babaeng 'to?'

'Bakit niya ko tinutulungan? At ang mga mata niya, bakit… Hindi kaya…? Pero hindi tugma ang edad nila!'

Nagdalawang-isip si Marvin.

Sa isang iglap, hinihiwa na ng babae si Swift.

Sa kritikal na pagkakataon na ito nagpakita ng determinasyon ang Dream Guardian.

Pilit nitong pinasa ang willpower check, at kahit na naninigas pa rin ang katawan nito, nagawa nitong bunutin ang kanyang espada at umatake pabalik sa babae!

Magkalapit lang ang dalawa, at muhkang imposible ang pag-iwas sa mga atake.

"Swush!"

Ito ang tunog ng pagsaksak ng dagger sa isang puso.

 Tinitingnan ni Wayn ang napakabilis na pagkilos ng babae, nakadama siya ng gulat at galit.

Sa bilis nito, nasaksak nito ang puso, lalamunan, at ang batok ni Swift gamit ang tatlong dagger!

Matapos niyang magawa ang kanyang pag-atake, umatras ang babae papalayo sa maliwanag na Divine Spell ng nga Dream Guardian.

Tinitigan lang nito si Swift.

Nanlaki lang ang mata ng makapangyarihang Dream Guardian habang unti-unti nang nawawalan ng lakas ang kanyang tuhod.

Namatay itong mayroong hinanakit!

Ito na ang pinakamagandang paglalarawan.

Makikita na ngayon ang takot sa mukha ni Wayn.

"Ikaw… Ikaw ang Winter Assassin?"

Nauutal na si Wayn sa sobrang takot!

Ang Winter Assassin ay kilalang pangalan sa mga God Realm!

Bilang isa sa mga nagtatag ng Assassin Alliance, ang taong ito ay mas sikat pa kesa sa masamang Shadow Prince!

Sinasabi na nagsagawa ito ng isang ambush sa isang God noong kalakasan nito!

Kahit na pumalya ang pag-atake at hindi niya napatay ang dapat niyang patayin, nakatamo ng malubhang pinsala ang God at pagkatapos nito ay gumuho ang God Realm nito.

Mayroong balita na nakikipagsabwatan ang Winter Assassin sa mga Anzed Witch at mga Devil, at nakakakuha ito ng napakalakas na kapangyarihan mula sa kanila.

Isa itong kilalang alamat sa Feinan. Pero matapos nitong itatag ang Assassin Alliance, kalaunan ay nawala na ito at nagretiro na.

Pero dahil sa [God Ambush], kinilala ang lakas ng Winter Assassin sa mga God Realm.

Maraming senyales na nagsasabing buhay pa ito at nagtatago lang.

Ang mga Dream Guardian gaya nila Swift at Wayn alam ang tungkol dito.

Sa bagsik nito ay pakiramdam ng mga tao ay nasa gitna sila ng isang marahas na tag-lamig.

Isang bagay na tanging, ang ma-alamat na Winter Assassin, ang makakagawa.

Lalo pa at sa kalupaan na ito, mga powerhouse lang sila na pumapangalawa sa mga Divine Servant!

Sa harap ng pagkawala ni Wayn sa kanyang sarili, nakakagulat na lumingon ang babae at ngumit nang napakalaki. "Ano sa tingin mo?"

Nagngalit ang ngipin ni Wayn habang tinitingnan si Marvin, bago nito tiningnan ang bangkay ni Swift sa lupa. Nanatili itong tahimik at bigla na lang tumakbo palayo!

Natuliro naman si Marvin.

Napakabagsik ng babaeng ito.

Mabilis at walang kahirap-hirap niyang pinatay ang isang Dream Guardian?!

"Sino ka ba talaga? Sigurado akong hindi ikaw ang Winter Assassin," siguradong sabi ni Marvin.

Kumurap ang babae. "Hindi mo talaga ako nakikilala?"

"Sir Masked Twin Blades."