Chereads / Night Ranger (Tagalog) / Chapter 516 - Half-God’s Trail

Chapter 516 - Half-God’s Trail

"Pasensya na. Umiinom lang ako mag-isa."

Ngumiti si Marvin at hinid na pinansin ang reaksyon ng binatang barman bago ito tumalikod at umalis.

Naging seryoso ang mukha ni Marvin habang paalis siya sa Whisperer.

Nararamdaman niyang mayroong sumusunod sa kanya.

Kahit na hindi malinaw kung saang pwersa nagmula ang suusunod sa kanya, malinaw na hindi maganda ang intensyon nito.

Ito ang Holy Light City, ang teritoryo ng mga God!

Maraming ginalit si Marvin na God sa God Realm.

Naramdaman niyang mayroong mali nang lumapit ang barman. Masyadong masigasig ang batang iyon.

Kung nagtanong siya dito, maaaring mailathala na niya ang kanyang binabalak at posible pang makatanggap ng pekeng impormasyon.

'Gusto mo kong sundan?'

Ngumisi si Marvin at pumasok sa isang madilim na eskinita bago siya gumamit ng Stealth.

Nakarating siya sa pamilihang bayan matapos siyang tumawid sa eskinita at tahimik na nagpadala ng ilang Paper Clone sa iba't ibang direksyon kasabay ng bugso ng mga tao, kaya naman naligaw na niya ang sumusunod sa kanya.

Pero kahit na ganoon, hindi pa rin niya alam kung sino ang nasa likod nito.

Mahusay ang sino mang sumusunod sa kanya dahil hindi nito nabunyag kung sino sila.

'Binabantayan na ba nila ako pagpasok ko pa lang sa siyudad?'

Naalala ni Marvin na hindi man lang nagbago ang reaksyon ng gwardya nang tiningnan siya nito at ang kanyang dalang pass.

Iniisip niya ang kanyang mga ginawa, at wala siyang maisip na ginawa niyang mali.

Kaya naman, malamang isang Divination spell ang ginagamit para mahanap siya!

Dahil nasa Holy Light City siya, kung mayroong Divine Servan o Follower, na kapareho niya ng level, ang gumamit ng Divine Power para magsagawa ng Divination, magiging eksakto ito.

Kaya naman, kahitna pansamantalang nailigaw ni Marvin ang mga sumusunod sa kanya, hindi magtatagal at mahahanap siya muli ng mga ito.

Kaya ayaw niyang manatili sa isang lugar.

Gumamit si Marvin ng Disguise para muling mapalitan ang kanyang itsura at pumasok siya sa isa pang Tavern.

Naging direkta na siya sa pagkakataon na ito. Matapos na masigurong walang nagmamasid sa kanya, nakahanap siya ng isang Dwarf na mukhang maraming nalalaman.

"Kung naghahanap ng impormasyon, tamang ang pinuntahan mo."

"Walang bagay na hindi ko alam sa Holy Light City, pero ang presyo…"

Iniayos ng sakim na Dwarf ang kanyang salamin at sumenyas ng pera gamit ang mga daliri.

Itinulak naman ni Marvin nang walang imik ang dalawang Blood Essence Stone papalapit sa Dwarf.

Agad naman itong kinuha ng Dwarf at mayabang na sinabing, "Pwede ka nang magtanong."

Ibig sabihin, asapat lang ang dalawang Blood Essence Stone para simulan ang kanilang usapan. At ang tunay na impormasyon ay mangangailangan ng karagdagang bayad.

Kasalukuyan namang may kaya si Marvin. Marami pa siyang Blood Essence Stone na nakuha mula sa Demonic Altar.

MAs gugustihin niyang matapos agad ito dahil malapit na niyan magawa ang layunin niya.

"Hinahanap ko ang isang Half-God. Minsk ang pangala niya, at siya ang anak ng Ancient Nature God," mabilis na sabi ni Marvin.

"Minsk?" Sumimangot ang Dwarf. "Ilang taon na ang nakakalipas, pero may naghahanap pa rin kay Minsk? Saan ka nanggaling?"

Seryoso at walang pakialam naman na sumagot si Marvin, "Impormasyon ang binabayaran ko. Hindi ko kailangan sagutin ang mga tanon mo."

Tumawa naman at sumang-ayon ang Dwarf, "Sabi mo eh. Gusto mong impormasyon tungkol kay Minsk? 30 Blood Essence Stone."

Walang pag-aatubili naman na nagbayad si Marvin.

Matapos matanggap ang pera, mahinahong sinabi ng Dwarf, "Bata, huli ka na."

"Sa palagay ko, malamang ay patay na si Minsk."

Nanlaki ang mata ni Marvin.

Paglipas ng limang minuto , umalis na ng tavern si Marvin.

Habang ang Dwarf naman ay tiningnan lang ang likod ni Marvin hanggan sa mawala ito sa kanyang paningin at agad na tinawag ang barman.

"Ipagbigay alam mo sa dalawang sir ng Dream Shrine. Lumitaw na ang taong hinahanap nila."

"Siya nga pala, mukhang hinahanap ng taong iyon si Minsk. Sabihin mo, regalo ko na sa kanila ang impormasyon na 'yan, wag ka nang humingi ng kapalit sa kanila."

Tumango ang barman at nagtatakang nagtanong, "Ang storying sinabi mo sa kanya tungkol sa Half-God Minsk, totoo ba 'yon?"

"Tinitigan lang siya ng Dwarf. "Syempre. Nagbebenta ako ng impormasyon. Mahalaga sa akin ang reputasyon ko. Dalawang magkaibang bagay ang mga 'to. Hindi ako mababayaran ng mga tauhan ng Dream Shrine para magsinungaling. At hindi kuripot sa pagbabayad ang batang 'yon, ganoon ang mga gusto kong tao."

"Ang isang hindi kuripot na parokyano ang papatayin ng mga tauhan ng Dream Shrine, sayang naman."

Sa isang sulok ng Holy Light City, nag-Disguise muli si Marvin bilang isang lalaking nasa katamtamang gulang at tahimik na kumakain ng tinapay.

Nag-iisip pa rin ito habang naglalakad.

'Nagpunta talaga si Minsk sa bali-balitang [Wilderness Hall]… Ano kayang nangyari sa kanya?'

'Hindi naman siguro nagsisinungaling ang Dwarf na 'yon. Nang magpadala si Minsk ng sulat sa Migratory Bird Council, hindi pa siya nakakapasok sa Wilderness Hall. Pagkatapos noon ay pumasok na siya at wala nang balita sa kanya mula noon.'

'Sinasabing ang Eilderness Hall ay parang libingan ng mga Legend. Wala nang nakakalabas ng buhay doon, kahit mga Half-God. Hindi maganda 'to.'

'Isa pa, hindi palaging nandyan ang Wilderness Hall. Sinasabi na makikita daw ito sa kasukalan sa dakong silangan ng Holy Light City, pero kadalasan ay hindi ito nakikita. Bibihira itong magpakita sa mga tao."

'Pero maraming tao ang nagsasabing nakita nila ang Wilderness Hall noong mga nakaraan.'

'Nagkataon lang ba'to?'

Sumimangot si Marvin.

Walang gaanong naitulong ang karanasan niya sa paglalaro pagdating sa Wilderness Hall.

Ang Crimson Wastland pa nga lang ay isa nang lugar na hindi niya naabutan sa laro, kaya walang nagawa si Marvin kundi magpatuloy.

Base sa impormasyon na nakuha niya sa Dwarf, ang Wilderness Hall ay isang nakakatakot na temple na itinatag ng Ancient Evil God para mabuhay itong muli.

Sinabi niya na ang Wilderness Hall ay naglalaman ng napakaraming Artifact at makakapangyarihang spell, pero ang sa mga pumapasok ditto, wala nang nakalabas ng buhay sa mga ito.

Isang halimbawa na ang ay si Half-God Minsk.

Noong humimbing ang Ancient Nature God, nawalan na ng paggalang ang mga God kay Minsk.

Tulad na lang ni Miss Silvermoon, kahit na hindi magiging isa sa pinakamalakas sa Universe si Minsk, walang mangangahas na lumaban sa kanya.

Pero dahil sa hindi inaasahang pangyayari, pinili niyang pumasok sa Wilderness Hall, at tulad ng iba pang pumasok dito, hindi na siya nakabalik.

Kung iyon lang ang kabuoan ng pangyayari, babalik na sana si Marvin at ibabalita ito.

Pero nagkataon naman, na ang Wilderness Hall, na sinasabing nanatiling nakatago nang daan-daang taon ay muling nagpakita.

Ang mga tirahan sa dakong silangan ng Holy Light City ay mapayapa. Maraming napapadaan dito ang nakakita sa bakas ng Wilderness Hall.

Mayroon pa ngang nakapagsabi na ang [Cold Light's Grasp] ay nasa loob ng Wilderness Hall.

Hindi pa malinaw kung ang pagkamatay ni Miss Silvermoon ay may kinalaman sa Wilderness Hall.

Naalala naman ni Marvin ang [Secret Garden] ng Dead Area Continent dahil sa lugar na ito.

Walang nakakaalam kung isang patibong ang Wilderness Hall.

Maaaring pain lang ang Cold Light's Graps, tulad ng Magic Medicine King Eric ng Secret Garden.

Ang tunay na nasa likod ng patibong na ito na lalamunin ang lahat ng pumapasok dito!

'Hindi ko kailangan sumugal nang malaki dahil lang sa misyon ng Migratory Bird Council.'

Matagal na nag-isip si Marvin bago makapagdesisyon.

Ang pagkalanta ng World Tree ay isang bagay na hindi niya masosolusyunan nang mag-isa. Isa pa, nagpunta si Endless ocean sa Green Sea Paradise para maghanap ng ibng paraan. Ang hindi niya pagtatagumpay ay hindi nangnghulugan na wala nang pag-asa.

Habang iniisip ito, naghahanda na si Marvin na umalis na muna sa Holy Light City.

Pero muli niyang naramdaman na mayroong nagmamasid sa kanya!